“Drake!” Akmang ha2likan siya nito ngunit umiwas si Drake.
“Bakit ka nandito?” walang emosyon na tanong nito at ibinaba ang kanyang attache case sa sofa.
“Nagpunta ako dito para magluto ng paborito mo. Sabay na rin tayong kumain.” nakangiting Sabi ni Nadia sa kanya.
“Hindi ako nagugutom, kumain Kang mag-isa. Pagkatapos ay umalis ka na.”
“Paano kung ayoko? Kakaladkarin mo ba ako palabas?”
“Hindi, pero huwag Kang umasa na magtatabi tayo sa iisang kama.” seryosong Sabi ni Drake sa kanya.
“Drake, bilisan mo na Ang proseso ng kasal natin para makapagpakasal na rin tayo. Excited na akong maging Misis. Almonte. Saka diba gusto mong makalaya na si Eliza? Kaya binigyan kita ng dalawang linggo para ayusin ang lahat.”
“Hindi madali ang hinihingi mo, alam mo naman na may proseso pa–”
“I don't care! Gamitin mo ang pera mo! Naiinip na ako Drake! Kapag hindi mo nagawan ng paraan within two weeks hindi mo magugustuhan ang surpresang ibibigay ko sayo!”
Pagkatapos Sabihin ni Nadia at lumabas na rin ito dahil alam niyang hindi niya mapapaamo si Drake Lalo lamang itong magagalit sa kanya at hindi niya puwedeng gamitin ng gamitin si Eliza para pagbantaan siya dahil baka siya naman ang saktan ni Drake. Kaya mas pinili na lamang niyang umalis.
Nakuyom ni Drake ang kanyang kamao nang lumabas si Nadia, Lalo siyang nagagalit sa sarili dahil Wala man lang siyang magawa. Kahit si Westley ay hindi basta mahanap si Eliza bukod doon ang lalaking si Eliazar pa rin ang nasa isip niya. Malakas ang kutob niyang nakilala na niya ito noon.
“Akala ko hindi ka dadating.” Wika ni Nadia nang sumulpot si Westley sa parke na sinabi niyang pagkikitaan nila.
“Nadia, nakagawa ka ng isang pagkakamaling hindi mo na malulusutan kahit ibalik mo pa si Eliza.”
“Alam ko, pero ang gusto ko lang naman–”
“Naghihiganti ka ba dahil sa nangyari sa’yong papa? Hindi mo alam ang ginagawa mo.”
Sumilay ang ngiti sa dulo ng labi ni Nadia.
“Alam ko ang ginagawa ko, Westley kaya hangang ngayon ay hindi niyo pa rin matagpuan si Eliza hindi ba?”
“Sino ang kasabwat mo?”
“Nagpapatawa ka ba? Hindi ako nagpunta dito para sabihin sayo ang kinaroroonan ni Eliza. Nagpunta ako dito para sabihin sayong huwag mong tulungan si Drake.”
“At bakit ko naman gagawin yun? Sino ka para utusan ako? Kahit na magpinsan tayo, you can’t control me.”
“Really? Paano kung yung dearest sister mo naman ang biglang mawala–”
“D@mn you!!! Pati si Faye idadamay mo sa kahibagan mo? Huwag mo akong bangain Nadia. Kahit magpinsan tayong dalawa. Kakalimutan kong magkadugo tayo kapag pinaki-alaman mo ang kapatid ko!” igting ang pangang sigaw nito.
“Relax ka lang, ang gusto ko lang naman ipatigil mo ang paghahanap Kay Eliza. Huwag mong tulungan si Drake. Alang-alang na lang sa papa kong tumulong sa pamilya niyo noong nasadlak din kayo sa hirap. Nakalimutan mo na bang sa papa ko nagma-kaawa si Uncle para makabangon kayo dahil sa pagbagsak ng inyong negosyo? Ang papa ko ang dahilan kaya namumuhay Kang maginhawa ngayon. Yun lang naman ang hiling ko Westley, ang kapalit, walang mangyayari Kay Eliza at sa kapatid mo.”
“Ang utang na loob ng papa ko sa papa mo ay matagal ng bayad, Nadia. Wala na kaming kahit piso pang utang sa kanya. Sa tingin mo ba natatakot ako sayo? Ikaw Ang makinig sa akin. Itigil mo na Ang ginagawa mong ito. Dahil kahit pa pakasalan ka ni Drake hinding-hindi ka niya mamahalin ulit.”
“Huwag kang mag-alala, hindi ko naman siya pipilitin na mahalin niya ako ulit, gagawin ko siyang baldado nang sa ganun hindi na niya ako iwan at sa akin na lahat mapupunta ang kayamanan niya–”
“Nahihibang ka na Nadia, kinain ka na ng gal8 mo kaya hindi ka na nag-iisip ng tama!”
“Sila ang nagturo sa akin kung paano magalit sa mundo, Westley! T!napos ni dad ang buhay niya dahil sa pagkamkam ng mga Almonte sa pinaghirapan niyang kompanya! Napaalis kami sa aming tirahan namatay sa sakit ang aking Ina! Kinutya kami ng maraming tao! Halos araw-araw kami ang laman ng dyaryo! Nagtago kami dahil marami nang taong galit sa aming pamilya! Nang mamatay ang mga magulang ko ay umalis ako ng bansa. Binangon ko ang sarili ko ng mag-isa! Hindi ako sumuko kahit may mga araw at oras na hawak ko na ang lubid para makalaya na ako sa kalungkutan na nararamdaman ko Westley, at nagkakilala kami ni Drake. Siya ang naging lakas ko, siya ang tumulong sa akin. Siya ang nagpabalik ng ngiti sa labi ko at minahal ko siya ng totoo…”
Nagsimulang mangilid ang kanyang luha at naupo sa sementong upuan sa parke.
“Pero nang bumalik kami dito, nalaman kong anak siya ng taong nagpabagsak sa aming pamilya…kinalimutan ko yun dahil mahal ko siya…pero sadyang hindi kami para sa isa’t-isa dahil maski ang Lola niya ay ayaw sa akin. At pinakasal siya sa ibang babae. Doon nagsimula ang lahat, ang galit na matagal ko nang binaon sa limot ay nagbukas at sinumpa kong pagbalik ko kukunin ko ang lahat sa kanila. Kukunin ko ang lahat sa mga Almonte!” desididong Turan ni Nadia sa kanya. Nagpunas ito ng luha at muling humarap Kay Westley.
“Westley, para sa pinagsamahan natin at para sa pagiging magkadugo natin. Maatim mo ba na hindi ko makuha ang hustisya na matagal nang pinakait sa akin ng mundo? Simple lang naman ang hiling ko sayo. Kahit ngayon lang, kahit ngayon lang kalimutan mo ang kaibigan mo at tulungan mo ako. Hindi ko planong p@tayin si Drake. Magiging mag-asawa pa rin naman kami habang buhay.” Pagsusumamo nito sa kanya. Naiiling na napatingin sa itim na langit si Westley.
“Hindi kita mapagbibigyan, may oras ka pa para isuko si Eliza. Kapag hindi mo ito ginawa…hindi ko masisiguro ang kaligtasan mo.” b@nta nito sa kanya. Pagkatapos ay tinalikuran na niya ito.
Napatawa si Nadia sa sinabi ni Westley. Para siyang baliw na tumawag mag-isa pagkatapos ay umiyak naman sa gal8 dahil hindi niya nakuha ang gusto niya.
“Naglagyan ko ng tracking device ang kotse ni Nadia. Alamin niyo kung saan siya pupunta.” Huwag kayong magpapahalata ani ni Westly sa kausap.
“Mabuti naman napakabait ka na, mas maganda ang kulungan mo ngayon hindi ba?” Ani ni Eliazar at sinuyod ng tingin si Eliza. Napasiksik si Eliza sa sulok ng kama. Nasa loob siya ng isang kuwarto at nakatali ng gold chain ang mga paa. Nakaligo na rin siya at pinapakain din siya ng maayos ng mga ito.
“Hangang kailan mo ako ikukulong dito?”
“Huwag Kang mag-alala, papalayain ka din namin. Kapag kasal na si Nadia at Drake.”
“Anong sinasabi mo?” Naguguluhan na tanong ni Eliza sa kanya.
“Yung ex husband mo, ikakasal na sila ng kapatid ko. Isang linggo mula ngayon.” nakangiting Sabi ni Eliazar sa kanya.
“Hindi yan totoo!”
“Ayaw mong maniwala?”
Kinuha ni Eliazar ang maliit na remote sa loob ng kanyang bulsa at binuksan ang tv. Pinanuod ni Eliza ang interview ni Drake sa pag-amin nitong si Nadia ang kanyang kasintahan at boyfriend naman niya si Trace at hindi totoong kinidnap siya nito. Pagkatapos ay napanuod din niya ang engagement party ni Drake at Nadia.
Tuluyang bumagsak ang kanyang luha sa kanyang Nakita. Hindi niya akalain na magagawa ito ni Drake sa kanya. Paano ito magpapakasal kung kasal pa silang dalawa? At lalong hindi siya makapaniwala na kasabwat at kapatid pala nito si Nadia. Nagpunas siya ng kanyang mata.
“Hindi totoo yan, sigurado ako ginamit niyo ako para mapasunod si Drake. Akala mo ba madali niyo akong mapapaniwala?”
“Hmmm brilliant woman, that’s why I like you. But guess what? Alam mo bang kapag bumalik ka kay Drake hindi lang buhay mo ang manganganib kundi lahat ng mahal mo sa buhay?” Nakangising sabi ni Eliazar sa kanya.
“Kaya kapag nakalaya ka dito, huwag ka nang magpapakita pa sa kanya. Kung ayaw mong balikan ka namin ni Nadia. Masuwerte ka na nga dahil inalagaan kita dito. Pero kung ako lang ang masusundo…inangkin na kita.”
Parang d3m0nyo itong tumayo sa harapan niya. Napasinghap si Eliza at mas siniksik ang sarili sa sulok ng kama.
“Kung gusto mo gagawin kitang pangatlong asawa. Total hindi na naman kayo puwedeng magbalikan pa ni Drake. Once na nakasal na si Drake at Nadia ay hawak na niya ito sa leeg. At ikaw naman? Pag-isipan ko pa kung ano ang magiging pakinabang mo sa akin.”
“Hindi kayo magtatagumpay, hindi papayag si Drake na mawala ako sa kanya. Gagawa siya ng paraan para mahanap ako. Kaya huwag mo na siyang sirain sa akin. Dahil hindi ganun kababaw ang pagmamahal ko para sa asawa ko.”
“Owwwsss? Ang sweet mo naman. Pero alam mo bang nagsasama na sila sa iisang bubong? Baka nga sa mga oras na ito si Nadia na ang kasama niya at tuluyan ka na niyang kinalimutan. Hindi mo kailangan na malungkot, dahil nandito naman ako.”
“Sabihin mo na Ang gusto mong sabihin, pero hindi mo ako mapapaniwala Eliazar. Hanga’t hindi nakikita ng dalawang mata ko ay hindi ako maniniwala sayo.”
Dinukot ni Eliazar ang kanyang phone at iniharap Kay Eliza. Nakita mismo ni Eliza ang paghahalikan ng dalawa.
“Naniniwala ka na ba? Hindi mahirap para sa kapatid ko akitin si Drake dahil matagal din ang relasyon nilang dalawa. Kaya mabuti pa ngayon pa lang ay kalimutan mo na siya. Dahil hindi papayag ang kapatid ko na magbalikan pa kayong dalawa.” Ani ni Eliazar sabay tago ng phone niya.
“Goodnight, have a good sleep.” Paalam nito sa kanya. Kahit ayaw niyang maapektuhan sa kanyang Nakita gumuhit pa rin ang sakit sa kanyang puso. Paano nga kung totoo ang sinasabi ni Eliazar? Kaya ba talaga siyang kalimutan ni Drake ng ganun lang? Gumagawa ba ito ng paraan para mahanap siya at mailigtas?
“D-Drake…nasaan ka na ba? Gusto na kitang makita…iintayin ka namin ng anak mo." pagsusumamo ni Eliza habang nakahawak sa impis niyang tiyan na alam niyang may laman na