“Apo? Ang lalim ata ng iniisip mo.” Ani ni Madam Almonte nang datnan niya si Eliza sa harapan ng malaking swimming pool. Kakatulog lang ni Drake kaya bumaba muna siya.
“Andyan po pala kayo, wala naman po. Gusto ko lang magmuni-muni.” sagot ni Eliza sa kanya.
“Ang apo ko ba ang iniisip mo? Nahihirapan ka na ba sa relasyon niyong dalawa?”
Napasinghap si Eliza at niyakap ang sarili.
“Naguguluhan lang ako La, hindi ko alam kung ano ba talaga ang laman ng puso ni Drake. Pero ayoko naman na mapilitan lang siyang mahalin ako. At isa pa, ayoko din na makasakit ng iba.”
“Iha, hindi maiwasan ang masaktan sa pag-ibig. Hindi ako nanghihimasok sa relasyon niyo kahit may alam ako sa nangyayari sa inyo dahil malalaki na kayo at alam niyo na ang dapat niyong gawin. Pero sa nakikita ko, mahal ka ng apo ko. Hindi niya lang alam kung paano ito sasabihin sayo. Kaya lang, limang taon din ang naging relasyon nila ni Nadia kaya nahihirapan ang apo ko na tapusin ang lahat sa kanila. Lalo pa ngayon na bumalik na ito. Si Nadia ang unang babaeng minahal niya.”
“Pero La? Bakit hindi na lamang po si Nadia ang ipinakasal niyo sa kanya?”
“Dahil alam kong hindi papayag ang mga magulang ni Nadia lalo pa’t malalim ang pinag-ugatan ng galit ng dalawang pamilya. Ang Almonte at Monteverde family ay may hindi pagkakaunawaan. Hindi magiging maganda kung ipapakasal ko silang dalawa. Magbubunga lamang ito ng panibagong hidwaan ng dalawang pamilya. Yun ang dahilan kaya dinala si Nadia sa abroad ng kanyang Ina. Dahil gusto nitong pigilan ang kasal. Ginawa din ni Drake ang lahat para amuhin ang mga magulang nito pero hindi parin sila pumayag sa relasyon nilang dalawa.”
“Ibig sabihin may dahilan pala ang lahat kaya hindi puwedeng maging sila?”
“Oo, may malalim na dahilan…at hindi mo na ito kailangan na alamin pa. Ang dapat mong gawin ngayon ay alagaan ang asawa mo at ako na ang bahala sa lahat.” wika ni Madam Almonte sa kanya.
Napaisip tuloy si Eliza kung ano ang dahilan na yun at kung bakit hindi pa sabihin sa kanya ng Lola ni Drake ang tungkol sa hidwaan ng dalawang pamilya.
“Ma’am, hanap po kayo ni Sir Drake.”
Napalingon silang dalawa sa kasambahay.
“Sige na, puntahan mo na ang apo ko. Baka isipin na naman noon umalis ka.” Ani nito sa kanya kaya nagmadali na siyang umakyat sa kuwarto nito. Pagpasok niya ay nakita na lamang niya itong nakaupo sa sahig.
“Drake!”
Kaagad siyang lumapit dito.
“Anong nangyari? Bakit ka tumayo?”
Tinulungan niya itong tumayo kahit hirap na hirap siya dahil sa bigat nito.
“Akala ko umalis ka na…akala ko iniwan mo na ako…” wika niya na nagbigay ng alalahanin kay Eliza.
“Bumaba lang ako para lumanghap ng hangin.” Nahihirapan nitong sagot sa kanya.
“Oh oh! Ahhhh!”
Sabay silang bumagsak sa kama dahil sa bigat nito.
“Okay ka lang? Nasaktan ka ba?” Nag-aalalang tanong ni Eliza sa kanya. Akmang aalis na sana siya sa ibabaw nito ngunit hinapit ni Drake ang kanyang beywang kaya mas lalo silang nagkalapit sa isa’t-isa.
“A-anong ginagawa mo?” Maang na tanong ni Eliza sa kanya.
“Did he kiss you?”
“Who?”
“Trace, did he touch you?”
“Eh ano naman? Boyfriend ko naman siya–”
“Wrong answer.”
Hinapit nito ang kanyang batok at siniil ng halik sa labi.
Hinawakan ni Eliza ang braso nitong nakahawak sa kanyang batok ngunit hindi niya kayang pigilan si Drake sa nais nito. Hangang sa naramdaman na lamang niya ang paghaplos nito sa kanyang hita. Kaya itinulak niya ito ng tuluyan. Tumayo siya sa tabi ng kama at salubong ang kilay na humarap Kay Drake.
“Ano bang ginagawa mo? Nandito ako para alagaan ka hindi para maglandian tayong dalawa. Ginagawa mo ba ito dahil wala si Nadia sa tabi mo?”
Naupo si Drake sa tabi ng kama at salubong din ang kilay na tumitig sa kanya.
“Bakit ba palagi mo na lamang sinisingit si Nadia sa usapan? Hindi ba puwedeng gusto ko lang naman halikan ang asawa ko?”
“Asawa? Kailan mo pa ako tinuring na asawa? Diba katulong ang tingin mo sa akin noon Drake? Diba hangin lang naman ang tingin mo sa akin? Never mong pinaramdam sa akin na asawa mo ako.” Giit ni Eliza sa kanya.
“I know, kaya nga bumabawi ako sayo ngayon eh.”
“It’s too late. Napirmahan ko na ang annulment papers natin. Sinaktan mo na rin ako ng ilang beses. At alam kong kapag pumayag ako sa setup na gusto mo sasaktan mo lang din ako.”
“Wala ka bang tiwala sa akin?”
“Wala.” derechong sagot ni Eliza na ikinaawang ng labi ni Drake.
“Lalabas na muna ako, ikukuha kita ng dinner.”
Paalam niya dito.
Napabuntong hininga si Drake sa sinabi ni Eliza sa kanya.
Tumunog ang phone niya na pinabili pa niya Kay Brandon dahil nakasama ang luma niyang phone sa sasakyan nang mahulog ito sa bangin.
“D-Drake…gusto kitang makita…puwede ba akong magpunta diyan?”
“Lasing ka ba?” usisa ni Drake sa kanya dahil sa boses nito.
“H-hindi pa, pero kapag hindi ka pumayag maglalasing ako hanga’t hindi kita nakikita.” nangingilid ang luhang sambit nito.
“Nadia, umuwi ka na–”
“Ayoko, aawayin lang ako ni Mommy. Ang Sabi niya sa akin….kapag hindi kita tinigilan…itatakwil niya ako…at wala akong makukuhang mana mula sa kanila ni Dad.”
“Sundin mo na lang sila–”
“No! Wala akong paki-alam kung hindi nila ako bigyan kaya kong magtrabaho para mabuhay…pero ang hindi ko kaya…ang bitawan ka ulit Drake…mahal na mahal kita Drake…please? Puntahan mo ako dito. Magaling na naman ang paa mo hindi ba? Tumakas ka diyan puntahan mo ako…I need you…Drake.”
“My wife is here.”
“G-ganun ba? So hindi mo ako pupuntahan? Siya ba ang pinipilit mo Drake? Paano ako? Paano akong matagal nang nagmamahal sa’yo? Sabi mo pakakasalan mo ako hindi ba? Hahayaan mo na lang ba akong sirain ko ang buhay ko?”
“Nadia please, itigil mo na ito. Huwag mong sabihin yan.”
“Then puntahan mo ako dito. I need you, I miss you so much…para akong mababaliw nang sabihin ng Lola mong hindi tayo dapat na magkita pa. Alam kong napipilitan ka lang Kay Eliza. Ipaglaban mo naman ako…ipaglaban mo naman ang pagmamahalan natin Drake…” humihikbing sabi ni Nadia sa kanya.
“I’m sorry.” Ani ni Drake at pinatay ang phone.
Tinawagan niya si Westley at sumagot naman ito.
“Hanapin mo si Nadia, make her safe.”
“Ano? Pagkatapos mo akong pagbantayin sa wife mo para hindi makalapit si Trace si Nadia naman ang pababantayan mo sa akin?” Inis na tanong ni Westley sa kanya. Ito kasi ang pinakiusapan ni Drake upang bantayan si Eliza at nang hindi na ulit makalapit si Trace sa kanyang asawa.
“Pinsan mo siya hindi ba? Baka kung mapaano siya.”
“Nag-alala ka sa pinsan ko habang kasama mo ang asawa mo?”
“Westley, hindi ko pa naayos ang lahat ng dapat kong ayusin. Hindi ko pa rin naamo si Eliza. Nagagalit si Grandma dahil nakikipagkita pa ako kay Nadia. Pero alam mo naman na mahalaga din sa akin si Nadia hindi ba? Marami na rin kaming pinagdaanan. Kaya may paki-alam pa rin ako sa kanya.”
Narinig niya itong bumuntong hininga sa kabilang linya.
“Okay, ipapahanap ko na si Nadia. Pero pagbalik mo ayusin mo na Ang lahat. Kung kailangan mong bitawan ang pinsan ko gawin mo. Dahil kapag sinaktan mo pa siya ng paulit-ulit lagot ka talaga sa akin.” banta ni Westley sa kanya. Pagkatapos ay pinatay na nito ang phone.
Inayos niya ang sarili sa ibabaw ng kama. Kailangan niyang magpangap na hindi pa siya magaling nang sa ganun ay makuha niya ang loob ni Eliza at hindi na siya iwan nito.
“Magpahinga ka na, dito na lang ako sa sofa.”
“Bakit diyan ka matutulog? Bakit hindi dito sa tabi ko?” Reklamo ni Drake sa kanya nang maglagay siya ng unan sa sofa.
“Ayokong matulog sa tabi mo baka kung anong gawin mo sa akin.”
“Wife, nakaya ko nga ng isang taon na hindi ka sinasaling ngayon pa ba?”
“Iba ngayon Drake, may pagnan@sa ka na sa akin. Baka mabuntis mo ako tapos piliin mo si Nadia eh di ginawa mo pa akong single mom?”
Natawa si Drake sa katwiran nito.
“Anong nakakatawa sa pagiging single mother?” Taas ang kilay na tanong nito.
“Hindi yun, natawa ako sa sinabi mong pagnan@sa para mo narin sinabing manyak ang husband mo.”
“Bakit hindi ba? Hinalikan mo ako ng ilang beses tapos hinaplos mo pa ang h!ta ko ano sa tingin mo?”
“May karapatan akong gawin lahat yun dahil asawa kita. You're mine. Akin ang lahat sayo at ganun din sa akin.” Nakangising sabi nito.
“Sus, kung makapagsalita Akala mo naman–”
Napatakip si Eliza nang hubarin nito ang kanyang puting t-shirt. Ito ang unang beses na naghubad ito sa kanyang harapan kaya nagulat talaga siya.
“Yung nasa pictorial ka halos tumulo na ang laway mo sa kakatingin sa k@t@wan nila tapos sa akin kung makapikit ka–”
“Yummy yun yung sa’yo hindi.”
“What? Yung sa akin hindi? Tignan mo ako.”
“Ayoko.”
“I said tignan mo ako.”
“Ayoko ngani!”
“Ah ayaw mo? Sige…ahhh!”
Napatingin si Eliza Kay Drake nang marinig niyang bumagsak ito sa sahig. Kaagad niya itong nilapitan.
“Maluwag ba ang turnilyo mo ha?!” Singhal niya Kay Drake.
“Ayaw mo kasi akong tignan.”
Bumaba ang tingin ni Eliza sa maputing balikat nito. Papunta sa dibd!b nito pababa sa kanyang 6 packs abs. Kaya napalunok siya.
“Ngayon? Hindi pa rin ba ako yummy? Gusto mo ba akong tikman?”
“Ayoko.” mabilis na sagot nito na ikina-awang ng labi ni Drake.
“Bakit? Give me a reason.” inis na sabi nito.
Itinayo siya ni Eliza at ibinalik sa tabi ng kama.
“Hindi ako ang may-ari ng puso mo kaya hindi–ahhh! Drake!” Singhal niya nang hilahin siya ni Drake at iupo sa kanyang kandungan.
“Naririndi na ako sa dahilan mo. Manhid ka ba talaga? Mahal nga kita, Ikaw na ang mahal ko ngayon!” Giit ni Drake sa kanya na hindi rin inasahan ni Eliza.
“Mahal kita Eliza, hindi ko ito maamin noon dahil pakiramdam ko pinilit lang ako ni Grandma. At Akala ko mahal ko pa si Nadia. Pero simula nang manlamig ka sa akin natakot ako…natakot akong gumising na wala ka sa tabi ko…natakot akong maagaw ka ng iba sa akin at iwan mo ako…Nadia is my past…you're my present and my only wife. Please accept me again as your husband.” Pagsusumamo ni Drake sa kanya.
“D-drake…totoo ba talaga yan?”
“Yes, I’ll prove it to you my wife.”
Kinabig niya si Eliza at siniil ng halik sa labi. This time ay hindi na tumutol si Eliza hinayaan niya si Drake at namalayan na lamang niya na hiniga na siya nito sa malambot na kama.
“I’m scared…”
“I'll be gentle…”
“Wait? Diba injured yang paa mo?” pigil ulit ni Eliza sa kanya.
“Hindi naman paa ko ang gagamitin ko–aray!” Nakangiwing hawak nito sa kanyang tiyan ng kurut!n ni Eliza ang tagiliran niya.
“Puro ka kalokohan, matulog ka na nga!”
Akmang tatayo siya pero tinulak ulit siya ni Drake pahiga.
“You can't escape from me my wife. Tawagin mo na Ang lahat ng anghel because its gonna be a long night.” Ani nito sabay kagat sa kanyang labi upang akitin nang tuluyan si Eliza na kinakabahan na din sa pinagagawa ni Drake.
Nagulat na lamang si Eliza nang bumaba ito sa kama at hawakan ang kanyang pantalon para kalasin hangang sa mahulog ito sa sahig.
“Hindi ka injured?” Hindi makapaniwalang tanong nito.
“Kaya ko na, kaya ko nang bigyan ka ng maraming anak.” nakangising sabi nito bago tuluyang pvmatong sa kanya.