Chapter 4

1885 Words
Kaya’s POV I am carrying Kohen Romano’s food tray. Kung puwede lang sanang lagyan ng ano, nilagyan ko na para mapadali ang trabaho ko. Kaya lang, hindi ako crimin@l, kaya never kong gagawin ‘yon. Habang naglalakad, maingat akong nakatingin sa daanan. Sabi kasi ng mga crew sa kusina kanina, hindi raw kinakain ni Kohen kapag magulo ang pagkakaayos ng pagkain niya. Ganoon ito kaarte kasi tamang hinala raw ito palagi. Kapag nagulo ang pagkain niya, akala raw nito ay may ginawa o ginalaw ito ng taong nagdala sa kaniya ng pagkain. Akala raw nito ay palaging nilalagyan ng l@son ang pagkain niya. Nangyari na raw kasi sa kaniya ‘yon noon sa ibang bansa kaya nagiging maingat na siya ngayon. He almost died from that, but it’s fortunate that all the doctors did everything to save him. Dahil sa pagiging sikat niyang mafia boss at makapangyarihan, marami ang gustong magpabagsak sa kaniya. Kaya ingat-ingat din si gago. Palapit na ako nang palapit sa owner’s suite nang bigla akong habulin ni Kellan. Naghahabol ito ng hininga nang harangin ako. “Mabuti naabutan kita,” sabi niya at saka nilagay sa tray na hawak ko ang kutsara at tinidor na nakalimutan palang ilagay doon. “Parang ‘yan lang, hinabol mo pa ako. Mayroon naman siguro siyang ganiyan sa suite niya,” sabi ko sa kaniya nang nakangiti. “Hindi, kahit mayroong ganiyan sa suite niya, kapag walang spoon at fork sa tray niya, ipapatapon ka niya sa dagat. At ikakamatay mo ‘yon kapag nangyari ‘yon,” sabi niya na kinakaba ko tuloy. Hindi ko alam na ganoon pala talaga kalala ang lalaking ‘yon. “Mabuti nga pala at naabutan mo ako.” Tila pinagpawisan tuloy ako kahit mahangin naman at malamig dito sa yate. “Hindi nga ako natuwa nang sabihin nilang ikaw pa ang pinagdala nila ng pagkain niya sa suite niya. Gusto mo bang ako na lang? Ako kasi ay kahit pa paano ay kilala na niya. Natatakot kasi talaga ako sa maaaring mangyari. Akin na nga lang ‘yan, Kaya,” sabi niya pero tumanggi ako. Gusto niya lang ata makakita ng mga hubu’t hubad na eh. Pero, hindi, alam kong concern lang siya sa akin. “Bumalik ka na sa kusina. Kaya ko na ito. Hindi ko naman na siya aawayin ‘di ba? Kakausapin ko na lang siya ngayon at hihingan ng pera. Ganoon na lang ang plano ko. Tanggap ko na rin kasi na wala rin akong magiging laban kung mag-uumpisa ako ng away laban sa kaniya.” Napangiwi na lang ang mukha niya sa akin. He could do nothing as I walked away from him. Pagkakataon ko na kasing makausap siya sa tahimik na lugar. My only wish is that he wouldn’t be harsh on me like he is with other people, especially my father. Narito na ako sa tapat ng pinto ng suite niya. Sabi ni Kellan, kumatok muna raw ako ng tatlong beses bago tumuloy sa loob. Asahan ko na rin daw na hindi ito sasagot kahit kumatok na ako sa pinto. Binuksan ko na ang pinto. Unang bumungad sa mata ko ang napakagandang private lounge area. Napapanganga tuloy ako habang nagkalat dito ang mga saplot ng pambabae. Mukhang tama si Kellan, may mga babae siyang kinaka-s*x sa loob ng master bedroom ngayong birthday niya. Kadiri naman. Napaisip tuloy ako bigla, ano kayang itsura niya sa personal? Nung ipakita kasi sa akin ni Kellan ang picture niya, mukha siyang matanda na. Pero sabi naman ng ibang staff na nakausap ko, sa personal daw ito nakakaakit. Hindi raw kasi photogenic ang Kohen na ‘yon. “Sir Kohen, your dinner is now ready.” Sa wakas ay nagawa ko nang makapagsalita. Maaaring nadinig naman na niya ako dahil nakaawang ng kaunti ang pinto ng master bedroom. “Bring it inside my room,” sagot niya habang seryoso ang boses. I took a deep breath dahil heto na, makakaharap ko na siya nang tuluyan. Naglakad na ako papasok sa kuwarto niya. Inaasahan kong makakakita ako ng mga hubu’t hubad na babae roon. Lalo na si Kohen. Pero dahil wala akong pakelam kahit makita ko silang ganoon, pumasok pa rin ako dahil kailangan. Nang itulak ng paa ko ang pinto, nagulat ako dahil siya na lang ang nakita kong naroon. Wala na ang mga babae. He stood by the window of his room, smoking, wearing only a bathrobe. “Ibaba mo na lang sa lamesa ko ang tray,” sabi pa niya nang hindi pa rin humaharap sa akin. Sinunod ko ang ginawa niya. Pagkatapos ay saka na ako naglakas ng loob na magsalita. “Nasa hospital ang tatay ko ngayon.” Nang sabihin ko ‘yon, kumabog na lalo ang dibdib ko. Sa puntong ‘yon, napaharap ko na tuloy siya. It seems I immediately caught his attention when I mentioned my father. Nang sa wakas ay humarap na siya sa akin ay nakita ko na rin sa wakas ang itsura ng mukha niya. Hindi ko lang inaasahan na hindi pala nakatali ang bathrobe niya. Nakita ko ang buong hubu’t hubad niyang katawan, kasama na rin ang nakalaylay niyang mahabang tité na kahit wala pang buhay ay malaki na agad. Puta, bakit ang daks naman ng isang ito. “A-anak ka ni Jose Santiago?” “I heard what you did to my father. I am angry, yes. Who wouldn’t be angry in such a situation? Mabuti na lang at naagapan at nabuhay pa siya.” “Ah, buhay pa pala siya? Akala ko namatay na. Handa pa naman na ang chekeng ipapaabot ko sa pamilya ninyo.” Nakakainit nang ulo nang sabihin niya ‘yon. Na para bang pera na lang pala talaga ang kapalit ng buhay ng tatay ko. Na para bang wala siyang takot sa ginawa niya. Sabagay, bakit nga naman ba siya matatakot kung mafia boss nga pala ito. Sanay siya sa mga kawalangyaang ginagawa. Sanay siyang pumat@y ng mga tao. Gusto ko sanang magalit at sigawan siya, nagtimpi na lang ako. Ayokong mapahamak. Tama si Kellan. Hindi ko na dapat siya kalabanin pa. “Maaari ko na bang kunin ang cheke?” Nang sabihin ko ‘yon ay bigla siyang tumawa. Naupo siya sa kama at saka tinanggal ang suot niyang bathrobe. Hindi siya nahiya sa akin na makita ko na ang lahat-lahat sa kaniya. Kung ang mga simpleng tao nahihiya na makita ang mga tinatagong parte ng mga katawan nila, itong si Kohen na napakayaman, hindi. Para siyang sir@ulo. Ngayon, kitang-kita na ang hubu’t hubad niyang katawan. Ang laki ng katawan niya. Ang ganda ng hubog ng bycep, dibdib, mga abs. Ang ugat din ng mga katawan niya. They’re right, he looks bad in pictures, but in person, you’ll be surprised because he looks like a celebrity. He’d probably look even more handsome if he shaves his beard and mustache. “Ayos na sana eh. Ipapadala ko na lang sana ang cheke na naglalaman ng isang daang milyong piso para sa tatay mo. Kaya lang nagpunta ka rito. Siguradong hindi ka naman na-hire bilang crew dito. At sigurado akong kaya ka naparito ay para gumanti. At alam mong puwede kitang ipakulong dahil trespassing ka. Anytime, puwede rin kitang ipapat@y dahil may karapatan ako dahil nasa teritoryo kita. ” Tumingin siya sa pagkaing dala-dala ko, “may nilagay ka diyan ‘no?” Ako naman ang tumawa. Pinilit kong hindi magpakita ng takot kahit ang totoo ay para ng may mga kabayong naghahabulan sa dibdib ko. “Nasabi na nila sa akin na may issue ka sa mga ganiyan, pero kahit i-check mo pa ang mga CCTV dito sa loob ng yate mo, wala akong nilagay o ginalaw sa pagkain mo.” Tumayo siya at saka lumapit sa akin. Nakipagtitigan siya sa akin. Nakipagtitigan naman din ako gaya nang gusto niyang mangyari. Hindi ako kumurap. Hindi ko siya inalisan ng tingin. Alam ko kasing tinitignan niya kung nagsisinungaling ako. Hindi naman ako tanga. “Mukhang hindi ka sinungaling kasi nakakaya mong tignan ako sa mga mata ko. Kung ganoon, ibibigay ko sa iyo ang cheke mamaya. Samahan mo muna ako dito sa kuwarto ko. Uminom tayong dalawa. Pero, gusto mo bang sampalin ako sa mukha ko?” Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit naman sa dinami-rami ng gusto niyang makainuman ay ako pa? Doon palang natakot at kinabahan na ako. Pakiramdam ko ay may pinaplano siyang gawin sa akin. Saka, bakit gusto niyang sampalin ko pa siya? Aba, gusto niya atang matabingi ang mukha eh. “I’ll let you slap me. I’ll let you punch me. I’ll let you hurt me. I deserve it. I have faults, so I’ll accept that.” Kinuha niya ang kamay ko, “sige, sampalin mo ako.” Hindi ako tuminag. Ayoko. Baka kasi kapag sinampal ko siya ay magalit siya sa akin at baka kung anong mangyari sa akin. “Sasampalin mo ako o ikaw ang sasampalin ko?” matigas niyang tanong habang nanlalaki ang mga mata. Natakot na ako lalo sa sinabi niya kaya wala na akong nagawa. Bigla na lang natabingi ang mukha niya nang sampalin ko siya nang isang malakas sa mukha niya. Nilakas ko na kasi naiinis na rin kasi talaga ako sa kaniya. “Sapat na ang isang malakas na sampal para sa galit na nararamdaman ko sa iyo,” pag-aamin ko habang nanginginig ang mga tuhod ko. Pagkasampal ko sa kaniya ay napangiti siya. “Sa buong buhay ko, ngayon lang mayroong sumampal sa akin. Mukhang kakaiba kang babae.” Hindi ko alam kung masaya ba siya o nagalit. Pakiramdam ko tuloy ay mali na sinampal ko talaga siya. “Lahat ng may galit sa akin, inalok ko na saktan at sampalin nila ako. Pero ni isa ay walang sumunod. Kaya ang nangyayari, kahit ako ang may kasalanan, sila pa rin ang nasasaktan dahil sila ang sinasampal ko dahil ayaw nila akong sampaling at gantihan. Binibigyan ko sila nang pagkakataong saktan ako pero ayaw nila. Masyado silang takot sa akin. Dahil ba mafia boss ako? Dahil ba makapangyarihan ako? Dahilan bilyonaryo ako?” Naupo siya sa lamesa at nagsimula nang kumain. “I like you,” bigla niyang sabi at saka ako tinignan nang seryoso, “ang sarap makaramdam ng sakit. Ang sarap ng sampal mo. Sa tingin ko, nakita ko na ang babaeng dapat kasama ko palagi sa tabi ko.” What the fvck! “Anong pangalan mo?” tanong pa niya. “K-kaya Santiago,” sagot ko naman. “Miss Kaya, mamili ka. Pakakasalan mo ako o itatapon kita sa dagat ngayong gabi?” Tuluyan nang nanghina ang mga tuhod ko. Kusang bumagsak ang katawan ko sa sahig dahilan para manginig ang mga luha ko. “Joke lang po ‘yan ‘di ba?” Umiling siya. “Sa tingin mo, nagjo-joke ba ang mga gaya kong tao?” Tumulo ang mga luha ko sa takot. Hindi ko na kayang itago pa ang takot na nararamdaman ko sa kaniya. Kung alam ko lang na ganito ang magiging ending nito, nakinig na lang dapat ako kay Kellan. Delikado ako nito. Hindi ako sanay maglangoy. Gabi na at sobrang dilim sa labas. Ang lakas pa ng alon ng dagat. Kung itatapon niya ako sa dagat, siguradong magiging pagkain ako ng mga pating at mga isda ngayong gabi. PUTANG-INA.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD