bc

Taming Creed (Tagalog)

book_age16+
1.5K
FOLLOW
11.5K
READ
billionaire
arrogant
confident
boss
twisted
bxg
city
office/work place
enimies to lovers
assistant
like
intro-logo
Blurb

Pumayag si Emiliana sa gusto ng kanyang boss — ang paamuhin ang anak nito at mapapayag na pumalit sa posisyon bilang tagapagmana ng kumpanya. She needed to tame him.

Akala niya magiging madali ang kanyang trabaho but she's wrong. The singer s***h model, Creed Forester is a beast! Akala mo pasan ang galit sa mundo, napakasama! Laging nakasigaw, lakas makautos ni ultimo pagtapon ng crumpled paper iuutos pa sa kanya.

Sa kabila ng sama ng ugali nito ay nakaramdam siya ng kakaiba. Her heart filled with so much emotions everytime he's with Creed.

Will her softness and eagerness bound to tame his raging heart?

chap-preview
Free preview
Chapter 01
- Emiliana - Hindi ko pa nailalapag sa mesa ang shot glass na nainuman ko ay inabot ko na agad ang isang may laman at saka tinungga nang mabilisan. Napuno ng hiyawan ang paligid galing sa mga kasama ko sa table. Padabog kong nilapag ang dalawang baso sa mesa kaya gumawa iyon ng ingay. Mahina akong napamura, naramdaman ko rin ang biglang pag-alon ng aking paningin kaya mariin akong napapikit. Sumasabay din ang kabog ng aking dibdib sa malakas na musikang tumutugtog. Hinablot ko naman ang isang basong may laman na juice na kalalapag lang sabay tungga at nakaramdam ako ng ginhawa nang mawala ang mapait na lasa sa aking lalamunan. Agad akong tumayo sa kinauupuan at kumaway para sabihin sa kanila na ayoko na. Hindi pa ako nakakalimang hakbang ay narinig ko na ang boses ng kasamahan ko sa trabaho, sinabayan pa iyon ng tawanan ng iba pa naming kasama. "Hoy, Emiliana! Saan ka pupunta?" natatawang tanong ni Danica. "Hindi pa tayo tapos!" dagdag pa niya. Umirap ako at nilingon sila. "Uuwi na ako!" sagot ko. Umangal naman ang iba pero hindi ko na pinansin. Naglakad na ako papunta sa katrabaho kong nanlibre sa amin dahil birthday niya. Sila iyong mga nakilala at naka-close ko na taga IT Department. I'm working in Avantenso, it's a company that provides broad range of services and consultation. Dapat sa IT Department ako nakadestino as software developer, kaso inalok ako ng mas magandang posisyon kaya naging secretary ang posisyon ko. Nang makalapit ako sa pwesto ni Rica ay kinilabit ko ito. Natigil naman siya sa pakikipaghalikan sa longtime boyfriend niya at nilingon akong nakangiti. "Emiliana! Why? Uuwi kana? Ang bilis naman!" aniya. Pumihit pa siya paikot mula sa pagkakandong sa boyfriend niya para mas maharap ako ng maayos. Napahawak pa ako sa batok at saka nagsalita, "Nahihilo na ako, Rica! Mag-isa lang din kasi akong uuwi ngayon. Alam mo naman ako kapag nalasing ng sobra, para akong naaaning! Mamaya hindi pa ako makauwi ng maayos." Natawa siya at luminga sa paligid na parang may hinahanap sabay baling sa akin. "Iyong bestfriend mo? Si Keegan. Diba kasama mo siya?" Nakakunot ang noo niya nang itanong iyon. Nailing naman ako. "Hindi ko na naisama, hindi na kasi siya nag-reply sa text ko kanina. Baka tulog na o kaya busy!" sambit ko sa malakas na boses dahil mas lumakas na ang tugtog. Tumango naman siya at nakita ko ang paglingkis ng mga braso ng kanyang boyfriend sa bewang niya. "Oh, sige! pero ayaw mo ba muna tawagan si Keegan para naman may magsusundo sa iyo? Kaya mo pa naman siguro mag-drive, 'no? " sunod-sunod niyang sambit. Mahina akong natawa at tumango. "Hindi na, kaya ko pa naman! I'll just text you kapag nakauwi na ako." Tumango siya at tumayo para yakapin ako. Binati ko naman siya ulit ng 'Happy bIrthday'. Bumalik ulit siya sa pagkakakandong sa boyfriend niya at tinalikuran ko na sila. Mabilis na humakbang ang mga paa ko pero napatigil ako dahil nakaramdaman ako ng hilo, ilang sandali akong nanatili sa ganoong pwesto at bago tuluyang maglakad ay may humablot sa braso. "Sean!" sigaw ko nang makita ang pagmumukha nitong humawak sa akin. "Emiliana! Are you okay?" tanong niya at sumilay ang ngisi sa kanyang labi. Inagaw ko ang braso ko at tumayo ng diretso. Sean is one of the employees in Finance Deparment. Kilala ko siya dahil matinik daw ito sa mga babae, but for me, hindi. Mas gwapo pa nga ang bestfriend ko kahit na loko-loko rin iyon. "I'm okay!" sagot ko. Itinuro ko naman ang mesa namin at mahinang natawa para hindi halatang kinakabahan ako. Ayaw ko lang talaga na nalalapit siya sa akin. Hindi ako komportable. "Bumalik ka na roon, mukhang hinahanap ka, narinig ko pa name mo!" malakas kong sabi. Nailing naman siya at saglit na lumingon sa pwesto ng mga kasama namin. Mabilis din niyang ibinalik ang tingin sa akin. "Uuwi ka na ba? Samahan na kita, I mean, gusto mo bang ihatid kita?" nakangiti niyang sambit. Mabilis akong umiling at tinapik siya sa balikat. "Hindi na, nagmamadali rin kasi ako!" He titlted his head and smiled. Ah! Kinikilabutan talaga ako kapag ngumingiti siya! Para siyang may binabalak na masama sa akin. Hindi ko rin talaga gusto ang mga titig niya. Ewan ko ba, parang may something sa kanya. "Are you sure? Wala naman akong—" "Sean! Andito ka lang pala!" Hindi na natapos ni Sean ang sasabihin nang may umakbay sa kanya. Kitang-kita ko ang pagkadismaya ni Sean kaya ngumiti ako sa kanila. Napatingin sa akin 'yong umakbay kay Sean at halatang nagulat nang makita ako. Hindi ko siya kilala pero namumukhaan ko. Nakikita ko na rin siya sa Finance Department. "Hi, miss beautiful! Pwede bang mahiram muna si Sean dahil may gagawin kaming body shots? o gusto mo sumali sa amin?" aniya. Napangiwi naman ako sa narinig. Nakita ko pa ang pagkulubot ng noo ni Sean at akmang magsasalita pero inunahan ko na. "Nako, ayos lang! Kunin mo na siya! Aalis na rin naman ako, mauna na ako, bye!" masayang sambit ko. Kahit nakakaramdam ng hilo ay mabilis kong nilisan ang pwesto na iyon. Narinig ko pa ang pagtawag ni Sean pero hindi ko na nagawang lumingon. Mabilis akong nakalabas ng bar at tumakbo para makatawid at marating ang open parking space sa tapat. Hiningal pa akong napahinto sa kotse ko. Buti na lang nakaalis din! Napasandal ako sa kotse ko at bumuntong hininga. Bigla na namang umalon ang aking paningin kaya napamura ako. Dali-dali akong pumasok sa kotse at ini-start ang makina no'n. Napasandal pa ako sa manibela at pilit na kinukundisyon ang sarili. Kaya ko pa naman mag-drive. Makakauwi pa naman ako. Madaling araw naman na kaya paniguradong hindi ganoon kadami ang mga sasakyan sa daan. Buti na lang at rest day ko bukas kaya sumama talaga ako kanila. Well, gawain ko naman na ito, ang magpunta sa bar at mag-inom. It becomes my immortal habit. Sa isang buwan, siguro two times a week akong nasa bar. It's my own way of having fun, lalo na ang boring ng buhay ko. Sa opisina, apartment at tattoo shop ni Keegan umiikot ang buhay ko simula nang tumayo ako sa sariling paa. Wala rin namang pipigil sa akin kaya malaya kong magagawa ang mga gusto ko. Speaking of Keegan, he's my bestfriend. He's a tattoo artist. May tattoo shop si Keegan at nasa taas naman ang aming apartment. Nasa iisang floor lang kami nakatira. Magkatabi ang tinutuluyan namin. We've been friends for four years. I've met him when I was looking for a room for rent at saktong siya ang napagtanungan ko. We just clicked, at isang araw mas naging close na kami. Graduate si Keegan ng Business Management sa isang kilalang university habang ako, graduate naman ng IT. Mayaman iyang si Keegan, pero umalis sa kanila. Ang dahilan niya? Ayaw niya maging anak mayaman. Magulo, maraming demand, maraming kailangang isipin, problemahin at gawin. He wants to live a normal life kaya umalis sa puder ng mga magulang niya. Siya dapat ang driver ko ngayon, lalo na kapag galing ako sa bar. Ang kaso, hindi ko siya kasama ngayon dahil hindi ko naman siya ma-contact! Siraulo talaga iyon, baka nahanap na siya ng tatay niya at isinama na pauwi? Ilang beses na rin kasi iyon sinubukan kunin ng mga tauhan niya para iuwi kaso matigas talaga si Keegan, ayaw niya. Nailing ako sa mga naiisip at pinaandar na lang ang kotse para makauwi na. Nagpatugtog pa ako para magising ang diwa ko, mamaya bigla akong mapapikit, nako, mahirap na! Binilisan ko na lang ang pagpapatakbo, buti na lang at wala masyadong bumabyahe na sasakyan. Kinuha ko pa ang phone ko at tinawagan si Keegan pero hindi sumasagot. Ano kayang ginagawa ng damuho na iyon? Ngayon lang iyon naging missing in action, kapag pupunta akong bar, game na game ang damuho. Ngayon, walang paramdam! Kumirot na naman ang ulo ko kaya mariin akong napapikit pagkatapos ay humikab pa, naramdaman ko pa ang pagtulo ng luha sa mata ko. Nagising naman ang diwa ko nang maramdaman ko ang pagbangga ng minamaneho kong kotse sa likod na parte ng kotseng nasa harap ko. What the hell!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
502.2K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
580.9K
bc

My Millionaire Boss

read
1.7M
bc

His Precious Property

read
615.0K
bc

POSSESIVE MINE

read
971.0K
bc

The CEO's First Romance | Completed

read
1.4M
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook