"Tulala ka nanaman jan sa laptop mo, Vera!" Nagulat ako kay Celine. "May hinihintay ka bang tawag?" tanong niya.
"Tawag? Hinihintay? Wala wala!" Isinara ko naman ang laptop ko.
"Tatlong araw ka ng weird, Vera."
"Hindi naman, Celine," depensa ko.
At tatlong araw na ang lumipas mula nang tumawag daw sa akin si Sage sabi ni Dark.
At tama nga ang hinala ko na si Sage rin ang nag message sa'kin ng 'I miss you.'
Ano naman ang kailangan niya sa'kin? At may lakas pa talaga siya ng loob na tumawag sa akin. The nerve of that man.
"Mag-asikaso ka na, Vera!" sigaw pa ni Celine mula sa kwarto niya.
Masyadong busy ang araw na ito. May nakaschedule ako na photoshoot at first time kong magiging cover ng isang magazine. Sa tagal ng naging training ko ay finally nagkaroon na ako ng break. And take note, it is for Vogue!
Pagkatapos naman ng photoshoot ay babalik ulit ako sa apartment para makapag-ayos dahil may isang Elites Party na kung saan sponsor ang agency ko kaya invited din kami.
Nandito na kami ngayon ni Celine sa studio at inaayusan niya na ako para sa photoshoot nang may kumalabit sa'kin.
"Ms. Nica Angeles, someone send this for you." Nginitian ko ang guard na nag-abot sa'kin ng bouquet.
Good Luck on your photoshoot and Congratulations, Miss Cover Girl! Always proud of u- D
Napangiti naman ako.
"Ang taray talaga niyang si Dark, Vera. Sagutin mo na kasi!" kinikilig pa na sabi ni Celine.
"Nagmamadali lang, Cel?"
"Ikaw bahala ka. Kapag nawala pa 'yan sa'yo."
"Kung totoong mahal niya 'ko hindi siya mawawala at lalong hindi siya mang-iiwan."
Nakita ko naman sa reflection ng salamin na nagletter o ang bibig ni Celine at tila may gustong ipahiwatig.
Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Ano nanaman?"
Nagkibit balikat lang siya.
Naging maganda ang flow ng photoshoot at dahil sa lalo akong nahasa sa pagmomodel dito sa London ay naging madali na lang sa akin ang mga ganito.
"Very good, Ms. Nica! Next clothes." Ngumiti naman ako sa Australian na photographer tsaka dali daling pumunta kay Celine para magpalit ng damit.
"Ang galing galing mo, Vera! I'm sure after this photoshoot sunod-sunod na magazine na ang icocover mo," sabi ni Celine sabay palakpak. Nginitian ko naman siya.
Sexy and confident ang theme para sa huling shoot ko at ang ipinasuot lang sa'kin ay isang itim na underwear at oversized white shirt. Medyo wet look din ang dating ko.
"You're so sexy, Nica! Now give me the confidence," sabi ng photographer. Agad naman ako nagpose.
"You're doing it great. I love it!" sabi niya pa ulit pagkatapos kong ilagay ang index finger ko sa labi.
Habang nasa ganoong pose ako ay nahagip ko ang isang lalaking. Nakasandal siya sa pader habang nakapamulsa ang dalawang kamay.
Matalim na nakatitig sa akinsi Dark.
"Last pose, Nica!" Ngayon naman ay hinawakan ko ang laylayan ng oversized shirt gamit ang dalawang kamay ko tsaka nagfierce sa camera.
Ramdam ko naman ang matatalim na titig ni Dark kahit na hindi ako tumingin sa kanya.
"Okay! Very Good, Nica!" masayang sabi ng photographer.
Marami pa ang bumati at pumuri sa akin. Inabutan ako ng towel ni Celine.
"Nakalimutan ko na atang babae ako dahil sa'yo." Natawa naman ako kay Celine.
Pumasok na ko sa dressing room para magbihis.
"Kung nakakapatay lang ang tingin, Vera, kanina ka pa pinaglalamayan," sabi ni Celine sabay halakhak nang pumasok siya sa dressing room.
"Bakit?" tanong ko.
"Nanjan si Dark with his dark aura." Humalakhak lalo si Celine. Napailing na lang ako.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na 'ko at pinuntahan ang mukhang badtrip na si Dark.
"Hey!" bati ko.
Tinaasan niya lang ako ng kilay.
"What?" tanong ko.
"Hindi mo man lang sinabi na magpapanty ka lang sa photoshoot mo," inis na sabi niya.
Kinuha niya ang bag na dala ko tsaka tinalikuran ako.
Hindi na ako nakapagpaalam sa naiwan na si Celine dahil nagmadali akong sundan ang naghihimutok na si Dark.
"Hey!"
Seryoso lang siyang nagmamaneho.
Iritable naman siyang tumingin sa'kin.
"What?"
Natawa naman ako.
"What so funny, Veranica? Alam kong sexy ka pero kailangan pa bang ipangalandakan iyon?" Ngayon ay mukha na siyang sasabog sa inis.
"E, kasi naman sexy and confident ang theme ng magazine."
"Whatever." Hindi na siya nag-abalang tumingin sa'kin.
Hindi niya na ako pinansin hanggang sa maihatid niya ako sa bahay. Kinausap niya lang ako para sabihing siya na ang susundo sa amin mamaya ni Celine papunta sa party.
Maaga pa dahil maagang natapos ang shoot kesa sa inaasahan ko at naisipan ko munang umidlip.
"Gising na, Vera!" Pakiramdam ko ay kapipikit pa lang ng mga mata ko ay heto at nambubulabog na agad si Celine.
"Dali! Dala ko na ang gown mo," excited na sabi niya.
Kahit inaantok pa ay wala na akong nagawa kung hindi bumangon.
"Open it," sabi ni Celine.
"Kunwaring excited ka pero ang totoo ay nakita mo na ang gown ko." Natawa naman si Celine.
Kinuha lang ang sukat ko at ang agency na daw ang bahala sa gown ko kaya wala akong idea tungkol sa itsura nito.
Bumungad sa akin ang isang itim na long-sleeved V-neck embroidered mermaid gown.
"Ang ganda!" namamanghang sabi ko.
"Ang ganda talaga! Bagay na bagay sa'yo 'yan, Vera." Malawak ang ngiti na sabi ni Celine.
"Patingin nga ng gown mo, Cel." Tumango naman siya tsaka pumunta sa kwarto niya para kunin ang isang malaking puting box.
"O, ayan." Ipinatong niya ang box sa mini table.
Pagkabukas ko ay parang kumurot ang puso ko.
Kumikinang na silver tube gown ang bumungad sakin.
Kakulay ng gown ko noong Masquerade ball. Agad ko namang isinara ang box.
Dahil sa lecheng gown ay inaatake nanaman ako ng mga libo-libong ala-ala.
"Pangit ba?" malungkot na tanong ni Celine.
"Hindi ah! Ang ganda nga, e! pagdedepensa ko dahil ayokong isipin niya na napangitan ako sa gown niya kaya nag-iba ang mood ko.
"But you look so disappointed," malungot na sabi niya.
"Hindi pangit, Celine. Ano kasi...kamukha lang kasi ng gown na ginamit ko sa Masquerade Ball ng St. Celestine." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
"Okay. I get it."
Ngayon paano ko pa siya mapapaniwala na nakaget over na ako kay Sage?
Hindi ko masyadong pinakapalan kay Celine ang make up ko at simpleng high ponytail lang ang ginawa sa hanggang bewang kong buhok.
"Kahit napakasimple ng ayos sa'yo, Vera, paniguradong stand out pa rin ang beauty mo doon," sabi ni Celine habang nilalagyan ng lipstick ang sariling labi.
Napunta ang atensyon namin sa pinto nang may kumatok.
Nakatayo si Dark na nakasuot ng itim na tux. Medyo magulo ang buhok niya na halatang sinadya.
Mukha siyang leading man sa isang movie na ang role ay isang bad boy.
"Ang gwapo," bulong pa ni Celine.
Nang makarating ako sa may pinto ay agad ipinulupot ni Dark ang braso niya sa bewang ko.
"You're so beautiful, Vera!"
Napangiti naman ako.
Inalalayan niya ako hanggang sa makapasok sa kotse niya.
Pagdating sa venue ay sobrang daming tao na agad.
Sa bonggang red carpet ay kailangan mo pang huminto para sa picture taking.
Mukha namang enjoy na enjoy din itong si Dark sa pagpapakuha ng litrato.
Marami rin ang mga paparazzi na kumukuha ng litrato sa amin ni Dark. Ang lakas maka'hollywood star.
"Nica, what a beautiful lady you are!" Bumeso pa sa akin ang CEO ng agency namin.
"And you look so wonderful tonight, Ma'am!" Humagikhik pa si Ma'am Liberty.
Maraming bumati sa'kin at bumebeso. 'Yong iba ay hindi ko kilala at binubulungan na lang ako ni Celine na mga shareholders sila ng agency.
"Hey, Dark!" May bumati kay Dark na lalaki. Agad naman silang nagfist bomb.
"Hey, Walker! This is Vera and Vera this is Walker, my football team mate."
Ngumiti naman ako at tinanggap ang nakalahad na kamay ni Walker.
"I really admire your taste when it comes to woman."
"Well, you know me." Kumindat pa sa'kin si Dark pagkatapos ay nagtawanan sila. Natatawa na lang akong umiling.
Marami pang mga kakilala na binati si Dark tsaka kami nakaupo sa spot namin.
"Sazy!" Agad ko namang niyakap si Sazy.
"Ang ganda mo, Vera. Nakakawala ng self- esteem." Tumawa pa siya.
"Ang ganda ganda mo rin kaya, Sazy!"
Ngumuso naman siya. "But not pretty as you."
"Ewan ko sayo."
Nagsimula na ang program. Punong puno ng mga bigatin at naglalakihang tao ang hall.
Marami ring mga Hollywood celebrities ang nandito.
Pinasalamatan muna isa-isa ang mga sponsors.
Sobrang haba naman ng paikot na buffet table pero meron pa rin namang mga nagseserve.
Pasimple pa 'kong pinaalalahanan ni Celine na hinay-hinay lang sa pagkain at sinadya niya talagang may kausap si Dark bago niya ako pagsabihan.
Mas pinili ko na tumayo para makapili sa buffet table ng mga pagkain. Inalalayan naman ako ni Dark.
"What do you want, Vera?" tanong niya tsaka inagaw ang dala kong plato.
"Kaya ko na 'yan, Dark," sabi ko tsaka pilit na binabawi 'yong plato.
"No. Dapat nga ay nakaupo ka lang doon." Itinuro niya ang pwesto namin. "Dapat pinagsisilbihan ka. Iyon ang bagay saiyo." Ngumisi pa sa akin si Dark. Uminit naman ang pisngi ko.
"Wala bang kanin? Namimiss ko na ang pagkaing pinoy," nagmamaktol na sabi ni Celine. Natawa na lang kami sa kanya.
Pagkatapos kumain ay nagpaalam muna si Dark na may lalapitan lang siyang table na kung saan nandoon ang mga kaibigan niya.
"Restroom lan," pagpapaalam ko kina Celine.
Medyo matagal rin bago ko narating ang restroom dahil nasa pinakadulo pa ito ng hall.
Nagreretouch ako nang may marinig akong pamilyar na boses pero imposible naman.
Pagkalabas ko ng restroom ay namilog ang mga mata ko nang magtama ang mga mata namin ng lalaking may kausap sa cellphone.
"Brixel?"
Hindi ako makapaniwala.
Hindi agad siya nakapagsalita.
"Vera?"
Binaba niya ang phone niya.
"Vera? Ikaw ba 'yan?" tanong niya pa.
"Oo, ako nga!" masayang sabi ko.
"Nandito ka sa London?" Hindi pa rin siya makapaniwala.
"Oo, nandito nga ako sa harapan mo diba?" Natawa pa ako.
"What? Pero ang sabi nila Kim ay nasa Spain ka ngayon."
"Spain? Well they fooled you kasi alam naman nilang nandito ako sa London."
Napakamot pa siya sa ulo niya.
Natawa naman ako.
"Hayaan mo na baka napagtripan kayo. Alam niyo naman sila Ate Kim."
Sumilay ang inis sa mukha niya.
"Hindi dapat sila nantitrip sa ganitong sitwasyon. It's like a life and death situation."
Nangunot ang noo ko. "Bakit?"
Mabilis naman siyang umiling.
"Wala, wala. How are you? Mas lalo kang gumanda, Vera."
Naisipan nanaming bumalik sa loob.
"Okay lang ako. Kayo kumusta? Bakit ka nga pala nandito?"
"Business matter. Pinapunta ako ng parents ko dahil nandito ang halos lahat ng mga malalaking tao sa business." Napatango naman ako.
Isinama ko pa siya sa table namin. Nagulat pa si Celine nang makita siya. Tanging tanguan lang ang ginawa nila ni Liam. Habang si Dark ay hindi pa rin bumabalik.
Nagpaalam muna sa'kin si Brixel dahil may kakausapin pa siyang mga investors. Hiningi niya pa ang address ko para daw mapuntahan niya 'ko dahil tatlong araw siya dito sa London.
"Sorry, natagalan, worried na sabi ni Dark.
"Okay lang," sabi ko sabay ngiti.
Biglang tumugtog ang isang love song.
"Can I have this dance?" Inilahad niya pa ang kamay niya sa akin.
"Of course!"
Pinaulanan pa kami nila Sazy ng panunukso.
Nang nasa dance floor na kami ay inilagay ni Dark ang braso niya sa bewang ko. Hinila niya pa 'ko palapit sa kanya.
"Wrap your arms around my neck, Vera," malambing na sabi ni Dark. Bumilis naman ang t***k ng puso ko. At dahan-dahan na sinunod ang sinabi niya.
"Much better." Ngumisi siya.
Nahagip naman ng mga mata ko si Brixel. Nasa tapat pala kami ng table niya. Nginitian ko siya pero iling lang ang ginawa niya pagkatapos ay ibinuka niya ang bibig niya tsaka may sinabi sa'kin.
Hindi ko naman mabasa ng malinaw ang ibinubuka ng bibig niya.
Kill
Iyan lang ang naintindihan ko.
Kumunot pa ang noo ko kay Brixel. Paulit-ulit naman siya sa sinasabi niya and when I finally understand kung anong gusto niyang iparating ay nakaramdam ako ng panlalamig.
"Are you okay?" tanong ni Dark. Hindi ko na rin namalayan na tumigil na pala ako sa pagsasayaw at nakabitaw na sa pagkakapulupot ng braso ko sa leeg niya.
Naging malinaw sakin ang gustong iparating ni Brixel.
He will kill for sure
At alam na alam ko kung sinong tinutukoy niya at ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nagwawala ang puso ko.
Damn it!