At sa mga sumunod na araw ay halos mapuno ng mga bulaklak at chocolates ang buong apartment ko. Tuwang-tuwa nga si Celine dahil sa kanya napupunta ang mga chocolates.
"Vera, nandito na mga manliligaw mo!"
Bumuntong hininga ako tsaka lumabas ng kwarto ko. Gusto ko sanang magpahinga dahil kauuwi ko lang galing school.
Naabutan ko sa sala ang parehong nakatux na sina Dark at Sage.
Nag-angat ako ng isang kilay sa kanila.
Agad naman silang tumayo. "For you, Vera!" sabay pa nilang sabi nang ilahad nila ang bouquet of red roses na hawak nila.
Nagkatinginan sila.
"Gusto niyo bang gawing flower shop ang apartment ko?" Pinagkrus ko pa ang dalawang braso ko.
"Kagaya kasi ng mga bulaklak ay namumukadkad ang ganda mo, Vera," sabi ni Sage sabay ngisi. Inirapan ko naman siya.
Narinig ko pa ang mahinang hagikhik ni Celine.
Kinuha ko ang bouquet na dala ni Dark pagkatapos ay inutusan ko naman si Celine na kunin ang dala ni Sage. Ngumuso pa nga sakin si Celine.
Inabot pa nila pareho ang dala nilang mga chocolates at agad na pinagkukuha ng tuwang-tuwa na si Celine.
"Another set of chocolates for me." Malawak ang pagkakangisi ni Celine.
"That's for, Vera!" sabay nanaman na sabi ng dalawa.
Nalaglag ang panga ni Celine.
"Hoy, kayong dalawa! Mawawalan ako ng trabaho kapag pinakain ko lahat 'to kay Vera. Ang dadamot niyo!"
Natawa naman ako kay Celine na ngayon ay nagwalk out.
Sa loob ng isang oras ay si Dark lang kinakausap ko at hindi ko pinapansin ang presensya ni Sage.
Nang maghatid ng meryenda si Celine ay tinaasan niya pa 'ko ng kilay. Kumunot naman ang noo ko.
Sinenyasan niya pa ako na sumunod ako sa kanya.
"Bakit, Celine?" tanong ko nang makarating kami sa kusina.
"Be fair naman, Vera. Dapat dalawa silang inientertain mo. Halatang takot ka na kausapin si Sage dahil alam mong bibigay ka, e."
Nanlaki naman ang mga mata ko.
"No I'm not, Celine! Kahit pa maghubad siya sa harap ko hinding-hindi ako bibigay!" inis na sabi ko. Ngumisi naman siya na parang may kalokohang iniisip.
"Talaga lang, ah?" Humalakhak pa ang gaga.
Pagbalik ko sa sala ay nginitian ako ni Dark habang si Sage ay pinagkrus ang mga braso at derechong tumitig sa'kin.
"It's hot in here." Hinubad ni Sage ang kulay gray niyang coat.
Pagtapos ay niluwagan niya ang necktie niya at binuksan ang butones hanggang sa dibdib niya.
Napalunok ako.
What the hell, Wainwright?
Nahagip ng mata ko si Celine na nasa b****a ng pinto at nakangisi. Inirapan ko naman siya.
Ngumisi pa sa akin ang hinayupak na si Sage. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Why, Vera?" tanong niya habang may mapaglarong ngisi.
Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Dark.
Hindi ko na lang pinansin si Sage. Mukhang nababaliw na ata siya.
Matalim na tinitigan ni Dark si Sage.
"Play clean, Wainwright," matigas na sabi niya.
Ngumisi naman si Sage. "Wala akong ginagawa dito, Montreal. Ikaw nga lang ang ineentertain ni Vera pero hindi ako nakakaramdam ng kaba."
I really hate his confidence!
"'Cause I know at the end she's going to be mine and that will for lifetime." Binaling ni Sage ang mga tingin niya sa akin.
Pakiramdam ko ay nagtayuan ang mga balahibo ko.
Agad akong tumayo para uminom ng tubig sa kusina.
"One point for Sage."
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang magsalita si Celine na nasa bandang sulok.
"Ano ba, Celine! Bakit ka ba nanggugulat?" singhal ko.
"Hindi naman ako nanggugulat. Sadyang masyado ka lang maraming iniisip. Teka marami nga ba o iisang tao lang ang laman ng isip mo?" Nagtaas baba pa ang dalawang kilay niya.
"You shut up, Celine! Alam mo hindi ka nakakatulong."
Dahil sa panunukso ni Celine hindi na ako bumalik sa sala at nagkulong na lang ako sa kwarto.
Bahala si Sage at Dark kung anong gusto nilang gawin.
Kung gusto nila magtitigan sila hanggang mamaya bahala sila sa mga buhay nila dahil sa kanilang dalawa ay namomroblema ako.
Lumabas lang ako nang katukin ako ni Celine dahil uuwi na daw 'yong dalawa. Binigyan kasi sila ni Celine ng hanggang 7:00pm para magstay dito.
Aniya ay bawal daw kasi akong mapuyat dahil nakakataba.
"Bye, Vera! See you tomorrow." Hinila pa 'ko ni Dark para ikiss sana sa noo pero nagulat ako nang hilahin siya ni Sage.
"Anong problema mo?" singhal ni Dark.
"Don't kiss a girl if you were still courting her and that's what you called respect."
Kita ko ang galit kay Dark.
Tinaasan ko ng kilay si Sage.
Hiyang hiya naman ako sayo, Sage. Samantalang hindi pa tayo noon pero kung halikan mo 'ko ay parang wala nang bukas.
"Vera!" sigaw ni Dark habang humalakhak naman si Sage.
Gusto ko namang saktan ang sarili ko. Dapat ay sa isip ko lang iyon pero nasabi ko ng malakas.
Padabog na umalis si Dark.
Hinawakan ni Sage ang baba ko. Agad ko namang hinawi.
"Don't think too much about me, love."
"Asa, Sage! Alis na nga." Itinulak ko naman siya palabas. Humalakhak lang siya.
"Lalo akong naiinlove sa'yo," pahabol niya pa.
"Ewan ko sayo!" Sinara ko na iyong pinto.
"I must say two points for Sage," sabi ni Celine sabay ngisi.
"Isa ka pa!" singhal ko. Tinawanan niya lang ako.
Pagkahiga ko ay tumunog ang phone ko.
Unknown Number:
Gusto pa kita makasama and I can't even believe na sinusunod ko ang ibang tao when it comes to you. You are mine, dapat ako ang nasusunod. f**k!
Sa isip ko naiinis ako pero hindi ko maintindihan kung bakit nakangiti ako dito.
Nagtakip ako ng unan.
Leche ka talaga, Wainwright!
Kinabukasan maaga kami ni Celine gumising. Kailangan kasi namin pumunta sa gym dahil kailangan kong magwork out. Mamaya pa namang tanghali ang pasok ko sa school kaya okay lang.
Pwede naman sa mismong training room ng agency ako magtrain kaya lang ay sobrang daming mga model na gumagamit doon kaya naisipan ko na doon na lang sa gym kung saan ako madalas.
"Nica, nice to see you again," bati sa akin ni Shelby, iyong receptionist ng gym. Nginitian ko naman siya.
"Hey! Hey! Hey!" Agad naman akong niyakap ni Dutch, siya ang trainer ko dito.
"Hi, Celine!" Umirap lang si Celine kay Dutch. Natawa naman si Dutch.
They dated each other for five months pagkatapos ay umayaw na si Celine at hanggang ngayon ay hindi niya pa sinasabi kung bakit.
"Ready?" Malawak ang ngisi niya sa akin.
"As always." Tumawa naman si Dutch.
"Just wait for me, Nica. I'll be back in a few minutes." Tumango lang ako kay Dutch.
"Kumukulo talaga 'yong dugo ko sa lalaking iyon!" inis na sabi niya pagkaalis ni Dutch.
"Bakit ba kasi?" tanong ko.
"Wag mo na alamin."
Iniwan niya na 'ko at umupo sa gilid. Pumunta muna ko sa locker room para ilagay ang gamit ko.
Pagkalabas ko ay nagsimula na 'kong magwork out.
May hawak ako na dalawang dumbbells habang nakasquat nang may humawak sa bewang ko.
"Is my position right?" tanong ko kay Dutch.
"Yes. But you need to do it slowly."
Nanlamig ako nang sa tenga ko siya bumulong. Nabitawan ko agad ang dumbbells na hawak ko.
"What are you doing here, Sage?"
"Relax! Magwowork out sana ako pero nakita kita," sagot niya.
Hindi tulad ng nakasanayan medyo magulo ang basa basa pa na buhok ni Sage.
Kahit naiinis ako sa lalaking kaharap ko ay hindi ko maiwasan na aminin na lalo siyang gumwapo.
Pansin ko rin na center of attraction siya dito sa gym.
Paano ba naman ay nakabalandra ang maganda niyang abs.
Oo! Maganda talaga at hindi ko ipagkakala iyon.
"Sagutin mo na 'ko, Vera, para naman hindi lang titig ang pwede mong gawin jan."
Nag-init naman ang pisngi ko.
"Ewan ko sayo, Sage. Leave me alone," sabi ko at itinuloy na ang ginagawa ko. "Tsaka pwede ba magdamit ka. Akala mo naman napakaganda ng katawan mo," dagdag ko pa na siyang nagpahalakhak sa kanya.
"My Vera." Umiiling-iling pa siya habang nakangisi. Inirapan ko na lang siya.
"Umalis si Dutch. Siya ang trainer mo, diba?" Hindi ko na lang siya pinansin.
"I can help you, Vera, kesa naman iba pang mga lalaki ang tumulong sayo at baka makapatay pa 'ko." Hindi makapaniwala kong tinignan si Sage.
I know him. Alam kong hindi siya magdadalawang isip na magsimula ng g**o kung hindi ako papayag sa gusto niyang mangyari.
Kaya sa buong training ko ay si Sage ang umaalalay sa akin. Pinapanood naman kami ni Celine na ngayon ay nakangisi, pinapandilatan ko naman siya ng mata.
"Here." Inabutan ako ng towel at tubig ni Sage.
"Thanks," malamig na sabi ko.
"Kumusta ang modeling career mo dito, Vera?" tanong niya.
"Okay lang," sagot ko na hindi man lang tumitingin sa kanya.
"Sana nasa tabi mo ako noong mga panahon na nagsisimula ka pa lang abutin ang mga pangarap mo dito." Pumungay ang mga mata niya.
"Please, stop it."
Kumirot ang puso ko at ayoko nang pag-usapan ang nangyari sa nakalipas na tatlong taon.
"Hinanap kita, Vera. Believe me." Tinignan ko siya at nakita kong pumula na ang mga mata niya. "Ako mismo ang naghanap sa'yo. I didn't hire anyone."
Inabot niya ang kamay ko. Nanginig naman ako nang magdikit ang mga balat namin.
Gusto ko mang hilahin palayo ang kamay ko pero pakiramdam ko ay wala akong lakas.
"Vera, all I'm asking is for you to hear me out." Nagcrack ang boses niya. Umiling ako.
Sapat na sa akin ang mga narinig ko kina Ate Kim. Ayoko na ulit marinig ang explanation niya.
"Game na ulit."
Pag-iiba ko ng usapan tsaka humiga para ituloy na ang work out ko.
"Okay, Vera, if that's what you want." Sumigla din ang boses niya.
Habang ginagawa ko ang cross arm crunches ay nasa paanan ko si Sage na nakatayo at pinapanood ako.
Biglang lumuhod si Sage at inilapit niya ang mukha niya sa akin na sakto namang napalakas ang pagbangon ko kaya nagtama ang mga labi namin.
Agad ko siyang itinulak.
"Vera, hindi ko sinasadya. Iaayos ko lang sana ang position mo dahil may mali sa pagkakahiga mo," pagpapaliwanag niya.
Agad naman akong tumayo para pumunta sa locker.
Naninikip ang dibdib ko at parang nauubusan ako ng oxygen.
Arghhh! Napasabunot pa 'ko sa sarili ko.
"Vera." Malawak ang ngiti ni Celine na pumasok sa locker room.
Alam ko ang ngiti na 'yan. Nakita niya ang nangyari at nakakahiya.
"Pwede ko sigurong sabihin na another one point para kay Sage?" Tumawa pa siya.
"Celine, naman e!" pagmamaktol ko.
"O, ano? Nahihirapan kang pumili diba? Edi idaan natin sa pataasan ng points."
"Ewan ko sa'yo! Mukhang team Sage ka naman. May bias ka. Dati ay kung itulak mo 'ko kay Dark wagas. Balimbing!"
"Hoy! Don't judge me, Vera. Nahihirapan din naman ako pumili sa kanila. Ang gwapo nila pareho. Dark is f*****g hot and Sage is f*****g sexy. Oh, God!" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ano, Vera? Bawal ba magnasa? Pumili ka na kasi tapos sa akin na iyong hindi mo mapipili." Humalakhak pa si Celine.
"Ewan ko sa'yo! Ang luwag na ng turnilyo mo." Nailing na lang ako.
Pagkalabas namin ay may nagkakagulo at nakita ko agad ang nakahigang si Dark. May dugo sa ilong niya habang nasa ibabaw naman niya si Sage.
"s**t!"
Agad akong tumakbo at hinila si Sage palayo kay Dark.
"Stop it! Dark, stay there at wag na wag mo bang tangkain sumugod!" sigaw ko at itinuro si Dark.
"At ikaw, Sage, jan ka lang at wag na wag mo ring tatangkain na sumugod!"
Matalim ang titigan nila.
"Siya ang unang sumugod dito, Vera," galit na sabi ni Sage.
"'Cause you playing it dirty, Wainwright!" Galit na galit din si Dark. "Ano 'to? f**k you, Wainwright!" dagdag niya pa.
Ipinakita niya ang phone niya na may picture namin ni Sage. Nakahawak sa bewang ko si Sage habang tinutulungan niya ako sa work out na ginagawa ko.
Sino ang nagsend nito?
Matalim ko na tinignan si Celine pero umiling siya.
"Sazy send that to me." Nabigla naman ako na nandito si Sazy.
"There's nothing wrong with that, I'm just helping her," sabi ni Sage pero hindi pa rin nababago ang matalim na titig niya kay Dark.
"Just helping her my a*s, Wainwright! Gaguhin mo na lahat wag lang ako."
"Ano ba naman kayong dalawa? Wala ba kayong kahihiyan para gumawa pa ng eksena dito? Pwes, basted kayo pareho. Gosh! Nakakahiya!" sigaw ko sa kanila tsaka kinuha ang gamit ko sa locker room.
"Let's go, Celine!"
"Vera, wait!" Habol pa ni Dark.
"It's your fault, Montreal."
Rinig ko pang sabi ni Sage.
"Bakit ako?" Iyon na ang huli kong narinig bago makalabas ng gym.
Ang sakit sa ulo ng dalawang 'yon!