Dalawang buwan na ang nakakalipas simula noong sabihin ni Dark na liligawan niya ako. Kahit ayoko at sinubukan kong umiwas walang nangyari because Dark is very consistent.
Araw-araw akong nakakatanggap ng bouquet of red roses and love notes.
Lagi din siyang nag-aabang sa labas ng apartment ko para ihatid ako at kapag hapon naman ay naghihintay siya sa labas ng Imperial College para ihatid ako sa bahay.
"Hey, Vera, I have something for you." Malawak ang ngisi ng kararating lang na si Dark.
"Cheesecake?" Parang kumislap naman ang mga mata ko nang ibigay niya sa'kin ang box ng cheesecake.
"Lagot ka nanaman kay Celine," sabi ko sabay halakhak.
"Bakit isusumbong mo ba 'ko?" tanong niya habang nakangisi. Umiling naman ako.
Pagdating sa ganitong bagay ay parehong-pareho sila ni Sage. Kahit na alam nilang masisira ang diet ko ay wala silang pakialam. Ang gusto nila ay makain ko ang gusto ko.
Stop thinking about him, Veranica!
Hinila pa 'ko ni Dark tsaka hinalikan sa ulo.
"Namiss kita," aniya.
Tumunog ang laptop ko dahil sa incoming video call ni Ate Kim kaya lumayo ako kay Dark
"Hey!" bungad ko kay Ate Kim.
"Hi, Vera!" Maya-maya lang ay nasa likuran niya na sina Kyril.
"Kumusta, Vera? Uuwi ka talaga sa pasko?" Malaki ang ngiti ni Andrea.
Noong nakaraang buwan kasi nabanggit ko na pinayagan akong umuwi ng agency sa pasko.
"I'm not so...sure." Nagulat ako nang mula sa likod ng sofa ay idinikit ni Dark ang mukha niya sa gilid ng mukha ko.
Kita ko naman ang pagkabigla sa mukha nila Kyril.
"Dark Montreal?" Nanlaki ang mga mata ni Kyril.
Wala pa kasi akong nababanggit sa kanila tungkol kay Dark.
Ngumisi lang si Dark tsaka umalis.
"Babalik ako mamaya, Vera." Kumindat pa siya tsaka umalis.
Bigla namang nagtititili si Kyril.
"Sobrang gwapo niya lalo!"
"Anong ibig sabihin nito, Vera? Noong nakaraan si Liam tapos ngayon si Dark?" Kunot na kunot ang noo ni Ate Kim.
Natawa ako. "'Diba nasabi ko na sainyo na pinagtripan lang kayo ni Liam."
"And how about Dark?" tanong ni Kyril.
"Hindi ko pala nakabanggit sainyo. We met 2 months ago sa isang concert."
"Then?" Nakataas ang isang kilay ni Bri.
"Ano...," nag-aalangang sabi ko.
"Kayo na?"
Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Kyril.
"Hindi pa."
Nakita ko ang paglipad ng kamay ni Andrea sa bibig niya at paglaki ng mata ni Ate Kim, Bri at Kyril.
"So nililigawan ka niya?" tanong ni Andrea.
Unti-unti naman akong tumango.
"Oh, My Gosh!" Nagtatalon pa si Kyril at kilig na kilig.
Natigil lang siya nang kurutin siya ni Briana.
"Bakit ba, Bri? E, si S-" Naputol ang sinasabi niya nang takpan ni Ate Kim ang bibig niya.
Kumunot ang noo ko.
"Pasensya ka na, Vera, alam naman namin na ayaw mong binabanggit namin si S," sabi ni Ate Kim.
"No, it's okay. Wala na sakin iyon. It's been three years, girls." Pumeke ako ng ngiti at sana ay hindi nila napansin iyon.
"Sabi ko sa inyo nakamove on na 'yan." Umirap pa si Kyril kina Bri.
"So nakamove on ka na talaga?" tanong ni Andrea.
"Yup!" sagot ko.
Para namang disappointed 'yong tatlo habang si Kyril malaki ang ngisi.
"I won! Akin na ang mga pera niyo." Humagalpak pa siya sa tawa.
Kumunot ang noo ko.
"May pustahan kasi kami, Vera. Tig-iisang libo at ako lang ang pumusta na nakamove on ka na." Sinaway naman ni Ate Kim si Kyril.
"Kayo talaga."
Nagpeace sign pa sila.
"So you like Dark?"
Napaubo naman ako sa derechong tanong ni Bri.
"Sino bang hindi magugustuhan si Dark, Bri? Hindi mo ba nakita, he looks like a freaking Greek God."
"You shut up, Kyril! Hindi naman ikaw ang kausap." Umirap pa si Andrea.
"Anong problema niyo?" naguguluhang tanong ko.
Napakamot pa sa ulo si Ate Kim.
"Wala ka nang feelings para kay...Sage?"
Nagwala naman ang puso ko.
Ang marinig palang ang pangalan niya ay halos hindi na ako makahinga.
Siguro ay dahil sa galit.
"Bakit hindi ka makasagot?"
"Wala..na" Pinilit kong hindi mautal.
"Paano kapag bumalik siya? Tatanggapin mo?" tanong naman ni Bri.
"Ha? a..ano bakit..ko naman tatanggapin? Tsaka imposibleng bumalik pa iyon."
Ngumisi ng nakakaloko ang tatlo habang si Kyril ay sumimangot.
"You're still the same Vera when it comes to Sage," sabi ni Andrea sabay ngisi.
"Anong sinasabi niyo jan?" Lalong lumaki ang ngisi ng tatlo.
"Indenial Queen." Humalakhak pa si Bri.
"Ewan ko sainyo! Sige na, tatawag na lang ulit ako." Pinatay ko na agad ang tawag.
Ang mga baliw na 'yon. Kaibigan ko ba talaga sila?
Dumerecho ako sa kusina para uminom ng tubig. Pakiramdam ko ay sobrang nanuyo ang lalamunan ko sa usapan naming lima kanina.
Kanina ay naisipan kong matulog pero hindi ko inasahan na aabot sa tatlong oras ang tulog ko at ngayon ay alas syete na ng gabi.
Humihikab 'pa ko habang kumukuha ng tubig sa fridge.
"Galing pala dito si Dark kanina kaso tulog ka," sabi ni Celine na kakapasok lang ng kitchen.
"Bakit 'di mo ko ginising?"
"Sabi niya wag na daw tsaka kinain ko na nga pala yang cheesecake," sabi niya sabay ngisi.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Akin iyon, Celine!"
Dumila lang siya tsaka umalis.
Chineck ko ang ref pero wala na talaga ang cheesecake. Ang takaw talaga kahit kailan.
Tumabi ako sa kanya sa sofa.
"Wag ka na ngumuso, Vera, alam mo namang hindi ka dapat nagkakakain ng mga sweets. Baka nakakalimutan mo yung figure mo ang puhunan mo," pagsesermon pa ni Celine.
"Lagot talaga sa'kin 'yan si Dark." dagdag niya pa.
Hindi ko na lang siya pinansin at itinuon ang mata ko sa t.v.
"Speaking of Dark, Vera, ano nainlove ka na ba ulit? Inlove ka na ba sa kanya?"
Napalingon ako sa tanong niya. Napatunganga ako at hindi ko alam ang isasagot.
"Don't tell me si Sage pa rin?" inis na tanong niya.
"Of course not!" depensa ko.
"O, anong humahadlang sa'yo para sagutin si Dark?" Pinagkrus niya pa ang mga braso niya.
"2 months pa lang naman siyang nanliligaw, Cel, pero kung magreact ka jan akala mo naman 2 years na."
"Wow, Vera? Alam natin na sapat na ang 2 months sa panahon ngayon. Bakit si Sage diba wala pang 24hours na niligawan ka?"
Napalunok ako.
"Can you just please stop talking about him?" inis na sabi ko.
"Kasi mahal mo pa?"
"Hindi nga sabi. Naiirita ako kapag naririnig ko ang pangalan niya. Alam mong wala nang pagmamahal Celine. It's pure anger and hatred," sabi ko tsaka tumayo na.
"Go ahead, paniwalaan mo ang kasinungalingan na 'yan."
Inirapan ko na lang siya tsaka bumalik na sa kwarto.
Mabilis na dumaan ang mga araw. Noong mga nakaraang araw ay naging busy kami ni Celine dahil sa mga naging photoshoot ko.
Si Dark naman ay patuloy pa rin sa paghahatid at sundo sa akin. At kapag tapos ng trabaho niya ay sa apartment siya dumederecho.
Nagising ako na may love note at bouquet ng red roses sa side table ko.
Kelan mo ba 'ko sasagutin? See u later - D
Napangiti naman ako.
Naisipan kong maligo at mag-asikaso na. Mamaya kasi ay pupunta kami sa Tower of London kasama sina Celine, Sazy at Liam.
Nakakahiya nga kay Dark dahil siya ang bumili ng ticket namin ni Celine at medyo may kamahalan.
"Akala ko excited na 'ko mas excited ka pa pala," sabi ni Celine sabay halakhak. Pagkatapos ko kasing maligo ay kagigising niya pa lang.
Sinundo kami ni Dark. Doon na lang kami magkikita nila Sazy.
Nang makarating kami sa harap ng Tower of London ay agad akong bumaba sa kotse ni Dark.
First time ko dito dahil nga sa may kamahalan ang ticket. Nagulat ako nang hilahin ni Dark ang braso ko.
"You forgot your gloves. It's too cold, Vera. Maninigas ang kamay mo." Naramdaman ko naman na uminit ang pisngi ko habang isinusuot ni Dark ang gloves niya sa kamay ko.
"Let's go!" ani Dark tsaka naglakad habang hawak-hawak ang kamay ko.
Narinig ko pa ang impit na tili ni Celine.
"Nica!" Sinalubong ako ng yakap ni Sazy. Pinisil naman ni Liam ang ilong ko pagkatapos ay naghigh five sila ni Dark.
"Hi, Ate Celine!" bati ni Sazy kay Celine. Binati naman siya pabalik ni Celine.
Nang nasa loob na kami ay panay ang tawa ko kay Celine. Dahil habang nasa tour kami sa loob ay panay ang video niya at paulit-ulit na sinasabi niya na third wheel siya hindi lang ng isang couple kung hindi dalawang couple.
Paulit ulit ko naman na sinasabi na hindi naman kami couple ni Dark.
"Doon din tayo papunta."
Paulit-ulit rin na sagot ni Dark na nauuwi sa panunukso nila Sazy.
"Grabe! Ang ganda talaga sa loob. Thank you so much, Dark, for the free ticket," masayang sabi ni Celine. Ngiti lang ang isinagot ni Dark.
Tumigil ang sasakyan niya sa harap ng isang mamahaling restaurant.
"Let's eat first before going home. Nasa loob na rin sila Sazy."
Nagkatinginan naman kami ni Celine.
"Dark, masyadong mahal jan," nahihiyang sabi ko.
"Oo nga naman, Dark. Pwedeng sa apartment na lang tapos magluluto ako." Halata rin ang pagkahiya ni Celine.
"Mag-aabala ka pa, Celine. Let's go."
Naunang lumabas si Dark pagkatapos ay pinagbuksan ako ng pinto.
Habang papasok kami sa loob ng restaurant ay hawak-hawak ni Dark ang kamay ko.
Pagpasok pa lang ng restaurant ay naglalakihang chandeliers na ang sasalubong sa mga mata mo. Mayroon ding red carpet na may mga sabog-sabog na rose petals.
"Ang ganda dito," bulong sa'kin ni Celine. Tumango naman ako.
Natanaw namin si Sazy na kumakaway kaya dumerecho na kami sa kanila.
"Hinay-hinay sa pagkain," pasimpleng saway ni Celine sa'kin dahil kanina ko pa nilalantakan ang mga desserts.
"Let her have a cheat day for today, Celine," sabi ni Dark. Walang nagawa si Celine kung hindi ngumiti at tumango kay Dark.
Napangiti naman ako. Inirapan ako ni Celine.
Nang makauwi kami ay nagpalit lang ako ng damit tsaka natulog. Gustuhin ko mang maligo ay napakalamig at sira pa ang heater namin.
Tulad ng eksena tuwing umaga sa loob ng dalawang buwan paglabas ko ay nandoon na ang itim na kotse ni Dark para ihatid ako sa school. Wala akong pasok ngayon at may isasubmit lang ako sa isa kong prof.
Nakasabit sa braso niya ang kulay itim na coat at nakabukas ang butones sa may dibdib ng kulay puting long sleeve niya.
Nag-iwas ako ng tingin.
Narinig ko ang munting halakhak niya.
"Hay, Veranica Angeles!" Ngumisi pa siya habang pinagbubuksan ako ng pinto.
Mabilis ang naging byahe namin at mukhang nagmamadali rin si Dark.
Nagpasalamat lang ako pagkatapos ay pinaharurot na niya ang kotse niya.
Hindi rin ako nagtagal sa school dahil wala naman si Sazy. Hindi daw kasi siya makakapunta dahil may importante siyang gagawin.
Pagdating ko sa apartment ay naabutan ko si Liam sa sala.
"Why are you here?" tanong ko kay Liam.
"Dumating lang si Dark sa buhay mo, ganyan ka na?" Pinagkrus niya pa ang dalawang braso niya. "Samantalang noon pa man ay lagi na akong nakatambay dito," dagdag niya pa.
Natawa naman ako. "Bawal na pala magtanong ngayon?"
Pumasok muna ko sa kwarto ko para magbihis.
Nagkwentuhan kami ni Liam ng kung anu-ano pagkatapos ay nagpaalam na rin siya sa'kin dahil may dinner date pa daw sila ni Sazy. Noong wala pa si Dark ay lagi akong isinasama nilang dalawa sa mga lakad nila pero ngayon ay hindi na. Maganda na din iyon para hindi ako makaistorbo sa kanila.
Wala pa si Celine dahil may meeting sila sa agency. Naisipan kong magluto para sa hapunan namin.
Napangiti naman ako nang makitang kumpleto ang ingredients na mga gagimitin ko.
"Ang bango naman niyan."
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot sa likuran ko si Dark.
"Aatakihin ako sa puso sayo, Dark!" Inirapan ko siya.
Pinagkrus niya ang braso niya sa harap ko. "Kung marunong kang maglock ng pinto hindi ka sana muntikang atakihin sa puso. Tss!" inis na sabi niya pagkatapos ay iniwan na ko sa kusina.
"Ang sungit naman!" sigaw ko pa.
Iniwan ko muna saglit ang niluluto ko at pinuntahan si Dark sa sala. Nakapikit siya at nakasandal sa sofa.
"Tired?" tanong ko pero nagulat ako nang hatakin niya ako dahilan para mapaupo ako sa hita niya.
"Hindi na ngayon."
Nanlaki ang mata ko tsaka mabilis na tumayo.
"Dark!" Pakiramdam ko ay kasing pula na ng kamatis ang mukha ko.
Tumawa lang siya habang nakapikit pa rin.
"Ewan ko sayo!" nahihiyang sabi ko tsaka bumalik sa kusina.
Pagkaluto ko ay inihanda ko na rin ang mesa. Tatawagin ko na si Dark nang madatnan ko siyang kunot noong nakatingin sa laptop ko.
"Bakit, Dark?"
Kunot noo niya akong nilingon.
"May nagvideo call sa'yo tapos sinagot ko."
"Sino?" Lumapit ako sa kanya para tignan ang laptop ko pero natigilan ako bigla.
"Si Sage Wainwright."
Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
"Sino?" Nabigla rin ako sa pagsigaw ko.
"Si Sage Wainwright," pag-uulit niya.
"Imposible." Naghuhuramentado ang puso ko.
"Posible, Vera. Kakatawag nga lang niya. Kaso pagkasagot ko ay pinatay din niya agad."
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Bakit naman kaya siya tatawag sa'yo?" Kitang kita ang pagtataka sa mukha ni Dark.
"E...ewan.. Di ko..alam," nauutal na sabi ko tsaka dumerecho sa c.r. para pakalmahin ang sarili ko.
Bakit nga naman niya ako tatawagan?