Frankie POV.
Maliit palang si Frankie, ay mukha na itong boyish. Hinahayaan na lamang siya ng kanyang mga magulang dahil bata pa nga ito. Normal lang na ganoon pa ang mga nilalaro ni Frankie. Habang nagdadalaga si Frankie, ay mas lumilitaw ang kanyang pagka boyish. Pero babaeng babae ang kanyang mga sinusoot. Kahit nag-aaral pa lamang ito nh elementary ay nakahiligan niyang sumasali sa mga activities sa school at lagi itong panalo.
Hanggang naging high school si Frankie ay walang nagbago sa kanya. Mas naging interesado si Frankie sa high school life niya, dahil sa mga nalaman at nadiskubre niyang mas marami pa siyang magagawa na pag-kakaabalahan. Kaya lahat ng mga activities sa school ay sinalihan niya tulad parin ng dati lagi siyang na nanalo. Dahil nga mahilig sa adventure si Frankie, kaya pinasok niya ang mga ito. Naging masaya naman siya sa mga ginagawa niya lalo na't supportive sa kanya ang pamilya niya. Hanggang sa may isa siyang kaklase Si Moira, niyaya siya nitong magpunta sila sa isang training center ng boxing at muay thai. Para makita nila na totoo nga ito kaya pumayag naman si Frankie na sumama kay Moira.
"Sama ka sa aking Kie? Punta tayo sa sinasabi ng pinsan ko na meron daw boxing training at muay thai sa malapit dito sa school puntahan natin?" pag-aaya ni Moira.
"Talaga ba? Parang gusto ko iyan," saad ko naman.
"Sige! mamaya pag uwian na punta tayo doon," sabi ni Moira.
"Uhm!... sige." sabay tango ko rito.
"Sikreto lang muna natin ito ah," saad ni Moira.
"Bakit naman?" tanong ko rito.
"Baka may maka alam kasi, mag sumbong sa teacher natin eh. Isusumbong pa ako ng teacher natin sa parents ko," sabi ni Moira habang malungkot ang mukha.
"Ano naman koneksyon don?" tanong ko uli kay Moira.
"Ayaw nila mama na matuto ako sa boxing dahil ayaw nila na maging tomboy ako. Gusto nila babaeng babae ako," sabi ni Moira.
"Ibig sabihin ano karin?" gulat kung tanong kay Moira.
"Pst… wag kang maingay baka may maka rinig sa atin," saad ni Moira.
"Okay sorry po!" sabi ko.
"Basta sikreto lang natin iyon ah?" sabi ni Moira.
"Sure! It's a secret until I die," saad ko rito.
"Uhm!" sabay tango. "Tara na sa room basta mamaya ah. sabay tayo," mahinang sambit ni Moira.
"Oo naman antayin kita," saad ko.
Lumakad na kami at tinungo ang class room namin.
Ilang oras ang nakalipas at natapos na ang klase namin. Kaya dali-dali na agad akong ng impake ng mga gamit ko para agad na makaalis dahil may lakad kami ni Moira.
"Psst! Psst!" tawag sa aking ni Moira.
Agad ako napalingon sa kung saan ang narinig kung may nag sisit-sit. "Wait lang!" pabulong kung sambit sa kanya, at sapat na iyon para marinig niya ang sinasabi ko.
"Sa labas nalang ako mag antay," sabi naman ni Moira ng pabulong sa hangin.
Tomango lang ako bilang ganti sa sinabi niya. Nang tumango ako ay agad ng umalis si Moira. Pagkatapos kung mag impake ng mga gamit ay agad akong lumabas sa klase namin at nagmamadali tinongo ang labasan ng school. Agad ko naman nakita si Moira, kaya agad kuna ito nilapitan.
" Tara na!" pag-aaya ko kay Moira ng makalapit ako sa kanya.
"Tara habang wala pa ang sundo ko," saad naman nito.
"Paano pag dumating?" tanong ko.
"Nagpadala na ako ng mensahe kina mom and dad, na gagabihin na ako maka uwi dahil may pupuntahan pa ako kasama mga kaklase ko." paliwanag ni Moira.
"Sigurado ka ah? Baka mahuli ka niyan at mapagalitan kapa," sabi ko na may halong pag-aalala.
"Hayaan muna sandali lang naman tayo doon," sabi ni Moira habang naka ngiti.
"Sa bagay," saad ko.
Agad kaming pumara ng trike at pagka hinto sa harapan namin ay agad kaming sumakay.
"Saan kayo miss?" tanong ng driver.
"KRUP gym po kuya," sabi ni Moira rito.
"Sige! miss," saad ng driver at pagka sabi niti ay agad na niya pinaandar ang trike.
Ilang sandali lang ay narating na namin iyon KRUP. Dahil sa excited kami ay agad kami bumaba pag ka abot ni Moira, ng bayad sa pamasahe namin.
"Totoo nga Kie meron dito." saad ni Moira.
"Wow! Tara pasok tayo!" pag-aaya ko habang naka ngiti.
Dali-dali na kaming pumasok ni Moira, pagpasok namin sa loob ay napamangha kami. Napahinto kami ng makita namin ang boxing ring at muay thai ring na malalaki.
"Wow ang ganda naman dito Moira," saad ko habang naka ngiti. Dahil sa nakita namin.
"Oo nga Kie," saad ni Moira.
May isang lalaki ang lumapit sa amin.
"Mga miss ano pa ang maipaglilingkod namin sa inyo?" tanong nito.
"Hanggang anong oras ho kayo bukas?" tanong naman ni Moira sa lalaki.
"48 hour's open kami dito," saad ng lalaki.
"Wow! maganda kung ganoon!" saad ni Moira.
Nilingun ko si Moira, "Ano Moira, kailan tayo magsisimula?" tanong ko rito habang nakatingin sa kanya na naka ngiti.
"Bukas na lang short na tayo sa oras eh," sabi ni Moira.
"Sige balik tayo dito bukas, make sure na hindi ka mahuhuli ng parents mo bukas ah?" saad ko.
"Ako na bahala doon basta sabay parin tayo bukas dito," sabi ni Moira.
"Sure!" sabi ko habang naka ngiti ng malaki.
"Kuya bukas nalang kami mag umipasa," paliwanag ni Moira sa lalaki.
"Sige! miss," saad naman ng lalaki.
Pagkatapos nina Moira at ng lalaki mag usap ay nilisan na namin agad ang lugar na iyon. Pagka labas namin sa KRUP ay pumara na ako taxi at agad na sumakay para magpahatid sa school namin.
"Kuya sa Albert university school," sabi ko sa driver.
"Sige! Miss," saad nito at agad na pinaandar ang sasakyan.
Ilang minuto ay nakarating na kami sa school, at ng hiwalay na kami ng landas ni Kim. Dumating na ang sundo ko kaya agad ako pumasok sa car at nilisan na namin ang school.
Kinabukasan.
Dahil nag ka interesado si Frankie ay tumuloy siya sa usapan nila ni Kim. Kaya pagkalipas ng araw ay uwian na agad kami at nagmadali ni Moira, lumabas sa class room. Tinongo agad namin ang gate pagka labas ay pumara agad kami ng tike at ng pa hatid sa KRUP GYM. Pagka rating namin ay agad kami pumasok at ng tungo sa banyo para mag palit ng damit.
"Hanggang ilang oras lang tayo dito?" tanong ko kay Moira.
"3hrs lang iyon ang sabi ko kina mom and dad," sabi ni Moira.
"Okay sige!" saad ko.
Pagkatapos namin mag palit ng soot ay lumabas na kami agad. Lumapit ang lalaki na kausap namin kahapon at tinuruan kami ng mga basic moves at pina subok gawin sa amin. Mabilis lang namin na kuha ang basic moves kaya tinoruan pa kami ng secondary moves. Mabilis lang namin nakuha lahat ng mga moves kaya hindi namin natapus ang tatlong oras na palugit namin ni Kim, ay umalis na rin kami at napagkasunduan na babalik na lang ulit kami bukas.
Nagustohan ni Frankie ang boxing at muay thai kaya ng simula na siyang mag sanay. Hanggang naisipan niyang sumubok ng iba kaya kumuha siya ng taekwondo training, firearm training at sword training. Alam ito ng kanyang mga magulang dahil super supportive sila para kay Frankie, kung ano ang gusto nito ay binibigay nila. Mayaman din ang angkan nila Frankie, kaya pag dating sa financial ay hindi mahihirapan si Frankie. Hindi spoiled brat si Frankie dahil may puso ito. Maunawain, maintindihan, at mapagmahal dahil ganoon siya pinalaki ng kanyang magulang. Mas kina kaibigan pa niya ang mga mahihirap kaysa mayayaman.