Nagising ako sa malakas na katok. Nakaramdam naman ako ng inis dahil sa inaantok pa 'ko.
Tinignan ko ang orasan at ala una na pala ng tanghali. Mabuti na lang ay isang linggo kaming walang pasok sa school dahil may event at hindi naman required na pumunta.
Alas singko na kasi ng umaga ako natulog dahil pagkatapos ng party ay naisipan naman nila Sazy na dito sa apartment dumerecho at nagkayayaan pang uminom.
Parang magigiba ang pinto sa lakas ng katok.
"Wait!" sigaw ko tsaka nagmadaling pumunta sa may pinto.
Pagbukas ko ng pinto ay nawala ang antok ko at nanlaki ang mga mata ko.
Agad kong sinarado ang pinto. Pinagpapawisan ako ng malamig.
Sumandal ako sa likod ng pinto tsaka hinawakan ang kumakalabog kong dibdib.
"s**t! Nananaginip ba 'ko?" mahinang tanong ko sa sarili. Pinagkukurot ko pa ang sarili ko.
Hindi na ulit kumatok kaya naisip ko na baka namalikmata ako. Dahan-dahan ko uling binuksan ang pinto at doon ko nakumpirma na hindi ako nanaginip.
Derechong nakatitig sa'kin ang mga mata niya. Hindi ako makahinga kaya pabagsak kong isinara ulit ang pinto. Nanghina ang mga tuhod ko kaya napasandal ako.
"Anong nangyari sayo?" nag-aalalang tanong ng bagong gising na si Celine.
"Celine...ano."
Halos hindi ko na marinig ang sarili ko dahil sa nabibingi ako sa lakas ng t***k ng puso ko.
"Ano? Bakit?" Lalong nakita sa mukha ni Celine ang pag-aalala.
"Nasa..l-labas.. s-siya," nauutal na sabi ko.
"Sino? Tabi nga jan." Lalapit na sana sa'kin si Celine para buksan ang pinto.
"Si Sage."
Nanlaki ang mga mata niya.
"Are you kidding me?" Maging siya ay hindi makapaniwala.
Nagmadali akong tumakbo sa loob ng kwarto ko.
Shit! Bakit umiiyak ako? Bakit ang sakit sakit pa rin?
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nagkulong sa kwarto ko. Nakailang katok na rin sa akin si Celine para kumustahin ako pero nagkunwari na lang akong tulog.
Naisipan kong ayusin ang sarili ko.
"Nanjan pa rin siya," bungad sa akin ni Celine. Nilampasan ko lang siya tsaka dumerecho sa c.r. para maligo.
Habang nagsusuklay ako at nakaharap sa salamin ay binuo kong mabuti ang desisyon ko na haharapin ko si Sage. Sinadya niyang pumunta dito sa apartment ko at alam kong hindi siya titigil hangga't hindi ako nakakausap.
Nag-ayos ako ng mabuti. Gusto kong isampal sa kanya na I'm better off without him.
"Vera, sigurado ka ba dito?" tanong ni Celine. Nakaupo ako ngayon sa sofa at inutusan ko siyang papasukin niya si Sage.
Nginitian ko siya. "Very sure."
Nag-aalangan pa siyang tumayo tsaka binuksan ang pinto.
"Pasok ka daw, Sage."
Rinig ko pang sabi ni Celine.
Umupo si Sage sa harap ko. Pinilit ko siyang tignan para ipakita na wala na siya para sa'kin, na nakamove on na 'ko.
"Vera..."
Tinatagan ko ang loob ko. Marinig pa lang ang boses niya ay parang sinasaksak na ako sa sakit.
"Vera, I'm so sorry!" Sinubukan niya akong abutin.
"Don't you dare touch me!" matigas na sabi ko.
"I'm sorry." Namumula ang mga mata ni Sage.
"What do you want from me, Sage?" Sinikap kong hindi mautal. Napakahirap para sa akin na banggitin ang pangalan niya.
"Vera, mahal pa din kita."
Natawa ako sa sinabi niya.
"Ano 'to, Sage? Pwede ba tigilan mo 'ko. Nagpunta ka dito para lang sabihin sa akin 'yan?"
"Oo, Vera! Nagpunta ako dito para sabihin 'yan dahil 'yan ang totoo. Vera, mahal na mahal pa din kita, sa loob ng tatlong taon...Vera, ikaw pa din."
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.
"E, gago ka din naman pala, Sage! Napakagago mo! Baka nakakalimutan mo na 3 years ago ay iniwan mo ako! You left me without any words! Tapos sasabihin mo ngayon na mahal mo pa ako? Gago ka! Bakit? Hindi ba natuloy ang kasal niyo ni Gaby kaya ka nanggugulo sa'kin ngayon, ha?" Napatayo ako dahil sa sobrang galit na naramdaman ko.
"Oo, Vera! Napakagago ko talaga dahil hindi ako nag-isip ng mga panahon na iyon, but I've regretted it and I don't have any plans to marry Gaby. It was just a show, Vera. Para kay Dad dahil iyon ang hiling niya at hindi pwedeng sumama ang loob niya pero nang makalabas kami sa ospital ay agad ko ring binawi kay Gaby iyon. Kasi kung hindi rin lang ikaw, Vera, hinding hindi ako magpapakasal. Please believe me. Forgive me, I f*****g regret it." Tumulo ang luha niya.
"At anong inaasahan mo, Sage? Na sabihin kong mahal pa rin kita? Sage, wala na 'kong natitirang pagmamahal para sayo!" Parang libo libong karayom ang tumutusok sa puso ko.
"No, Vera! I know you still love me. Alam kong ako pa rin."
Pumeke ako ng tawa.
"Huh! E, ang kapal naman pala talaga ng mukha mo, Sage! Wala kang mapapala sa'kin dahil hinding hindi na 'ko magpapaloko sa isang katulad mo. You don't deserve me, anyway!" Pinunasan ko ang mga luha ko.
"Vera, hear me please!" Sinubukan niya ulit akong abutin pero lumayo ako.
"You stay away from me, asshole! I almost gave up my dream for you at buti na lang hindi pa huli ang lahat, kasi you know why? You don't deserve it, you don't deserve my love! You don't deserve my sacrifices!" Pakiramdam ko ay mapapaos na 'ko sa pagsigaw at pag-iyak.
"Veranica, I was to blame. At pinagsisisihan ko iyon, Vera. I'm begging you....accept me again." Halos lumuhod na rin siya sa harap ko.
"Shut up, Sage! It's already too late. I will not going to accept you in my life, not again." Aalis na dapat ako pero niyakap niya ko mula sa likod.
"I know hindi pa huli ang lahat, Vera!" Nanginginig ang boses ni Sage
Nanghihina ako pero hindi dapat ako bumigay, not anymore.
"Bitawan mo 'ko!" Buong lakas kong tinanggal ang mga braso niya. "Nakakadiri, Sage! Ang makita ka pa lang ay nasusuka na 'ko kaya utang na loob, don't you dare touch me again. Now you can leave. Umalis ka na at ayoko nang makita ang pagmumukha mo!" Nakita ko pang lalapit si Celine pero sinenyasan ko siya na wag.
"Vera, I need you...mahal na mahal kita." Humagulhol si Sage.
Totoong nadudurog ang puso ko habang nakikita siyang ganito.
Isa lang ang napatunayan ko. Mahal ko pa rin siya kagaya ng dati...walang kupas.
But it's not about the love anymore mas nangingibabaw ang galit at hinanakit.
"Just like what you've said before, I don't care, Sage. I don't f*****g care!"
Mabilis akong pumasok sa kwarto at nilock ko ang pinto. Pagkasara ko pa lang ay napaupo na ako sa sahig.
Tangina! Ang sakit sakit pa rin. After all these years mahal ko pa rin siya. After all the pains heto ako at mahal na mahal ko pa rin siya and I hated myself for being this weak.
I hated my self for still loving him despite of what he did.
Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa pag-iyak. Ayoko mang lumabas dahil magang maga ang mga mata ko kaya lang ay nakaramdam ako ng uhaw.
Nagulat pa ako nang paglabas ko sa pinto ay derechong nakakatitig sa akin si Dark bakas ang pag-aalala sa mukha niya.
Nakita ko na magsasalita sana si Celine pero pinandilatan ko siya ng mata.
"I'm just not feeling well, Dark."
Agad naman siyang tumayo sa pagkakaupo at tsaka hinipo ang noo ko.
"Okay lang ako, Dark." Pilit ko siyang nginitian tsaka pumunta sa kusina.
Uminom ako pagkatapos ay bumalik na sa sala. Naabutan ko ulit si Dark na nakasandal at nakapikit.
"Dark, dapat ay dumerecho ka na sa bahay niyo kesa pumunta ka pa dito. You look so tired." Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya.
"I want this, Vera. I want to check on you everyday. Come here." Kita sa mga mata niya ang pagod.
Tinapik niya ang pwesto sa tabi niya at sumesenyas na umupo ako doon.
Pag-upo ko ay agad niyang ipinulupot ang braso niya sa bewang ko.
"I missed you, Vera." Inamoy niya pa ang buhok ko. "Sana ay bumuti na ang pakiramdam mo. I want to date you," dagdag niya pa. Malungkot akong ngumiti.
Sana ay pwede na lang basta basta idivert ang pagmamahal, no? 'Yong tipong lahat ng pagmamahal ko para kaya Sage ay malipat lahat para kay Dark.
Sana ay natuturuan ang puso nang sa gayon ay mapawi lahat ng sakit.
"Kelan mo ba 'ko sasagutin?"
Natunganga ako sa tanong niya. Tanong na hindi ko alam kung paano sasagutin.
Pero naniniwala ako na may pag-asa. Na makakaahon din ako sa pagkakalunod mula sa pagmamahal ko kay Sage at umaasa akong si Dark ang sasagip sa'kin.
"Napepressure ba kita? Don't worry, Vera, I can wait, I will wait." Hinalikan niya pa ang ulo ko.
Nang makauwi na si Dark ay dumerecho na rin ako sa kwarto ko para matulog. Wala akong gana kumain. Nag-aalala pa 'kong tinignan ni Celine at tanging pilit na ngiti lang ang ipinakita ko sa kanya.
"Vera! Vera!"
Nagising ako sa malakas na pagkatok ni Celine.
Agad naman akong bumangon.
"Bakit?" inaantok na tanong ko.
"Si Sage nasa labas nanaman."
Napabuntong hininga ako.
"Hayaan mo siya." Sinarado ko uli ang pinto.
Dalawang araw na ang nakakalipas mula nang unang punta ni Sage dito at simula noon ay araw-araw na siyang nasa labas kaya ako heto at nagkukulong lang sa kwarto. Tatlong araw naman si Dark na wala dahil sa may business trip siya sa U.K.
"Vera, nagbubugbugan kasi sila ni Liam!"
Rinig ko ang pagkataranta sa boses ni Celine kaya dali-dali akong lumabas ng kwarto.
At sa labas ay naabutan ko ang duguan na si Sage. Agad kong hinila palayo si Liam.
"Liam, stop it!" Tinignan ko si Sage na nakahandusay sa semento at derecho siyang nakatingin sa akin. Nabuhayan ang mga mata niya nang makita ako.
"Ano, Sage? Lumaban ka dahil hindi ako naaawa sa'yo! Lumaban ka!" Galit na galit si Liam.
Umiling lang si Sage.
Gago! Bakit hindi siya lumaban? Hahayaan niya na lang ba na patayin siya ni Liam?
"Hindi ako mag-aaksaya ng lakas para sa'yo. Hindi ikaw ang pinunta ko dito." Tumingin sa'kin si Sage. Nag-iwas ako ng tingin.
Inaamin ko na sobrang galit ako sa kanya pero nasasaktan akong makita siyang duguan at nasasaktan.
"Vera," sabi ni Sage na halos pabulong.
"Halika na, Liam. Gagamutin ko ang sugat sa kamay mo." Hinila ko si Liam. At bago ko isara ang pinto ay nahagip ng paningin ko si Sage na ngumiti sa akin.
At lalong nadurog ang puso ko.
No! Matigas ako. Matigas na ang puso ko para sa'yo, Sage.
Pumunta ko sa kusina para kunin ang first aid kit.
"Vera, si Sage ba hindi mo gagamutin?" Sumunod pala sa akin si Celine.
"At bakit ko naman gagawin 'yon?" Kinuha ko ang first aid sa cabinet. "He deserves it," dagdag ko pa.
Pero ang totoo ay nag-aalala ako para sa kanya at nagagalit ako sa sarili ko kasi hindi na dapat.
"Liam, dapat ay hindi mo na siya pinatulan," inis na sabi ko habang ginagamot ang mga sugat niya.
"Nababagay lang sa kanya iyon, Vera, dahil sa p*******t niya sa'yo!" galit na sabi ni Liam.
"Kahit na, sana ay hindi mo na binugbog 'yong tao!" Naramdaman ko ang pagtaas ng boses ko.
"Bakit nagagalit ka, Vera?" inis na tanong sa'kin ni Liam at hinawi ang kamay ko.
"Kasi labas ka na sa kung anong nangyari sa amin. Hindi mo kailangan manghimasok." Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko.
"What? Then fine! Bahala ka sa buhay mo. Sige magpaloko ka ulit sa Sage na iyon!" galit na sabi ni Liam tsaka umalis.
Pagkabukas niya ng pinto ay nahagip ng mga mata ko si Sage na nakasandal sa pader at nakangiwi. Tumutulo ang dugo mula sa mukha niya.
Pero nang makita niya ako ay ngumiti siya. Nag-iwas ako ng tingin.
I really can't believe na hindi man lang siya lumaban
"Celine."
Agad na lumingon sa'kin si Celine.
"Bakit, Vera?" tanong niya.
"Papasukin mo si Sage. Gamutin mo. Nakakaawa siya." Ngumiti naman sa'kin si Celine. Nagmadali akong pumasok sa loob ng kwarto ko.
I just realized na kahit gaano kasakit 'yong ginawa ng taong mahal mo sa'yo ay hindi mo pa rin kaya na makita siyang nasasaktan kasi nagiging doble 'yong sakit na mararamdaman mo. That's how unfair the love is.
Hindi ba pwedeng katulad na lang ng games sa cellphone na kapag ayaw mo na at gusto mo na tapusin ay may quit button?
Ang pakiramdam ko ngayon ay para akong puzzle na sinusubukang mabuo pero may mga pirasong nawawala. At kahit na alam kong may mga pirasong nawawala ay para pa rin akong tanga na pinipilit na mabuo ang puzzle.
I just wish that someday, I will be able to find the missing piece.