Chapter 3

3073 Words
K I N A B U K A S A N ! Papatayin talaga kitang manok ka! Nagising ako dahil sa ingay ng manok ni Lolo, tinignan ko ang phone para malaman kung anong oras na. Time check its 5:05 pa ng umaga, For heaven sake! Ang aga aga pa! Inis akong bumangon at sumilip sa maliit na bintana sa kwarto ko, nakita ko si lolong nagpapakain ng mga manok. “Lo!” Inis na sigaw ko, nakangiti niyang inangat ang paningin. Why so happy naman? Asarin ko nga saglit. “Oh, gising ka na pala halika bumaba ka rito at tulungan mo 'kong pakainin 'tong mga manok ko...” Nakangiting ani'ya, naiirita 'kong kinamot ang ulo. Mapapatay ko 'yang manok niyo pagnagkataon! “Patahimikin mo 'yang manok mo lo! Baka makatay ko 'yan mamaya! Natutulog pa nga yung tao e!" Inis na sigaw ko, nakita ko ang pagsalubong ng kilay niya. Magaling tamia, naasar mo si lolo. “Ay natural na gumising ka na ng maaga simula ngayon! Dahil hindi ka na tulad no'ng dati na milyonarya! Probinsiyana ka na ngayon! TAGA-BUKID!” Inis na sigaw niya, natigilan ako. “E lo, ang aga-aga pa! Wala rin naman akong gagawin k'it gumising pa ako ng maaga,” Maaksiyong ani ko, nasapo niya ang kaniyang noo. “Maligo ka na at bumaba ka rito, dahil madami pa akong aasikasuhin...”Malumanay pero ramdam ko ang galit sa boses niya napalunok ako. Hindi na ako sumagot pa dahil baka ipatuka niya ako sa mga kakambal niyang manok, inis kong dinampot ang tuwalya at padabog na pumunta sa cr.Bumungad sa'kin ang walang laman na mga lalagayan ng tubig. Argghh! Pa'no ako maliligo neto kung walang tubig!!! Inis akong naglakad palabas, halos masira ang pinto dahil sinipa ko ito. Nagulat si Lolo sa inasta ko syempre, galit akong lumapit sa kaniya. “Lo! Walang tubig! Walang tubig!!! Saan ako maliligo?!” Galit na tanong ko, tumayo siya at pinagkunutan ako ng noo. “Kung may utak ka makakaisip ka ng paraan kong pa'no ka maliligo...”Seryosong sabi niya, napaisip ako. Niloloko ba ako neto? Alam niyang bago pa ako rito, hindi ko pa alam ang pasikot-sikot ng lugar na 'to! Ni hindi ko nga alam kong sa'n ang lalagyan niya ng brief e—at teka nga? May utak naman ako lo, gusto niyo ipa-CT-SCAN ko pa e MAKITA NIYA LANG ANG HALAGA MO. Iw sa'n ko 'yon napulot? “Lolo naman, sinabi mong marami ka pang aasikasuhin! Tapos ngayon, pinapasakit mo pa ulo ko kakaisip. Straight to the point lo, saan ako kukuha ng tubig pangligo?!” Pandidiin ko, bumuntong hininga siya at tiningnan ako ng masama.Parang may kung anong salita ang mababasa sa mga mata niya at 'yon ay... Bobo! Natigilan ako at napapahiyang yumuko, malalim na naman siyang bumuntong hininga... Hindi naman ako bobo lo, grabe ka sa'kin. Kung tutuusin nga mas may utak pa ako sa'yo e. Sino ba naman kasi ang matinong kakausapin mag-isa ang mga manok niya? As if naman sasagot? “Dumiritso ka sa daang 'yan,” Sabi niya inangat ko ang tingin sa kaniya, nakita kong nakaturo siya sa daang puno ng mga puno. Papupuntahin niya ako sa kagubatan? The f**k? Pa'no ko'ng may malaking ahas d'yan? Pa'no kong may tigre? “L--” “Pagkatapos ay lumiko ka, may makikita kang balon,” Pigil niya sa'kin, nagliwanag kaagad ang mukha ko. Sinabi niya bang balon?! Oh my god!!! Dreaaam come true!!! Pangarap kong makakita ng balon sa personal! “Lo! HAHAHAH ba't hindi mo sinabi sa'kin kaagad!” Natatawang sigaw ko habang umaatras papalayo para pumunta na sa pangarap ko, kumunot ang noo niya. “Huy! Maliligo kang naka ganiyan?” Sigaw niya at tiningnan ang kabuuan ko, natigilan ako saka tiningnan ang sarili. Ha? Okay lang naman ki't nakapajama ah, “Oa mo lo! Ano ba'ng mali rito?!” Nakangiting tanong ko at itinuro ang damit, sininyasan niya 'kong lumapit. Tsk! 'pag ito inubos pasensya ko, hindi ko alam kung sa'n 'to pupulutin. Mabilis akong lumapit ulit sa kaniya, kumunot ang noo ko nung hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Tiningnan ko siya, malalim siyang bumuntong hininga. “Tandaang mong babae ka, hindi ka pwedeng maligo sa gano'ng lugar.” Seryosong ani'ya kumunot lalo ang noo ko. Lo! Sinabi mo sa'kin kanina do'n ako maliligo! Ang gulo mo! “E San ako maliligo?” “Dito.”Natigilan ako. “Fvck! Lo! Wala ngang tubig!” “Mag-igib ka...” Sabi niya at nilagpasan ako, natulala ako sa kawalan. M-mag-igib? Ako? Mag-iigib? No way! Nilingon ko si lolong naglalakad papalayo dala-dala ang pagkain ng manok, malalim akong bumuntong hininga at hinabol siya. “Lo!” Sigaw ko, taka niya akong nilingon. “Mm?May problema ba?” Inosenteng tanong niya, napapikit ako sa inis. ugh, seriously?! “Ako lang ba mag-isa ang mag-iigib? Hindi mo 'ko tutulungan o sasamahan man lang?!Lolo naman! Napanood mo na ba ang palabas na Cinderella? Lo! Parang ikaw yung empakta do'n!” “Ano?” Minsan talaga may pagka-eng-eng rin 'tong si Lolo e. “Tsk! Lolo naman kasi, parang pinapahirapan mo 'ko e... Si Cinderella nga maganda nahihirapan, ako pa kayang dyosa?” Sarkastikong tanong ko, sumama ang mukha ni Lolo. Syempre, biro lang. “Napanood mo na ba ang palabas na ugly duck?” Mahihimigan ang pagmamalaki sa boses niya, natawa ako. Ugly duck?! BWHAHAHAHAHHAH! “Pfft..LO! ugly duckling yun! HAHAHHA!” Natatawang sagot ko, kumunot ang noo niya at iniwas ang paningin. Hirap mapahiya no?! “Tsk! Basta yung napanood ko, ugly duck!” Pagmamatigas niya, natatawa akong nagkibit balikat nalang. Aba, matigas. “Bakit? Ano ba'ng meron d'yan sa ugly duck mo?” Sarkastikong tanong ko, bumuntong hininga siya. “Kung ano ang mas importante, ang kagandahan? O ang kagandahang loob.” Makahulugang sagot niya, natigilan ako. Bumuntong hininga siya at tinapik ng mahina ang balikat ko, hindi na ako nagsalita. Wala sa sariling pumasok uli ako sa loob para kunin ang container na lalagyan ko ng tubig. Hindi ko makuha ang gustong iparating ni Lolo, simpleng salita lamang 'yon pero parang pinapatamaan ako. Titig na titig ako sa daan na para bang ang lalim ng iniisip, walang pang limang minuto at naaninag ko na ang sinasabing balon ni Lolo. Nanabik akong tumakbo papalapit do'n, may mga malalaking punong nakapalibot sa balon. Medyo nakaramdam ako ng takot sa malamig na hanging nalalanghap ko. Siguro para 'tong na sa horror movie 'pag gumabi, tsk! Napailing-iling ako sa naisip sinilip ko ang balon at talagang napakalalim no'n, ibinaba ko ang maliit na timbang nakasabit do'n, syempre first time ko. Napakahirap, ang bigat parang matutumba ako 'pag hinihila yung lubid. Nabitiwan ko ang timba nung may narinig akong kaluskos mula sa likuran ko, gulat akong lumingon pero tanging mga puno lang ang nakikita ko, ultimo anino ng hayop wala akong maaninag. Hayst! Guni-guni ko lang ba 'yon? Bumaling ulit ako sa balon, pero parang may mga matang nakatitig sa'kin. Hindi ko pinansin, nagpatuloy ako sa paglagay ng tubig sa container kahit hirap na hirap na ako. “Ah---” Mabilis akong napalingon nung marinig ang sigaw ng isang lalaki, nagpalinga-linga ako kung may tao. “T-t-tulong!!!” Biglang bumilis ang t***k ng puso ko, kinakabahan. Narinig ko ang sigaw na nang-gagaling sa dinaanan ko kanina. Mabilis akong tumakbo do'n at nanlaki ang mata ko nung makita ang lalaking nakahiga sa daan at namimilipit sa sakit. “A-Anong nangyari sa'yo?” Takang tanong ko at nilapitan siya para tulungang tumayo, may sugat siya sa braso at matindi ang pagdudugo nun. “A-ah!” Daing niya nung bahagyang natabig ko ang sugat niya, tinignan ko siya nakita ko'ng nasasaktan siya. Alangan namang masarapan siya Tamia, tsk! Pinaupo ko siya sa ilalim ng puno at dahan-dahang hinawakan ang brasong may sugat. Malalim yun. “Ano ba'ng ginawa mo at nagtamo ka ng ganito kalaking sugat?” Takang tanong ko, bumuntong hininga siya at tiningnan ako sa mata. Masasabi kong gwapo siya oo pero madungis halatang galing sa mahirap na pamilya dahil sa kaniyang pananamit. “N-nakita kasi kitang naglalakad mag-isa, a-at hindi ka pamilyar sa'kin. Kaya naisipan kong sundan ka.” Paliwanag niya, nagsalubong ang kilay ko. “Porket ba hindi pamilyar sa'yo ang isang tao, ay basta-basta mo nalang susundan?” Malamig na tanong ko nakita kong nagulat siya sa sinabi ko. Napabuntong hininga ako. Pa'no kong nagkataong masamang tao ang nasundan niya?—tsk! Wow, Tamia mabait ka? “U-uh, paumanhin...” Nahihiyang ani'ya umiling-iling ako at hinubad ang blazer kong itim. Akmang ipupulupot ko na sana 'yon sa sugat niya pero mabilis niyang iniwas ang braso. “A-Anong gagagawin mo?” Kabadong tanong niya, tiningan ko siya at tinaasan ng kilay. “Ano ba sa tingin mo ang gagawin ko?”Sarkastikong tanong ko, hindi siya nakasagot. “Akina” malamig na usal ko at hinablot ang braso niya, napadaing siya. “A-ah, dahan-dahan...” Daing niya, hindi ko siya pinansin at tinalian ang sugat niya ng blazer ko para tumigil sa pagdurugo. “Saan mo nakuha 'to? Hindi ka naman siguro inatake ng mga mababangis na hayop 'di ba?” Sarkastikong tanong ko na nakatingin sa braso niya, narinig ko ang buntong hininga niya. Inangat ko ang paningin sa kaniya at nakita kong nakatingala siya sa puno, napatingala ako. Wag mong sabihing nahulog ka sa puno? “Umakyat kasi ako d'yan, para makita ko yung ginagawa mo.” Sagot niya na nakatingala pa rin sa puno, binaba ko ang tingin sa kaniya. “Tapos bigla nalang akong nadulas kaya ayun, nahulog ako.” Seryosong dagdag niya saka ako nilingon, may kung anong tumatakbo sa isip ko na may iba siyang ibig sabihin no'n. Umiling-iling ako saka malalim na humigit ng hininga at tumayo, inilahad ko ang kamay sa kaniya. Taka niya yung tiningnan. “Tsk! Stand up,”Sabi ko natutuliro niya namang tinanggap ang kamay ko, tinulungan ko siyang makatayo. “U-um, sorry pala ulit.” Napapakamot sa batok niyang usal, binitawan ko na ang kamay niya. Pinagkrus ko ang mga braso at tinignan siya ng masama. Kalalaki mong tao napaka chismoso, ang hilig mang-usisa. “It's okay, basta sa susunod wag mo ng uulitin...” Walang emosyong ani ko, natigilan siya. “U-uh, mm..” Napapahiyang tumango siya, bumuntong hininga ako saka tinalikuran siya, hindi pa ako nakakahakbang ay nagsalita na naman siya, natigilan ako. “P-pwede ko bang malaman ang pangalan mo?”Nahihiyang tanong niya, mapakla akong ngumisi at hinarap siya. “Bakit gusto mo pang malaman?makakalimutan rin naman,” sarkastikong sagot ko nakita kong nagulat siya, ngumisi ako. “H-ha?” Kabadong tanong niya, bumuntong hininga ako at bahagyang tumalikod pero nakalingon pa rin sa kaniya. “Hindi mo naman na ako makikitang muli, bakit gusto mo pang malaman ang pangalan ko?” Walang emosiyong usal ko, kumunot ang noo niya. “I just want to remember you.” Senseryong sagot niya, natigilan at napalunok ako. Sinasabi niya? Nakita ko ang pagkaseryoso niya pero sa pandinig ko nakakakilabot ang mga katagang 'yon, malalim akong bumuntong hininga at tumingin sa harap. “Malalaman mo ang pangalan ko sa susunod na mag-cross ang landas natin.” Sabi ko saka humakbang hindi ko na siya nilingon ulit. Tsk! Ano na ba ang nangyayari sa mga lalaki ngayon?! Bakit gano'n lang kadali sa kanilang sabihin ang mga linyang 'yon? Nakabalik ako sa bahay na malalim ang iniisip, hindi ko ininda ang bigat ng container. Parang gumaan pa nga ito habang papalapit sa bahay, mabilis akong sinalubong ni Lolo. “Ay, ang lakas mo naman pala, Maria.” Pang-uuto ni Lolo, inirapan ko siya at dahan-dahang ibinaba ang container. “Wag mo na akong utuin lo,” walang ganang ani ko nagsalin ako ng tubig sa timba para dalhin sa cr. Natigilan ako nung tumawa si lolo taka ko siyang tiningnan. “Pwde ka sa trabahong kargador, Maria.” Natatawang sambit niya, sinamaan ko siya ng tingin. “Hindi sa lahat ng araw ay malakas ako,” seryosong sabi ko sabay bitbit ng timba papasok sa cr, iniwan ko siyang nakakunot ang noo sa labas. Okay na ako ng taga-hugas nalang ng pinggan sa restaurant, wag lang 'yang kargador. Napairap ako sa kawalan sa naisip, tuluyan na akong pumasok sa cr at sinimulan ng linisin ang sarili. Naalala ko ang lalaki kanina habang sinasabonan ang braso ko. May itsura siya, oo. Madumi ang damit niya kanina paniguradong galing sa trabaho, matangkad hanggang balikat lang ako. Pero wala pa ring makakatalo sa oppa song jong ki k---! Oh my god! Hindi ko na na-c-check kong may update na ba! Mabilis akong natapos sa pagligo dumiritso kaagad ako sa kwarto, nagbihis ng damit at dumapa kaagad sa kama. Kinuha ko ang phone, tiningnan ko kaagad kong may update laking gulat ko nung makitang may dalawang update na! Mabilis kong pinanood yung isang ep. pero hindi pa nga ako nakaka-ten-seconds ay tinawag ako ni Lolo! Inis akong napakamot sa ulo. “Maria!” Tawag niya, pabato kong inihagis ang cellphone sa unan. Ano bang kailangan ng matandang to? Need niya ng kaharutan?! Tsk! “Oh??” Inis na tanong ko, kumunot ang noo niyang pinadadahan ako ng tingin. “Ano pa ba'ng ginagawa mo at hindi ka pa nakapagbihis?! Kanina pa ako naghihintay rito!” Galit na sigaw ni Lolo, natigilan ako. H-ha? Sa'n ba kami pupunta? “Sa'n punta nati---” “Pupunta tayo sa bayan Maria! Ipapasok kita sa tinatrabahuan ko! Letse!” Galit na sigaw ni Lolo, nanlaki ang mata ko at mabilis na bumalik sa kwarto para magbihis. Pakshit! Bakit ko ba 'yon nakalimutan? Tsk! Hindi na muna ako makakanood ng palabas mo oppa ah! Sorry talaga, papanoorin ko nalang yan next time! Or mamay--- “Maria! Bilisan mo!” Muling sigaw ni Lolo, halos malimutan ko pang magsuot ng b*a dahil sa pagmamadali. Damn it! Hindi ko na sinuklay ang buhok ko total naka-hairstyle naman na, dinampot ko ang phone at ipinasok 'yon sa bulsa. Simpleng pajama at maluwag na t-shirt lang ang sinuot ko, kinuha ko yung itim na sumbrero sa maleta at nakangiting isinuot yun sa ulo. Pumose pa ako sa salamin, hihi. “MARIA!!!” Umalingawngaw ang boses ni Lolo sa buong bahay kaya patakbo akong lumabas, nagulat ako nung makitang humahangos sa galit si Lolo. Tiklop ka dito Tamia. “Hi lo.” Sana okay ka lang. “Bakit ang tagal-tagal mo? Kung palagi kang ganito e maaga akong matitigok sa'yo!” Galit na sigaw niya hindi ako nakasagot at napayuko nalang. “Pagtinanong ka kung anong pangalan mo tandaan mo yung sinabi ko sa'yo kagabi ha?” Seryosong tanong niya nag-aalinlangan tumango naman ako. Paulette Louise Anderson, Tsk! Saan mo naman nakuha 'yang bwesit na pangalang 'yan lo? AMORETTO RESTAURANT! “Ipapasok ko sana 'tong apo ko dito bilang dishwasher lang, Arnold.” Sabi ni Lolo sa lalaking nakapandikwatrong pang-lalaki, naka krus lang ang braso ko at nakayuko. “Mm, mabilis ba 'yang kumilos?” Tanong nung Arnold, inangat ko ang paningin sa kaniya. Dahil sa bilis ng kilos ko kaya kitang burahin sa paningin namin ng isang segundo. “Hindi lang po mabilis, masipag rin ako.” Walang emosyong sagot ko, tumango tango siya. “So what do we call you?” Nakangiting tanong niya, ngumisi ako. “Ta---” Natigilan ako nung sikuhin ako ni lolo, mabilis akong nagkunwaring umubo. Fvck! “Uh, Paul nalang po itawag niyo sa'kin,”Sabi ko pilit na tinatago ang kaba, kumunot ang noo niya. “Paul? Mukhang pang-lalaki naman 'ata 'yang pangalan mo?” Nag-aalinlangang tanong niya, ngumiti ako. “Pwde rin po 'yan sa babae, mas astig pa nga 'pag babae ang gumamit e.” Nakangiting sagot ko, ngumiwi siya at tumango. “So,tanggap na po ba ako?” Nanabik na tanong ko umayos siya ng pagkakaupo, napatingin ako kay Lolo na nakangiti. “Yes, you can start tommorow...” Sabi niya, halos mapatalon ako sa saya. Pero hindi ko ginawa kasi nakakahiya naman marami pa namang tao baka matakot lang sa'kin. Gano'n lang kadali? Tiningnan ko si lolong nakangiti nung nilingon ko, kitang-kita ko ang saya sa mga mata niya. Chos! Oa naman! Akala mo naman gumraduate na ako! Nagkamayan lang silang dalawa ni Lolo bumow naman ako, pag-labas namin ng restaurant ay malalim akong suminghap ng hangin at malakas na ibinuga 'yon. “Excited ka na ba bukas?” Tanong ni Lolo nilingon ko siya at binigyan ng pilit na ngiti. “Hindi naman masyado.” Pagsisinungaling ko, kumunot ang noo niya. “Bakit?Paul?” Sarkastikong tanong niya, natigilan ako sa paglalakad at hinarap siya. “Tsk! Andami mong tanong lo!” Singhal ko, ngumisi naman siya inirapan ko nalang siya at nagpasimaunang naglakad papunta sa tricycle namin. Makakayanan ko bang makisamang mamuhay dito? Tsk! Mukhang mahihirapan ako neto ah. Pumasok na ako sa tricycle at kinuha ang phone sa bulsa, pumunta ako sa contact para sana tawagan si daddy pero natigilan ako. Tsk! What the heck are you doing tamia? Wala na silang pake sa'yo, kasi kung meron? Sana kinumusta ka na nila kahapon pa lang. Malalim akong bumuntong hininga at nanlulumong ibinalik sa bulsa ang phone, Pero kahit ganoon, hindi ko maiwasang hindi mag-alala. Nando'n si Charmaine at baka kung anong gawin niya sa mga magulang ko. Kinakabahan ako sa pwdeng mangyari, namimiss ko na si yayi, I hope she's fine. Wala pa naman yung cellphone kaya hindi ko matawagan... Malalim na naman akong bumuntong hininga at tumingala sa langit. “Oh? Anong nangyari? Bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa?”Nagulat ako sa tanong ni Lolo, hindi ko man lang siya napansing na sa tabi ko na pala. Napakamot ako sa sentido at makahulugang tiningan siya. Tumawag ba si dad sa'yo? Muli akong bumuntong hininga at iniwas ang paningin, nakita ko sa peripheral vision ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya. “Nothing... I'm just hungry, that's all...” Malungkot na usal ko nagulat ako sa kamay niyang pumatong sa ulo ko saka ginulo ang buhok ko. Taka ko siyang nilingon. “Life is short apo so be happy.” Sabi niya, nginiwian ko siya at iniwas ang paningin. “Do I deserve to be happy?” Mapakla ako'ng ngumisi natigilan siya. “Apo...” Hindi ko siya nilingon nanatili akong nakatingin sa malayo na ang totoo ay kanina pa ako nakatitig sa lalaking nakasumbrero. Ano pang hinihintay mo? Bakit hindi mo pa ako sugurin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD