PART 15
Title: Be my wife again
Author: PROSERFINA
“Hoy! Kanina pa kita kinakausap, naririnig mo ba ako?” Naiinis na tanong ni Drake Kay Westley dahil sa haba ng sinabi niya ay Wala man lang itong response at nakatingala lang sa kisami habang nakasandal at nakaupo sa kanyang swivel chair. Umayos ito ng upo at humarap sa kanya.
“Paki-ulit ng sinabi mo, hindi masyadong naintindihan.” Kamot ulong tanong ni Westley.
“Ang Sabi ko, gusto ko nang maraming tauhan sa bahay namin ni Eliza. Habang hindi pa natin natatagpuan si Eliazar. Hindi ako mapapanatag hanga’t hindi ko nakikita ang hay00p na yun!”
“Ahhh, so ang sinabi mo is kulang pa ang bente na tauhan kong magbabantay sa mansyon niyo ngayon? Hindi mo ba alam na sampu sa mga tauhan ko ang nawala sa pagsugod natin sa Black lotus Cult? Hindi ganun kadali ang kumuha ng loyal na tauhan , Drake. Bawat isa sa kanila ay personal kong pinipili at isa din ako sa trainers nila kaya hindi ganun kadali ang magbasa ng tauhan.” Paliwanag ni Westley.
“Mag-hired ka na lang ng bago mong tauhan .Babayaran kita kahit magkano. Basta’t masiguro ko lang ang safety ni Grandma at Eliza.” dagdag pa ni Drake.
“Mukhang malaking banta talaga si Eliazar sayo, Drake Lalo pa’t pinakulong mo ang kapatid niya.” Sabat naman ni Thirdy habang sumisimsim ng alak.
“Tatapusin ko siya gamit ang mga kamay. Kaya pinaghahandaan ko ang paghaharap namin.” seryosong sabi ni Drake. Inubos niya ang natitirang alak sa kanyang baso at nagpaalam na din dahil kailangan na niyang umuwi sa mansyon kung saan patuloy na nagpapagaling si Eliza.
“Westley, sa tingin mo ba kakayanin ni Drake ang laban nito with Eliazar? Tutulungan mo pa rin ba siya?” tanong ni Brandon. Nakatinginan sila ni Thirdy dahil nakatingala na naman ito sa kisame at hindi na naman makausap.
“Pupusta ako, babae ang dahilan kung bakit lutang ang kaibigan nating allergic sa mga babae.” Ani ni Thirdy na ikinatawa ni Brandon
“Malabong mangyari yan, sa lahat ng babaeng dumaan sa buhay niyan ni isa ay Wala siyang pinatulan. Mas pupusta pa ako kung hindi babae ang hanap niya kundi lalaki—oy!!! Kalma lang! Aatikihin ako sayo eh!!!” nagtatago sa likod ni Thirdy na pigil niya Kay Westley nang kasahan siya nito ng b@ril galing sa cabinet nito.
“Don't play with me, Brandon.” Seryosong Sabi ni Westley sa kanya.
“Sorry na nga! Ito naman Hindi na mabiro.”
Kinalma ni Westley ang sarili at ibinalik ang b@ril sa cabinet.
“Mukhang seryoso ata ang problema mo? Ano ba kasi yun?” pangungulit ni Thirdy sa kaibigan.
“A thief climbed into my room.” kunot noo na sagot nito.
“What? May magnanakaw na umakyat sa kuwarto mo? Oh Anong nangyari? Nahuli mo ba? Nakilala mo ba? Anong kinuha sa kuwarto mo?” Sunod-sunod na tanong ni Brandon. Napabuntong hininga siya at pinagsiklop ang kanyang kamay sa ibabaw ng table at nangalumbaba.
“Mahuhuli ko na sana siya bago siya makatalon sa terrace pero nahulog ang suot niyang cap.” kwento ni Westley.
“Oh tapos? Kalbo ba siya tapos nasilaw ka sa ulo niya kaya nakatakas siya?”
“Bweset ka talaga, patapusin mo nga muna si Westley. Gusto mo naman c****x agad!” litanya ni Thirdy sa kanya.
“Eh kasi naman ayaw pang tumbukin ni Westley kung ano ba ang gumugulo sa isip niya–”
“The thief, she’s a girl.”
Namilog ang labi ng dalawa sa sinabi nito.
“Maganda ba?” Ani ni Thirdy
“Sexy?” Ani naman ni Brandon
“I don't know, hindi ko napansin, Ang black, shiny at hangang beywang na buhok lang niya ang nakita ko pati na rin ang tantalizing eyes niya dahil nakatakip siya ng facemask. At may distinct siyang amoy. Bukod doon mataas ang veranda pero walang takot niya itong tinalon.” patuloy na kwento ni Westley.
“Ang lakas ng loob ng babaeng yun, eh ano ang nanakaw niya?” Usisa ni Thirdy.
“Yun na nga ang hindi ko lubos Maisip. Sa dami ng valuable item sa kuwarto ko. Tanging boxer brief ko lang ang kinalkal niya.”
“Ano?!”
“What?!”
Bulalas ng dalawa pagkatapos ay sabay na humagalpak ng tawa.
“What's funny?” Kunot ang noo na tanong ni Westley.
“Bro, sinuong niya ang mapanganib mong mansyon at hindi siya natakot na mahuli mo siya para lang magnakaw ng brief? Hindi naman siguro gawa sa pilak or ginto ang boxer brief mo ano?” Natatawang tanong ni Thirdy. Napabuntong hininga si Westley at sumimsim ng alak sa baso.
“Wait lang, paano kung hindi lang pagkuha ng underw3ar ang ginawa niya sa room mo? Paano kung maglagay din siya ng device? Paano kung kalaban mo pala yun?” Ani ni Brandon sa kanya.
“Pinacheck ko na ang bawat sulok ng kuwarto ko. At isa pa, pinanuod ko din ang CCTV. Wala siyang ibang ginawa kundi kumuha ng underw3ar ko sa cabinet at nilagay sa bag niya. Bago pa kami makarating galing sa hospital. Kaya yun ang gumugulo sa isip ko. Kung sino ang babaeng yun at ano ang pakay niya?” Naguguluhan na isip ni Westley.
“Balitaan mo ako sa babaeng yun, kailangan ko pang umattend ng meeting.” paalam ni Thirdy.
“Mee too, may susunduin pa ako sa airport.” Wika naman ni Brandon.
Pagkalabas nila ay tinawagan ni Westley ang taong inatasan niya para hanapin ang babaeng pumuslit sa kanyang kuwarto.
Samantala, pagkarating ni Drake sa mansyon ay tumuloy na agad siya sa kuwarto nila ni Eliza. Naabutan niya itong nagpapahinga. Inayos niya ang kumot nito at naupo sa kanyang tabi.
“Eliza, from now on…hindi na ako papayag na may mangyari sayong masama. Wala nang makakapanak8 sayo habang nandito ako.” sambit ni Drake. Pinagmasdan niya ang maamong mukha ni Eliza. Ang maputla at pasa sa labi nito ang halos kulay ube nitong pisngi. At ang mga galos nito sa katawan.
“Bawat sug@t na nakuha mo sa lalaking yun ay ibabalik ko sa kanya ng sampung beses!” Igting ang pangang mahinang sambit ni Drake.
Gumalaw ang kilay nito…at parang nanaginip ng masama.
“H-hindi…ayoko…huwagggg!!!”
“Eliza! Eliza! Gumisiing ka!”
Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at inangat ang katawan pagkatapos ay niyakap niya at hinagod ang likod.
“It's just a dream, please wake up…”
Tumigil sa pagkakawag si Eliza at unti-unti siyang nagmulat.
“D-Drake….”
Binitawan niya ito ngunit mas yumakap si Eliza sa kanya.
“Please…don't let me go…I’m scared…” humihikbing paki-usap niya.
“Ssshhh…don't worry. Hindi kita bibitawan. You're safe now with me.” may pagsuyo niyang sambit upang kalmahin si Eliza.
Nang makatulog itong muli ay dahan-dahan niya itong hiniga at binantayan.
Umaga na nang magising si Drake. Napabalikwas siya ng bangon nang Wala na si Eliza sa kanyang tabi. Magulo ang buhok na bumaba siya sa sala pero wala din ito.
“Eliza! Eliza!” Malakas na sigaw niya.
“Ang ingay mo naman apo.” saway ni Donya Almonte sa kanya.
“”Where’s my wife?” Usisa nito.
“Maglalakad at magpapahangin daw muna siya sa labas. Masakit na daw ang likod niya sa ilang araw na paghiga.” Sagot ng Lola niya.
Nakahinga ng maluwag si Drake. Nagpaalam siya sa kanyang Lola at lumabas upang puntahan si Eliza.
Nakita niya itong nakatalikod habang nakatingala sa langit. Nilapitan niya ito at niyakap mula sa likuran na ikinagulat ni Eliza kaya humarap siya dito.
“Nagulat ba kita? Sorry…” Ani ni Drake.
“Hindi naman, salamat sa pagligtas mo sa akin Drake. Ang buong Akala ko hindi na tayo magkikita ulit….Akala ko nawala ka na sa isla…Akala ko katupasan ko na sa puder ng mga kulto na yun.” Nangingilid ang luhang sambit niya. Kinabig siya ni Drake at niyakap.
“Hindi ako papayag na may mangyari sayong masama. Ginawa ko ang lahat Eliza. Kung alam mo lang kung paano ako nab@liw nang kunin ka nila. Kung alam mo lang lahat ng ginawa ko mailigtas lang kita. Pero sa huli, nasaktan ka pa din.. you're traumatiz3d kaya hindi ko patatawarin ang lalaking yun.”
“Drake tama na, huwag mo na siyang g@ntihan, hayaan mo na lamang na batas ang mag@arusa sa kanya–”
“No! Ganun na lang yun? No Eliza. I’ll make him pay for what he did to you and to our child!” giit ni Drake pagkatapos ay tinalikuran siya nito.
“D-drake…