Chapter 3

1591 Words
Kaya’s POV Napilitan tuloy mag-work si Kellan ngayon dito kahit ang totoo ay dapat wala siyang pasok ngayong gabi. Siya na rin ang nagturo kung paano ang mga dapat kong gawin kapag nag-serve na ako ng pagkain mamaya sa mga tao. Kinailangan ko pa tuloy magsanay dito sa kusina para lang sa gunggong na ‘yon. Hindi bale, ayos na rin ito para may experience ako sa ganitong trabaho. Nakakatuwa nga dahil ganito pala ang trabaho ng mga staff dito sa luxury yatch. Nagturo pa nga saglit si Kellan sa akin ng pagluluto ng isa sa mga putaheng handa ngayon dito ni Kohen. Ang galing niya, bigla niya akong napahanga kaya parang kinilig tuloy ako nang maisip kong si Kellan ang magiging future husband ko, tapos puro masasarap na pagkain ang iluluto niya sa akin araw-araw. Para akong tanga pero, masama na ito dahil nag-i-imagine na ako ngayon tungkol sa aming dalawa ni Kellan. Nag-init tuloy ang mukha ko kaya nagpaalam ako sa kaniya na maglilibot muna ako sa yate habang wala pang ginagawa. Ang malamig na simoy ng hangin mula sa karagatan ay dumarampi sa aking balat habang tinatanaw ko ang matikas na horizon mula dito sa deck ng luxury yacht. Sa gitna ng dilim, naglalakad ako nang maingat sa direksiyon ng makukulay na ilaw na nagliliyab mula sa penthouse ng yate. Ang aking uniforme at isang maamong puting apron, ay tila ba bagay na bagay sa akin. Nakakatuwa tuloy dahil mararanasan ko ang ganitong trabaho. Ang tapang ko rin dahil hindi manlang ako nakakaramdam ng takot, kahit na alam kong isang mafia boss ang haharapin ko mamaya. Hindi naman ako mananakit. Hindi ko na rin siya bubuhusan ng tubig o juice. Ang gusto ko na lang mangyari ay kausapin siya at pasagutin sa mga gastos ni papa sa hospital, ganoon na lang para matahimik ang loob ko. Napatingin ulit ako sa suot kong uniform. Kung magaling lang siguro akong magluto, baka nag-chef na rin ako, pero hindi, mga halaman talaga ang gusto kong atupagin. At pangarap kong magkaroon ng malaking tindahan ng mga halaman. Tapos, kokolektahin ko ang mga iba’t ibang uri ng halaman. Kokolektahin ko ang mga mamahaling halaman at saka ko ilalagay sa magiging bahay kong mansiyon. Napakasarap talagang mangarap. Umalis na ako roon upang sumilip saglit sa kasiyahan. “Hoy, tara na. Mag-ayos na raw tayo ng mga pagkain sa bawat lamesa,” sabi sa akin ng isang staff. Sakto lang pala ang pag-alis ko doon. Tumango na lang ako sa kaniya para matahimik siya. Sa bawat pag hakbang, nararamdaman ko ang paghagod ng mga alon sa kahoy na deck, na tila isinasayaw ang yate. Hindi pa ako sanay na narito ako kaya parang ramdam kong nahihilo ako. Huwag naman sanang masuka ako kapag nagse-serve na ako ng mga pagkain sa mga bisita ng gagong si Kohen. Sa pag-abot ko sa pintuan ng penthouse, nagbukas ito nang maingat at nagbigay daan sa makulay na kaganapan sa loob. Ang paligid ay nababalutan ng ilaw ng mga pekeng kandila, napakaganda rito at talaga namang mukhang mamahalin ang lahat ng bagay. Ang mga bisita ay may iba’t ibang eksena at personalidad. Lahat ng naririto ay nag-abalang dumalo dito upang ipagdiwang ang kaarawan ni Kohen. Ang dami nila, hindi ko alam kung sino-sino ang mga ito. Wala pa akong namumukhaan na artista, pero mamaya kapag lumapit ako ay baka may makilala na ako. Nagmamasid ako sa kanila mula sa aking kinatatayuan, tinignan ko ang mga ekspresyon at galaw nila. Sa isang sulok, makikita ang mga taong naka-penguin suit na nag-uusap ng masinsinan. Nangingibabaw ang malakas na tawa at musika mula sa dance floor kung saan ang ilang mga bisita ay nagsasayaw nang masigla. Sa isa pang dako, mayroong isang grupo ng mga elegante at magagandang babae na tila’y masayang-masaya sa kanilang pinagkukuwentuhan. Ang paborito kong bahagi ng pagpunta ko rito ay ang pagmamasid sa mga tao, pag-unawa sa kanilang kilos at damdamin sa pamamagitan ng mga mukha at mata. Ganito pala sila sa totoong buhay. Ang mga taong ito ang masasabi kong masasarap ang buhay. Sila ‘yung walang pinoproblema sa buhay nila. Sila ‘yung mga taong masasarap ang pagkain na kinakain sa araw-araw. Ang tanging problema na lang ata ng mga taong ito ay kung paano waldasin ang napakarami nilang pera. Mapapa-sana all ka na lang. Nagsimula na akong maglakad patungo sa mga lamesa, kung saan nakahanda na ang gourmet. Ang lamesa ay puno ng iba’t ibang masasarap na pagkain na para sa akin ay tila ngayon ko lang nakita. Itsura pa lang at sa mga masasarap nilang amoy, halatang napakasarap ng mga ito. Ang mga sushi at sashimi ay kasing ganda ng mga alitaptap sa kalangitan, habang ang mga plato ng lobster thermidor ay tila inaakit ako na tikman sila. Lalo akong ginutom. Hindi pa naman ako nakakakain pa ng merienda at hapunan. Sobrang daming pagkain. Ang iba ay hindi ko na lang alam kung ano ang tawag. Upang may magawa at hindi ako mapagalitan ng mga kapwa ko crew, masigasig kong isinasaayos ang mga plato sa lamesa. Kung minsan, tinatawag ako ng ilan sa mga matatas na crew upang maglagay ako ng mga bagong putahe sa lamesa. Nadedemonyo akong tikman ang kada pagkain na sine-serve ko sa mga lamesa nila, pinipigilan ko lang ang sarili ko at ang sabi kasi ni Kellan ay hindi ko talaga puwedeng gawin ‘yon. Nang wala na naman akong magawa ay nagpatuloy ulit ang aking mga mata sa paglalakbay sa mga bisita. Napansin ko ang isang grupo ng mga lalaki na nag-uusap nang tahimik malapit sa bar. Mukhang mga taong may mataas na katungkulan sa kanilang larangan. Ang kanilang mga suot ay nagpapahayag ng kanilang yaman at kapangyarihan. Nang nakilala ko ang isa sa kanila, tila kilala ko ang kanyang pangalan sa mga pabalat ng balita, isang kilalang negosyante sa larangan ng real estate. Sa kabilang banda, may isang mag-asawang dumadalo na tila ba’y nagmula sa kaharian ng alta sociedad. Ang babae ay nakasuot ng mamahaling gown, habang ang lalaki ay masiglang nakikipag-usap sa ibang bisita. Naroroon din ang mga kaibigan ni Kohen, ang kaniyang mga tiwaling katuwang sa negosyo na tila’y masaya sa kanilang kalakaran. Ngunit, sa kabila ng iba’t ibang antas ng lipunan, isang bagay ang pare-pareho sa kanilang mga mata—ang pag-aalab ng saya at kasayahan para sa kaarawan ni Kohen. Ipinakikita ng mga ngiti at halakhak ang pagpapahalaga sa simpleng pagkakataon na ito na makalimutan ang kanilang mga tungkulin at pasanin sa pang-araw-araw na buhay. Hinila ako bigla ni Kellan kaya nagulat pa ako. Lumabas kami doon at saka bumalik sa silid-tulugan nila ni Tatay. Pagdating doon, nagulat ako sa dami ng pagkaing naka-ready sa isang lamesa. “Alam kong gutom ka na, kaya kumain ka na muna bago magpatuloy sa iyong ginagawa,” nakangiti niyang sabi. “Lahat ata ng masasarap na pagkaing handa sa lamesa kanina ay narito na rin. Sinong hindi tatanggi sa ganitong masasarap na pagkain.” Hindi ko manlang siya nagawang ayain sa sobrang pagtatakam ko sa mga pagkain. Lahat ng pagkaing nasa lamesa ay tinikman ko agad. Ang sasarap kahit ang ilan sa mga ito ay ngayon ko lang nakain. “Dahan-dahan, Kaya. Baka mabulunan ka niyan.” Tatawa-tawa si Kellan. Masaya siya na nakikitang masaya ako sa kinakain ko. “Hindi ko pa rin nakikita ‘yung Kohen na ‘yon. Ang nakita ko lang doon ay ‘yung mga kaibigan at bisita niya,” sabi ko sa kaniya kahit puno ng pagkain ang bibig ko. May mga picture kasi siyang pinakita sa akin kanina. Ito ‘yung mga alam niyang pupunta ngayon dito. At ang ilan sa mga pinakita niya ay narito nga kaya namukhaan ko sila kanina. “Malamang ay nasa kuwarto pa niya ito, kasama ang ilan sa mga babaeng titikman niya ngayong gabi.” Nahinto ako sa pagkain dahil sa sinabi niya. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ko tuloy. “Bumibili siya ng babaeng pagsasawaan niya. Titikman sa kama. Pagsasawaan niya hanggang mapagod silang dalawa. Ganoon siya. Ewan ko ba kay Kohen, napakayaman at makapangyarihan, pero wala namang asawa. May itsura naman siya, pero tila wala siyang siniseryosong babae sa buhay niya. Ang gusto lang niya ata ay puro tikim, ayaw niya ng totoong pagmamahal. Weird din kasi ang taong ‘yon. Saka, kahit matagal na kaming mga tauhan niya, hindi pa rin namin basa ang mga nasa utak niya. Masyado siyang malihim. Masyado siyang pa-misteryoso kapag nakaharap sa mga maraming tao.” “Baliw siguro ‘yon. Saka, gago. Saka, demonyo,” sabi ko habang tumatawa. Iniwan na muna ako ni Kellan dito para makakain ng maayos. Ang sabi niya ay may niluluto pa siya sa kusina kaya hinayaan ko na lang at baka mapagalitan pa siya dahil sa akin. Sa kalagitnaan nang pagkain ko, biglang bumukas ang pinto ng silid-tulugan nila tatay ay Kellan. Niluwa ng pinto ang isa sa mga staff na may mataas na tungkulin dito sa yate. “Nariyan ka lang pala. Tamang-tama, kailangan nang magse-serve sa kuwarto ni Boss Kohen. Ikaw na ang magdala ng mga pagkain sa kuwarto niya. Bilisan mo diyan at ayaw niya nang naghihintay. Kilos na!” sigaw niya kaya dali-dali akong tumayo. Tamang-tama, ito na rin ang oras para harapin at kausapin ko siya. Mainam na rin ‘yung sa pribadong bahagi ng yate ko siya harapin at kausapin, hindi sa maraming tao. Heto na, haharapin na kitang gagó ka. Kapag hindi ka nagbigay ng pera para sa hospital bill ng tatay ko, pipirutin ko talaga ang dalawa mong itlóg, Kohen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD