PART 4

1847 Words
“Babe! Mabuti naman at dumating ka na. Ang aga mo ata hindi pa ako tapos.” Ani ni Nadia nang bumungad sa kanya si Drake. Binaba niya ang attache case niya at hinarap si Nadia. “I miss you, tayong dalawa lang tonight. Kung ayaw mo dito sa condo mo. Puwede naman tayo sa place ko.” Nang-aakit na sabi ni Nadia sa kanya. Sinuyod pa niya ito ng tingin dahil sa suot nitong manipis na pantulog. “Do you like it?” Bumalik ang mata ni Drake sa kanyang mukha. “Nadia, please huwag ka nang pupunta sa condo namin ni Eliza. Kahit saang angulo tignan mali pa din Ang ginagawa mo.” Paliwanag ni Drake na ikinakunot ng noo niya. “Bakit mali? Hindi naman siguro kabit ang tingin mo sa akin diba? Saka ako naman ang mahal mo at kasal lang naman kayo sa papel. Wala rin naman nangyari sa inyo ni Eliza so bakit mali ang ginagawa ko?” “Nadia, kahit pa kasal lang kami sa papel. We are legally married. Mag-asawa kaming dalawa. Ano na lamang ang iisipin ng ibang tao kung may labas masok na babae sa condo namin? Paano kung malaman ni Grandma ang tungkol sayo? Hindi kita mapo-protektahan. Nadia.” “Kung ayaw mong nagpupunta ako dito. Eh di lumipat ka na lang sa bahay ko. Para magkasama na tayo. Besides, okay na naman tayo at magpapakasal na rin naman tayo–” “Nadia, saka na ulit tayo mag-usap. Hindi na rin kita masasabayan sa dinner may importante akong kailangan na puntahan. Ipapahatid na lang kita pauwi.” Pag-iiba ni Drake sa usapan akmang tatalikuran na niya ito ngunit hinila ni Nadia ang kanyang braso. “Drake, mas mahalaga pa ba sa akin ang pupuntahan mo kaya iiwanan mo na lamang ako ng ganito? Naghanda ako ng paborito mo. Bumili pa ako ng mamahalin na pantulog nag-ayos pa ako para mas gumanda ako sa paningin mo. Pero bakit pakiramdam ko wala na akong halaga sayo?” Napasinhap si Drake at nilingon si Nadia na ngayon ay nangingilid na ang luha sa mata. “Nadia, I’m sorry. Puwede naman tayong kumain some other time. May mahalaga lang talaga akong dapat gawin. Okay?” “Drake!” Tawag ni Nadia nang tuluyan itong pumasok sa kuwarto kaya sinundan niya ito. Naabutan niya itong naghuhubad ng business suit niya. Nilapitan niya ito at niyakap mula sa likuran. “Nadia…” “Huwag ka nang umalis, dito ka lang samahan mo ako. Mahalaga naman ako sayo diba? Mahal mo pa rin naman ako diba? Sabi mo pakakasalan mo pa ako…talaga bang iiwan mo ako ng ganito?” Tinangal ni Drake ang kamay niyang nakayakap sa kanyang tiyan at hinarap niya ito. “Nadia–” “Pakiramdam ko wala akong halaga sayo Drake…simula nang bumalik ako never mo akong tinawagan. Never Kang nagpunta sa place ko…Kung hindi pa ako gagawa ng paraan hindi pa kita makikita…Drake…umalis lang ako dahil nasaktan ako sa ginawa mo…pero bago ako umalis ang Sabi mo sa akin aantayin mo ako hindi ba? Ngayong nandito na ako…bakit parang binabalewala mo na ako–” “Sorry but I really have to go. Pagbalik ko mag-uusap tayo ng maayos. Pupuntahan kita sa place mo okay?” Walang nagawa si Nadia kundi hayaan na umalis si Drake. “Sigurado ka bang walang magagalit sa pagsama mo sa akin dito? Wala ka bang boyfriend?” Ani ni Trace nang lapitan niya si Eliza habang nasa tabi ng dalampasigan at pinagmamasdan ang paghampas ng alon. “Wala, asawa meron.” “What? Baka naman mayare tayo ng asawa mo kapag nalaman niyang sumama ka sa ibang lalaki.” Nilingon niya ito at hinawi ang hinahangin na buhok sa likod ng kanyang tenga. “Wala naman siyang paki-alam sa akin. May mahal siyang iba…actually, kasama niya ngayon ang babaeng mahal niya at nasa condo siya namin.” “Ano? At pumapayag ka ng ganun?” Hindi makapaniwalang tanong ni Trace sa kanya. Bumalik ang mga mata ni Eliza sa malawak na dalampasigan. “Anong gagawin ko? Mas masasaktan lang ako kapag pinilit ko siyang mahalin ako…sa loob ng isang taon namin bilang mag-asawa ginawa ko ang lahat para mahalin niya ako…pero sa huli si Nadia pa rin ang gusto niyang mahalin…at ako? Pinilit niyang pumirma ng annulment papers namin sa araw pa mismo ng anniversary namin….” “Gag000 pala yang asawa mo…napakaswerte na nga niya sayo tapos gaganituhin ka lang niya. Hindi mo deserve masaktan ng ganito Eliza.” “I know…kaya nga sana maubos na ang pagmamahal ko para sa kanya…sana maubos na ang luha ko para sa kanya. Para hindi na rin ako nasasaktan ng ganito….sorry kung ginamit kita para maibsan ang nararamdaman ko.” Lumapit si Trace sa kanya at hinawakan ang kanyang baba. Pinunasan niya ang luha sa pisngi nito. “Hindi bagay sa’yo ang umiyak. Mas bagay sa'yo ang nakangiti. Huwag mong sayangin ang luha mo sa walang kuwenta mong asawa. Kung hindi ka niya kayang mahalin marami namang iba diyan.” “Salamat Trace…thank you sa pagdala mo sa akin dito sa inyo.” Kinabig niya ito at iniyakap sa kanyang dibdib. “Wala yun, puwede mo akong gawing sandalan kahit kailan mo gusto. Pupunasan ko ang luha mo kapag nasasaktan ka hangang kaya mo nang ngumiti ulit.” Pag-alo ni Trace sa kanya. Napahikbi siya sa dibdib nito. Iisipin pa lamang niyang magkasama si Nadia at Si Drake parang pinupunit na Ang kanyang puso. Akala niya okay na siya…Akala niya kaya na niya pero habang nakikita niya ang dalawa. Hindi mawawalan ang sakit na nararamdaman niya. “Okay ka na?” Tipid siyang ngumiti at tumango sa kanya. “Yan! Mas maganda ka kapag nakangiti. Huwag mo nang iyakan ang lalaking yun. Kung gusto mo ako na lang gawin mong boyfriend.” “Sira, kakakilala lang natin hindi ba puwedeng maging magkaibigan muna tayo?” “Sabagay, tama ka diyan. Okay lang naman sa akin kung hindi mo ako ngayon sagutin. Ang mahalaga kasama kita.” “Sus! Ang cheesy mo naman! Kinikilabutan ako.” Natatawang sabi ni Eliza sa kanya sabay hampas pa nito. “Aray! Hindi mo pa ako boyfriend pero nanakit ka na. Gusto mo lang ata mahawakan ang maskels ko ano?” “Oo, para kasing fake. Pahawak nga ulit!” “Anong fake? Tunay ito!” bulalas ni Trace sabay iwas sa kanyang biceps. “Talaga? Papisil!” “Ayoko nga!” “Hoy! Ang damot!” Natutuwa naman ang Lola ni Trace sa kanyang nakikitang naghaharutan sa taking dagat. Narinig niya ulit na tumawa ang kanyang apo. Pagkatapos ng nangyari 5 years ago. “Hoy! Kayong dalawa! Huwag niyong inggitin ang mga isda! Pumasok na kayo handa na Ang hapunan!” Ani ng lola ni Trace. “Kumain na tayo na pagod na ako.” Ani ni Trace sa kanya. “Basta pahawak ako mamaya ha?” pangungulit ni Eliza sa kanya. “Mamayang gabi? Sige.” Naglalarong ngiti sa labi ni Trace ang nagpangiwi Kay Eliza. “Ayoko ng ngiti mo nakakatakot.” Humakbang papalapit si Trace sa kanya at umatras siya hangang mapasandal siya sa puno ng niyog. “Mahahawakan mo lang ang biceps at abs ko kapag sinagot mo na ako.” “Ang damot mo, puwede bang advance? Hawakan ko muna tapos kapag nagustuhan ko saka kita sasagutin.” “Hmmmmmm…ngayon na ba?” “Pag-isipan ko.” “NO.” mabilis na sagot ni Trace sa kanya. “What? Ayaw mo pa?” Hindi makapaniwalang tanong ni Eliza. “Ayoko, kapag hinawakan mo ako. Hindi muna ako puwedeng iwan.” Seryosong Sabi nito. “Ay? May pa-ganun? Ang conservative mo naman tapos adult movie actor ang pinasok mo.” “Iba yun, walang feelings. Pero ikaw gusto kita.” pag-amin ni Trace sa kanya. “I like you, Eliza.” Dagdag pa ni Trace sa kanya. Kanina lamang sila nagkakilala ay gusto na agad siya nito. “Bakit hindi mo ako subukan? Kahit isang linggo, isang buwan? Or isang taon. Kapag hindi ka nahulog sa akin I let you go.” Ani ni Trace sa kanya. “Trace, nasa moving on stage pa lang ako ng relasyon namin ni Drake. Paano kung gamitin lang kita para maka-move on? Hahayaan mo ba ako?” Napatitig si Trace sa kanya at hinawakan ang kanyang pisngi. “Gamitin mo ako kung gusto mo. Basta may bayad.” “At magkano naman?” interesadong tanong ni Eliza sa kanya. “Hindi pera, kundi oras mo.” “Oras ko lang?” Tumango si Trace sa kanya. “Sige.” Pagpayag ni Trace sa kanya. Pagkatapos ay niyaya na siya nitong pumasok sa loob ng bahay para kumain. “Westley, sigurado ka bang isesend mo kay Drake ang mga pictures na yan? Baka lalong magwala yun kapag Nakita niya ang picture ni Eliza kasama ang lalaking yun.” Paalala ni Thirdy Kay Westley na kakatapos lang kumuha ng mga larawan at video ng dalawa. At papunta pa lamang si Drake sa lokasyon nila. “Hayaan mo para matauhan ang kaibigan natin. Saka ganti ko ito sa kanya dahil sinaktan niya ang pinsan ko.” Ani ni Westly. “Alam na ba ni Nadia na si Eliza ang pupuntahan ni Drake.” “Hindi niya puwedeng malaman, alam mo naman kung anong pinagdaanan ni Nadia nang nagpakasal si Drake Kay Eliza.” sagot ni Westly at pagkatapos ay sinend niya ang lahat ng picture Kay Drake. Igting ang pangang binagsak ni Drake ang phone sa harapan ng kanyang manibela nang makita ang mga sinend ni Westley na picture ng dalawa. Napamura siya at mas binilisan pa ang pagpapatakbo sa kanyang kotse. “You'll pay for this, Trace Barcenas!” Napuno ng gal8 ang kanyang dibdib dahil sa ginawa ni Eliza sa kanya. Simula nang papirmahan niya ito ng annulment papers nila ay nag-iba na ito. Ang mahinhin, mabait at maalaga niyang asawa ay Wala nang paki-alam sa kanya. Mas nasaktan siya dahil sumama pa ito sa ibang lalaki habang kasal pa silang dalawa. Kaya hindi na siya magiging mabait pa dito. Nanlaki ang mata niya at mabilis na tinapakan ang preno nang salubungin siya ng malaking sasakyan. Kinabig niya ang manibela ngunit bumulusok siya pababa sa bangin. “Ahhh!” “Eliza? Okay ka lang? Huwag mo nang damputin ang bubog baka masugatan ka. Ako na.” Napasinghap si Eliza. Pakiramdam niya may hindi magandang nangyari kaya nabitawan niya ang baso. Kinuha niya ang phone niya at binuksan ito. Sunod-sunod na Tex ni Drake ang bumungad sa kanya at hinahanap niya. “Kapapasok lamang na balita. Na-aksidente ang business tycoon na si Drake Almonte at may-ari ng pinakamalaking network sa bansa. Habang patungo sa Batangas. Kasalukuyan siyang nasa hospital at kritikal ang kalagayan.” Napatingin si Eliza sa TV nang marinig niya yun. “As of now, Wala pa kaming balita sa mga doctor. But I know they're doing their best para maligtas si Sir Drake.” Interview ng reporter Kay Mike na secretary nito. “H-hindi….Drake…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD