PART 10

2512 Words
“Ngiting tagumpay ka ah? Mukhang nakuha mo ang gusto mo. Hindi ko akalain na ang babaeng yun lang pala ang kahinaan ng isang Almonte. Sabagay, di na rin ako magtataka. Maganda naman talaga ang asawa niya.” “Huwag mong sabihin type mo ang babaeng yun Kuya Eliazar? Hindi mo siya puwedeng galawin. Hanga't hawak natin si Eliza, hindi gagawa ng hakbang si Drake na ikakapahamak niya.” paliwanag ni Nadia sa kapatid. “Tama ka, pero hindi tayo maaring magpaka-kampante kahit pa isang taon ang hinanda natin para sa araw na ito kailangan parin natin ang mag-ingat. Lalo pa’t si Drake Almonte ang binabanga natin. Kung kaya mo lang sana siyang paibigin ulit madali na ang paghihiganti natin.” Naiiling na sabi ni Eliazar kay Nadia na ikinabuntong hininga nito. “Kung hindi pumasok sa eksena namin si Eliza sana'y nabilog ko na ang ulo ni Drake kung hindi nangi-alam ang Lola niya kami sana ni Drake ang magkasama ngayon.” Inis na sagot nito. “Hindi na yun mahalaga, wala na tayong magagawa pa nangyari na ang mga nangyari. Ang kailangan na lamang gawin natin ay maghanda at pigilan si Westly na kalabanin tayo. Siya lang naman at ang mga galamay niya ang may kakayahan na mahanap tayo. Pero bago pa mangyari yun dapat nagawa na natin ang plano.” Dinukot ni Nadia ang phone. “Anong gagawin mo?” “Tatawagan si Westly–” “Huwag! Kapag tinawagan mo siya paniguradong masasagap niya ang signal ng lokasyon natin! Ang mabuti pa umalis ka muna sa isla magkita na lamang tayo pagkatapos ng kasal niyo ni Drake. Ako na ang bahala sa asawa niya at sa lalaking kasama nito.” “Teka kuya, ano pala ang plano mo kay Trace? Pap@tayin mo ba siya?” “No, sa kanya ko ibubunton ang sisi kapag may nangyari kay Eliza. Besides siya naman ang nagtakas kay Eliza kaya palalabasin natin na kasalanan niya.” Paliwanag ni Eliazar. “Sige pero bago yun gusto kong masilip ang babaeng yun.” “Okay, samahan na kita. Gusto ko rin naman siyang makita.” “Hmmm…mukhang iba na ito Kuya Eliazar. Baka naman magkagusto ka pa sa babaeng yun? Alalahanin mo pinagsawaan na siya ni Drake.” Paalala ni Nadia habang binabaybay nila ang mahabang hallway patungo sa pinagkulungan nila Kay Eliza at Trace. “Hindi yun ang gusto kong mangyari, kapag kasal na kayo ni Drake isasali ko siya sa subastahan. Sayang din naman kung Basta ko na lamang siya pakawalan. Milyon din ang kikitain ko sa kanya.” paliwanag nito. “Trace? Anong ginagawa mo? Baka mahuli ka nila.” kinakabahan na Sabi ni Eliza nang makita niya itong kinakalas ang tali sa likod ng kamay nito. “Mamaya pa babalik ang mga bantay natin. Kailangan natin gumawa ng paraan para makatakas!” Giit ni Trace sa kanya. Nakakulong sila sa loob ng madilim at tuktok na Torre ng isla. May taas na tatlong palapag ito. “Pero kahit mamaya pa ang balik nila hindi parin tayo makakatakas. Kalat ang tauhan ng mga lalaking dumukot sa atin. Mapapahamak lang tayo.” pigil ni Eliza sa kanya. Ngunit desidido na si Trace na tumakas. “Kapag Wala tayong ginawa, ma2tay din tayo sa gutom. Huwag kang mag-alala marunong akong lumangoy. Puwede natin languyin ang palayo sa isla. Basta kahit anong mangyari huwag Kang maingay at huwag Kang matatakot.” Ani nito na tali naman sa kamay niya ang inaalis. “Let’s go Eliza!” Kaagad niyang kinuha ang kamay nito at nagmadali silang bumaba sa isang paikot na hagdan. Halos masubsub na sila sa tarik nito. Ngunit pagbaba nila ay bumulaga ang dalawang lalaking nagbabantay sa kanila. Kaagad itong sinvntok at sin!pa ni Trace. Bumulagta ang dalawa sa lupa. “Ngayon na Eliza! Takbo na tayo sa dalampasigan!” Mabilis silang tumakbo na walang lingon-lingon. Kahit naramdaman na nila ang matatalas na talahib malalagong d**o ay hindi sila nagpatinag. Kailangan nilang makalapit sa dalampasigan upang makatakas. “Bilis Eliza!” Bulalas ni Trace nang mapansin niyang bumabagal na sila. Wala pa sila gaanong lakas dahil Wala silang kain at sapat na tulog kaya hinang-hina na sa pagtakbo si Eliza nakakasagabal din ang suot niyang gown na suot pa niya sa event. “Trace! Hindi ko na kaya!” “Hindi! Lakasan mo ang loob mo! Kaya mo yan! Malapit na tayo sa dagat!” Nagulat sila nang makarinig ng put0k ng bar!l. “Alam na nilang tumakas tayo! Bilisan mo pa Eliza!” Kahit pagod at nanlal@mbot ang kataw@n ay ginawa ni Eliza ang lahat upang hindi maging pabigat sa pagtakas nila. Hangang sa marating ng ng mga paa nila ang maputing buhangin ng isla. “Tigiiiillll!!!!” Sunod-sunod na pvtok ng baril ang umalingaw-ngaw sa paligid. “Huwag kang titigil—” “Traceeee!!!” Dugu@ng nabuwal si Trace sa buhanginan kaya agad din niya itong nilapitan. “T-Tumakbo…ka na! Bilis Eliza!!!” sigh@l nito sa kanya. Ayaw man niyang iwan si Trace dahil alam niya kung ano ang mangyayari dito ngunit mas lalong masasayang ang pagbubuwis nito ng buhay kapag nahuli siyang muli. Wala siyang magawa kundi ang iwan si Trace na ngayon ay tuluyan nang bumitaw sa kamay niya. “Huwag niyo siyang b@rilin habulin niyo siya!!! Mga walang silbi!!!” Igting ang pangang sigaw ni Eliazar. “Eliza!!! Sa tingin mo ba makakatakas ka dito sa isla??? Kapag hindi ka bumalik dito pa2tayin ko pati ang Lola ni Trace!!!” narinig na sigaw ni Eliza na nagpagal sa kanya sa pagtakbo. May namataan din siyang mga nakabangkang de motor at jetski na papunta sa kanyang dereksyon at tuluyan na siyang nawalan ng lakas para ihakbang ang kanyang mga paa. Alam niyang kahit na ano pang gawin niya Hindi rin siya makakatakas sa dami ng mga ito. “Ahhh!” Bumagsak siya sa buhangin nang malakas siyang s@mpalin ni Eliazar. Sa lakas ng s@mpal nito ay nalas@han niya ang sarili! Niyang dvgo at hindi na siya halos makatayo pa.” “Akala mo ba matatakasan mo kami ng ganun lang? Hindi isang tulad mo lang ang sisira sa plano naming paghihig@nti sa mga Almonte!” S!nghal nito sa kanya. Ngayon niya naunawaan ang lahat. Kinidnap siya ng mga ito upang paghigant!han ang kanyang asawa. “Tignan ko lang kung makatakas ka pa sa kulungan na paglilipatan sayo! Dalhin na yan!” utos ni Eliazar at dalawang lalaki ang kumaladkad sa kanya pabalik. “Huwaaaaggg!!!” nanghihinang s!gaw ni Eliza nang makuha pang bar!l!in ng ilang beses si Trace ni Eliazar. Masamang tingin nang ipinukol nito sa kanya. “Kung hindi kayo tumakas, hindi siya ma2tay ng ganito kaaga. Kaya kasalanan mo ang lahat.” paninisi nito sa kanya. Napahagulgol na lamang si Eliza sa sinapit ni Trace. Bago sila tumakas ay nagkausap pa silang dalawa. Inamin ni Trace sa kanya ang tunay nitong nararamdaman at sinabi din nito na irerespeto niya kung ano ang desisyon ni Eliza. “Ang lakas ng loob na tumakas ng babaeng yun.” Ani ni Nadia nang sabihin ni Eliazar ang ginawa nito. “Mabuti pa, saka mo na siya bisitahin. Bumalik ka na sa suidad. Magkita din tayo doon dahil pupunta ako sa subastahan. May item akong gustong makuha na bagay sa aking bihag panregalo Kay Drake kung sakali Mang hindi siya tumupad sa usapan.” wika ni Eliazar at nagpaalam na rin si Nadia. Kinailangan pa niyang magsuot ng itim na jacket at itago ang kanyang pagkakakilanlan, sumakay ng bangka at magpalipat-lipat na sasakyan pati na rin chopper upang hindi siya masundan. Samantala, napasugod si Westley sa condo ni Drake nang sabihin ni Brandon ang nangyari. Nadatnan niya ang tatlo na parang seryoso ang pinag-uusapan. “Mabuti dumating ka na.” ani ni Thirdy. Naupo si Westly sa tapat nilang tatlo. “Hindi ako naniniwalang kayang gawin ito ni Nadia na mag-isa.” Nag-angat ng tingin si Drake sa kanya. “What do you mean?” “Malinis ang pagkakakidnap kay Eliza. Wala kaming mahanap na bakas. Kung hindi namin siya ma-trace by land. Possible na by air ang ginamit para ilipat at itago si Eliza. Mas mahihirapan tayo. Malakas ang kutob kong may malaking tao sa likod nito dahil pinakilos ko na Ang lahat ng tauhan kong magagaling para mahanap siya.” Paliwanag ni Westley. “Yun din ang iniisip ko, Westly. Pero ang Hindi ko lubos naisip kung bakit pati si Trace ay naging kasabwat ni Nadia?” nagtatakang tanong ni Drake dahil Pina-imbistigahan na rin niya ang background nito. “Malay mo binayaran siya ni Nadia ng malaking halaga?” sabat ni Brandon. “Hindi yun ang kutob ko. Bukod Kay Nadia magkalaban din ang angkan ng pamilya niyo ni Nadia. Pero imposible naman dahil Wala na Ang lolo at papa ni Nadia.” “Paano kung si Nadia lang ang naghihiganti? At gumamit siya ng koneksyon?” dagdag pa ni Thirdy. “Walang dahilan para maghiganti sa akin si Nadia. Alam niya ang totoo. Ang Almonte network ay originally pinaghirapan itayo ng aking Lolo. Ginawa lang ni Dad ang lahat upang mabawi ito sa kaniyang ama dahil Hindi narin maganda ang pamamahalakad nito. Lalong hindi ko kasalanan ang pagtalon ng ama ni Nadia sa building ng Almonte Network upang takasan ang bilyon niyang utang na nagpalubog sa network at ako ang nagbangon nito.” “Yun din ang alam namin, sa ngayon, maingat kong papasundan si Nadia. May magaganap na subastahan sa black market bukas ng gabi. Maghahanap din ako ng impormasyon. Pero sa ngayon, sumakay ka muna kay Nadia habang hindi pa natin nalo-locate si Trace at Eliza.” “Sasama ako sa subastahan.” suhestion ni Drake. “Ha? Seryoso ka?” hindi makapaniwalang tanong ni Westley. “Oo, gusto ko din mangalap ng impormasyon. Hindi ko kayang basta na lamang tumanganga dito at maghintay na lamang.” Paliwanag ni Drake. “Sasama din kami.” ani ni Thirdy at tinutukoy niya ay si Brandon. “Kung ganun, maghanda kayo ng 1 bilyon. Hindi basta-basta nakakapasok sa subastahan kapag wala kang dalang 1 bilyon cash. Yun ang patakaran nila.” paliwanag ni Westley. Kinabukasan ay hinanda na agad nila ang kakailanganing pera para sa subastahan. Higit sa limang malaking maleta ang dala nila na may halagang limang bilyon. Nagsuot din sila ng mamahaling suit at black mask nang sa ganun ay hindi sila makilala. Pagbaba pa lamang nila ay nagtaka na si Westley. Pero itinuloy nila ang pagpasok sa arena na kasya lamang ang isang libong tao na interesado sa black market item. “Siya si Mr. Fang. Siya ang may-ari ng subastahan. Isang wanted a high prof!le crim!n@l sa china at natatago sa katauhan ng negosyante dito sa pilipinas.” Nguso ni Westley sa lalaking may malaking tiyan na may katabing dalawang sexy na babae. “Yun namang kausap niya si Mr. Demir. May limang libo siyang tauhan na nabibilang sa class A. Ibig sabihin upahan para pum@tay at yun ang hanap buhay niya. Milyon ang bayad ng mga kliente niyang may gustong ipaligpit sa kanila. Puwede tayong kumuha ng kahit isang daan na tauhan para hanapin at iligtas si Eliza kapag nalocate na natin ito.” Ani ni Westly. Pagkatapos ay inaya na sila sa upuan dahil magsisimula na ang bidding. “Yun, sino siya? Iba ang dating niya.” Usisa ni Drake nang dumaan sa kanyang harapan ang lalaking walang maskara. “Si Eliazar Mondragon. Mahilig siya sa mga antique or unique item. Sumasali din siya sa bidding ng mga rare item na pag-aari niya. Pero kilala siya sa pagbeb3nta ng mga m!nor na dalaga at kumikita din ng bilyon. Involved din siya sa hum@n tr@ff!cking at k********g. Bumalik na pala siya. Ang alam ko kasi isang taon siyang nasa Russia para sa negosyo niya.” paliwanag ni Westly. “Hindi pala ordinaryo ang mga tao dito. At nakakalusot sila sa batas?” Nagtatakang tanong ni Brandon. “Para sa kanila, madaling tapalan ng pera ang sino Mang kumakalaban sa kanila. Lalo pa’t maimpluwensya din sila sa ibang bansa at magaling silang magtago sa batas.” Paliwanag ni Westly. Napunta sa item na nasa harapan ang atensyon nila nang ilabas nito ang first item. “Isang gold chain? Sino naman ang bibili sa ganyang klaseng item?” nagtatakang tanong ni Brandon. “This is a gold chain made of pure gold, weighing 5000 grams. Used and preserved by the Roman Empire. The price starts at 5 million!" “10 million!” “20 million!” “25 million!” Nagtaas ng numero si Eliaz Mondragon. “50 million.” ani nito na ikinagulat ng apat. Nanlaki ang mata ni Brandon at Thirdy na di rin makapaniwala. “May tataas pa ba?” Natahimik ang buong hall at walang gustong dumagdag nakuha nito ang gold chain. “He's crazy at ano naman kaya ang gagawin nito sa gold chain na yun?” Ani ni Thirdy. “Puwede rin niya itong i-auction sa mas malaking halaga.” Seryosong sabi ni Westly habang si Drake ay tahimik lang na nagmamasid. May lumapit na security kay Eliaz at bumulong ito. Pagkatapos ay nagmadali na itong umalis. Marami pang item ang inilabas ngunit hindi naman sila interesado. Pagkatapos ng auction ay lumapit ang apat kay Mr. Demir. “Can we talk in Private Mr. Demir?” wika ni Westley kaya napatingin ito sa kanya. “Mr. Fernandez, so nice seeing you.” Nagkamayan ang dalawa at ipinakilala din niya ang tatlo. “Doon tayo sa lobby.” wika nito at nauna nang maglakad. “Anong maipaglilingkod ko?” “We want a hundred of your men para hanapin ang isang babae.” Ani ni Westley. “Ano? Sounds interesting. Si Mondragon, lumapit sa akin para itago naman ang isang babae. Tapos kayo naman gusto niyong hanapin ang isang babae? Ano bang nangyayari sa mundo?” natatawang sabi nito sa kanila amoy na amoy pa nila ang matapang na al@k sa hininga nila. “Anong sabi mo?’ ulit ni Drake sa kanya. “Nevermind! Kausapin niyo na lang ang secretary ko para sa payment bago ko kayo bigyan ng tauhan.” sagot nito pagkatapos ay tumalikod na at gumigiwang pang lumakad. Nakatinginan silang apat. “Pa-imbistigahan mo si Mondragon, Westley alam ko mapanganib pero kanina pa ako hindi mapalagay. Pakiramdam ko kilala ko siya. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya Nakita.” nagdududang Sabi ni Drake. “Ako ang bahala, tatawagan kaagad kita kapag may nalaman ako.” Ani ni Westly sa kanya. Tumunog ang phone ni Drake kaya sinagot niya ito. “I’m here at your condo. Nasaan ka?” usisa ni Nadia sa kanya. “Pauwi na.” Sagot ni Nadia sa kanya. “Drake, sakyan mo muna si Nadia. Pero alam mo naman siguro kung paano iiwas hindi ba? Hindi mo naman siguro gustong magkasala Kay Eliza.” Paalala ni Thirdy sa kanya. “Hindi niya ako kayang paikutin sa kamay niya Thirdy, lalo ko lamang ipaparamdam sa kanya na hindi ko na siya kayang mahalin ulit.” walang emosyon na sagot ni Drake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD