Lottie

1233 Words
Lottie POV. Simula pag ka bata ni Lottie, ay nakahiligan na niya ang paglalaro ng mga larong panlalaki katulad ng baril-barilan at iba pa. Hanggang sa kanyang pagdadalaga ay hindi maiwasan na mga gawaing panlalaki pa rin ang kanyang mga ginagawa. Sumali siya ng taekwondo at basketball sa school nila, at lagi itong champion sa bawat kontes na sinasalihan niya. Mayaman at kilala ang angkan nila Lottie, sa bansa nila. Kahit babaeng-babae si Lottie, ay mas mahal niya ang kanyang kinahihiligan karate at iba pa na hindi alam ng kanyang mga magulang. Sumali rin siya ng isang asosasyon, at isa ito sa pinakamalaking secret agent's sa bansa nila. Hindi ito alam ng kanyang angkan na sumali si Lottie sa mga kantong buwis buhay na gawain. Dahil sigurado si Lottie, na hindi siya nito papayagan, dahil takot ang kanyang pamilya sa buwis buhay na gawain. Kaya itinago ni Lottie, ito sa kanyang pamilya, tanging ang kanyang sarili lamang ang nakakaalam sa kanyang mga ginagawa. Pagkatapos niya sa kanyang klase ay nag-papaalam ito sa kanyang ina at ama na gagabihin na siya sa pag uwe dahil nag-eensayo pa sila sa kanyang taekwondo martial art class. Pero ang totoo ay tumakas ito at doon siya ng iinsayo sa kanyang napasokan asosasyon dahil may libreng training ito sa katulad niyang mga baguhan. Nalilibang siya rito sa pag-eensayo dahil membro na siya ng asosasyon na ito, isa pa libre lamang siya dito. Dahil libre lang ang pag-eensayo, katulad ng paghawak ng baril, ispada, at lahat ng klase ng martial art, mga boxing teknik ay itinuturo din sa mga bagong recruiter. Kaya mas lalong naingganyo at nasiyahan si Lottie, kaya mas lalo siyang napamahal dito. Lalo na ng ipinaliwanag sa kanya ang lahat ng tungkol sa asosasyon na pinapatay ang mga masasamang tao kaya mas lalong na ingganyo si Lottie. Hindi alam ni Lottie na mali ang kanyang paniniwala dahil nabilog siya sa kanyang impormasyon sa mga kasinungalingan. Simula pumasok si Lottie, sa asosasyon na ito, ay dito na halos umiikot ang mundo niya. Hanggang sa naging dalaga at kolehiyo si Lottie ay ganoon pa rin ang kanyang mga ginagawa. Masaya si Lottie, dahil habang nagdadalaga siya ay umaangat din ang kanyang mga kaalaman. Mas lalo niyang nahasa ang pagiging totoong agent's, natanggap at na promote agad si Lottie, bilang isang pinakamagaling na agents sa bach nila o sa boong asosasyon nila. Marami man ang naiinggit sa kanya pero hindi naman iyon issue para magkaroon siya ng kaaway. Dahil kahit sino ang gusto magpa tomba sa kanya ay walang makakagawa noon dahil si Lottie lamang ang ang pinaka magaling. Kahit nasa kolehiyo na si Lottie ay agad siyang na promote pero hindi siya agad tumanggap ng mga misyon, dahil mas gusto niyang maka tapus muna sa pag-aaral. Business administration ang kanyang kursong kinuha. Dahil ito ang gusto ng kanyang mga magulang. Dahil mabait na anak si Lottie, kaya sinunod pa rin niya ang gusto ng kanyang mga magulang. Kahit iba ang gusto at hilig ni Lottie, ay mahalaga pa rin sa kanya ang pamilya. Kaya kung ano man ang mga gusto at hilig ni Lottie, ay ginagawa niya pa rin ito ng palihim na walang nakakaalam kundi ang kanyang sarili lamang. Hindi parin ito na totoklasan ng kanyang mga pamilya, ang kung ano ang mga ginagawa ni Lottie. Hindi siya nagkaroon ng boyfriend simula pa ng pagka teenager niya. Kahit maraming ang ng tangkang manligaw sa kanya ay basted lahat ito. Wala pa siyang na ipa kilala sa kanyang magulang kaya hindi maiwasan na tanongin siya ng kanyang mga magulang, ng minsan na tinatanong siya ng mga ito kung kailan siya magpapakilala ng boyfriend ay tinatawanan lang niya ang mga ito. Habang nasa sala kami nina mom and dad. "Honey! Kailan ka ba magpapakilala sa amin ng daddy mo ng boyfriend?" tanong ni mom. "Mom!... Dad!... hindi pa ako ready no at wala pa ako nakikitang tamang lalaki," paliwanag ko. "Bakit naman anak? nasa tamang edad ka na para mag ka boyfriend." saad naman ni dad. "Hehehe!" ngiti na lang ang tangi kung sinagot, dahil ayaw kung mapa haba pa ang topic naming iyon. "Mom! Dad! aakyat na po ako bye," pagpapaalam ko. "Okay Honey. See you around," saad ni mom and dad. Agad na akong tumayo at iniwan sina mom and dad sa sala. Binilisan ko ang aking pag hakbang para agad na akong makalayo kina mom at dad baka ano-ano na naman ang maitatanung nila. Agad ako pumasok sa kwarto ko ng makarating ako. Dahil wala akong pasok sa school sa araw na iyon ay ng stay lang ako ng bahay. Habang nasa kwarto ako ay pakiramdam ko may kailangan akong gawin na hindi ko mawari dahil hindi ako mapakali. Kaya naisipan kung mag punta na lang sa DTC or department training center. "Baka ito ang hinahanap ng aking katawan," bulong ko sa sarili. Kaya agad akong bumangon at tinongo ang banyo para maligo. Ilang sandali ay lumabas na ako ng kwarto ng matapos na akong mag ayos sa sarili ko. Pagka baba ko ng sala ay naabutan ko sina mom and dad nasa sala parin sila. "Mom! Dad! alis muna ako pupunta lang ako sa gym," pag papa alam ko. Sabay halik sa pisngi ni mom and dad. "Ingat ka Honey," saad ni mom and dad. "Pahatid kaba anak o ikaw na mag da-drive?" pahabol na tanong ni dad. "Yes dad. magpapahatid po ako," sabi ko. "Okay sweetie! Andiyan naman si Drew, pahatid ka sa kanya," saad ni dad. "Salamat dad," at tinalikuran ko na sila pagkatapos ko mag salita. Nakarating na ako sa garahe at nakita ko si Drew. "Kuya Drew, pahatid naman ako sa Fitness Gym oh." pakisuyo ko rito. "Sige ma'am, walang problema," saad niya. Kaya agad na kaming sumakay sa kotse at umalis na ng bahay, 30 minutes ang binaybay namin sa kalsada bago namin narating ang GYM. "Kuya Drew, wag muna ako sonduin mamaya, mag taxi lang ako pauwi." saad ko rito. "Sige ma'am! sabihin kuna rin kila Sir at ma'am," paliwanag niya. Tumango lang ako at bumaba na ng sasakyan. Agad ako pumasok sa GYM para magpalipas ng oras at maka pag warm up narin. Pagkalipas ng isang oras ay umalis na ako sa GYM. Pumara agad ako ng taxi para maka punta na sa DTC. Pagka hinto ng taxi sa harapan ko ay agad ako pumasok. "Kuya sa DTC," agad kung sabi sa pangalan ng pupuntahan namin. "Sige ho ma'am!" saad niya at pinaandar na ang sasakyan. 15 minutes lang ang byahe galing sa fitness gym. Kaya hindi kami gaano natagalan dumating sa DTC. Malapit lamang ang DTC sa fitness gym, dahil sikreto lamang ang lugar na ito kaya bihira lamang ang nakakaalam sa ano ang tunay na meron sa loob ng DTC. Dahil ang alam ng mga tao ay Gym lamang ito, ang hindi nila alam kung ano ang totoong meron sa loob. Dahil kilala ang DTC bilang GYM lamang. Dahil tanging alam ng maraming tao na ordinaryong GYM lamang ito. Dahil marami ang pumupunta dito para mag GYM. Pero ang totoo mas marami ang pumupunta dito para sa iligal training na hindi alam ni Lottie, iyon. Dahil si Lottie, lang ang hindi nakaka alam sa buong sikreto ng DTC. Dahil ang alam niya lang ay ang nasa tamang Proseso ang DTC na mga masasamang tao ang mga pinapatay nila kaya iyon pa rin ang paniniwala ni Lottie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD