Part 15

1175 Words
“NINENERBYOS ako, ‘Te!” wika sa kanya ni Nancy. Naroroon na sila sa silid nito upang makapagpahinga pero sa nakikita niya ngayon sa kapatid, mukhang hindi naman ito makakatulog. “Mukhang mangangalog ang tuhod ko bukas kapag nagmamartsa na ako. Tapos iniisip ko pa iyong first night namin. Baka hindi kagaya nu’ng mga nababasa sa pocketbook. Baka magsisigaw ako sa sakit.” “Di, virgin ka palang talaga?” aniya. “Oo naman, no! Eh, ikaw ba, Ate?” Pinandilatan niya ito ng mga mata. “Natural!” Lumabi ito. “Hmm, eh, iyong kiss ninyo kanina ni Matthew noong bagong dating kayo, daig ninyo pa kami ni Bremond, eh. Mukhang lulunukin ninyo na ang isa’t isa.” “Virgin pa rin ako!” aniyang mas gustong ang tungkol dito ang pag-usapan kaysa tungkol sa kanya. “Saan ang first night ninyo?” “Sa bahay niya. May naipundar na siyang sariling bahay doon sa compound din ng pamilya nila. Pinagtulungan na rin namin iyong ayusin pero siyempre hindi pa iyong talagang ayos na ayos. Gosh, Ate, kaya ko kaya? Sabi ni Dedeth, nu’ng siya ang na-first time, hindi daw siya nag-c****x. Ang sakit-sakit daw, eh. Saka… malaki daw.” Naghahalo ang kilig at takot sa mukha nito. Hindi naman niya malaman kung maiinis o matatawa na lang. Ito ang girl talk na nami-miss niya dahil ang layo ng agwat nila ni Nancy. At noong panahon namang teen-ager ito ay nasa Maynila na siya. “Kakasya naman siguro,” wika uli ni Nancy. “Pinoy din naman ang napangasawa ni Dedeth, eh. Di ba, ang sabi ng iba, iyong sa n***o ang malalaki ang, um… bird?” Bumulalas siya ng tawa. “Kakasya kung sa kakasya. Flexible naman ang atin. Kaya ngang dumaan ng baby, di ba? Masakit lang sigurong talaga sa una.” Itinirik ni Nancy ang mga mata, “Kungsabagay, alam naman iyon ni Bremond. Di pag hindi makuha sa isang gabi, sa susunod na gabi. Kaysa naman pilitin, baka magtatakbo na ako sa sakit.” She laughed again pero nagseryoso rin. “I’m proud of you, sis. Hindi naman ako kasing-conservative kagaya ng iba pero masaya ako na kaya mong panindigan ang pagiging virgin bride.” “Siyempre,” pakli nito at tinitigan siya. “Hula ko, ikaw, hindi ka magiging virgin bride. Kung iyon nga sigurong nasa labas kayo ng bahay, ganoon na lang kung halikan ka ni Matthew, di lalo na siguro kapag kayong dalawa na lang?” “Heh! Tumigil ka. Wala pang nangyayari sa amin.” “Twenty-eight ka na, Ate. Okay lang kahit may mangyari na sa inyo.” Sumama ang mukha niya rito. “Bakit ikaw yata ang masamang impluwensya samantalang ikaw din naman itong virgin bride?” “Naisip ko lang, Ate. Seven years ang age gap natin. Kahit sabihin nang sabay tayong ikakasal, daig pa rin kita pagdating sa sex.” “s*x?!” “s*x. c****x. Orgasm.” She grinned wickedly. “You’re missing a lot, Ate.” “Nancy Anne,” seryosong-seryosong wika niya dito. “Ako ba’y niloloko mo?” Akala ko ba’y virgin bride ka?” “Oo naman. Pero siyempre, lately, mas intimate na kami ni Bremond sa isa’t isa. Medyo lumampas na rin kami sa pa-smack-smack na kiss.” She paused at tila nangarap. “Hmp! Hindi nga pala ako dapat mamroblema sa first night, huwag lang sana akong sumpungin ng hika! Sabi niya, he would prepare me bago siya… you know.” Namilog ang mga mata nito. “Nahawakan ko na minsan, Ate. Malaki nga.” Mula sa drawer ng night table ay may kinuha ito. Ruler. “Ganito kahaba, ‘Te! Sabi ni Dedeth, mas mahaba pa nga raw sa asawa niya.” She was dumbfounded. “Ate!” Iyon mismong ruler ang ipinagkumpas ni Nancy sa harapan niya. “Ano ka ba? Hindi ka naman nakikinig, eh. Nagpapaalis nga lang ako ng tensyon, eh. Nakakanerbyos pala talaga pag ikakasal na.” Hindi na niya alam kung sasakit na ang ulo niya sa paksa nila. Not that she wasn’t comfortable pero si Nancy ay kapatid niya. Somehow, mas umiral ang protective instinct niya bilang ate nito. “Nancy, nagawa mong tandaan ang sukat samantalang sabi mo, minsan mo pa lang nahawakan?” “Minsan nga lang pero minutes naman ang tagal,” katwiran ni Nancy. “Saka bank teller ako. Sanay ako sa haba ng pera kaya iyong more or less one inch short na diprensya, madali nang tandaan.” Nasapo niya ang dibdib. “Ate, huwag mong sabihing hindi pa kayo ganoon ka-intimate ni Matthew?” Ang kamay niyang nasa dibdib ay nalipat sa kanyang ulo. “Sumasakit ang ulo ko sa topic natin, Nancy.” Humagikgik si Nancy. “Daig kita. Mas nauna ako sa iyong nakarating sa cloud nine!” Hindi siya kumibo. Nahiga siya at mariing ipinikit ang mga mata. So her little sister was really now a grown-up. Hindi na ito kasing-inosente na kagaya ng iniisip niya. Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. “Nancy, I’m happy for you. Mahal ka ni Bremond kaya alam ko, liligaya ka sa kanya. Pero kapag may problema ka, don’t forget that you don’t have to look too far. Wala man ako sa tabi mo, may telepono naman. You can always count on me, sis. I’ll always be your Ate.” “Aw!” bulalas ni Nancy. Ang itsura ay tila nakornihan sa sinabi niya pero hindi maikakailang namasa ang mga mata. Padamba itong lumapit sa kanya at saka siya niyakap. “Thanks, Ate. I love you.” Napaluha na rin siya. “Of course, I love you, kid.” They locked in affectionate embrace for a while at pagkuwa ay si Nancy din ang bumitaw. “Huwag mo na akong tawaging kid,” pabirong sabi nito habang tinutuyo ang mga mata. “Gusto kong magkaanak na kami. Iyong magiging anak ko, iyon na ang kid.” “Sige, igagawa ko ng cake buwan-buwan tapos kapag nag-first birthday, igagawa ko ng cake na kasing-taas niya.” “Kulitin mo si Matthew, Ate. Pagkatapos ng kasal namin, mamanhikan na rin siya para makasal na kayo agad. Maganda iyon, para pag nagkaanak kayo, parang barkada lang din ng magiging anak namin.” Natigilan siya; may naalala at saka mabilis na bumangon. “Matulog ka na, Nancy. Baka lumaki ang eye bag mo kapag napuyat ka nang husto.” Ngumiti ng pilya ang kapatid niya. “Pupunta ka kay Matthew, ‘no?” “May sasabihin lang ako sa kanya.” Hinagilap niya ang roba. Mabilis na isinuot iyon at saka humakbang na. “Ate, o!” habol ni Nancy. “Aanhin ko iyan?” bulalas niya kahit parang alam na niya ang ibig sabihin nito. Inaabutan siya ng ruler! “Baka maging intimate kayo, eh. Sukatin mo tapos sabihin mo sa akin, ha?” Nagbungguan ang mga ngipin niya at kinuha ang ruler sa kapatid. “Ihampas ko kaya ito sa mukha mo?” napipikong wika niya pero natatawa rin. “Matulog ka na diyan!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD