CHANCES 28

2185 Words
Hindi ko alam kung pinauwi na ba ni Celine si Sage. Hindi kasi ako lumalabas ng kwarto dahil ayokong magkaharap nanaman kami. Naisipan kong tumawag kina Ate Kim. I need them now. "Vera, what happened? Bakit namumugto ang mga mata mo?" nag-aalalang tanong ni Ate Kim. Katabi niya si Kyril habang nasa likod naman niya sina Andrea at Bri. "He's here." Parang may bumara nanaman sa lalamunan ko at ano mang oras ay pwedeng tumulo ang mga luha ko. Wala akong pagkabigla na nakita sa mga mukha nila. Lumungkot ang ekspresyon nila. "Alam niyo?" tanong ko. Bumuntong hininga si Ate Kim. "Yes, Vera. Actually sa tatlong taon mo jan ay ganoon na din katagal dito sa Pilipinas si Sage," pagsisimula ni Ate Kim. "What? At alam niyong pupuntahan niya ako dito at ni hindi niyo man lang ako sinabihan?" Pinipigil ko ang mga luha na nagbabadya nanamang tumulo. "Hear us first, Vera," ani Kyril. "One month pagkaalis mo ay bumalik si Sage dito." Bumuntong hininga siya. "Hindi niya nakayanan ang balita tungkol sa daddy niya. His dad means everything to him. Aminado siyang wala siyang ibang naisip noon kung hindi ang kalagayan ng daddy niya," dagdag pa niya. "Pagkarating niya ng L.A ay hindi niya inasahan na totoo ang balita and his dad was almost dying." Sumisinghot pa si Bri. Hindi ako nagsasalita. I just want to hear everything dahil baka sa paraan na ito ay dito ko mahanap ang nawawalang mga piraso ng puzzle. "Tatlong linggo siyang walang tulog para bantayan ang daddy niya. Wala siyang ibang maisip kung hindi ang daddy niya. Gusto niyang mabuhay ang daddy niya at masakit man ay noong mga panahon na iyon ay nawala ka sa isip niya," pagpapatuloy ni Bri. "Naging mas matimbang ang daddy niya at inisip niya sa oras na gumaling ang daddy niya ay babalikan ka niya. Pero hindi pa man gumagaling ang daddy niya ay bumalik na siya dito sa Pilipinas. Narealize niya kung gaano katanga ang ginawa niya." Namumula na rin ang mga mata ni Ate Kim. "Galit kami sa kanya, Vera. Galit na galit. Kaya ang sinabi namin sa kanila ay nasa Spain, UAE at kung saan-saan pang bansa. Pinalabas namin that you're traveling the world at hindi nagtatagal sa isang bansa. Mabuti na lang at deactivated din lahat ng social media accounts mo. Hindi namin sinabi kung nasaan ka dahil alam naming pupuntahan ka niya at ganoon nga ang ginawa niya. Sa loob ng isang taon ay nagpabalik-balik siya ng L.A at mga ibang bansa. Kailangan niyang bumalik sa L.A dahil under medication pa ang daddy niya. Nakita namin kung gaano siya nasasaktan kapag bumabalik siya dito galing ibang mga bansa at ni wala siyang kahit na anong balita tungkol sa'yo. Niligaw talaga namin siya palayo sa'yo." Humikbi si Andrea. "Kada balik niya ay nagmamakaawa siya sa amin na sabihin kung anong address mo." Nahirapan nang magkwento si Andrea dahil sa naiyak na siya ng todo. "Mahal ka niya, Vera. Kahit na sobrang galit ang naramdaman namin sa kanya ay nakita namin kung paano niya ginusto na makausap ka. Nakita namin siya na walang tulog dahil galing siya dito pagkatapos ay babalik din sa L.A sa araw rin na iyon at pagkatapos ay pupunta nanaman siya sa bansang sinabi namin na nandoon ka na akala mo ay mula dito sa Montreal hanggang Monte Vista lang ang binabyahe niya," pagpapatuloy ni Kyril. Narinig ko na lang ang sarili kong humihikbi. "Nang maka-dalawang taon siya ay pinilit namin na tumigil na siya sa paghahanap at maghintay na lang sa'yo dito. Nakumbinsi lang namin siya nang sabihin namin na paano kung pagbalik mo dito ay siya naman ang wala." Lumakas na rin ang hikbi ni Briana. "Mahal ka niya, Vera! Sa tuwing nagvivideo call tayo ay nandito siya sa gilid. At kapag nakita ka na niya sa screen ay para siyang bata na binigyan ng chocolate. Wala pa rin kaming balak na sabihin na nasa London ka hanggang sa nagkita kayo ni Brixel sa party at doon sinabi niya kay Sage na nanjan ka. Sinubukan namin siyang pigilan, Vera, pero nang malaman niya ang tungkol kay Dark ay wala nang makapagpapigil sa kanya." Pinunasan ni Kyril ang lumandas na luha sa mga mata niya. "Mahal na mahal ka niya, Vera," dagdag pa niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapahagulhol. Agad kong pinatay ang tawag. Wala na akong pake kung marinig man ako ni Celine. Ang sakit sakit! "Vera, are you okay?" Lalo akong nadurog nang marinig ang boses niya. "Stay away from me, Sage! Please, bumalik ka na sa Pilipinas!" sigaw ko. Kahit anong dahilan niya. Kahit gaano pa naging mahirap para sa kanya. Hindi pa rin nito magbabago ang katotohanan na iniwan niya 'ko na walang kahit na anong salita. Para akong kuting na iniwan niya lang sa kung saan. "Wag mong tuluyang isarado ang puso mo para sakin, Vera. Give me another chance. Kahit konti lang. Kahit katiting lang," malungkot na sabi niya. "Umalis ka na! Wag mo na guluhin ang buhay ko!" Ibinaon ko ang mukha ko sa unan tsaka doon umiyak. I'm tired of crying, Sage. Mukhang gusto mong ubusin ang mga luha ko. Sa lumipas na dalawang araw ay walang Sage na naghihintay sa labas ng pinto ng apartment ko. Siguro ay narealize na niya na wala na siyang mapapala sa akin. Kaya laking gulat ko nang paglabas namin ni Celine sa apartment dahil kailangan namin ngayon umattend ng meeting ay nandoon nanaman si Sage sa labas. "Vera!" Ngumiti siya nang makita ako. "Bilisan na natin, Celine." Hinila ko naman si Celine na mukhang hindi maipinta ang mukha. "Vera, nakakaawa naman si Sage parang asong naghahabol," bulong sa'kin ni Celine. Wala akong pakialam kung magmukha man siyang asong sunod nang sunod. Serves him right. At isa pa, I never said na sumunod siya nang sumunod sa'kin. Lakad takbo na ang ginagawa ko. Pero sadyang binibilisan din ni Sage ang lakad niya. "So here's your workplace? Gusto kong mapuntahan ang mga lugar kung saan ka madalas sa loob ng tatlong taon," sabi ni Sage nang makarating kami sa agency. Hindi ko na lang siya pinansin at pumasok na sa loob. "I will wait for you here. Hindi ako aalis. Never again." Rinig ko pang sigaw ni Sage. Bahala ka sa buhay mo. Maghintay ka hanggang sa mapagtanto mo na naghihintay ka lang sa wala. Kahit na tapos na ang meeting ay hindi pa rin ako lumalabas ng agency. Marami rin namang pinapagawa kay Celine kaya tumulong na lang ako. "Sa tingin mo nandoon pa kaya si Sage? Anim na oras na tayong nandito." tanong ni Celine. "Don't mind him, Celine." Inaayos ko ang gamit ko nang biglang tumunog ang phone ko. Nagmessage si Dark na agad ko naman na nireplyan. Dark: Where are you now? Me: Agency. Why? Nagtagal pa kami nang isang oras tsaka nagpasyang umalis na. Siguro naman ay wala na sa labas si Sage. Pagkalabas ko ay bumungad sa akin si Dark na nakasandal sa kotse niya. "Vera!" Agad naman niya akong niyakap at hinalikan sa ulo. "Kanina ka pa dito?" Nagpalinga-linga ako hanggang sa matanaw ko sa gilid si Sage. Nag-iwas ako ng tingin. "Hindi naman. Let's go?" Tumango naman ako kay Dark. Bago ako tuluyang makapasok sa kotse ni Dark ay nagtama pa ang mga mata namin ni Sage. He just smiled at me. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng inis. Nakakapanibago. Hindi ganoong Sage ang nakilala ko. Pagkahatid sa amin ni Dark ay umuwi na rin siya. Hindi na rin siya nag-abalang pumasok. "Parang iba na si Sage, no? Parang nagkaroon na siya ng maraming pasensya." Kumunot ang noo ko kay Celine. "Kanina sa labas ng agency. Kung iyong dating Sage ay malamang sinugod niya na si Dark." Ngumisi pa si Celine. "Magbabait talaga iyon dahil may kasalanan siya sa'kin." Nagkibit balikat lang si Celine. Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil maagang nagpunta dito si Dark. Kanina ko pa siya pinagsasabihan na dapat ay nagpahinga na lang siya sa kanila kesa nagpunta siya dito. "Pero ikaw ang nakakapagpawala ng pagod ko, Vera." Kumindat pa sa akin si Dark. Napailing na lang ako. Nanonood kami ng movie nang may biglang kumatok. "Baka si Sazy, ang sabi niya kasi ay bibisitahin ka niya," inaantok na sabi ni Dark. "Ako na, Celine." Papunta na kasi si Celine para buksan ang pinto. Bumungad sa'kin si Sage. Hindi na siya mukhang wasted ngayon. Maganda ang pagkakaayos ng buhok niya just like the old times. Nakadark gray na sweat shirt at maong pants niya. Ibinalik niya rin ang kumikinang na hikaw sa kanang tenga niya. "Do you like it, love?" tanong niya sabay ngisi. Nanlamig naman ako. "Vera, sinong nanjan-Sage? Anong ginagawa mo dito?" Kitang-kita ko ang pag-igting ng mga panga ni Sage. "Getting back what's mine." Ngumisi si Sage. "What are you talking about?" tanong ni Dark na kasalukuyang nakakunot na ang noo. Tumingin lang sa'kin si Sage. "Oh, I get it." Tumawa nang nakakaloko si Dark. "Is she the ex boyfriend of yours, Vera?" tanong niya pa. Hindi ko sinagot si Dark. "Tara na sa loob, Dark." Hindi gumalaw sa kinatatayuan niya si Dark. "Napakaliit nga naman talaga ng mundo, Wainwright," tiim bagang na sabi ni Dark. "Umaaligid ka kay Vera dahil alam mong sa akin siya, Montreal." Nakangising si Sage pero kitang-kita ang galit sa mga mata niya. Lumapit sa kanya si Dark. "Tumigil nga kayo!" saway ko. Tumawa si Dark. "Wag kang magpatawa, Wainwright." "Kilala kita. Hindi mo ako mahigitan kaya tumitira ka nang patalikod." Nakita kong kumuyom ang mga kamao ni Sage. "Hindi mo pa rin ba matanggap na iniwan ka ni Gabriela para sakin?" Ngumisi si Dark. What? Siya ang naging dahilan kaya naghiwalay sila ni Gaby? Akala ko ay dahil sa modeling career niya. "Montreal, I don't f*****g care about her. I'm just here for Vera." Nakita ko ang paniningkit ng mga mata ni Dark. "Kayong dalawa tumigil na kayo, ha!" Pilit kong hinihila si Dark. Humingi pa 'ko ng tulong kay Celine na nakatayo sa may pinto pero nagkibit-balikat lang siya. "Wala kang mapapala dito, Wainwright. Dahil hinding hindi na mapapasayo, si Vera!" matigas na sabi ni Dark. Sumilay ang nakakalokong ngisi ni Sage. "Bakit? Kayo na ba?" "Malapit na, Wainwright, kaya you better leave us alone!" Hinila ako ni Dark papasok nang biglang magsalita si Sage. "Then I will court her too. May the best man win, Montreal." Nanlaki ang mga mata ko. "Ang lakas din naman talaga ng loob mo, Wainwright, after what you did to her!" galit na galit si Dark. "Gusto mo siya at mas lalong gusto ko siya. So let her decide if it is you or me." Ngumisi sa'kin si Sage. Nag-iwas ako ng tingin. "Hindi ako papayag, Wainwright. You stay away from her or I will kill you." Nag-aapoy na sa galit si Dark. "Edi magpatayan tayo, Montreal," madiin na sabi ni Sage. Susugod na si Dark pero mabuti na lang ay nahawakan ko siya. "Dark, stop it!" Tinignan ko si Celine pero mukha lang siyang nanunuod ng teleserye. "Damn you, Wainwright!" singhal Dark. "Let him go, Vera." "Nababaliw ka na ba Sage?" inis na tankng ko. "Oo. Baliw na baliw sa'yo, Vera." Kumindat pa sa akin si Sage. Para namang may nagkakarera na mga kabayo sa dibdib ko. "Gago ka talaga, Wainwright!" Gustong kumawala ni Dark pero mas hinigpitan ko ang hawak sa kanya. Ngumisi si Sage. "Wag mo naman masyadong ipakita na kinakabahan kang kalaban ako, Montreal. I play clean unlike you." "Hindi ako natatakot sa'yo!" Nagkibit balikat si Sage. "Dapat nga ay magpasalamat ka dahil pumayag pa ako na umaligid-aligid ka kay Vera. Pero sisiguraduhin ko na hanggang jan ka na lang." Binalingan ako ni Sage. "Vera, you're going to be mine again whether you like it or you like it." Bumilis ang t***k ng puso ko. Tinalikuran na kami ni Sage. Hindi ko alam pero parang natutuwa ako. The real Sage Wainwright is back. Ngumisi pa sa akin si Celine tsaka pumasok sa loob. "Dapat ay hindi ka pumayag na ligawan ka niya, Vera!" galit na sabi ni Dark. "Hindi naman ako pumayag." Nag-iwas ako ng tingin. "Pero hindi mo rin sinabi na ayaw mo." "Kahit sabihin ko ng paulit-ulit sa kanya na ayoko ay wala nang makakapigil sa kanya, Dark. He wouldn't listen to me at alam kong alam mo 'yan." "Then sagutin mo na 'ko, Vera. Don't give him a chance. Be my girl!" Nanlaki ang mga mata ko. Kasabay noon ay ang pagtunog ng cellphone ko. Unknown number You are mine. Only mine. Bumilis ang t***k ng puso ko. "Wag mo kong madaliin, Dark!" Nag-igting ang mga panga ni Dark. "I can't believe you, Vera!" sabi niya tsaka umalis. "Mukhang hindi pa nagsisimula ang laban ay may best man na," sabi ni Celine sabay ngisi. Inirapan ko lang siya. Papasok ako sa kwarto nang biglang tumunog nanaman ang phone ko. Unknown number: I'm gonna make you fall for me again and this time, I will make sure that you will fall harder than before, love Napalunok ako. I hate your guts, Wainwright!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD