“Kuya?” Hindi makapaniwalang sambit ni Nadia nang tangalin nito ang kanyang balbas sa kanyang harapan.
“Huwag Kang maingay baka may makarinig sa atin.” bulong ni Eliazar sa kanya. Nag-disguise pa ito ng matanda para makapasok sa loob ng kulungan.
“Bakit ka nandito? Diba wanted ka? Baka may makatunog sayo.”
“Huwag mo akong alalahanin. Kaya ko ang sarili ko. Ikaw? Kumusta ka dito? Maayos ba ang trato nila sayo?” nag-aalalang tanong ni Eliazar sa kanyang kapatid.
“I’m okay.” Tipid na sagot niya.
“Maghanda ka, kapag illipat ka na sa city jail ay itatakas kita–”
“Please huwag.”
Kunot noong napatingin si Eliazar sa kanya.
“Why?”
Napasinghap si Nadia at nag-angat ng tingin sa kanyang kapatid.
“Wala na rin namang saysay pa kahit na makatakas tayo. Lalo lamang liliit ang mundo natin at hindi rin naman ako mamahalin ni Drake–”
“Puro na lang Drake! Nadia Hindi lang pagmamahal ang mahalaga sa mundo!” Giit ni Eliazar sa kapatid.
“Pagmamahal lang niya ang gusto ko, Kuya. Gusto kong bumalik kami sa dati. Gusto kong maramdaman ulit ang maging masaya. Ngunit naisip ko. Kung hindi niya rin ako mamahalin gaya ng dati. Kahit pa makasama ko siya hindi ko pa rin Mararamdaman ulit ang pakiramdam na mahalin…”
“Igaganti kita–”
“Please huwag!” Pigil ni Nadia sa kanya.
“Kuya, mas makakabuti kung lalayo ka na lamang at kalimutan mo na sila.”
“Yan ang hindi ko gagawin. Kahit magalit ka sa akin hindi ako papayag na maging masaya si Drake sa babaeng yun!!!”
“Kuya!!!”
Tuluyan nang lumabas ng visiting room ang kuya niya. Napaupo na lamang ulit si Nadia. Hindi niya alam kung ano pa ang gagawin niya upang pigilan niya ang kapatid. Ayaw niyang mapahamak si Drake ngunit ganun din ang kaisa-isa niyang kapatid.
“Westley sandali!” Pigil ni Eliza sa kanya nang lumabas ito sa home office ni Drake.
“Bakit? May kailangan ka ba?”
“Hello? Sino ito?”
“Westley, puwede ka bang makausap?” Ani ni Eliza. Sumunod si Westley sa kanya at nagpunta sila sa likuran ng bahay upang hindi marinig Drake kung ano man ang pag-usapan nila.
“Ano yun? Bakit kailangan pa natin lumabas?”
“Si Drake, puwede mo ba siyang kumbinsihin na itigil na ang paghahanap kay Eliazar?”
“What? Bakit naman?” Nagtatakang tanong ni Westley sa kanya.
“Gusto ko nang kalimutan ang lahat. Ngunit hindi ko magawa dahil hindi pa rin nakakalimutan ni Drake ang nangyari. Palagi na lamang siyang busy, may kausap sa phone at umaalis. Iisa lang ang dahilan ng lahat ng yun, si Eliazar. Simula din nang i-uwi niya ako dito galing hospital daig ko pa ang preso. Bawal akong lumabas ng walang kasamang sandamakmak na bodyguards, bawal tumangap ng bisita, bawal lumapit kahit kanino. Pati ang cellphone ko naka-connect sa kanya. Feeling ko paraniod na siya na baka may mangyari ulit sa akin at hindi ko na ito nagugustuhan dahil naapektuhan na siya mentally and physically. Nag-alala ako na baka kung anong magawa niya sa labis na galit niya sa taong yun…” paliwanag ni Eliza sa kanya.
“Huwag Kang mag-alala, nasa tamang katinuan pa naman si Drake. Kung alam mo lang ang nangyari sa kaibigan ko nang madukot ka. Pinoprotektahan ka lang niya at hindi siya titigil hanga’t hindi niya nagagawa ang nais niya—”
“Ang pumatay ba ang sinasabi mo?” Putol niya sa sasabihin ni Westley.
“At Anong gusto mo? Hindi ko siya sa ginawa niya sayo?” seryosong sabi ni Drake.
Sabay silang lumingon at seryosong mukha ni Drake ang bumungad sa kanila.
“Drake…please…itigil mo na ito.” nangingilid ang luhang pigil niya.
“No, ngayon pa na alam na namin ang lokasyon ng lalaking yun? Ngayon pa ako titigil? I told you, kapag Nakita ko siya ako mismo ang tatapos sa kanya.” Mariing sabi ni Drake at wala nang makakapag-pabago ng kanyang isip.
“Pero Drake–”
“Enough Eliza! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hayaan mo na ako? Hindi mo ba naintindihan? Sinaktan ka niya at muntikan ka nang mawala sa akin. Muntikan nang mawala sa atin ang anak natin! Anong gusto mo? Kalimutan ko na lamang yun?! No!”
Bumaling siya ng tingin Kay Westley.
“Let’s go.” seryosong sabi nito sa kanya. Pagkatapos ay tinalikuran na siya nito. Ilang beses niyang kinumbinsi si Drake na ipaubaya na lamang sa mga pulis ang kaso ni Eliazar ngunit naging matigas pa rin ito. Ayaw lang naman niyang masaktan ito at m@kapat@y ng tao ngunit kahit anong paliwanag niya ay hindi pa rin nagbabago ang isip ni Drake.
“Sorry, Eliza…don't worry your husband is safe with us.” paniniguro ni Westley sa kanya. Pagkatapos ay umalis na sila. Marami pa silang kasama at nabawasan ng kalahati ang security ng mansyon.
“Hija, hayaan mo na lamang si Drake. Malaki na siya at alam na niya ang desisyon niya.” Ani ng lola ni Drake.
“Pero la, paano kung matalo siya ni Eliazar? Paano kung siya ang pat@yin nito? Anong gagawin natin? Paano na tayo?”
“Hindi mangyayari yun Lalo pa't kakampi niya si Westley. Magtiwala Kang makakauwi ng ligtas ang asawa mo.” Ani ng kanyang Lola. Yumakay siya dito at pinahid ang kanyang namumuong luha.
Siguro kapag natapos na Ang lahat ng problema ni Drake kay Eliazar baka bumalik na rin ito sa dati.
Ilang minuto na ang nakakalipas mula nang umalis si Drake kasama si Westley. Hindi pa rin siya mapalagay. Pabalik-balik na siya ng lakad ngunit hindi pa rin ito nakakabalik. Palalim na rin ng palalim ang gabi. Napatingin siya sa ibaba dahil makarinig siya ng mga boses. Ngunit nang makita niya kung ano ang nangyayari ay nagtago siya sa kurtina at tinignan muli ang nangyayari hangang sa makarinig na siya ng put00k ng b@ril.
Kaagad siyang lumabas ng kuwarto upang puntahan ang matanda ngunit Pagbukas niya ng pinto ay nagulat siya sa bumungad sa kanya.
“La!!!” pagpasok niya sa loob ng kuwarto ay naramdaman na lamang niya ang malakas na hampas sa kanyang ulo na ikinawalan niya ng malay.
“Akala ko ba dito ang hideout nila? Nasaan na sila?!” Igting ang pangang bulalas ni Drake Kay Westley nang pagdating nila ay Wala silang nadatnan sa lumang pagawaan ng bote. Nakatangap kasi sila ng information na dito daw si Eliazar nagtatago.
“I think kakaalis lang nila bago tayo nakarating. Natunugan siguro nila ang paglusob natin–”
“Damn it! Pang-ilan na ito Westley! Hindi kaya pinaglalaruan na tayo ng g@gong yun?!”
Sasagot na sana si Westley ngunit tumunog ang phone niya.
“Pinsan! Kumusta?!” Bungad sa kanya ni Eliazar.
“Duwag ka talaga ano? Bakit hindi mo kami harapin? Hindi Yung para Kang daga, tago ng tago sa mga lunga.”
Nabura ang ngiti sa labi ng Eliazar.
“Ganun ba? Sayang may sasabihin pa naman sana ako sa’yo. Tungkol Kay… Eliza?” nakangising sabi nito nagkatanginan si Drake at Westley.
“Huwag mo kaming linlangin. Harapin mo kami para patas tayong maglaban.” Seryosong hamon ni Westley sa kanya.
“Hindi naman kita nililinlang, in fact hindi lang si Eliza ang bihag ko. Kundi pati ang lola ng kaibigan mo.
Hinablot ni Drake ang phone ni Westley.
“Harapin mo kami! Kung gusto mo nang fair na laban. Huwag Kang magtago Eliazar!” Igting ang pangang sigaw ni Drake. Unti-unting umalis sa harang si Eliazar at nanlaki ang mata nilang dalawa nang makitang nakatali ang dalawa sa upuan.
“Ikaw naman kasi, mag-iiwan ka na nga lang ng mga tauhan yung madali pang talunin ayan tuloy naisahan kita…”
“Eliza! Grandma!”
Nagmulat ng mata si Eliza at tumingin siya sa screen Nakita niya si Drake na galit na galit.
“D-Drake?”
Magsasalita na sana si Drake ngunit inagaw na ni Eliazar ang phone sa nagbi-video.
“Huwag mo silang gagalawin, kahit ano ibibigay ko sayo. Kahit ang kompanya handa kong isuko sayo. Huwag mo lang sasaktan.” paki-usap ni Drake.
“Kahit ano gagawin mo? Sige, bibigyan kita ng isang oras. Isesend ko kay Westley ang address. Ngunit sa isang kundisyon. Dalhin mo dito ang document tungkol sa lahat ng ari-arian mo pati na rin ang paglilipat mo sa pangalan ko ng kompanya. And lastly ang gusto ko, mag-isa kang magpunta dito. Sa oras na hindi ka sumunod sa kasunduan ay hindi na mapapanganak pa ang magiging anak niyo.” b@nta ni Eliazar. Napamvra sa isip si Westley at kita niya ang nag-aapoy sa gal8 na kaibigan.
“Pupunta ako! Magtutuos tayong dalawa! Ako ang kailangan mo diba? Sa akin ka gal8 kaya huwag mong idamay ang asawa at si Grandma gagawin ko gusto mo.”
“Good. Aantayin kita.” Ani ni Eliazar at ini-off na ang tawag.
“Are you sure about this? Hindi ako papayag na mag-isa kang pumunta–”
“No, kailangan ko ang tulong mo. Ngayong gabi ilipat si Nadia sa City jail hindi ba?”
“Oo, at ano naman kinalaman nito Kay nadia?
“Get her.”
“Bro? Akala ko ba–”
“Hindi lang si Eliza at ang anak ko ang nanganganib ngayon ang buhay. Pati na rin si Grandma. Kung wala akong alas laban sa kanya. Hindi ko maililigtas ang asawa ko at si Grandma.”
Napabuntong hininga si Westley. Madali lang naman para sa kanya ang kunin si Nadia ngunit ang alam niya ay hindi na niya ito idadamay pa ito Lalo pa't tinulungan sila nito na mahanap si Eliza.
“And one more thing, prepare a b000mb for her.”
“What?! Are you out of your mind?” Hindi makapaniwalang tanong ni Westley sa kanya.
Matalim ang tingin ni Drake sa kanya.
“Yes.”