Chapter 1

2961 Words
Nakaimpake na ako at nakabihis sa madaling salita ready na 'kong lumayas, pagbukas ko ng pinto ng kwarto ay nakita ko na kaagad ang kumikinang na ngipin ni Charmaine. Ngisi ng kalabaw ba 'yan? Pagbaba ko sa sala ay agad akong niyakap ni mommy, napasinghap pa ako sa ginawa niya akmang kakalas na sana ako pero narinig ko ang hikbi niya. M-mom? “Hey, mom! You okay?” Nag-aalalang tanong ko, mas hinigpitan niya pa ang pagyakap sa'kin. Ilang taon akong nangulila sa yakap ng ina, ngayong ginawa niya I don't know how to react. “Baby, My baby Tamia, M-mag-ingat ka do'n ah,” humihikbing tugon niya natigilan ako. Hindi ko kailangan yan ngayon mom, gusto kong pigilan mo si dad sa desisyon niyang ipadala ako dun. But I know that you wouldn't, “Y-yes mom, I will” Nahihirapang ani ko at pilit na kumalas sa pagkakayakap niya, nagulat siya sa ginawa ko pero madali ring nakarecover. “Let's go?” Yaya ni dad tiningnan ko siya at tumango mas lalo pang naluha si mommy nung ngitian ko siya. Yung ngiting parang hindi na niya makikitang muli kasabay no'n ang pagtalikod ko sa kanila. Good bye Mom, sana wag kayong mag-sisi kung bakit hindi niyo 'ko pinaniwalaan noon... Lalabas na sana ako nung biglang magsalita yung empakta, tumigil ako at ngumisi hindi ko sila hinarap tumitig ako sa pinto. “Have a safe trip, ate Tamia...” Sarkastikong tugon niya, natawa ako ng mahina. Oo naman, babalik pa ako! Babalik ako upang bawiin lahat ng kinuha mo sa'kin. Nagkibit balikat lang ako, napahigpit ang paghawak ko sa maleta at sinalubong ang kilay. Alam kong may iba kang ibig sabihin no'n Charmaine, at hinding hindi mo'ko makukuha ng buhay, magpapatalo ba ako sa isang kinse anyos? Ha! Napakahina ko naman kung gano'n. Tuluyan na akong nakalabas ng mansiyon nagulat pa ako nung makitang nakapila lahat ng mga katulong namin sa labas ng gate. What's happening? Habang papalapit sa gate ay rinig na rinig ko ang paghikbi nila, hindi pa man ako nakarating dun ay mabilis akong sinalubong ng yakap ni yaya claring... Hindi ako naiiyak, hindi talaga. “Mag-iingat ka do'n alaga ko!” Umiiyak na tugon ni yaya claring, binitawan ko ang maleta at niyakap siya pabalik. She's been my maid for 5 years now... And I really love her, “Yes, yayi...” Nakangiting sagot ko kumalas siya sa yakapan namin at tinignan ako sa mata, kitang-kita ko ang lungkot na namumutawi sa kaniyang matamlayng mata. She's like a second mother to me, kaya uminit talaga ang ulo ko kanina nung siya naman ang pagtripan ni Charmaine. F L A S H B A C K ! Nanonood ako ngayon ng paborito kong palabas ni oppa song jong ki ko hihi, Oh my god! Sa wakas may update na rin. Nasa gano'n akong sitwasyon nung may marinig akong isang kalabog, napabalikwas kaagad ako ng bangon sa kama. I know na may pinagtitripan na namang katulong si Charmaine, pero iba 'tong kabang nararamdaman ko ngayon. KABLAAGG~ Umulit na naman ang kalabog mula sa sala namin kaya in-off ko ang laptop at inis na pinihit ang doorknob. Malaki ang sakripisyong ginawa ko rito ha, hindi ko natapos ang palabas ng oppa ko. Hindi pa ako nakababa ay nanlaki kaagad ang mata ko sa nakita. Fuck! Pagtripan mo na lahat wag lang 'yan. “Are you really our maid? Ugh! Your so clumsy! Look at my new dress oh! Pina-plantsa ko sa'yo! Pero anong ginawa mo? You ruin it! You ruin everything! Do you know how much this dress cost?” Maarteng sumbat niya kay yayi, tinignan ko lang silang dalawa. Napayuko si yayi at 'di nakasagot dahan-dahan akong lumapit sa kanila pinagkrus ang braso, Hindi nila ako napansin. “I-I'm Sorry m-ma'am” Kabadong ani yayi nakita ko kung pa'no nag-igting ang panga ni Charmaine, napangisi ako. “'yan na nga lang ang trabaho mo! Hindi mo pa magawa ng maayos! Ugh! Your getting into my nerves!” Galit na sigaw niya rito at itinaas ang kaliwang kamay para sampalin si yayi, mabilis ko itong napigilan. Gulat niyang tinignan ang kamay niya, dahan-dahan niya akong nilingon. “Sumbatan mo lang, wag mong saktan kasi 'pag ginawa mo 'yon...” Walang emosyong pambibitin ko, napalunok siya sa sama ng pagkakatitig ko sa kaniya. “Ha! E ano namang mangyayari kong saktan ko 'yan? Sasaktan mo rin ako? Psh! Your just wasting your time...” Napapairap na singhal niya, hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya napatingin siya do'n. “H-hey! Ow!” Daing niya at pilit na hinihila ang kamay pero mahigpit ang pagkakahawak ko kaya 'di niya makuha. “T-tamia, bitawan mo si m-ma'am charmaine” Awat sa'kin ni yayi, nilingon ko siya at nginitian. “No.” Maikling sagot ko pasiring kong tiningnan ulit si Charmaine. “Hindi kita sasaktan,” pambibitin ko, nagulat siya. Lumapit ako sa bandang tenga niya, “Papatayin kita...” Nakangising bulong ko at pabatong binitawan ang kamay niya, napamaang siya at 'di nakapagsalita. Nilingon ko si yayi na nakakunot noo, ngumiti ako. Paniguradong tatanongin ako neto mamaya kong ano ang ibinulong ko dito sa empakta at napamaang. “Yayi,” tawag ko sa kaniya gulat niya akong tiningnan. “Hihi, pwede niyo po ba akong lutuan ng lugaw?” Nakangusong ani ko napangiti naman siya kaagad at napailing-iling. “Mm, sige” Pagpayag niya napangiti naman ako, pero kumunot ang noo ko nung hindi pa siya umalis.Nakatingin siya kay Charmaine, bumuntong hininga ako. “Sige na yayi, pumunta ka na sa kusina.” Utos ko sa kaniya nag-aalinlangan naman siyang sumunod. Nung tuluyan ng mawala si yayi sa paningin ko ay saka 'ko bumaling kay charmaine na ngayon ay parang naiinis na tuko. Psh! Inirapan ko siya at umakyat sa kwarto pero hindi pa man ako nakakapasok ay may humila na kaagad ng buhok ko. Now this is great! “Where are you goin'? I'm not done yet...” Sabi niya nilingon ko siya at malakas na tinabig ang kamay niyang nakahawak sa buhok ko, napadaing siya. “Putak...” Walang ganang ani ko,kumunot ang noo niya, tiningnan ko ang dala niyang dress na may sunog sa gitna. Nice one yayi, “What?” Maarteng tanong niya, napabuntong hininga ako. Bobo! “What's that?” Tanong ko at tiningnan ang dala niyang dress, napairap siya. “It's a dress! Ugh! Your so Bobo!”Napapairap sa kawalang sigaw niya, nagkibit balikat ako. “Oh? Akala ko basahan.” Sarkastikong ani ko, napamaang siya. “WHAT?”Hindi makapaniwalang tanong niya, kinunutan ko siya ng noo. “Can you please direct to the point? What are you doing here? Stop with that what-what thing mo!” Naiinip na sigaw ko sa mukha niya, ngumisi siya saka hinampas sa mukha ko ang dala-dalang basahan niya. Simulan mo ng maghukay sister. “Fix that, I need that dress tommorow.” Maarteng utos niya, nanatiling nakadikit ang basahan sa mukha ko. Who you naman para sundin ko? Dahan-dahan kong kinuha ang basahan sa mukha ko at nakangiting pinagpag-pagpag 'yon, nagulat siya. “Sorry to say this but,” Pambibitin ko at ibinuka ang basahan, taka niya yung tiningnan. “I Don't know how to fix....” Dagdag ko at dahan-dahang ipinwesto ang kamay sa kwelyuhan. “This kind of s**t!” Sigaw ko at buong pwersang pinunit ang basahan, nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Oopps, I think na bigla ko 'ata siya? “What the?! What the hell did you just do?!” Gulat na sigaw niya,napairap ako at binato sa kaniya ang punit na basahan. Inayos ko lang naman, galing ko 'di ba? “Ugh! Go back to your room and fix that, alone.” Mapakla ko siyang nginitian, akmang pipihitin ko na sana ang doorknob nung hilahin niya na naman ang buhok ko. I'm not good at martial arts naman e, hindi ko naman siguro siya mapapatay 'pag ginamit ko 'yon. “You b***h!” Sigaw niya at mas hinila pa ang buhok ko kaya napapikit ako sa sakit, bumuntong hininga ako at hinawakan ang kamay niya. H'wag mo 'kong sisihin 'pag hindi ka na makakalakad bukas. Ipinaikot ko 'yon hanggang sa napatalikod siya lumapit ako sa tenga niya. “Hindi 'to masakit,” Sabi ko at malakas na sinipa ang likod niya na dahilan ng pagkabagok ng ulo niya sa hawakan ng hagdan pero mabuti nalang at nakakapit siya, kaya hindi siya nahulog. Sayang. “Ah! Fvck! That's hurt like hell!” Bulong niya sa sarili pero rinig ko, mabilis siyang tumayo at sinugod ako ng suntok pero agad ko ring nailagan.Sinipa ko ang tuhod niya napaupo siya sa sahig, nagpagulong-gulong at namimilipit sa sakit. “Ahh!! Fuvk you! Tamia!” Buong pwersang sigaw niya, napapikit pa ako sa tulin ng boses niya. “Ugh! Ingay mo!” Inis na sita ko sa kaniya at kunwaring kinakalikot ang tenga. “Where did you learn that pa-ilag-ilag mo? Ahh!” Sigaw niya, ngumisi ako. Bakit ko naman sasabihin sa'yo kung sa'n ko natutunan 'to? Gold kaba? “Why do you wanna know?” Malamig na tanong ko, namimilipit pa rin siya sa sakit. Inis niyang inangat ang tingin sa'kin, “Damn! It hurts!” Nakapikit na daing niya, ngumisi ako. Kung hindi ako nagkakamali, parang kagat lang 'yan ng langgam. “You asked for it...” Sabi ko saka tinalikuran siya pero natigilan ako nung may humawak sa kaliwang paa ko na dahilan ng pagkasubsub ko sa sahig. BLAAGG~ Ow! Iminulat ko ang mata ko kasabay no'n ang paghawak ko sa dumudugo kong labi. “Ha! Do you think, magpapatalo ako sa'yo?” Galit na tanong niya at inupuan ang likod ko, napapikit na naman ako sa sakit. Gusto mo talagang mag-laro ah. Hinila niya ang buhok ko, napatiad ako. Kinabahan ako nung may matalim na bagay siyang itinutok sa leeg ko. Kutsilyo, psh! Childish! “Do it...” Nakangising ani ko na ikinagulat niya kaya mabilis kong hinawakan ang kamay niyang may kutsilyo at itinutok 'yon sa kaniya. I know na hindi mo pa kayang pumatay. “Y-yah! W-what do you think you're doin'?” Kinakabahang tanong niya, kumunot ang noo ko. “Pinapalasap sa'yo ang kakaibang takot 'yong takot na sa'kin mo lang mararanasan...” Malamig na sagot ko, napalunok siya. Duwag! Hindi siya nakasagot kaya pabato kong binitawan ang kamay niya, tumayo ako at ipinagpag ang damit kong madumi na nga mas lalo pang naging basura. Tinignan ko siya no'ng dahan-dahan siyang tumayo hindi niya ako tiningnan nakatungo lamang siya sa sahig. Ano na naman bang pakulo ang gagawin niya? Tumayo siya sa gitna ng hagdan at inangat ang tingin sa'kin, kumunot ang noo ko. Kinuha niya ang kamay ko na mas lalong nagpakunot ng noo ko. “Hindi ko hahayaang mauwi lang sa wala ang lahat ng pinaghirapan ko,” Seryosong ani'ya napairap ako sa kawalan, akmang babawiin ko na sana ang kamay ko pero huli na ang lahat dahil itinulak niya na ang sarili. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya, nagpagulong gulong siya sa hagdan kasabay no'n ang paglabas ni daddy sa kwarto. Napasinghap pa siya at mabilis na tumakbo papalapit sa'min. “Charmaine!!!” Sigaw ni dad, BLAAAGG! Hindi nagawang saluhin ni dad si Charmaine, napako ako sa kinatatayuan habang nakatitig sa daddy kong nag-aalala sa demonyo. Ganiyan ba siya ka-desperadang burahin ako sa buhay niya? 'yan ba ang plano mo? Ang pagmukhain akong masama sa harap ng mga magulang ko? “What the hell are you thinking TAMIA!!!” Galit na sigaw ni daddy at tiningnan ako ng masama, parang may kung anong tumusok sa puso ko pero hindi no'n magawang palabasin ang likido mula sa mga mata ko. Kung gano'n ang plano mo, napakabobo mo. “Tinulak ko siya.” Pagsisinungaling ko, nag-igting ang panga niya. What's the use of telling the truth? Kung hindi ka rin naman paniniwalaan. E N D O F F L A S H B A C K ! “Tamia!” Nabalik ako sa wisyo nung tawagin ako ni yayi, napapakurap akong tumingin sa kaniya. “Y-yayi...” Naiusal ko nalang bumuntong hininga siya. “Is there something's bothering you?” Tanong ni yayi, naitungo ko ang paningin sa sahig. Marami. “N-nothing yayi...” Pagsisinungaling ko, bumuntong hininga na naman siya. “I'm sorry,” Gulat kong inangat ang tingin sa kaniya, Sorry? “Y-ya--” "This is all my fault, kung sana hindi ako naging tanga kanina edi sana nasa kwarto ka ngayon at pinapanood ang palabas ng oppa mo,”Napailing-iling na ani'ya, natigilan ako. Yayi... Wala sa sariling niyakap ko siya ramdam kong nagulat siya dahil bahagyang tumaas ang balikat niya. “Wala kang kasalanan yayi, sadyang ayaw ko lang talagang makitang sinasaktan ang mga taong mahalaga sakin...” Seryosong sabi ko, niyakap niya ako pabalik. Dahil mas nagkakaroroon ako ng rason para patayin sila. “Tamia!” Tawag sa'kin ni dad, ilang segundo pa kaming nagyakapan bago ako tuluyang kumalas, tiningnan ko si yayi. “I have to go na yayi,” Sabi ko at dahan-dahang bumitaw sa kamay niya nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya mula sa kaniyang mga mata. “Mag-iingat ka palagi! Kumain ka sa tamang oras—oh! Wait!” Sigaw niya, kumunot ang noo ko nung tumakbo siya pabalik sa mansiyon. Mabilis siyang nakabalik at inabot sa'kin ang maliit na paper bag, kunot noo ko 'yong tinanggap. Ano 'to? “What's this yayi?” Takang tanong ko at sinilip ang laman no'n. Hindi ko naman birthday para bigyan niya ako ng regalo? “S-sino ang m-masarap magluto ng l-lugaw?” Humihikbing tanong niya natigilan ako saka inangat ang tingin sa kaniya. Damn it. “Si YAYIII!!!!” Malakas na sigaw ko, pareho kaming napahalakhak. “HAHAHA!” tawa naming dalawa. Mamimiss ko 'to yayi, Malungkot kong tinignan ang paper bag na bitbit ko, niyakap niya pa ako saglit at mangiyak-ngiyak na kumalas sa yakap. Nung tuluyan na akong makalabas ng gate ay pumasok kaagad ako sa kotse ni dad, “Are you ready?” Tanong niya, kumunot ang noo ko. Pinanganak akong ready. “Ready?” Takang tanong ko, bumuntong hininga siya. “Fasten your seatbelt.” Utos niya mabilis ko naman siyang sinunod. Wala kaming kibuan sa loob ng isang oras na byahe, ewan ko ba kung bakit hindi siya nagsasalita. “Baba,” utos niya kumunot ang noo ko at takang tumingin sa labas. The heck? Train station? 'Di ba dapat sa airport? “Dad,” Makahulugang tawag ko sa kaniya, ngumiti siya. “Mas maganda 'pag train ang sasakyan mo,” nakangiting sabi niya, bumuntong hininga nalang ako at napairap sa kawalan. He's crazy. Mabilis akong bumaba at padabog na isinarado ang pinto, umikot kaagad ako sa likuran para kunin ang mga bagahe ko. Bumuntong hininga pa muna ako matapos kunin ang mga bagahe, bumalik kaagad ako sa harapan. Nakita ko siyang nasa loob pa rin ng kotse, bahagyang kumunot ang noo ko. Wala ba siyang planong bumaba? Tsk! Hindi ka naman kasi importante Tamia! “Tinawagan ko na yung Lolo mo at susunduin ka raw niya, pag dating mo do'n.” Tugon niya napairap ako. “Psh! Whatever.” Singhal ko sinamaan niya ako ng tingin. “Alam mo namang strikto ang Lolo mo 'di ba? Kaya maghinay-hinay ka sa pananalita mo.” Makahulugang tugon niya, napayuko ako. Kaya nga ayaw ko sa kaniya e! Kasi napakastikto niya! Hindi kami nagkakasundo! “Bahala na...” Wala sa sariling ani ko kumunot ang noo ni dad. Shit! “Ano?” Malamig niyang tanong, napalunok ako. “I-I have t-to go...” Kinakabahang sagot ko at mabilis na hinila ang maleta saka tinalikuran siya. “Take care, baby.” Pahabol niya, natigilan ako. Baby huh. Kumaway nalang ako ng patalikod at pinagpatuloy ang paglalakad nung makapasok sa train ay napanganga kaagad ako sa nagsisiksikang mga tao. The fvck?! Inis kong nilingon si dad at nakita kong nag-thumbs up siya. Uminit kaagad ang ulo ko akmang lalabas na sana ako pero sakto ring nagsirado ang pintuan ng train. Argghhh!!!! Malalim akong bumuntong hininga at inis na bumaling ulit sa mga nagsisiksikang mga tao. Damn this life! Kailan pa ba magiging peaceful ang buhay ko?—what am I thinking? Peaceful my a*s. “Ah!” Daing ko nung may tumapak bigla sa paa ko, Fvck! Eto na nga ba sinasabi ko e! Ansakit nun ah. Inis kong inangat ang paningin ko, bumungad sa'kin ang nakasunglasses na matipunong lalaki. Tiningnan niya ako randam ko ang pagtama ng mga mata namin kahit nakasunglasses siya. Parang may kung anong kuryente ang ibinigay ng mga titig niya sa'kin na nagpawala ng buong sistema ko saglit. “What are you staring at?” Inosenteng tanong niya, nag-igting ang panga ko dahil hanggang ngayon nakatapak pa rin siya sa paa ko! Parang may bumatok sa'kin na magising ako sa katotohanang hindi tao ang kaharap ko. “Mister! Pakibaba ng paningin mo? Baka may naapakan ka?!” Sarkastikong tanong ko, dahan-dahan niyang ibinaba ang paningin. “Oh! Sorry, hindi ko alam na naapakan ko pala mga galamay mo.” Sarkastikong sagot niya at mabilis na inalis ang paa niya sa pagkakatapak sinamaan ko siya ng tingin. Galamay?! Ha! Sa dami ng mata mo? Hindi mo talaga napansin ang paa ko? Aba, gusto 'atang maging anim paningin neto? “Apat ang mata tapos hindi nakita na may naapakan na pala siya, what a dumb alien.” bulong ko sa sarili. “What?!” Inis na tanong niya, inirapan ko lang siya. Feeling gwapo, mukang alien naman ts---- “Ahhh---!!!” Sigaw ko nung may bumangga sa likuran ko na dahilan ng pagkasubsub ko sa dibdib ng malditong alieng nasa harapan ko. Oh s**t!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD