“Ahhh---!!!” Sigaw ko nung may bumangga sa likuran ko na dahilan ng pagkasubsub ko sa dibdib ng malditong alieng nasa harapan ko.
Oh s**t!
“H-hey!” Sigaw niya at mahina akong itinulak, napahawak ako sa ilong ko.
Fuck! Ang sakit ng pagkakabangga ko do'n ah!
Hinihimas himas ko ang ilong ko habang ang alien naman ay maarteng pinagpag ang coat niya ng tissue.
Psh! Akala mo naman mabango.
“Tignan mo ang ginawa mo?” Inis na tanong niya, tiningnan ko rin ang coat niya.
“Bakit? Nasunog ko ba?” Takang tanong ko kunwari, kumunot ang noo niya.
“What?” Naiiritang tanong niya, napaismid ako.
Ang hot ko kasi, chos! anong konek?
“Why are you blaming me?” Tanong ko, napamaang siya.
“Fvck girl! Ikaw yung biglang sumubsub sa dib--”
“Damn you! Kung hindi ba ako binangga sa likuran ko, masusubsub ba ako d'yan sa dibdib mo?” Inis na pigil ko sakaniya, nag-igting ang panga niya.
“Kung hindi ka lang sana tanga, sa tingin mo mababangga ka?” Inis na tanong niya, kumunot ang noo ko.
“Kung gano'n! Bakit hindi ka umilag?!” Galit na sigaw ko, nagtinginan naman ang mga tao sa'min. Pareho kaming nakatayo dahil wala ng bakanteng upuan.
Inis kong iniwas ang paningin gano'n rin siya, malalim akong bumuntong hininga nung biglang nagsiksikan na naman ang mga tao sa likuran ko, tulak doon tulak dito.
Hanggang sa...
BLAGGG~
ARAYYY!!!!
Nasapo ko ang ilong ko na naman dahil nasiko ito ni alien! Nasa gilid ko na siya dahil may biglang tumulak sa likuran niya at nakita ko 'yon.
Naka sumbrero ang tumulak sa kaniya, tiningnan ko ng maayos ang nakatalikod na lalaking nakasumbrero.
Ikaw ba ang ipinadala niya?
“Tsk! Pwede bang wag kang malikot! Sikuhin kita dyan makita mo!” Sigaw ko sa mukha ni alien na nakahawak sa mukha niya.
“Pake mo ba?” Naiiritang tanong niya, napairap ako.
“Bumalik ka nga do'n! Ang sikip na nga dito, dumagdag ka pa!” Inis na bulong ko sa kaniya, narinig ko ang buntong hininga niya at hinarap ako.
“Nakita mo bang tinulak ako dahil nagsisiksikan na sila?” Inis na tanong niya, kinrus ko ang braso ko.
“Kay rami ng mata mo, hindi mo rin ba nakitang nagsisiksikan na rin kami dito?” Inis na tanong ko, nag-igting ang panga niya. Hindi niya ako sinagot at malalim na bumuntong hininga, bumaling ulit ako sa lalaking tumulak sa kaniya kanina pero laking gulat ko nung nawala na siya.
Psh! I know it.
“Ah!” Daing ko nung maatrasan ako nung lalaking nasa harapan ko.
“Paumanhin, hija.” Sabi nung lalaking may katandaan na rin, umiling nalang ako.
Tsk! Siguro dito na magtatapos ang buhay ko.
“O-okay lang p-po” Utal na sagot ko, tumango lang siya at bumaling ulit sa harapan.
Dahil sa tagal ng byahe ay inabotan ako ng pangangalay kaya dahan-dahan akong yumuko para umupo sa sahig pero may biglang humawak sa braso ko kaya inis kong inangat ang paningin.
Alien?
“What do you think your doin'? Stand up.” Malamig na utos niya, pilit akong tumayo kahit na parang nanigas na lahat ng ugat ko.
“What??” Inis na tanong ko at malakas na hinigit ang braso, napahawak siya sa sentido.
“Ano bang ginagawa mo? Uupo ka dyan? Nag-iisip ka ba?” Sunod-sunod na tanong niya, kumunot ang noo ko.
Ano bang pake mo?
“E ano naman kung uupo ako dyan? Mamatay ba ako?” Walang ganang tanong ko, bumuntong hininga siya.
“Magmumukha kang pulubi, ulol!” Inis na singhal niya, nag-igting ang panga ko.
“Pwes, Wala kang pake!”
“Pa'no kung maatrasan ka d'yan? Ha? Naghahanap ka lang ng sakit sa katawan.”
Ano bang pake niya?! Akala mo naman tatay ko kung makapag-alala, tsk!
“Wag na kayong mag-away, hija. Sumunod ka nalang sa nobyo mo, nag-aalala lang siya sa'yo.” Gulat kong nilingon ang matandang lalaking nasa harapan ko.
WATDAPAK? Hanudaw?! N-nobyo?
“N-no, Hindi ko po 'yan Girlfriend, she's so ugly para sa'kin.” Tanggi ni alien, walang gana ko siyang tiningnan.
Wow, salamat sa panlalait.
“Ah, gano'n ba paumanhin ako'y nagkamali.” Sabi ng matanda, nilingon ko siya.
“O-okay lang po.” Nahihiyang ani ko rito.
C L A S I V E R I C A !
Matapos ang paghihirap sa loob ng empyernong train na 'yon ay sa wakas nakarating na rin ako dito sa Clasiverica Province.
Presko ang hangin masarap langhapin, hindi masyadong mainit, malamig ang temperatura. Nakangiti akong naglakad-lakad habang hila-hila ang maleta.
“Maria!”Taka kong nilingon ang pamilyar na boses na tumawag sa'kin,
Lolo?
“L-lo?!!!” Patanong na sigaw ko, mabilis siyang lumapit sa'kin.
“Kanina ka pa ba nakarating?” Deretsong tanong niya, napalunok ako.
“N-ngayon pa po.” Nahihiyang sagot ko, ngumiti siya.
“Halika na paniguradong gutom ka na 'no?” Nakangiting tanong niya, naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko.
“O-opo.” Nahihiyang sagot ko sabay tango, kinuha niya ang isang bagaheng dala ko at hinila 'yon.
“Napagod ka ba sa byahe?” Tanong niya, napairap ako.
Kung alam mo lang kong pa'no ako unti-unting pinatay do'n.
“Sobra, kainis kasi si dad e bakit sa train niya pa napiling pasakayin ako?” Pagmamaktol ko, natigilan ako nung tumigil sa paglalakad si Lolo.
“Para masanay ka,” Sabi niya, napaisip ako.
“Masanay?” Takang tanong ko nilingon niya naman ako.
“Mahirap ang magiging buhay mo dito, hindi katulad nung sa'nyo na kahit pa magwaldas ka ng pera ay may dadating pa bukas, iba rito kailangan mong magtipid para mabuhay ka, kailangan mong magtrabaho para may panlamon ka...” Mahabang paliwanag ni Lolo, napapahiyang yumuko ako.
Sinungaling ako lolo, hindi ako waldasira.
“Kung gano'n pala, bakit kayo pumayag sa gusto ni dad?” Tanong ko nanatili akong nakayuko.
Bakit siya pumayag na patirahin ako dito? Kung pati siya ay mailap sa pera?
“Dahil gusto ko rin ang gusto niyang mangyari.” Seryosong sagot niya, dahan-dahan kong inangat ang paningin at nakita ko siyang nakangiti.
K.
“May sasakyan ka ba lo?” Pag-iiba ko ng usapan bumuntong hininga pa muna siya bago itinuro ang isang...
Tricycle?!
Gulat akong bumaling kay Lolo na nakangisi.
Lolo naman, sa tanang buhay ko hindi pa ako nakakasakay ng tricycle.
“Ano tara?” Nakangising yaya niya, malalim akong bumuntong hininga at dahan-dahang tumango.
Parang may kakaiba kay Lolo ngayon ah? Hindi na naging mainitin ang ulo, 'di katulad no'ng dati.
Sasakay na sana ako sa tricycle nung biglang may naramdaman akong kakaiba yung pakiramdam na may parang nakamasid sa'yo, nagkunwari akong tinutulungan si lolong ayusin ang bagahe sa ibabaw ng tricycle.
Palihim akong sumusulyap sa paligid para mahanap kong sino ang naglakas loob na sundan ako.
“Maria?" Tawag sa'kin ni Lolo gulat ko siyang nilingon, kumunot ang noo niya.
“Kilala mo ba 'yon?” Tanong niya at ininguso ang puno na nasa bandang likuran ko, mabilis akong lumingon do'n.
Nanliit ang mata ko nung may parang nagtatago do'n sa ilalim ng puno.
Got ya!
“Lo, may pupuntahan lang ako saglit ah.” Sabi ko kumunot ang noo niya pero mabilis na akong tumakbo at hindi na hinintay ang sagot niya.
Kung sino ka man! Sisiguraduhin kong hindi ka na makakabalik sa amo mo.
Dahan-dahan akong lumapit do'n sa puno, nakita ko ang itim niyang damit na nakalabas kunti.
Psh! Magtatago na nga lang, sa puno pa naisipan.
“Labas.” Malamig na utos ko nung makalapit sa puno, hindi siya lumabas.
Matigas ang ulo.
Napatango-tango ako sa naisip, akmang sisilipin ko na sana siya nung bigla akong tawagin ni Lolo.
“Maria? Tayo na at baka maabutan pa tayo ng dilim!” Namamaos na sigaw niya, nilingon ko siya at tinanguan bumaling ulit ako sa puno at...
“Sab—ha?” Nagulat ako nung walang tao do'n.
Sigurado akong may taong nagmamat'yag sa'kin simula pa kanina. At alam kong siya ang ipinadala ni charmaine para patayin ako. Bad for him, hindi ako gano'n kadaling mamatay.
Umiling-iling pa muna ako bago bumalik kay Lolo.
‘Matagal mamatay ang masasamang damo.’
Tuluyan na akong sumakay sa tricycle at si Lolo ang nag-drive, napatingin ako sa nagsasayawang mga puno.
Maganda naman pala ang lugar na 'to.
Kinuha ko ang cellphone para kuhaan ng litrato ang nag-gagandahang mga puno.
Wow...
“Mahilig ka pa rin pala sa mga puno,” Nagulat ako nung biglang magsalita si Lolo, mabilis kong ibinaba ang phone at takang nilingon siya.
Naalala niya pa palang mahilig ako sa puno?
“Hindi naman masyado,” Pagsisinungaling ko, nagkibit balikat siya.
“Dito ka na mag-aaral sa susunod na buwan,” Sambit niya kumunot ang noo ko.
Ano?
“Sino naman ang mag-papa-aral sakin? Ikaw?” Hindi makapaniwalang tanong ko, sinamaan niya ako ng tingin at bumaling kaagad sa daan.
“Hindi,” Maikling sagot niya, kumunot ang noo ko.
Ha? E sino?
“Sino?” Takang tanong ko, bumuntong hininga siya.
“Sarili mo,” Simpleng sagot niya, nanlaki ang mata ko.
Nagbibiro ka na pala lo?
“Joke ba yan? Nakakatawa lo.” Walang ganang ani ko at iniwas ang paningin sa labas.
Paano ko naman mapapaaral ang sarili ko? Hello? Bago pa kaya ako dito, wala pa akong kakilala, wala akong alam na trabahong pang-probinsya!
“Sinong may sabing nagbibiro ako?” Malamig na tanong niya, bumuntong hininga ako.
“E kasi naman lo, saan naman ako kukuha ng pang-gastos ko sa pag-aaral?” Maaksiyong tanong ko, nanatili siyang nakatingin sa daan.
“Ipapasok kita sa tinatrabahuan ko,” Sagot niya, kumunot naman kaagad ang noo ko.
Anong klaseng trabaho?
“A---”
RINGG~
Natigilan ako dahil biglang tumunog ang phone ko kaya taka ko 'yong kinuha saka tinignan kung sino ang tumawag.
Zac Calling~
Bumuntong hininga pa muna ako bago sinagot ang tawag.
Ba't naman kaya 'to napatawag?
“TAMIAAA!!!” Bahagya kong nailayo ang phone sa tenga dahil sa lakas ng sigaw ni NANA!
“Ano ba nana! Hindi mo na ba talaga matatahi 'yang bibig mo?” Inis na tanong ko rito, narining ko ang bungisngis nila.
Pinag-ti-tripan ba ako neto?
“HIHIHI, Ba't ka nga pala hindi pumasok ngayon? Nag-aalala na si Chase mo!” Panunukso ni nana kumunot ang noo ko,
Eto na naman siya sa kaharutan niya.
Napailing-iling ako sa naisip.
“Nasaan ba si zac? At bakit na sa'yo ang phone niya?” Takang tanong ko, narinig ko ang buntong hininga niya.
“Nandito sa tabi ko—nana ako naman!—wait lang tangina neto!—wow, cellphone mo yan? Akina yan! Tamia!” Natawa ako ng mahina dahil sa katangahan nila.
“Zup zac!” Natatawang ani ko, rinig ko ang pagsinghot-singhot niya pa kunwari.
Kung sana nand'yan ako sa tabi niyo, sinakal ko na kayong dalawa wala pa rin kayong pinagbago para pa rin kayong mga aso't pusa.
“Tamia, asan ka na ba kasi?! Nananadya na 'to si nana e,” Parang batang sumbong niya. bumuntong hininga ako.
“Bakit na naman ba kayo nag-away?” Tanong ko, narining ko ang pagmamaktol ni nana sa kabilang linya.
“Eto kasing babaeng 'to napakayaman! Ultimo load hindi makabili!—Tsk!” Narining ko ang singhal ni Chase sa kabiliang linya, natawa ako.
HAHAHHA paniguradong naiinis na 'yon ngayon sa dalawang tukmol na 'yon.
“Tamia,” Natigilan ako nung boses ni Chase ang narinig ko,
So husky and sexy pa rin—tsk what the hell Tamia?
Umiling-iling ako sa naisip at bahagyang inilayo ang phone para hindi niya marinig ang buntong hininga ko.
“Mm?” Tanong ko tumikhim naman siya.
“Where are you?” Malamig na tanong niya na ikinangiwi ako.
“Nandito sa bahay,” pagsisinungaling ko,
“Mm,” Ganito talaga kami mag-usap, ‘Awkward’.
“Nandito na tayo” Si lolo, tumingin ako sa labas namangha pa ako sa ganda ng tanawin at mga puno. Nakita ko ang munting bahay ni Lolo na pinalilibutan ng mga puno,
Wow,
Naibulalas ko sa isip, ang lamig ng hangin ay nagpapakalma ng isip ko, ang huni ng mga ibon sa himpapawid ay nagpapagaan ng loob ko.
How wonderful....
“Who's there,tamia?” Bumalik ako sa ulirat nung marining ang malamig na tanong ni Chase, napamura ako ng mahina.
Shit!
“Um, tinawag ako ni dad so I need to go na bye!” Pagsisinungaling ko at mabilis na ibinaba ang phone.
Sorry guys,
“Mga kaibigan mo ba yung tumawag?” Tanong ni Lolo, nilingon ko siya at tinanguan.
“Yes, mga kaibigan na hindi ako iniwan, hindi ako nilayuan at higit sa lahat mga kaibigang hindi ako tinuring hayop...” Walang emosiyong sagot ko napailing-iling siya.
Mga totoo kong kaibigan.
Hindi nakasagot si Lolo kaya bumaba na ako mula sa tricycle at lumanghap ng preskong hangin.
“Maria,” natigilan ako no'ng seryoso akong tawagin ni Lolo, nilingon ko siya.
“Mm?”
“Kahit kailan hindi ka namin tinuring hayop.” Seryosong sagot niya, ngumiwi ako.
Yeah right!
Hindi ko siya sinagot at nagpasimaunang naglakad, sa bawat hampas ng hangin sa mga nag-gagandahang mga puno ay napapanganga ako.
Nung makapasok na kami sa bahay ay namangha kaagad ako sa mga kakaibang antique na naka-display sa kaniyang cabinet sa sala.
Makikita mo talagang luma na pero sumisigaw pa rin ang ganda nito, gumala ako sa kabilang dako ng bahay at nakita ko do'n ang mga picture frames.
Nananabik akong tinignan 'yon, natawa pa ako ng mahina no'ng makita ang mukha ni mom no'ng maliit pa siya.
Dugyot!
“5 years old pa lang siya niyan no'ng kuhaan siya ng litrato ng kaniyang ina,” Biglang sulpot ni Lolo, gulat ko siyang nilingon.
Nakakatakot naman 'tong matandang 'to! Bigla-bigla nalang sumusulpot.
Tango lang ang naisagot ko at napatingin sa isang litratong nakapagpatigil ng t***k ng puso ko.
“Kaarawan mo nung kuhaan ko kayo ng family picture niyan 'di ba? Naalala mo pa ba?” Sunod-sunod na tanong niya, napatungo ako sa litrato.
Pa'no ko makakalimutan...
“Yeah, preskong-presko pa sa utak ko ang lahat ng nangyari sa arawng 'yan.” Mahinang bulong ko,
Ang huling kaarawan ko na naging simula ng kalbaryo ng buhay ko.
“Ha?” Tanong ni Lolo, iniwas ko ang paningin.
“Kumain na tayo lo, gutom na ako.” Pag-iiba ko ng usapan, bumuntong hininga siya at tumango. Pumunta siya sa kusina sumunod naman ako.
Simple lang ang kusina niya, may mahabang lamesa at anim na upuan. Umupo na ako do'n at ipinagsiklop ang dalawang kamayng ipinatong sa mesa.
“Baka gusto mo 'kong tulungan dito?” Sarkastikong tanong ni Lolo, tiningnan ko siya sa lababo na nakatalikod. Bumuntong hininga ako at tumayo.
“Ano bang gagawin ko?” Inosenteng tanong ko, inabot niya sa'kin ang dalawang plato at kutsyara.
“Ilapag mo ng maayos do'n,” utos niya at ininguso ang mesa, tumango ako.
Sinunod ko ang utos niya, dahan-dahan kong inilapag ang mga plato sa'kin at sa pwesto ni Lolo. Bumalik ako kay Lolo na hinuhugasan ang bagong pitas na prutas.
“Saan mo yan nabili lo?” Hindi ko mapigilan ang sarili kong magtanong, ngumiti siya.
“Hindi ko 'to binili, pinitas ko lang 'to sa puno ng kapitbahay natin HAHAH” Natatawang bulong niya, natawa ako.
Ang takaw mo naman lo, kung sana sinabihan mo 'ko na mahilig ka pala sa bayabas sana dinalhan kita.
“Buti at 'di ka nahuli lo?” Tanong ko sabay kuha sa ibang bayabas para hugasan.
Ito ba hapunan namin ngayon?!
“Pinayagan naman kasi nila ako, mababait yung kapitbahay natin 'di bale bukas ipapakilala kita” Sabi niya nagkibit balikat lang ako,
Sana hindi sila kasing sama ng mga taong nakabangga ko ngayon.
“Kayo po'ng bahala,”Naiusal ko nalang, matapos naming hugasan lahat ng mga bayabas ay inilapag namin 'yon sa gitna ng lamesa.
“Nga pala...” Pambibitin ni Lolo, nilingon ko siya habang patuloy na ina-arrange ang bayabas sa mesa.
“Mm?”Tanong ko, lumapit siya sa'kin.
“Hindi mo pwdeng gamitin ang pangalan mo rito,kailangan mong palitan...” Sambit niya, natigilan ako.
Bakit naman?
“Why?” Takang tanong ko at umayos ng pagkakatayo, umupo siya sa upuan.
“Masyadong sosyal ang pangalan mo sa pandinig ng mga tao rito,” seryosong sagot niya, kumunot ang noo ko.
Anong sosyal?!
“Sosyal ba yung TAMIA MARIA lo?” Sarkastikong tanong ko, ngumiwi siya.
“Hindi pero ang apelyido mo,” Seryosong sagot niya, tinitigan ko siya.
Anong meron sa apelyido ko?
“Lo,h-hindi ko maintindihan?” Naguguluhang tanong ko, umayos siya ng pagkakaupo.
“Kilalang-kilala ng mga tao rito ang nagmamay-ari ng apelyido mo, kaya para maprotektahan ka kailangan mong palitan ang buong pangalan mo...” Mahabang paliwanag ni Lolo, napalunok ako.
Hindi ko alam na artista pala rito si dad—wait, alam ba 'to ni dad? Psh! Bobo ka ba Tamia? Ipinadala ka siguro niya dito bilang pain!
“Tsk!” Napasinghal ako sa naisip.
Unang pagbabago, pangalan ko. Tsk!Bakit kailangan pang palitan? Paki ko naman kung kilala nila si daddy? Ano ba'ng mangyayari sa'kin 'pag nalaman nilang anak niya 'ko?! Tsk! Ang gulo naman dito!
“Maaari kang pag-initan dito ng mga may galit sa ama mo,” Nagulat ako sa sinabi ni Lolo,
Wow, sana all mind reader—Pag-initan? May naka-away si dad dito? Wow! Lakas niya pang ipatapon ako dito, tapos siya rin pala ang may naiwang gulo. Tsk!
“Whatever!” Naiiritang singhal ko, narining ko ang malalim niyang buntong hininga.
Damn this life! Hindi na ba talaga mauubos ang problema ko? Kung may isang masosolusyonan may panibago na namang darating...
“From now on, ikaw na si Paulette Louise Anderson...” Seryosong ani lolo nanlaki ang mata ko.
What? Who the hell is that?