“Shhhinnno ka? Sshaan mo ako dadalhin? Bakit kamukha mo ang sherrra-ulo kong ashawwwa?”
“Shut up, ikaw ang nagdala kay Nadia sa condo tapos maglalasing ka ng ganyan?” Inis na saway ni Drake sa lasing na si Eliza. Buhat-buhat na niya ito pabalik sa condo nila.
“Ey? H-happy ka naman di-ba? Ano? Nakailan kayo? Teka bakit kamukha mo nga ang manhid kong ashhhawa? Panaginip ba tohhh? Goshto ko pang iminom!!! Puwede ba kitang bvgbvgin?!!!hoy!!! Shagggotttt!!!”
“Kapag hindi ka tumigil lagot ka sa akin.” banta ni Drake sa kanya halos kung ano-anong random words na ang lumalabas sa bibig nito at palagi na lamang siyang tinatawag na sira ulo, manhid, manloloko, nochalant husband naririndi na siya sa kakulitan nito.
“Hoy!!! Drake!!! Hindi ako natatakot shhayooo! Bring it onnn!!! Kala mo ikaw lang ang marunong manakit ha?!!! Maghahanap din ako ng ibang lalaki! Mash pogi! Mash mayaman! At mas masharap shhayo!!!” Bulalas ni Eliza habang nilalapag siya ni Drake sa kama nila.
“Talaga? Mas masarap sa akin? Bakit? Natikman mo na ba ako?” pagpatol ni Drake sa kalokohan nito. Hinubad niya ang sandal nito at kumuha siya ng bimpo pamunas pero pagbalik niya nakaupo na si Eliza at nagdadrama.
“Paano ko titikman ang mokong na yun? Di nga niya ako mahal…” nakatungo at nakapikit na sabi nito sa kanya.
Naupo si Drake sa tabi ng kama. Inayos niya ang buhok ni Eliza na tumatakip na sa kanyang magandang mukha. Kaya mapungay ang mga matang tumingin ito sa kanya.
“D-Drake …sana pagising ko bukas….di na kita mahal nang sa ganun hindi na masakit…sana pagising ko…hindi na kita kilala…para hindi na ako masasaktan….sana pagising ko….manhid na ako…para kahit makita ko kayo ni Nadia…kayanin ko…kasi ikaw kaya mo hindi ba? Nakaya mo akong balewalain ng isang taon…baka kayanin ko din…na hindi ka mahalin…” nagsusumamo at paghikbi niyang sabi kay Drake.
“Hindi mo puwedeng gawin yun. Hindi kita hahayaan.” ani ni Drake sa kanya at pinunasan ang kanyang luha.
“Bakit ikaw lang puwede? Hindi!!! Kaya kitang palitan kahit ilan pang lalaki!!!” Maingay na sabi nito sa kanya.
“Do you think I will let you? You wish. Mabuti pa humiga ka na para magpahinga. Baka kung ano pa magawa ko sayo.” Inis na sabi ni Drake at hiniga niya ito sa kama.
“I h@te you Drake…” usal pa nito habang kinukumutan niya ito. Napabuntong hininga na lamang si Drake bago lumabas sa kuwarto.
“Ms. Eliza. Pictorial ngayon ng mga bagong male artists para sa lead role na gagawing series sa TV gusto mo bang kumuha ng shots para sa website?” tanong ni Mr. Antiporda ang head creative manager at talent manager ng company.
“You mean yung hot bachelor island series ba? Ngayon ang photoshoots?”
“Oo, halika sa studio.”
Tumayo si Eliza at sumunod kay Mr. Antiporda. Sa pinto pa lang ng studio ay abala na ang mga staff para sa pictorial. Nanlaki ang mata ni Eliza nang makita ang mga naglalakihang umbok este! Muscles at abs sa loob ng studio.
“Diba? Ang guguwapo nila. Lalo na screen kaya paniguradong tatangkilin ang series natin.” Excited na sabi ni Mr. Antiporda.
“Ready?” Tanong ng professional photographer sa lalaking mala-adonis na nakaupo sa itim na upuan tangin suot lang nito at boxer at napakagaling nitong magproject sa camera.
“Hmmmm ang dami naman palang guwapo at yummy sa mundo bakit naka-focus lang ako sa Drake na yun? Lord pengeng isang adonis please?” bulong sa isip ni Eliza habang hindi inaalis ang tingin sa actor.
“Hindi ba talaga dadating si Ms. Katrina? Paano natin kukunan ng pictures kasama si Trace?!” Sigaw ng talent assistant kaya nilapitan ito ni Mr. Antiporda.
“What happened?” Usisa nito.
“Sir kasi po yung isa nating actress di pa dumarating. Kailangan nang matapos ang photo shoots para sa cover na ipopost natin online.” Paliwanag nito.
“Kumuha ka na lamang ng double. Kahit patalikod gawin mong mysterious type ang actress.” Suggestions ni Mr. Antiporda.
“Sir, nakauwi na yung ibang artist si Ms. Katrina na lang inaantay.” Namomoblema nitong sabi sabay baling kay Eliza na nakatingin lang sa lalaking si Trace.
“Bakit mo tinitignan ang Marketing manager natin?”
Napabalik ang tingin ni Eliza sa kanila.
“Ma’am, puwede ba kayong substitute? Likod lang naman ang kukunan tapos nakalugay na buhok mo need make up.”
“Ha? Ako? Bakit ako? Di naman ako artista.”
“Kailangan na po kasi ito ngayon, magagalit si Sir Drake kapag di natin ito natapos.”
Napaisip si Eliza sa sinabi nito. Kung para mapabilis ang trabaho nilang lahat ay pumayag siyang magsuot ng manipis na damit na kita ang buong likod.
“Ma’am ang sexy niyo pala!” Bulalas ni Mr. Antiporda na isa ring bakla. Nginitian lang siya nito at kaagad na lumakad sa harapan ng camera.
“Anong gagawin ko?” Tanong niya sa photographer.
“Ma’am, humarap lang kayo kay Sir Trace. Tapos hahawak siya sa beywang niyo. Dapat nakatalikod kayo sa camera tapos ilalagay niyo ang dalawang kamay niyo sa kanyang balikat. At ikaw naman Trace hapitin mo ang kanyang beywang at kunwari ay magkadikit ang harapan ninyong dalawa. I need 10 shots kaya mag-iiba tayo ng post.” Utos ng photographer.
“Hi, I’m Trace.” Pakilala nito sa kanya.
“I’m Eliza.” Tipid na ngiti nito sa kanya.
“Sana ikaw na lang ang partner ko sa movie mas maganda ka kay Katrina. Mataray kasi yun may attitude.”
“Sorry pero hindi ako artista. I’m a Marketing manager dito sa company.”
“Ay ganun ba? Sorry Ms. Eliza.” Ani ni Trace sa kanya.
“Where's Ms. Diaz?” Usisa ni Drake nang matapos niyang pirmahan ang mga contract ng mga bagong artist sa kanilang network.
“Nasa pictorial sir nadaanan ko sila kanina.”
“Pictorial? Para sa sweet seduction series?” Paninigurado ni Drake.
“Yes sir.” sagot ni Mike.
“Let's go there.” Aya ni Drake sa secretary niya bumaba sila sa third floor kung saan naroon ang pictorial at napatigil si Drake nang makitang nakapulupot ang kamay ng kanyang asawa sa leeg ng isa sa mga main lead actor. Nagsalubong ang kanyang kilay sa suot nitong pulang satin dress na kitang-kita ang maputi nitong likod.
Hindi niya napigilan ang lumapit sa dalawa.
“Ngayon ko lang nalaman na artista ka na pala ngayon at hindi na marketing manager. Is this your job order?” Salubong ang kilay na tanong ni Drake.
“Sir! Sir! Huwag po kayong magalit kay Ms. Eliza. Hindi po kasi dumating ang lading-lady ni Sir Trace at Saka likod lang naman ang kukunan namin at kaunting pisngi. Hindi na yun napapansin sa cover.” ngarag na paliwanag ni Sir Antiporda sa masungit nilang boss.
“I don’t care, much better na palitan niyo ang unprofessional artist na nakuha niyo kaysa ipagawa niyo sa iba ang trabaho niya.” Seryosong Sabi nito.
Bumitaw si Eliza kay Trace at hinarap si Drake.
“3 shoots na lang ang kailangan. Matatapos na ang pictorial. Di mo kailangan magalit tumutulong lang ako sa team–”
“I don't care, kung kailangan mag-overtime sila para matapos ang pictorial ay gawin nila. Ngayon, magpalit ka ng damit dahil kita ang kaluluwa mo sa suot mo. Report to my office…now.” seryosong Sabi ni Drake sa kanya.
Wala siyang nagawa nang hilahin na agad siya sa dressing room ni Sir Antiporda. Nagsukatan naman ng tingin si Trace at Drake bago ito tumalikod sa kanila at bumalik sa kanyang opisina.
Nag-ipon ng hangin sa dibdib si Eliza bago kumatok sa pinto ng office ni Drake.
“Come in.” Ani nito sa kanya. Nakita niya itong nakatalikod at nakahanap sa bintana.
“Who told you to do that? Sinong may Sabi sayong puwede mong ipakita ang halos lahat ng balat mo sa maraming tao?”
“Sir–”
“Drake, Eliza tayo lang dalawa dito. Kung ayaw mo akong tawagin sa pangalan ko you can call me husband instead.” pagtatama nito na ikinataas ng kanyang kilay.
“Ew…husband ka diyan.” bulong ni Eliza na umabot sa kanyang pandinig.
“What did you say? So nandidiri ka nang tawagin akong asawa mo? Dahil ba sa Trace na yun? Ganun ba ang tipo mong lalaki?”
“Why not? Macho siya at guwapo. Malakas din ang s*x appeal. Hindi nakakasawang titigan.”
“Bakit ako? Wala ba ako sa mga binangit mo?” Paghihimutok ni Drake sa kanya.
“Ahhmmmm, Meron naman kaunti.” tipid na ngiti nito sa kanya.
“You’re fired, much better na magstay ka na lamang sa bahay gaya ng dati—”
“No, Wala akong ginagawang masama para alisin mo ako sa trabaho ko. Ikaw itong may angry issues dapat nga matuwa ka pa kasi tumutulong ako para maging efficient ang oras para sa production ng new series natin. At isa pa, Wala naman akong planong mag-artista. Lalong hindi na rin ako papayag maging taong bahay. Mas exciting ang magtrabaho. Malay mo dito ko matagpuan ang soulmate ko eh di happy na tayo pareho.” kagat labi nitong Sabi sa kanya.
“Nakita mo lang ang abs ng mga lead actor bigla ka nang na-excite sa trabaho. Eliza, I think unti-unti nang nag-iiba ang pagkakakilala ko sayo.”
Nilapitan siya ni Drake at pinasadahan ng daliri ang kanyang pisngi.
“Nakalimutan mo na bang Wala ka pang karapatan na tumingin sa ibang lalaki dahil kasal pa rin tayo?”
Inangat nito ang kanyang baba at pinasadahan ng tingin ang kanyang labi.
“Enough, Drake. Hindi mo na ako madadala sa ganyan. Kung Wala ka nang sasabihin–”
Nanlaki ang mata nito nang kabigin siya nito sa batok at halikan sa labi. Hindi alam ni Eliza kung gaganti ba siya or itutulak niya ito dahil sa pagdaloy ng kuryente sa kanyang katawan sa ginawa nito. Parang lalabas ang kanyang puso na mabilis at naging abnormal ang pagtibok.
“Sir, nandito po si Ms. Nadia.”
Napamulat silang dalawa at mabilis na naghiwalay ang kanilang labi. Bumukas ang pinto at bumungad sa kanila si Nadia.
“Hi? Nandito ka rin pala Eliza.”
“What are you doing here, Nadia?”
“Ang sungit naman ng boss mo, Eliza. Itatanong ko lang naman kung puwede ba tayong mag-dinner mamaya sa favorite kong restaurant? Sige na please? You can come Eliza treat ko.” nakangiting sabi nito sa kanya.
“Okay lang Nadia. Walang problema.”
“Busy pa ako kaya baka gabihin ako some other time na lang.” Pagtangi ni Drake sa kanila.
“Nakapagpareserve na ako. Isang oras lang naman yun puwede ka naman bumalik dito kung talagang busy ka. Sige na, ha?” pangungulit ni Nadia sa kanya kumapit pa ito sa kanyang braso at mapungay ang matang kinukumbinsi si Drake.
“Sir babalik na po ako sa opisina.” Paalam ni Eliza sa kanilang dalawa. Pagkalabas niya ng pinto ay napahawak siya sa kanyang labi. Ito ang unang beses na hinalikan siya nitong muli pagkatapos ng kasal nilang dalawa na lapat lang pero yung kanina pakiramdam niya may naghahabulang mga kabayo sa kanyang dibdib.
“No, hindi puwede ito. Maghihiwalay na kami dapat hindi na kami naglalandian ng ganito!” Giit ng isip ni Eliza habang naglalakad siya.
“Hi.”
Nag-angat siya ng tingin at nasa harapan na niya si Trace.
“Thank you for your help kanina, ma’am Eliza. Mabuti na lamang at nakapili ang photographer sa 7 shots kung hindi baka magtagal pa kami sa studio.”
“Wala yun, bakit hindi ka pa umuuwi?” usisa ni Eliza sa kanya.
“Hindi pa, may script reading conference pa kami mamaya ni Katrina. Kakarating nga lang niya eh. Pero I’m sure matatapos kami agad bago mag-five. Puwedeng magtanong?”
“Ano yun?”
“Yayain kitang magdinner kung puwede lang? Wala namang magagalit diba?”
Naisip ni Eliza si Drake ngunit alam naman niyang magiging masaya pa rin ito mamaya dahil kasama si Nadia. Sabihin ko na lamang sa kanya na hindi ito kumakain sa restaurant. Para sa bahay na lamang sila.
“Okay.”
Kaagad niyang tenex si Nadia na magluto na lamang ng pagkain sa condo at doon na lamang sila magset-up ng dinner date. At siya naman ay sasama kay Trace mamaya.
Nauna siyang umalis sa mga kasama niya at paglabas niya ay andun na si Trace.
“Wala pa akong kotse, pinag-ipunan ko pa. okay lang ba umangkas ka sa akin Ma’am?”
Inabot niya ang helmet na hawak nito.
“Basta bagalan mo lang ang takbo ha?”
“Yes Ma’am.”
“Eliza na lang hindi naman ako teacher.” Ani niya na ikinatawa nito. Lalo tuloy itong pomogi sa paningin niya.
Nakita ni Drake na sumakay si Eliza sa motor ng isang lalaki ngunit hindi niya ito nakilala kaya dinukot niya ang phone niya upang tawagan ito. Ngunit nakailang pindot na siya ay hindi pa rin ito sumasagot.
Kaya tinawagan niya ang kaibigan niyang makakatulong sa kanya.
“Bro? Bakit?”
“Westley, find my wife. I know you are good at finding people. Sumama siya sa lalaking naka-motor. Kapag Nakita niyo na ang location niya call me.”
“Teka, diba my dinner kayo ni Nadia mamaya? Galing siya dito at nag-iimbistiga tungkol sa inyo ni Eliza.”
“I know, pero hindi ako mapakali kapag nawawala sa paningin ko si Eliza. Kaya please find her.”paki-usap ni Drake sa kaibigan.
“Okay, ako na ang bahala. Basta control your temper. Yung sinuntok mong kaibigan ni Nadia sa club di pa rin nagigising hangang ngayon.” imporma nito sa kanya. Napasinghap si Drake.
“He deserves it for touching my wife.” Seryosong Sabi ni Drake sa kanya.
“Bro, baka masaktan mo na ang dalawang babaeng nagmamahal sayo. Ngayon palang ayusin mo na ang desisyon mo sa buhay. Payong kaibigan bro, baka mas masiraan ka ng bait kapag binalik nila sayo ang pinagagawa mo.”
“Hindi yan mangyayari, you know me well Westly.”
“Kaya nga, kilala ka namin…kaya huwag mo silang daanin sa d@h@s kung ayaw mong Lalo silang lumayo sa’yo.” paalala ng kaibigan pagtapos ay nagpaalam na ito.
Ilang minuto na siyang nakatingin sa phone niya at hindi parin siya makarecieve ng tawag mula Kay Westley.
Nang tumunog ang phone niya ay Nakita niya ang message ni Nadia.
“Nandito ako sa condo mo. Nagsabi pala si Eliza na hindi siya uuwi mamaya. Kaya agahan mo ng uwi ha? I love you babe…” basa niya sa Tex nito.
Napabuntong hininga si Drake. Hindi rin niya maintindihan kung bakit ganito na lamang siya mag-alala Kay Eliza. Salamantalang dati hindi man lang sumasagi ito sa kanyang isip.
“Magkakilala siguro si Ms. Eliza ay si Sir Trace. Bagay na bagay sila in fairness.” rinig niyang usapan sa parking lot papauwi na sana siya.
“Sir Drake kayo pala–”
“What about Ms. Dizon and Trace?” Usisa niya sa dalawang staff na nag-uusap.
“Sabay po silang umalis ni Ms. Eliza. Sabi ni Sir Trace gusto daw niya mag thank you Kay Ms. Eliza kaya niyaya niya itong kumain sa labas.” Sagot nito na ikinakuyom ng kanyang kamao. Pagparada ng kotse ay sumakay na siya. Tumunog ang phone niya kaya kinuha niya ito.
“Yung wife mo, tinangay na ni Trace papuntang batangas. Mukhang mauunahan ka pang maka-score–”
“Fvck! Make sure na masusundan siya ng mga tauhan mo Westly.”
“Anong gagawin mo?”
“Sumama siya sa ibang lalaki, I'll make her pay for doing this to me.” tiim baga niyang sagot sa kaibigan.