PART 5

1677 Words
“Hindi ako makapaniwala na siya ang asawa mo. Kaya pala ganun na lamang ang galit niya nang makita niya tayo sa pictorial. Kapag nalaman niyang tinangay kita paniguradong kukuha sila ng bagong lead actor.” Ani ni Trace nang sabihin ni Eliza ang totoo. “Pasensya ka na, huwag Kang mag-alala hindi niya yun gagawin. Ihatid na mo na ako sa kanya please?” nangingilid ang luhang sambit paki-usap ni Eliza sa kanya. Inabot ni Trace ang helmet at mabilis niya itong sinuot. Pagkatapos ay umangkas na siya sa motor. Nang makarating si Eliza sa Batangas medical center ay kaagad na siyang pumasok sa loob. Sa pagmamadali ay nakalimutan na niyang magpaalam Kay Trace. Nadatnan niyang marami na agad reporters sa labas. “Eliza, dito!” napalingon siya sa tumawag sa kanyang pangalan. “Thirdy? Si Drake? Nasaan siya? Kumusta na siya? Anong nangyari? Bakit nandito siya sa Batangas? Diba magkasama sila ni Nadia?” “Teka, kalma ka lang para akong aatakihin sayo eh.” “Okay na si Drake, safe na siya nakatalon siya bago tuluyang mahulog at sumab000g ang kotse sa bangin. Mabuti nga at scratches at mababaw lang na sugat ang tinamo niya. Pero yung binti niya ang napuruhan kaya paniguradong kailangan niyang mag-wheelchair at therapy.” Kahit paano nakahinga siya ng maluwag sa sinabi nito. “Gusto ko siyang makita–” “Ah kasi ano pa siya tulog pa…mabuti pa samahan mo muna akong bumili ng pagkain.” “Ano? Hindi–gusto ko munang silipin ang asawa ko.” Akmang bubuksan niya ang pinto pero pinigilan siya nito. “Mamaya na nagpapahinga pa siya, pagbalik na lang natin mo siya silipin.” Natataranta nitong Sabi sa kanya na para bang may itinatago ito. “Thirdy, umalis ka sa harapan ko…gusto kong makita ang asawa ko.” Seryosong utos niya dito. “Huwag na, mamaya na lang makinig ka sa akin–” Malakas niya itong tinulak at pagkatapos ay binuksan ang pinto ng private room. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang makita niya ang eksena sa loob. Nakita niyang hinalikan ni Nadia sa labi si Drake at nakapaikot pa ang kamay nito sa kanyang beywang. Nanginig ang kanyang labi at dahan-dahan na sinara ang pinto. “Sorry…” Ani ni Thirdy sa kanya. “Hindi ka dapat magsorry…si Nadia naman talaga ang dapat nasa tabi niya. Nag-alala lang ako sa kalagayan niya…aalis na ako–” “Sandali! Nagising si Drake kanina. At ikaw agad ang una niyang hinanap hindi si Nadia.” Wika ni Thirdy sa kanya. Nilingon niya ito at mapait na ngumiti. “Kaya naman siyang alagaan ni Nadia. Hindi na niya ako kailangan…” sagot niya at humakbang palabas ng hospital. Napatukod siya sa pader ng hospital. Kanina pa lang parang bibigay na Ang kanyang tuhod. At hindi na niya napigilan ang mapaiyak. Gustuhin man niyang siya ang nasa tabi nito pero hindi naman puwede dahil hindi naman siya ang mahal nito. Pero nagtataka siya kung bakit papuntang batangas si Drake. “Drake…sana gumaling ka agad…nasa tabi mo si Nadia kaya paniguradong hindi ka niya pababayaan…aalis na ako…” mahinang sambit ni Eliza. Pagkatapos ay nagpahatid siya sa terminal ng bus upang makabalik na sa condo. Inayos niya ang kanyang mga gamit at agad na umalis. Hindi na niya kayang hintayin ang isang buwan para umalis sa buhay ni Drake. Dahil baka Lalo lamang siyang masaktan kapag nanatili pa siya sa buhay nito. Araw ng lunes ay pumasok na ulit siya sa kompanya. Balitang-balita ang pagkaka-involved sa aksidente ni Drake. “Oy alam niyo ba? Kaya daw nasa Batangas si Drake para sundan ang asawa niya at kabit nito!” narinig niyang chismisan sa cafeteria. “Ano? May kabit ang asawa ni Sir Drake? Grabe ang landi naman niya. Hindi pa ba siya kuntento Kay Sir Drake?” “Teka? May asawa pala si Sir Drake?” “Oo, secret marriage nga daw at balita ko pa. Yun din ang dahilan kaya napilitan si Sir Drake na iwan si Ms. Nadia. Tapos lolokohin lang din pala siya ng asawa niya!” “Diba bumalik na si Ms. Nadia? Baka sila talaga ang meant to be.” Sa narinig ni Eliza ay hindi na lamang siya kumain ng lunch break. Nawalan na rin naman siya ng gana. May karapatan ba siyang magalit sa mga naninira sa kanya? Totoo naman na sumama siya sa ibang lalaki. Pero hindi niya akalain na susundan siya ni Drake. Pakiramdam niya kasalanan niya ang lahat. Tatlong araw na ang nakalipas ay hindi pa rin niya ito nakikita. Hindi rin ito tumatawag sa kanya. At Nakita niya sa balita na kasama nito si Nadia. Habang inaalalayan na sumakay sa kotse pagkalabas ng hospital. Natapos na lamang ang working hours ay lutang pa rin siya sa kakaisip Kay Drake. Pakiramdam niya nawalan siya ng gana sa buhay. Pagkababa niya sa parking lot ay may tumigil na kotse sa harapan niya. “Ma’am, pinapasundo po kayo ni Madam Almonte.” “Ha? Bakit daw?” nagtatakang tanong nito sa kanya. “Hindi po sinabi eh, sumama na lamang po kayo sa akin.” Kaagad siyang sumakay sa kotse upang puntahan ang Lola ni Drake. Pagdating niya sa villa ay nadatnan niya ito sa harapan ng bahay at parang siya talaga ang ina-antay. “La, bakit po? May problema po ba?” “Malaki ang problema ko. Halikan dito.” nagulat si Eliza nang hilahin nito ang kanyang kamay at umakyat sila sa hagdan. “Ikaw ang may kasalanan kaya na-aksidente ang apo ko. Kaya Ikaw Ang dapat mag-alaga sa kanya.” paninermon nito na ikinagulat niya. “Po?” Binuksan ng Lola ni Drake ang malaking pinto at bumungad sa kanya ang nakahigang si Drake. “L-lola…hindi ko po kaya…” nangingilid ang luhang sabi niya. “Bakit hindi? Ikaw Ang asawa niya baka nakakalimutan mo Eliza. Kung hindi mo siya iniwan noong gabing yun hindi maaksidente ang apo ko. Paano kung hindi nakaligtas ang apo ko? Kaya bang dalhin ng konsensya mo?” panunumbat ni Madam Almonte sa kanya. “Pero la, hindi naman ako ang mahal ng apo niyo…sinubukan ko po ang lahat pero…pero si Nadia po ang mahal niya…” “Kaya sumama ka sa ibang lalaki? Eliza, Ikaw pa rin ang asawa niya. Ikaw Ang dapat nandito at nag-aalaga sa kanya. Hindi mo ba maintindihan yun? Wala kang magagawa kundi alagaan ang apo ko. Kapag hindi ka pumayag hindi ka na ulit makakatung-tong sa kompanya.” banta ni Madam Almonte sa kanya. Iniwan siya nito sa kuwarto kasama si Drake na tulog na tulog pa rin. Dahan-dahan ang kanyang paghakbang at nilapitan niya ito. “D-Drake…I’m sorry…alam kong hindi ako ang gusto mong mag-alaga sayo…alam kong hindi ako ang kailangan mo kaya lang galit na galit si Lola…hindi ko siya puwedeng suwayin…sumama lang ako Trace para makalayo sayo. Pero Wala naman kaming ginawang masama….sorry Drake…” mahinang hikbi ni Eliza sa kanya. Napadilat siya nang may humawak sa kanyang kamay. “Hindi ka puwedeng basta na lamang umalis sa buhay ko Eliza. Hindi ka puwedeng magmahal ng iba. Hanga't hindi ko sinasabi. Hindi mo ako puwedeng iwan. At kapag inulit mo ang ginawa mong pagsama sa ibang lalaki. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko.” Seryosong Sabi ni Drake sa kanya. Bumukas ang pinto at pumasok ang kasambahay na may dalang isang tray ng pagkain. “Ma’am oras na po ng pagkain ni Sir Drake.” “Ha? Ah Sige ilapag mo na lang diyan.” Ani ni Eliza habang nagpupunas ng luha. Inangat niya ang bedside table at tinulungan niyang makasandal si Drake sa headboard ng kama. Kaya hindi maiwasan na mapayakap siya dito. “Kumain ka muna, para makainom ng gamot.” Wika ni Eliza sa kanya. “That's my first meal after the accident. Subuan mo ako.” utos ni Drake sa kanya. “First meal? Bakit?” nagtatakang tanong niya dahil tatlong araw na ang lumipas. “Dahil hindi pa kita nakikita. I refused to eat.” wika nito na ikinatigil niya sa pag-aayos ng maliit na table. “Bakit hahanapin mo pa ako, kasama mo na siya–” “Hindi siya allowed dito, galit si Grandma sa kanya dahil Sabi niya Si Nadia daw ang dahilan kaya ka umalis.” Naguguluhan man ay pinili na lamang ni Eliza na manahimik at subuan si Drake.Hinihipan pa niya bago isubo dahil mainit pa ito. Pagkatapos ay tinabi na niya ang lamesa at pinainom ng tubig si Drake. “Paano mo siya papakasalan kung hindi naman sila magkasundo ni Grandma?” “As long as you're here. Wala akong ibang papakasalan. Kasal na ako sayo kaya huwag mo na akong itaboy sa iba.” Awang ang kanyang labi sa sinabi nito. “D-Drake…please stop messing with me. Kung natapakan ko ang pride at ego mo dahil alam mong kaya kong mabuhay ng wala hindi ito ang best way para pigilan mo akong umalis sa buhay mo–” “Kung kaya mong mabuhay ng wala ako…ako hindi.” Natigilan silang dalawa at napatitig sa isa’t-isa. “Drake…please don't do this to me…I’m moving on…at kami na ni Trace.” “Kayo na pero tatlong araw na kayong hindi nagkikita? Do you think madali mo akong mapapaniwala sa mga pictures lamang na magkasama kayo? Hindi ako mababaw na tao. I know you still love me.” “At paano kung OO? Anong gagawin mo? Kaya mo bang talikuran ang pagmamahal mo kay Nadia? Kaya mo ba siyang saktan? Nasaktan mo na siya nang magpakasal ka sa akin. Ngayon na nandito na siya bakit hindi mo pa siya pilliin? Ano ba talaga ako sa buhay mo Drake? Asawa ba talaga ang tingin mo sa akin? Oh napipilitan ka lang dahil kay Grandma? Huwag kang mag-alala ako na magsasabi sa kanya–” Nagulat si Eliza nang akmang aalis siya ay hinila ni Drake ang kamay niya kaya napaupo siya sa kama at nanlaki ang mata niya nang kabigin nito ang kanyang batok at halikan siya sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD