CHANCES 24

2093 Words
Isang linggo mula nang makatanggap ako ng message from unknown ay hindi ko na rin muna tinangkang buksan ang mga social media accounts ko. "Bakit ba kasi parang ikaw pa iyong takot na takot, Vera? Siya naman ang may kasalanan." Sumalampak sa tabi ko si Celine at inabutan ako ng chips. "Hindi naman sa natatakot. Paano kung siya nga iyon, diba? Nakakasira ng araw." "Alam mo masyado kang advance ni hindi ka nga sigurado kung siya ba talaga 'yon. Akin na 'yan tama na." Inagaw niya rin ang binigay niyang chips. "E, paano nga kung siya?" Sinamaan ako ng tingin ni Celine. "O, e bakit parang umaasa ka na siya nga?" Pinagkrus niya pa ang dalawang braso niya sa harap ko. "Of course not!" depensa ko. "Kung namimiss mo na ang mga kaibigan mo ito ang laptop mo. Puro ka isip kay Sage, e ikaw ba iniisip niya?" Umirap pa sa'kin si Celine bago umalis. Tama siya. Bakit nga ba parang takot na takot ako? "Hi, Vera!" energetic na bungad ni Bri. "Ang tagal mong hindi nag-online," sabi ni Kyril na halatang nagtatampo. "Sorry na, Ky. I'm so busy with acads and trainings." "Ang taray ng accent natin, ah?" Natawa naman ako sa sinabi ni Andrea. "Vera-" Hindi natapos ni Zander ang sinasabi niya dahil kitang kita ko ang gulat sa mga mukha nila. May biglang humalik sa ulo ko. "Liam?" Hindi makapaniwala si Ate Kim. "Hi!" bati sa kanila ni Liam. "Magkasama kayo? live in?" Nanlaki naman ang mata ko sa tanong ni Kyril. Humagalpak naman sa tawa si Liam. "Paano kung oo?" Umakbay pa siya sa'kin. Kasabay ng pagsiko ko kay Liam ay bigla ding namatay ang call. Sinubukan kong tumawag uli pero hindi na 'ko makaconnect. "Bakit mo sinabi 'yon?" inis na singhal ko kay Liam na hindi matigil-tigil sa pagtawa. "Nakita mo ba iyong reaction nila? That was so priceless." "Ewan ko sayo. Baliw!" Lalo lang siyang tumawa. "Hindi mo ba 'ko namiss?" "Namiss syempre!" sabi ko sabay nguso. "Then come here, give me a hug." Lumawak naman ang ngiti ko tsaka yumakap kay Liam. Galing kasi siyang New York at halos dalawang linggo din siya doon. Nagkita kami ni Liam last year sa National Gallery at napag-alaman ko na dito na rin siya mag-aaral. "Malapit na 'kong magselos!" Napalingon ako sa nakangusong si Sazy na kakapasok lang. "Babe naman!" sabi ni Liam sabay tawa. And yes, ako ay pambansang third wheel ng dalawa kong kaibigan. "Just kidding." Yumakap si Liam sa kanya. "Tara na, Nica." Kumunot ang noo ko. "Saan?" "Sa The Victoria and Albert Museum!" excited na sabi ni Sazy. Nang tumira ako dito sa London naging hobby ko na ang pagpunta sa mga museum. "Kayo na lang muna. Nakakapagod maging third wheel." Alam ko naman kasi na namiss rin nila ang isa't isa. "Hindi pwede, Nica!" ani Sazy. "Okay lang ako. Just take your time may meeting din kami sa agency mamaya," pagsisinungaling ko. "Sure ka na okay ka lang?" tanong ni Liam. "Oo nga. Alis na. Ayoko na kayong makita, ang sakit niyo sa mata." Tumawa naman ang dalawa tsaka nagpaalam nang umalis. Gusto ko sanang tumawag ulit kina Kyril kaya lang ay walang online sa kanila. "Ano naman kaya ang gagawin ko ngayon na wala si Celine? Ahhh!" Napakamot pa 'ko sa ulo tsaka ibinagsak ang sarili ko sa kama. It so damn boring. Sana pala ay sumama na lang ako kina Sazy pagkatapos ay humiwalay na lang ako pagdating sa museum. Naisipan kong tawagan si Celine para alamin kung nasaan siya. "Yes, Vera?" "Saan ka? I'm bored," sabi ko. "Bored? Nasaan ka ba?" "Apartment." "Nakalimutan mo? May ibinigay ako sa'yo na concert ticket? Ngayon na iyon." Nanlaki naman ang mga mata ko at nabuhayan ng dugo. "Okay! Okay, I love you, bye!" Napatalon ako sa kama para hanapin ang concert ticket ng isang British girl group at nagmadaling nagbihis. Sakto lang ang pagdating ko sa venue. Malawak ang ngiti ko sa labi kahit na hindi ako gaanong die hard fan ay maraming kanta nila ang alam ko dahil sa sikat na sikat sila dito. "Wohooooo!" Nakisali na din ako sa sigawan ng mga tao. At dahil VIP standing ang binigay na ticket ni Celine ay kitang-kita ko sila kaya lang ay masyadong magulo ang mga tao at dahil din sa kakasayaw ko ay naout of balance ako. "Are you okay?" May naglahad ng kamay sakin. Tinanggap ko naman. "Yes. Thank you." "Hi!" Ngumisi naman siya. Mukhang pamilyar ang isang ito at parang nakita ko na siya dati. "I'm Dark" Nanlaki ang mga mata ko. "Montreal?" Humalakhak siya. Sabi na nga ba kilala ko siya. Anak siya ng Gobernador ng Montreal at school mate ko siya noong elementary hanggang high school. What a small world! "You still remember me, huh." Lumabas ang mapaglarong ngisi sa labi niya. "Of course, 'cause you-" Pinutol niya ang sinasabi ko. "I'm your ex crush, right?" Nanlaki ang mga mata ko. "Dark!" Humalakhak lang siya tsaka sinuklay ang magulo niyang buhok. Halos wala siyang pinagbago. Ganoon pa rin ang mga mata niya na kung makatingin ay tagusan. Ang nakakalokong tawa niya at maging mga mapaglarong ngisi niya. "So kumusta ang pagtitig sa'kin, Veranica?" Sinamaan ko siya ng tingin. At nandoon pa rin ang pagiging over confident niya. Ang totoo ay hindi ko naman talaga siya crush. Si Kyril ang patay na patay sa kanya. May nakakita lang na classmate namin sa likod ng notebook ko na pangalan niya na kung saan ay si Kyril naman ang nagsulat pagkatapos ay kumalat na agad sa buong school. Nang matapos ang concert ay nagyaya si Dark na kumain. Iba iyong dating ni Dark. Kahit na madaldal naman siya ay nakakailang pa rin. "So how's life, Vera? Are you here for vacation?" I shook my head. "Three years na 'kong nakatira dito. How 'bout you? Long time no see." Pinipilit kong maging normal. Hindi ko nga alam kung bakit ako nagkakaganito. Tinitigan lang ako ni Dark. Nakaramdam naman ako ng kaba. "Vera, do you have a boyfriend?" Napalunok naman ako sa derechong tanong niya. Umiling ako. "Wala." "Good," sabi niya pagkatapos ay nagfocus na sa pagkain. Nagpumilit pa si Dark na ihatid ako sa apartment kaya wala na kong nagawa. Mabuti na lang at tanghali pa ang pasok ko ngayon kaya hindi ko kailangan gumising ng maaga. "Dark Montreal? 'Yong anak ni Gov?" Tumango ako. "Gosh! Sobrang gwapo ni Dark!" Kumunot ang noo ko. "Friend ko kasi siya sa f*******:. Nakikita ko iyong mga photos niya." Hindi mawala wala ang ngiti sa labi ni Celine. Nagulat kami nang may bumusina sa labas. "Baka si Liam at Sazy, dinaanan ako." Kinuha ko na ang bag ko tsaka lumabas. Nagulat ako nang may itim na Mercedes-Benz sa labas at may lalaking nakasandal doon habang nakakrus ang mga braso. "Dark?" Hindi ko inaasahang makita siya dito ngayon. "Hi!" Nagulat ako sa biglang pagdating ni Celine sa likuran ko. "What are you doing here?" tanong ko. "Picking you up?" sabi niya na tila hindi rin sigurado. "Iyon naman pala! Go!" Tinulak pa 'ko ni Celine kaya sinamaan ko siya ng tingin. Humagikhik lang siya. Pinagbuksan pa ako ni Dark ng pinto. "Paano mo nalaman ang oras ng pasok ko?" "I have my source." Kumindat pa siya. Tahimik lang kami sa byahe. Dark kinda reminds me of....Sage. I don't know. Feeling ko si Sage ang kasama ko. Meron certain aura si Dark na kagaya ng kay Sage. Natanaw ko si Sazy na kakababa lang ng kotse ni Liam. "Thank you for the ride, Dark," sabi ko at nagmadaling bumaba para maabutan si Sazy. "Sazy!" Napalingon si Sazy sa tawag ko pero biglang kumunot ang noo niya. "Kuya Dark?" Lumingon ako sa likod ko at nandoon si Dark na nakapamulsa at nakasandal sa kotse niya. "What are you doing...here?" Palipat-lipat ang mata ni Sazy sa akin at kay Dark. "Hinatid ko lang si Vera." Ngumisi lang si Dark tsaka pumasok sa sasakyan niya at umalis. "Oh, My God!" Sumilay ang mapaglarong ngiti ni Sazy. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "What the hell, Sazy! Bakit hindi mo sinabi na magpinsan kayo ni Dark?" sabi ko nang sabihin ni Sazy na pinsan niya pala si Dark "Aba malay ko bang magkakilala kayo." Hindi mawala wala ang ngisi niya. "Edi pinsan mo din si Stephen Montreal? At bakit hindi mo naman nabanggit sa'kin na taga Montreal ka din pala?" tanong ko. "Wait lang! Pwede isa-isa lang? First of all, hindi ko pinsan si Stephen. Pinsan ko si Kuya Dark in his mother side. At hindi ako taga Montreal." "Hi, Nica! Are you free tonight?" Biglang sulpot ni Brent. "No, Brent! Her boyfriend will get mad," sabi ni Sazy sabay ngisi. "What? Who is your boyfriend, Nica?" "I don't-" Pinutol ni Sazy ang sinasabi ko. "Dark Montreal." Kita ko ang gulat sa mukha ni Brent. "Dark Montreal? Oh, I'm sorry." Pagkatapos ay nagmadali ng umalis si Brent. Humagalpak naman sa tawa si Sazy. "Anong boyfriend ka jan!" inis na sabi ko sa kanya. "Nakita mo iyong mayabang na si Brent? Tumiklop nang malaman na si Captain ang boyfriend mo." Captain? Naalala ko si Sage. He used to be St. Scholastica and St. Celestine basketball team team captain. "Nagtataka ka ba kung bakit Captain? Dati kasing team captain ng Imperial football team si Kuya kaya lang nagtransfer siya sa Paris kaya hindi na kayo nagpang-abot." So Dark is also a sporty man just like Sage. Ahhh! Veranica, stop comparing them and stop thinking about Sage! "But he's not my boyfriend." Abot tenga naman ang ngiti ni Sazy. "Doon din pupunta iyon." Nagtaas baba pa ang dalawang kilay niya. "Shut up, Sazy! Walang ganoon," saway ko sa kanya. "I'm know my cousin, Nica. He gets what he wants." Kumindat pa sa'kin si Sazy. Napailing na lang ako. Pagkatapos ng klase ay nagpasya akong sumama kina Sazy at Liam dahil kakain daw sila ng gelato and I miss cheat days dahil kapag si Celine ang kasama ko ay hindi pwede ang cheat day. Malapit na kami sa gate at maraming mga studyante ang nagkukumpulan at nagtititili. "Mukhang alam ko na kung anong meron. Excuse us." Hinila pa ako ni Sazy. Nadatnan namin ang nakasandal na si Dark sa itim na Mercedes-Benz niya. "I knew it." Tinulak pa ako ni Sazy papunta kay Dark kaya sinamaan ko siya ng tingin. "What are you doing here, Dark?" "Isn't obvious? I'm picking you up," sabi niya tsaka binuksan ang pinto ng front seat. "Pero may lakad kami ni Sazy." "Kuya Dark, can handle it. Kuya, gusto niyang kumain ng gelato." Malaki ang ngisi ni Sazy. Wala na 'kong nagawa kung hindi sumakay sa sasakyan ni Dark dahil ibinenta na 'ko ng magaling niyang pinsan. Pumunta kami sa isa sa best gelato shop dito sa London. "Ang dungis mong kumain, Vera." Nanigas ako nang punasan niya ang gilid ng labi ko. "Pero ang ganda mo pa rin kahit madungis ka." Ngumisi pa si Dark. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. "And you're so cute when you were blushing." Nanlaki ang mga mata ko. "I'm not blushing, Dark!" depensa ko. "Yes you were,"pang-aasar niya pa. "Hindi nga sabi!" "Talaga?" "Dark!" inis na sabi ko nang pahiran niya ng gelato ang pisngi ko. Humagalpak lang siya ng tawa. "Dark, nakakainis ka. Ang lagkit," pagmamaktol ko. Lumapit naman sa akin si Dark. "Let me wipe it." Napalunok ako nang inilapit ni Dark ang mukha niya sa'kin habang pinupunasan ang pisngi ko. Nanlaki ang mga mata ko nang idinampi niya ang labi niya sa labi ko. "I'm sorry, Vera. I can't help myself." Napahilamos pa siya sa mukha niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko at kung paano magrereact. Should I slap him? o dapat ba magwalk out ako? "Vera, hindi ko sinasadya." Kita ko ang sincerity sa mga mata niya. Imbis na sampalin siya o 'di kaya ay magwalk out. "It's okay Dark." Nakuha ko pang ngumiti sa kanya. "I will court you, Vera." Nanlamig ako. "No!" singhal ko. "I'm not asking you," madiin na sabi niya. "I like you and I don't care if the feeling is not mutual. Magigising ka na lang isang araw na gusto mo na rin ako. Mark my words, Vera. I will make you fall for me." Biglang kumirot ang puso ko. I remember that line. Sa linyang 'yan nagsimula ang lahat. Is it possible to love somebody kahit na may taong hindi mawala wala sa isip mo? "Excuse me." Dali-dali akong lumabas. Because of that f*****g line, thousands of memories with Sage hits me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD