Elora POV.
Maliit palang si Elora, ay namulat na sa kaalamang ng Taekwondo. Dahil ang kanyang lolo ay mayroong business school na taekwondo learning center. Lumaki si Elora, sa kanyang lolo kaya naging inspirasyon niya ang kanyang lolo. Kaya kahit six years old palang si Elora ay nag pursige siyang matoto mag taekwondo. Hindi naman mahirap turuan si Elora, kaya naging mabilis ang kanyang pagkatuto. Habang lumalaki at nagdadalaga si Elora, ay bihasa na siya sa taekwondo. Kaya hindi na mahirap sa kanya ang mga step nito kaya habang nasa high school ito ay sumali din siya ng taekwondo subject. Nag eensayo si Elora sa school at pagdating sa bahay ay nag eensayo din siya dahil mas gusto pa niyang maging bihasa sa lahat at maging katulad kagaling sa kanyang lolo. Simula grade 7 hangang grade 12 ay laging champion sa compitisyon si Elora. Kaya pagka graduate niya ng high school ay ang dami niyang nakuhang award galing sa mga teacher's ng taekwondo. Dahil proud sila na simula pag tong-tong ni Elora, ng high school at pagka graduate ng high school ay wala pang naka talo sa kanya.
Makalipas ang ilang araw pagkatapos ng graduation ni Elora ay namatay ang kanyang lolo. Umuwi ang kanyang mga magulang galing sa abroad para asikasuhin ang burol ng lolo n Elora. Dahil silang dalawa lang ni Elora, at ang lolo niya ang magkasama. Hindi kaya ni Elora, pa ang ganoong proseso kaya napilitan na umuwi ang mga magulang ni Elora. Dahil gusto rin nilang dalhil pabalik si Elora, sa abroad. Pero hindi pumayag si Elora, na sumama sa kanyang mga magulang pabalik ng abroad.
Makalipas ang isang linggo. Pagkatapos ng burol ng lolo ni Elora, ay kinausap si Elora, ng kanyang mga magulang.
"Sweetie! kailangan mong sumama pabalik ng abroad dahil wala kang kasama dito." saad ni mom.
"No mom! and dad!. Dito lang ako ayaw kung iwan ang lugar na ito," saad ko saka nila.
"Sweetie! iwanan muna ang lahat ng ito dito. Hindi mo kaya itong patakbuhin mag isa,"
"No, mom! Kung gusto ninyong umalis. Umalis na kayo ni dad. Basta ako! maiwan lang ako dito dahil mahal ko si lolo at alam kung mahal na mahal niya rin itong lugar na ito. Kaya ako na ang magtataguyod at palalaguin ko itong iniwan niya," pagmamatigas kung sabi.
"Sweetie! paano na ang pag-aaral mo? Pag ikaw pa ang mag-aasikaso nitong learning center ni dad," saad naman ni daddy.
"Dad! dito ako mag-aaral ng kolehiyo, at kaya ko ito pagsabayin. Sinisigurado ko ito sa inyo ni mom," pagmamatigas ko paring sabi.
"Ok fine! Pero pagmababa ang grades mo sa unang simister ay agad kang hihinto sa pag-aaral at susunod ka sa amin sa abroad," saad ni mom.
"Okay mom. Game," saad ko. Na may halong ngiti.
Nagkatinginan sina mommy and daddy. Dahil pumayag ako sa gusto ni mom na nagbibiro lang naman si mom sa sinabi niya.
"It's ok babe! nasabi mo na iyon, hindi muna ito mababawi pa. Kilala mo naman yang anak mo," sabi ni dad kay mom, habang hinihimas ni daddy ang likod ni mommy.
Umiyak si mommy, dahil hindi nila ako napapayag na sumama saka nila pabalik abroad.
Niyakap ko si mommy. "Mom! wag mo ako alalahanin 17 years old na ako. Kaya ko na ang sarili ko dito promise. Pag bumaba ang grades ko ay susunod ako sa inyo," paliwanag ko kay mommy para maibsan ang kanyang pag-aalala.
"Okay sweetie! I love you, wag mo pabayaan ang sarili mo dito." saad ni mom.
Yumakap din si dad. "I love you Sweetie! Ingat ka palagi wag kang mag-aalangan na humingi ng tulong kung kinakailangan ah, nandito lang nina daddy mo."
Kumalas na ako sa pagka yakap at tumango lang ako sa tugon ng kani lang sinabi.
Kaya umalis ang kanyang mga magulang na malungkot. Dahil hindi nila napapayag na isama ang kanilang bunsong anak. Inihatid ni Elora, ang kanyang mga magulang sa airport, dahil may sarili naman itong sasakyan. Binigay iyon ng kanyang lolo sa kanya, ine regalo sa kanyang iyon noon high school graduation ni Elora, para magamit niya iyon sa kolihiyo niya. Second hand lang 'yon pero matibay pa at pina ayos pa ng kanyang lolo iyon para mag mukhang bago.
Kina kawayan ni Elora, ang kanyang mga magulang habang papasok sa entrance ng airport. Umiiyak pa rin Si Mrs Ellington, habang papasok sa airport. Inaalo na lamang ito ng kanyang asawa para tumahan na.
Nang hindi na makita ni Elora, ang kanyang mga magulang ay bumalik na siya sa kanyang sasakyan at pinaandar na niya ito. Para maka balik agad sa bahay nila at para agad niya masimulan ang mga gusto niyang gawin. Agad niya inayos ang school learning center ng kanyang lolo. Dahil nahinto din ito simula ng mamatay ang kanyang lolo. Kaya inasikaso niya ito agad habang wala pang pasukan.
Sa wakas ay hindi naman siya nabigo, dahil dumami din ang mga estudyante sa school naito. Habang wala pang nahahanap si Elora, na trainor ay siya muna ang nagtuturo. Dahil dito ay napag disisyonan niyang mas kailangan niyang matoto pa ng ibang skill maliban sa taekwondo. Kaya pinursigeniya ang kanyang sarili na matuto sa ibang mga skill. Kaya ng may nahanap na siya na trainor sa kanyang scholl ay nag aral din patago si Elora, sa lahat ng klase ng martial art. Katulad ng paghawak ng baril, ispada at iba pa.
Nang pasukan na ng kolehiyo ay excited si Elora dahil gusto niyang ipakita sa kanyang mga magulang na kaya niya ang lahat at patutunayan niya ito. Nursing ang kinuha niyang kurso. Habang nag-aaral siya ng nursing sa umaga at pagkatapos niya sa klase sa hapon ay pumupunta siya sa kanyang firearms training center. Pag ka gabi naman ay nag-eensayo din siya ng mga martial art's at swords skill. Hindi naman siya nahihirapan sa ganoong seat up niya lalo na ng may nahanap siyang mag aasikaso sa kanyang business. Kaya naging magaan lalong ang kanyang mga gawain na hindi na siya nahirapan mag time management ng mga schedule ng kanyang gawain araw-araw.
Isang taon din ang nakalipas naging maayos naman ang pag-aaral ni Elora. Mas lalo siyang naging bihasa sa taekwondo at pag hawak ng baril pati narin sa ispada. Kaya naging masaya si Elora sa kanyang nakamit na pangarap.
Second year college na si Elora, sa nursing. Habang binabaybay niya ang kalsada pa uwi galing sa school ay may nakita siya sa eskinita na maraming mga babae na lumalabas na nakasuot ng sportswear. Kaya pumasok sa isipan ni Elora na training center iyon. Kaya hindi ng alangan si Elora na lumapit dito. Iniwan niya sa may di kalayoan ang kotse at mabilis na lumapit dito sa dalawang malalaking tao.