Chapter 02

1058 Words
- Emiliana - Humigpit ang hawak ko sa manibela at sumilip sa kotseng nasa harap. Kung minamalas ka nga naman! Hindi ko napansin iyong f*****g red light! Bwiset na antok at sakit ng ulo naman ito. Pahamak! Parang nawala tuloy ang sakit ng ulo ko at antok sa nangyari. BMW pa iyong kotse! Mayayare talaga ako! Bumusina nang malakas itong nabangga kong kotse kaya napapitlag ako. Nakita ko ang unti-unting pagbukas nung pintuan niya kaya napapikit ako at kinakabahan kong pinagdaop ang aking mga palad. "Ayan na po! Lord, kung nakikinig ka sa akin, gabayan mo naman ako. Alam kong nagtatampo ka sa akin dahil sa nagawa ko nung past happenings in life ko, pero pagbigyan niyo po ako ngayon! Kinabahan ako bigla! Sana maayos ko ito ka—" Hindi ko na natapos ang binubulong nang makarinig ng malalakas na katok sa bintana ng kotse ko. Pakiramdam ko ay mababasag iyon sa lakas. "Ayan na!" sigaw ko nang hindi pa rin tumigil ang madiin na pagkatok niya. Pinindot ko ang button na nasa gilid ko para maibaba ang bintana. "I'm sorry po!" iyan agad ang aking binungad. "Damn, are you okay? May masakit ba sa iyo?" I swallowed the lump in my throat when I heard a baritone voice. Tang'na, bakit ang gwapo naman ng boses niya? Para akong bata na sunod-sunod na tumango sa kanyang tanong. Hindi ko alam pero para akong napunta sa alapaap dahil sa kaharap. Kung hindi lang ako lasing, iisipin kong nakasinghot ako ng rugby dahil sa nararamdaman. This man in front of me is the perfect definition of a good-looking man! Naramdaman ko pa ang pag-awang ng labi ko kaya dali-dali ko inalis ang tingin sa kanya, napapikit ako at napahilamos sa mukha. Did I just drool over him? "Alam mo ba kung ano ang ginawa mo, huh?" he said, sarcatically. Bumalik ako sa wisyo nang marinig siyang nagsalita. "Ha?" I mumbled. Napahilot siya sa sintido niya at dinantay ang isang kamay sa kotse ko. I saw how his muscle flexed in his longsleeves sweater. "Are you deaf or what? Binangga mo ang kotse ko, miss!" he exclaimed. Patay ka, Emiliana. "H-Hindi ko sinasadya, sorry naman," mahina kong sambit. Gusto kong sabunutan ang sarili dahil sa sinasabi ko. Parang nang-iinis ako sa lagay na iyon. Nakita ko pa ang pag-igting ng panga niya at nameywang. "Labas," he commanded. "Huh?" tanging usal ko. "I said get out!" sigaw niya na nagpagulat sa akin. Bigla naman akong natakot kaya dali-dali akong lumabas ng kotse. Tumingkayad ako para makita ang tama ng kotse ko sa kotse niya, napangiwi ako sa nakita. Damn, malala nga ang tama. Pinagdikit ko ang mga kamay ko na parang nagdadasal at nakasimangot na tumingin sa kanya. Matalim siyang tumitig sa akin at napaatras ako nang lumapit siya. "Hoy!" sita ko at nailapat ko pa ang palad ko sa dibdib niya. Napapikit naman ako nang maamoy ang mabango niyang pabango. "You're drunk, lady," sambit niya at inilayo ang sarili sa akin. Naibaba ko ang kamay at maayos na tumayo. "H-Hindi po! Inantok kasi ako kaya napahikab ako at napapikit, hindi ko namalayan na red light na pala kaya siguro nagtuloy-tuloy ako," mahabang litanya ko. Mukhang hindi naman siya naniwala sa sinabi ko at nilahad ang kanyang malaking palad saka nagsalita, "Give me your license." "Ha?" I looked at him confused. Irritation filled his face. "I said give me your goddamn license!" sigaw na naman niya. Napakurap ako at nakaramdam ng inis sa narinig mula sa kanya. "Don't shout at me! Kaharap mo lang naman ako at hindi ko nga sinasadya!" Halatang hindi siya natinag sa sigaw at titig ko. "Don't tell what to do!" he said, firmly. I rolled my eyes at binuksan ang pintuan ng kotse sabay kuha ng lisensya ko na nasa bag, medyo nagtagal ako sa paghalungkat no'n. Nang makuha ay tamad na nilahad sa kanya. "Babayaran na lang kita." I said in a low voice. He let out a sexy chuckle. Sinipat pa niya ang kotse ko at inabot ang lisensya na hawak ko saka nagsalita, "Even if you sell your own goddamnit car, it won't be enough to pay for the damage." Napanguso ako sa narinig dahil totoo iyong sinabi niya! Second hand na Vios ang kotse ko at mukhang wala pa sa kalahati no'n ang presyo nito kumpara sa kanya. "Ang yabang," bulong ko habang nakatingin sa kanya. Nakita ko ang pag-angat ng sulok ng labi niya at mataman akong tiningnan. "I'm just stating the truth, miss—" Tumingin siya sa license card ko bago magsalita ulit, "Miss Sarmiento." "Mayabang ka naman talaga, kaya ko naman siguro bayaran iyan. Kahit hulugan! Kung papayag ka, diba? Hindi iyong lalaiitin mo pa ang kotse ko dahil lang second hand iyan. Ilang taon na rin iyan sa akin at talagang minahal ko iyan tapos gaganunin mo lang!" mahabang saad ko. He crossed his arms over his chest and smiled playfully. Kitang-kita ko ang kaputian ng kanyang ipin kahit na may kadiliman sa parte namin. Siguro nung nagpaulan ng kagwapuhan ang itaas siya lahat ang sumalo. Gumalaw ang isa niyang kamay patungo sa likod na bulsa ng pants niya, pagkakuha ay umilaw iyon at bigla na lang niyang inilahad sa akin ang isang iphone. Tumaas naman ang kilay ko. "Anong gagawin ko diyan?" "Kainin mo baka sakaling mabayaran mo ang kotse ko," walang habas niyang sambit. Umusok ang ilong ko at padabog na kinuha ang iphone niya. Kung maikli lang ang pasensya ko nasuntok ko na talaga itong lalaki na ito! Agad akong nag-type ng aking numero roon and saved it. Kahit hindi ko siya tanungin alam ko na ang gusto niyang hingiin sa akin. Hinampas ko pa sa dibdib niya ang phone niya na ikinamura niya. He pointed his finger on me kaya mas nag-init ang ulo ko, tinabig ko iyong daliri niya at binigyan siya ng isang malakas at malutong na mura. Nanlaki ang mata niya sa narinig mula sa akin. He pursed his lips and shooked his head. "You'll pay for this, Miss Sarmiento." "Talaga namang babayaran ko! Kinuha mo naman na iyong number ko!" Umismid ako at dali-daling pumasok sa kotse. Pinaandar iyon at umatras. Nilusot ko ang ulo sa bintana at sinitsitan siya. Masama ang mukha niya nang balingan niya ako. . "Ang panget mo! Antipatiko!" I shouted and left him dumbfounded.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD