PART 2

2279 Words
“Bro, I think I just saw your wife. Nandito siya sa club ko.” Ani ni Brandon nang tawagan siya nito. “What? That's Impossible baka nga sa mga oras na ito ay hinihintay na niya ako para sabay kaming kumain ng niluto niyang dinner” kompyansa na sagot ni Drake sa kanya. “Really? So sino itong babaeng nag-uumapaw sa kagandahan na nasa club ko ngayon. May mga kasama din siyang friends girls and boys.” “Enough, Brandon. I know my wife hindi siya nagpupunta sa ganyang lugar. Bukod sa mausok ay maingay pa. Mas gusto noon magbasa habang nakasandal sa kanyang favorite chair.” “I doubt it, Wala naman atang kakambal si Miss Eliza hindi ba? Well kung hindi mo ito asawa baka puwede kong ligawan.” “What? Are you serious? Talagang diyan ka pa sa club maghahanap ng liligawan para ano? Pampalipas ng oras? Ingat lang baka may sakit ang maligawan mo.” paalala ni Drake sa kanya. “Don't worry lagi akong may baon, baka itakwil ako ni pards kapag nagkalat pa ako ng lahi.” Natatawang sabi nito sa kanya. “Pero bro, sure ka ba talaga na hindi ito si Miss Eliza?” nagdadalawang isip na tanong ni Brandon sa kanya. “Kung ayaw mong maniwala tatawagan ko ang asawa ko.” Kaagad niyang pinatay ang call at denial ang number ni Eliza. Nakailang ring pa ito bago sumagot. “Hello? Bakit ang tagal–” Napatigil siya nang makarinig ng maingay na tugtog. “Where the h3ll are you?” Seryosong tanong niya sa kanyang asawa. “Hi husband? Ipinagluto na kita ng dinner. Baka kasi hindi ka na naman kumain. Kasama ko ang mga kaibigan ko noong college–” “Umuwi ka na.” “What? Are you crazy? At bakit mo ako pauuwiin? Tatay ba kita?” “I’m your husband. I don't care kung sino ang mga kasama mo. Umuwi ka ngayon din at sabay na tayong magdinner.” paliwanag ni Drake sa kanya. “Ayoko.” Pagmamatigas ni Eliza sa kanya. “Eliza Almonte!” Singhal nito sa kanya. “Sino ba yang kausap mo? Magpaalam ka na sa kanya.” Narinig ni Drake sa kabilang linya. “Lolo ko pinapauwi na ako.” narinig ni Drake na sagot ni Eliza sa kausap. “Ganun ba? Sabihin mo ihahatid kita pauwi. You're safe with me” “Eliza, kapag hindi ka umuwi– I'll close that club now.” Banta ni Drake sa kanya na ikinatawa niya ng malakas. “Lolo naman eh! Joke yarn? Uuwi na ang apo niyo mamaya. Nag-eenjoy pa ako eh! Bye! Pahinga na kayo!” “Fvck–Eliza! Eliza!” Igting ang panga na sigaw ni Drake sa kabilang linya ngunit pinatayan na siya nito ng phone at kahit tumawag siya ay unattended na ito. “D@mn! Hindi naman siya nagpupunta sa lugar na yun! Hindi pa niya ako sinusuway at binabalewala ng ganito! That woman needs to learn a lesson.” Kuyom ang kamao na sambit nito. “Oh? Bakit napatawag ka? Ano? Nasa bahay mo nga ang wife mo?” Usisa ni Brandon sa kanya. “Close your club tonight, I'll pay you para sa kita mo ngayong gabi.” “What?” Natatawang sabi ni Brandon sa kanya. “So tama nga ang hinala ko? Your wife is here?” “Brandon, just do what I said.” “Bro, kahit isarado ko pa ang club ko at bayaran mo ang kita ko ngayong gabi. Puwede silang lumipat sa ibang club. Saka bakit worried ka I thought napirmahan na niya ang annulment niyo diba? So basically–” “D@mn it! Just do it!” Nauubusan na pasenysa nitong sabi. “Mukhang may war na naman mamayang gabi.” Ani naman ni Westley. Kaibigan din ni Drake na kasama din nila Brandon da club. “Ewan ko ba diyan kay Drake, mukhang nagising na ata sa katotohanan si Eliza tapos hahabol-habulin niya. For sure natapakan ang pride at ego niya.” Sabat naman ni Thirdy. Kaibigan din nila Drake at Brandon. “Impossible yan, kausap ko si Drake at gusto pa rin niyang suyuin si Nadia. Alam mo naman na si Eliza ang dahilan kaya naghiwalay ang dalawa at kaya hindi niya magawang mahalin ang wife niya.” Ani ni Westly. “At mukhang interesado pa rin si Nadia sa kanya dahil tinatanong nito sa akin kung kumusta na ang kaibigan natin.” Nakangising sabi ni Brandon. “Eh paano yan? Are you gonna close the club?” Usisa ni Thirdy. “You know your friend's temper.” Naiiling na sabi ni Brandon. Nagulat naman si Eliza nang sabihin ng manager na kailangan isara ang club at babayaran na lamang ang lahat ng ordered na alak. “Ginawa nga ng mokong kong boss.” Naiiling na sabi ni Eliza sa sarili. Nagpasya silang lumipat ng ibang club at itinuloy ang kasiyahan nilang magkakaibigan. “Napahigpit ang hawak ni Drake sa manibela ng sasakyan niya nang makita niyang inaakay na ang kanyang asawa palabas ng club na nalipatan nito. Nakahawak pa ang lalaki sa beywang niya at nakadikit na ang kat4wan ni Eliza sa dibd!b nito. Marah@s siyang bumuntong hininga at agad na bumaba. Isasarado na sana ng lalaki ang pinto ng kotse pagkatapos niyang ibaba si Eliza sa upuan nang pigilan ito ni Drake. "Who the h3ll are you?" Inis na tanong ng lalaki sa kanya. "I'm her husband, iuuwi ko na ang asawa ko." Seryosong sabi ni Drake akmang kukunin niya na ang halos wala na sa sarili na si Eliza nang pigilan siya nito. "Anong sinasabi mo? Ang sabi niya wala siyang asawa kaya umalis ka na bago pa ako tumawag ng police." "Call if you want, I don't care iuuwi ko na siya--" "Hey!" Hinila siya ng lalaki at kaagad na sinunt0k sa panga na ikinasubsob niya. "Sino ka ba talaga?! Kapag di ka umalis tatawag ako ng pulis!!!" Pananakot ng lalaki sa kanya. Tatawagan na sana niya ang pulis ngunit bumangon si Drake at bumawi sa kanya ng sunt0k na ikinawalan nito ng malay. Naglayuan naman ang mga saksi na ayaw sumali sa gulo at may nagvi-video pa. Kaagad niyang binuhat si Eliza at isinakay sa kanyang sasakyan bago ipaharurot pauwi. "D-drake?" Pupungas-pungas na tanong ni Eliza nang maibaba na niya ito sa kama. "Kailan ka pa natutong uminom? Dahil ba sa akin kaya ka nagrerebelde? Huwag mong sirain ang buhay mo Eliza." Wika ni Drake habang pinupunasan siya nito ng basang bimpo. "Gusto ko lang sumaya...drake...hindi ko sinisira ang buhay ko dahil sayo...masyado kang feeling..." Nahihilo na sabi ni Eliza sa kanya. "You're not good at lying, just admit it. Eliza, I'm not worthy for you. Huwag kang gagawa ng bagay na baka pagsisihan mo. Just wait for the right guy--" "W-why? Bakit di mo ako kayang mahalin, Drake? Anong meron si Nadia na wala ako?" "Do you love me?" Tanong ni Drake sa kanya. "Y-yes, minahal kita kahit ang cold mo sa akin. Minahal kita kahit alam kong may ibang babae diyan sa puso mo. Nag-expect akong kaya mo akong mahalin pero ginawa ko na ang lahat di ko pa rin siya mapalitan diyan Drake..." Nangingilid ang luhang sambit ni Eliza habang nakaturo sa dibdib ni Drake. "Now that I'm moving on with my life you're still controlling me. Kung hindi mo ako mahal leave me alone. Please? Hayaan mo akong mabuhay para sa sarili ko...at balikan mo na ang babaeng gusto mo...i wont stop you...just let me do what makes me happy..." pagmamakaawa nito sa kanya. "I'm sorry...from now on hahayaan na kita..." Ani ni Drake. Tumayo ito at tahimik na lumabas sa kuwarto nilang mag-asawa. Napayakap na lamang si Eliza sa kanyang unan at humikbi. Ayaw na niyang mahalin si Drake. She wants to move on with her life. Pero di niya akalain na may paki-alam pa rin pala ito sa kanya. Abala si Eliza sa pagsasa-ayos ng presentation niya para sa meeting nita mamaya nang mag-ring ang phone niya. "Hello? Sino ito?" Usisa niya sa kabilang linya. "Hi, it's me Nadia. Free kaba ngayong lunch? Can I invite you?" Natigilan si Eliza sa kausap. Di niya akalain na tatawagan siya nito. "Don't worry, gusto lang kitang kausapin about Drake." Pahabol pa nito. Napasinghap si Eliza at pumayag siyang makipagkita dito. "Hi, how are you?" Mahinhin itong nakipagbeso-beso sa kanya. "I'm good, mas gumanda ka ngayon." Ani ni Eliza sa kanya. "Really? Ikaw nga diyan eh. Mukhang magaling mag-alaga ng asawa si Drake." nakangiting sabi nito sabay inom ng tubig. Tipid siyang ngumiti. "Napirmahan ko na ang annulment papers namin ni Drake. Nagkausap na ba kayo?" Usisa ni Eliza sa kanya. But at the back of her mind humanga siya sa kagandahan nito. Para itong manika na modelo ang tinding napakakinis din nito. No wonder na hangang ngayon mahal pa rin ito ni Drake. "Yes, actually gusto ko sana siyang i-surprise mamaya. Ang alam ko nauuna kang umuwi sa kanya. Puwede bang pumunta sa condo niyo? Gusto ko siyang ipagluto ng dinner. Kung okay lang sayo. But if not--" "Okay lang, siguradong matutuwa si Drake kapag nakita ka niya." "Really? Thank you Eliza. I hope maging magkaibigan tayo. I know naman na hindi ka against sa relationship namin diba? Nasabi na rin sa akin ni Drake na di ka naman nahulog sa kanya. Kaya thank you for taking care of him." "Wala yun, lilipat na rin ako next month kaya puwede ka na rin lumipat sa condo niya." "Thank you Eliza, but may sarili naman akong bahay kaya siya na lamang ang palilipatin ko." Nakangiting sabi ni Nadia sa kanya. Pagbalik niya sa opisina ay wala siya sa sariling lumabas sa elevator hindi nga niya namalayan na nasa harapan na niya si Drake kaya tuluyan siyang bumanga sa matigas nitong dibdib. "Where have you been?" Napa-angat ito ng tingin sa kanya. "Ha? Sa labas kumain..." Matamlay nitong sagot. "Sabay tayong magdinner mamaya can you cook my favorite dish?" "Ha? Si-sige... babalik na ako." nagmadali itong umalis at nagpunta sa opisina niya. Kinagabihan ay sabay sila ni Nadia na umuwi sa condo. Iniwan niya ito sa kusina at siya naman ay nagpalit ng damit sa guest room. "Hmmm! Amoy palang gusto ko na ng extra rice." Bulalas ni Drake pagdating niya nang maabutan niyang abala si Nadia na nagluluto. Napalingon ito sa kanya at nabura ang ngiti niya sa labi. "N-nadia?" "Hi!" Ibinaba nito ang sandok at nilapitan si Drake. Kaagad na ikinawit nito ang kanyang kamay paikot sa leeg ni Drake. "I miss you babe." Tumingkayad si Nadia at inabot ang labi ni Drake na gulat parin sa kanyang dinatnan. Napatigil sa paghakbang si Eliza nang makita niya kung paano maghalikan ang dalawa tutulungan pa sana niya si Nadia magluto. Napatingin si Drake sa likuran ni Nadia at nakita niya si Eliza ngunit imbis na bumitaw ay hinapit pa ni Drake ang maliit na beywang ni Eliza upang mas mapalalim ang halik nila ni Nadia. Napalunok si Eliza at tumalikod. Akmang papasok ulit sa kanyang kuwarto ngunit agad siyang tinawag ni Nadia. "Sumabay ka na sa amin kumain Eliza." Nakangiting sabi ni Nadia sa kaniya. "Ha? Ah eh hindi na...may lakad kasi ako bukas na ako uuwi dito. Ikaw na ang bahala sige bye!" Pagmamadali nitong sabi sabay derecho sa pinto para lumabas. Sasakay na sana siya sa kanyang kotse nang tumunog ang phone niya. Binuksan niya ang message ni Drake. (FROM: DRAKE HUBBY Bakit mo siya pinapunta dito? Kung gusto ko siyang makita ako ang hahanap ng paraan para makita siya. Now you want me to be with her tonight?) (ME: I know you wanted to see her, I just want you to be happy.) (FROM: DRAKE HUBBY Really? Well thank you. I appreciate it a lot. Hindi ka naman siguro magagalit kung gagamitin namin ang room natin diba?) Bumilis ang t***k ng puso ni Eliza. Pakiramdam niya nahirapan siyang huminga sa sinabi nito. (REPLY: No, I don't mind) (FROM: DRAKE HUBBY Okay, thank you) Kaagad na pinunasan ni Eliza ang kanyang luha at sumakay sa kotse niya. "Two years ago I rejected your proposal because I'm not yet ready. Now, if you ask me again my answer is Yes." Nakangiting sabi ni Nadia sa kanya habang nakayakap sa kanya mula sa likuran. "We're not yet annulled Nadia. She's still my wife. Dapat hindi ka nagpunta dito. You disrespect her." Ani ni Drake na ikinahiwalay niya ng yakap. "I did not disrespect her, i asked for her permission kanina at sabay pa kaming nag-lunch. Pumayag siyang i-surprise kita ang sabi pa nga niya sigurado daw siyang matutuwa ka. Kaya dont worry, I'm sure kaya siya umalis para bigyan tau ng privacy. No need to get guilty. I know that she doesn't like you too. Bakit? Ikaw ba? Gusto mo ba siya?" "No." Ngumiti si Nadia sa kanya. "Do you want to marry me?" Ani ni Nadia. "Yes." Kaagad nitong inabot ang kanyang labi at hinalikan. "Bestie, huwag mong gawing tubig ang alak. May solution sa lahat ng problema." Saway ng kaibigan ni Eliza na si Charlene. "Wala akong problema, napakasaya ko nga eh. Don't worry kaya ko sarili ko." Ani nito sabay tunga ng alak. "Bestie, tama na yan. Halos tatlong oras na tayong umiinom dito. Kailangan ko nang umuwi." Pigil niya sa kaibigan. Tinulungan siya nitong tumayo ngunit hindi kinaya ni Charlene. Akmang babagsak ito ngunit may bisig ng lalaking sumalo sa kanya. "Drake? Bakit ka nandito?" "I'll take her home. Kaya mo bang umuwi mag-isa?" "Oo naman, please take care of her." Tumango si Drake at binuhat si Eliza palabas ng resto bar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD