PART 9

1569 Words
Bente kuwatro oras na ang nakalipas simula nang tangayin ni Trace si Eliza at ni anino nilang dalawa ay hindi pa rin nila nahahanap. Marami na ang nangyari, maraming fake news na Ang kumalat at marami na ding bote ng alak ang nainom ni Drake ngunit hindi parin siya sinasaniban ng kalasingan. Marami nang tao ang inatasan na maghanap ngunit Wala pa rin silang natatagpuan na clue kung nasaan ang dalawa. “Kausapin mo na kaya si Drake. Patigilin mo na siya sa pag-inom.” Ani ni Thirdy Kay Brandon nasa condo sila nila Drake at nasa loob naman ito ng kanyang opisina habang naghihintay ng balita. “Bakit ako? Bakit hindi Ikaw Ang kumausap? Mabuti nga’t umiinom lang siya. Eh kung hindi natin siya napigilan baka doon sa event nagwala si Drake.” katwiran nito. “Tama ka, mas malaking gulo pag nagkataon.” Sangayon ni Thirdy. Bumukas ang pinto at bumungad si Nadia. “Si Drake?” “Nadia, Anong ginagawa mo dito?” Usisa ni Brandon sa kanya. “Gusto ko lang damayan siya.” “Hindi ito ang tamang oras para damayan mo siya.” Ani ni Brandon sa kanya. “Magkaibigan pa rin kami ni Drake kahit tinapos na niya ang lahat sa amin.” “Hindi pa siya kalmado Pero ikaw Ang bahala.” Wika ni Thirdy. Kumatok ito sa office room at kahit hindi pa pumapayag si Drake na pumasok siya at binuksan na ni Nadia ang pinto. Nadatnan niya si Drake na nakasandal sa swivel chair nito. Magulo ang buhok. Magulo ang polo may hawak na bote sa kabilang kamay at sa kabila naman ay picture frame nilang mag-asawa. “Anong ginagawa mo dito? Hindi ba nag-usap na tayo kanina?” “Ganyan mo ba talaga siya kamahal Drake? Halos lunurin mo na Ang sarili mo sa alak dahil sumama siya sa ibang lalaki–” “Hindi siya kusang sumama! Sa mga nakuha naming impormasyon sapilitan siyang pinasakay sa itim na van! At nanganganib ang buhay niya!” Igting ang pangang bulalas nito. Nang malaman ni Drake ang tungkol sa pagtangay ni Trace sa kanyang asawa ay pinahabol niya ang mga tauhan ni Westley ngunit hindi na nila ito naabutan. Chineck din nila ang mga road CCTv at Nakita nilang walang malay na inilipat si Eliza sa isang itim na van pagkatapos ay hindi na ulit ito Nakita pa kung saan dumaan. Bente Kuwatro oras na din na naghahanap sila Westley at ang mga kilala pa nitong professional agent upang mahanap si Trace at Eliza ngunit Wala pa rin silang lead kung nasaan ang mga ito. Kahit ang bahay sa Batangas ay Wala na ring tao. “Gusto mo bang tulungan kita?” Napatigil sa pagtungga ng alak si Drake nang marinig ito Kay Nadia. “Anong ibig mong sabihin? Don't tell me may kinalaman ka sa pagkawala ni Eliza?” “Paano kung OO?” Tumayo si Drake at sinugod si Nadia mabilis niyang sinak@l ito at isinandal sa cabinet na puno ng mga mamahaling al@k. “Sabihin mo sa akin kung nasaan siya!!! Sabihin mo!!!” Igting ang pangang sig@w ni Drake sa kanya. Napahawak si Nadia sa braso nitong nasa leeg niya at halos kapusin na ito ng paghinga. “D-D-drake…” Mar@has niya itong binitawan na ikinagupo ni Nadia sa sahig at sunod-sunod itong napaubo. “Bakit? Bakit mo ginagawa ito?” pigil ang hiningang tanong ni Drake sa kanya. Dahan-dahan na tumayo si Nadia at namumula ang mga matang tumingin sa kanya habang hawak pa rin nito ang kanyang leeg. “Hindi mo pa rin naiintindihan? Ginagawa ko ito dahil mahal ki–” “That’s bvllsh8! Pagmamahal ang tawag mo sa ginagawa mo?! Naging magkaibigan kayo ni Eliza hindi ba? Bakit mo ito ginawa sa kanya?!” “Kaibigan? Hindi ako nakikipagkaibigan sa mang-aagaw! Inagaw ka niya sa akin kaya hindi mo ako masisisi kung bakit ako nagkaganito Drake!!! Sa akin ka nangako! Sa akin ka nangako na ako lang! Pero anong ginawa mo? Nagpakasal ka sa babaeng yun! At ngayon sasabihin mo sa akin na mahal mo na siya at humanap ako ng iba? Hindi ko gagawin yun! Hindi! Kaya hindi mo na siya makikita pa!” Akmang susugurin siya ni Drake ngunit bumukas ang pinto at kaagad siyang nahawakan ni Thirdy at Brandon. “Bitawan niyo ako!” “Drake! Tama na! Huwag mo siyang saktan!” pigil ni Thirdy sa kanya. “Alam niya kung nasaan si Eliza kaya bitawan niyo ako!!!” Angil ni Drake. “Nadia, ano bang ginagawa mo? Sabihin mo na kung nasaan si Eliza!” ani naman ni Brandon. Sumilay ang ngiti sa labi ni Nadia ngunit nangilid din ang luha nitong tumingin Kay Drake. “K-kung iniwan mo lang siya agad, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito…Drake…kung bumalik ka lang sana sa akin hindi ko ito maiisip. Ngayon kapag hindi mo tinupad ang kundisyon ko…hinding-hindi na siya makakalaya pa mula Kay Trace. Gagawin ko ang lahat maitago ko lang siya sayo, kahit ang ipadala ko siya sa ibang bansa gagawin ko. Malayo ko lang siya sayo. Pero kung papayag ka, pakasalan mo ako… kapalit ang kalayaan ni Eliza.” “What?” Hindi makapiwalang bulalas ng dalawa. “Nasisiraan ka na? Sa tingin mo mapapasunod mo ako ng ganito? Kahit pakasalan pa kita Lalo lamang nating masasaktan ang isa’t-isa. Kaya mabuti pang itigil mo na lamang itong kalokohan mo Nadia! Hanga’t kaya ko pang magtimpi. Dahil kapag nakawala ako sa dalawang ito. Hinding-hindi kita sasantuhin.” B@nta ni Drake sa kanya. Dinukot ni Nadia ang phone niya sa bag at nag-dial. Ni-loud speaker pa niya ito. “Trace?” “Ano yun, Nadia?” “Si Eliza? Nasaan?” “Wala pa ring malay. Nagkatangka siyang tumakas kanina mabuti na lamang at nahuli ko siya. Hindi ko sinadyang masaktan ko siya–” “Hay00p ka!!!” igting ang pangang sig@w ni Drake. Mabuti na lamang at nakapagtawag na agad ng tauhan si Thirdy kaya matulungan nilang pigilan ito. Lima na silang pumipigil Kay Drake dahil sobrang lakas nito. “Kapag hindi pumayag si Drake sa kundisyon ko. Alam mo na ang gagawin mo.” utos ni Nadia habang nakatingin kay Drake. “Subukan niyo, subukan niyong saktan ulit kahit dulo ng daliri ni Eliza. Susundan ko kayo hangang impyerno.” Matalim ang tingin na pinukol ni Drake si Nadia. Pinatay ni Nadia ang phone at humarap ulit kay Drake. “Pumayag ka na lang Drake. Alam kong kaya mong gawan ng paraan ang makasal tayo. Kapag pinatagal mo ang pagdedesisyon Lalo lamang mahihirapan si Eliza. Hindi ko hawak ang utak ni Trace at maari niyang gawin Kay Eliza ang lahat ng gusto niya.” “Nadia, tama na. Huwag mong gawin ito Kay Drake. Marami pang iba.” “Hindi ko hinihingi ang opinion mo Thirdy. Ito ay sa pagitan naming dalawa ni Drake.” “Hindi tama ito Nadia, dahil lamang Kay Drake sisirain mo ang buhay mo?” Ani naman ni Brandon. “Matagal ng sira ang buhay ko Brandon. Gusto ko lang maging masaya. Pagod na akong masaktan, pagod na akong ipaglaban si Drake. Pagod na akong ipaglaban ang pagmamahalan namin. Gusto ko nang mabuhay ng masaya, alam ko matutunan niya din akong mahalin gaya noon. Kaya papakawalan ko rin naman siya eh kapag pumayag si Drake na pakasalan ako. Hindi naman siguro mahirap yun para sayo Drake diba? Ha? Please…marry me…” Pagsusumamo ni Nadia sa kanya. Yumuko si Drake tanda ng pagsuko. “Payag na ako.” “Bro!” “Drake!” angil ng dalawa sa kanya. “Talaga? Papayag ka na Drake? Magpapakasal na tayo?” Hindi makapaniwalang bulalas ni Nadia sa kanya. “Oo, pakawalan mo lang si Eliza. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo.” pagsusumamo ni Drake. Kumalma na rin siya kaya binitawan na siya ng dalawa at ang iba pang humahawak sa kanya. “Thank you Drake!!! Pero bago ko siya pakawalan, kailangan magpakasal muna tayo alam kong kaya mong gawin ang lahat para mapabilis ang kasal. Pero unahin mo ang magpa-interview para linawin ang relasyon natin. Sabihin mong matagal na kayong hiwalay ni Eliza. Para malinis na din ang kanyang pangalan at sabihin mong bago niyang boyfriend si Trace at hindi siya nakidnap.” Napakuyom ng kamao si Drake sa mga sinabi nito. Pero kung hindi niya ito susundin baka tuluyang ilayo sa kanya si Eliza. “Pero may kundisyon din ako.” “Ano yun?” “Pagkatapos ng kasal natin, pakawalan mo na siya at ibalik mo na sa kanyang pamilya.” wika ni Drake. “Sige, pero kapag niloko mo ako Drake…patawarin mo ako pero hindi mo na siya makikita kahit kailan. Isasama ko siya sa sinasabi mong impyerno…” nakangiting Sabi ni Nadia sa kanya. Pagkatapos ay lumapit ito at hinalikan siya sa labi. “Aabangan ko ang interview mo bukas. Bye for now my love.” Nakangiting Sabi ni Nadia at tuluyan na itong lumabas. “Drake, gagawin mo ba talaga yun? Paano si Eliza?” ani ni Brandon. “Hawak niya ang asawa ko, kahit gusto ko siyang gantihan isang tawag lang Kay Trace baka kung anong gawin niya sa asawa ko. At hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa kanya.” walang emosyon na sabi ni Drake. Napabuntong hininga na lamang ang dalawa. Hindi nila akalain na kayang gawin yun ni Nadia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD