CHANCES 23

2133 Words
Bago dumating ang pananghalian ay umalis na kami sa Celestina. Inihatid muna ni Sage at Jade sila Ate Kim sa bahay at hinayaan muna nila 'kong makaligo pagkatapos ay isinama nila ako sa mansyon nila para doon na daw kumain. "Sir, kagabi pa po may tumatawag dito sa telepono, importante daw ho," bungad ng kasambahay nila Sage pagkapasok pa lang namin. Kumunot ang noo ni Sage. "Saglit lang, love." Tumango naman ako. "Vera, shower muna ko ha," pagpaalam ni Jade. "Go ahead," sabi ko sabay ngiti. Nang mainip ako sa pag-aantay kay Sage ay naisipan kong pumunta sa garden nila. "So kumusta ang camping niyo? Enjoy ba?" Hindi ako nag-abalang tignan si Gaby. Masyadong masaya ang araw ko at ayokong masira kaya hindi ko na lang siya papansinin. "Sabagay, last chance mo na maging masaya kasama si Sage." Naglakad na lang ako palayo sa kanya at tinignan na lang ang mga bulaklak. "I'm talking to you!" Nagulat ako nang hilahin ako ni Gaby paharap sa kanya. "What the hell?" singhal ko. "Feeling mo siguro nakajackpot ka, no? Itigil mo ang ilusyon mo, Vera. Wake up! You're not in a cliché movie na kahit mahirap ka ay mamahalin ka ng isang mayaman na katulad ni Sage. Ilusyunada!" Kumulo ang dugo ko. Talagang sinusubukan ako ng desperadang babaeng 'to. "Bakit, Gaby? Gaano ka ba kayaman? I heard kasi anak ka naman daw sa pagkadalaga at sabit ka sa mga Wainwright." Nakita ko ang pamumula ng mukha ni Gaby sa galit. "You b***h!" "Aray!" daing ko nang itulak niya ako at natumba ako sa mga halaman. "Gabriela!" galit na sigaw ni Sage at dali-dali akong dinaluhan. "Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Sage. Tumango naman ako. "Gabriela, you have no right to hurt her!" Nag-aalab sa galit ang mga mata ni Sage. "Sage, siya ang nauna ininsulto niya 'ko," naiiyak na sabi ni Gaby. "I don't hit woman but I swear, Gaby, touch her again. Makakatikim ka sa'kin. Now leave my house!" matigas na sabi ni Sage. "You can't do this to me, Sage. We are family. Daddy will be mad, Sage, you know that!" "I don't care, Gabriela. I don't f*****g care, so now leave at wag na wag ka na magpapakita sakin." "No, Sage!" sigaw ni Gaby. "Umalis ka na, Gab, please! Wag mo nang palakihin ang g**o. Hindi nga namin alam kung bakit ka pa nandito," mahinahon na sabi ni Jade. "Alam mo kung bakit nandito ako, Jade, at siguro kailangan na rin malaman ni Sage." Nanlaki ang mata ni Jade. "Come on, Gaby. I can handle it," sabi ni Jade na halatang kinakabahan. "Anong kailangan kong malaman?" "Gaby, please ako na ang bahala dito," si Jade. "No, Jade! Ang tagal mo na nandito pero hindi mo masabi sabi sa kanya." "What is it?" Halos mapatalon ako sa gulat sa sigaw ni Sage. "Your dad is sick, Sage." Nanlaki ang mata ko. "What?" Hindi makapaniwala si Sage. "That's the reason kaya umuwi dito si Jade ay para isama ka pabalik ng L.A. Your dad wants you to be there." "Is that true, Jade?" Napakagat labi si Jade. "Answer me!" galit na sabi ni Sage. "O..Oo," Nauutal na sagot ni Jade. "Bakit hindi mo sinasabi sa'kin?" "Wala na sana akong balak na isama ka sa L.A., Kuya, nang makita ko kung gaano kayo nagmamahalan ni Vera. Nagsisimula pa lang kayo ay malalayo ka na agad." May lumandas na luha sa mga mata ni Jade. "At gumagaling naman na si Dad, so hindi na kailangan na lumipad ka," dagdag pa ni Jade. "Nagkakamali ka, Jade, your dad is getting worse. Stage 3 na 'yong cancer niya." "No! Hindi cancer ang sakit ni Daddy." Humagulhol si Jade. Bumitaw si Sage sa pagkakahawak sa kamay ko. "And he wants to be with his son and daughter. Gusto niya kasama niya kayo sa laban niya, Sage. Your dad needs you." "Jade, book a flight. Lilipad tayo ngayon papuntang L.A.," utos ni Sage na mukha pa ring hindi makapaniwala sa nalaman niya. "And your dad wants you in L.A for good, Sage, he just realized that life is too short." Para 'kong binuhusan ng malamig na tubig. "Kuya, paano kayo ni Vera?" makungkot na tanong ni Jade. "I don't care. Just book a flight." Umalis si Sage at dali-dali namang sumunod sa kanya si Jade maging si Gaby. Nanghina ang mga tuhod ko kaya napaupo ako at tsaka lumandas ang mga luha ko. Hindi ko alam kung gaano katagal akong umiiyak sa garden nila Sage. Nagulat na lang ang kasambahay na nakakita sa'kin at nagsabi na umalis na daw sila Sage. I understand him. It is between me and his father. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit umalis na lang siya bigla. He left without saying anything. He left without thinking of us, without thinking of me. "Hello? Tulala ka nanaman jan, Vera." Nagulat ako nang paluin ako ni Celine. Pilit ko lang siyang nginitian. Kalalabas lang namin ng British Museum and yes, I accepted the offer of Madam V 3 years ago and yes it's been 3 years since Sage left me in their house. "Iniisip mo nanaman ba siya?" nag-aalalang tanong ni Celine. "Hindi ah!" pagsisinungaling ko. Nang umalis si Sage ay hindi pa rin nagbago ang desisyon ko sa pagtanggi sa modeling career na inooffer sa'kin ni Madam V. Hinintay ko siya. Umasa ako na kahit tawag ay may matatanggap ako mula sa kanya. Sa ikalawang linggo ko sa paghihintay, Gaby send me the video of Sage's proposal to her. At doon nabago ang desisyon ko, ni hindi na ako nakasali sa fashion show namin sa Queenz dahil nakiusap ako kay Madam V na gusto ko na umalis. I want a new life. I want to start again. Gusto kong mabuo ulit kagaya sa pagbuo ko sa sarili ko noong mamatay si mama. Pero ang hirap kasi 'yong taong tumulong para mabuo ka ay siya rin palang sisira ulit sayo. "You're crying again, Vera." Inabutan ako ng panyo ni Celine. "I'm so weak. Sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako iiyak and here I'am again." Pumeke ako ng tawa. "I understand where you coming from, Vera. Hayaan mo, time will heal all wounds," sabi ni Celine. "Tama ka at naniniwala ako jan. Time will heal." Niyakap niya ko pagkatapos ay umuwi na kami sa apartment namin. "Vera!" si Kyril ang bumungad sa'kin pagkatapos kong sagutin ang video call niya. "Vera, we miss you very much!" Malawak ang ngiti ni Briana. "I miss you too girls," sabi ko sabay ngiti. Ayaw ko naman talaga sila iwan pero sa ngayon ito ang kailangan ko. "Kumusta ka na? Lalo kang gumaganda," papuri naman ni Ate Kim. Katabi niya si Brixel na nagwave sa'kin. "Maayos naman kami dito ni Celine." "Vera, kelan ka uuwi?" tanong ni Kyril. "Apat na taon ang kontrata ko rito bago ako makauwi." Nakita ko naman ang lungkot sa mga mata nila pero si Kyril ay matalim na nakatingin sa kung saan. Gustuhin ko mang umuwi ay hindi pwede at siguro ay mabuti na rin iyon sa ngayon. "Gusto ka na naming makabonding. Gusto mo puntahan ka namin? Tutal nakagraduate naman kami okay lang kung magtatagal kaming tatlo,"masayang sabi ni Andrea. "Paano naman ako?" Natawa naman ako sa nakangusong si Bri. Hindi pa rin siya nagbabago. Nitong taon ay grumaduate sina Kyril at Andrea. May mga subject akong kailangan itake dito kaya nagdagdagan ng isang taon bago ako makagraduate. "Hi, Nica Angeles!" bati sa'kin ni Shin at Natawa naman ako. Nica kasi ang ginamit kong pangalan dito sa London instead of Vera. At siguro ay nakwento iyon sa kanya nila Kyril. "Sobrang ganda mo," dagdag pa ni Shin. "What's your problem, bro?" singhal ni Shin. Hindi ko makita kung kanino dahil hindi na hagip ng camera. "Ano bang exact address mo jan, Vera? We want to visit you." Pagsingit naman ni Alezander. Sinamaan naman siya ng tingin ni Kyril. "Ibibigay ko kina Kyril-" Naputol ang sinasabi ko dahil sa may sinigaw sa akin si Celine. "Vera, si Madam V gusto ka daw makausap!" "Guys, I'll call you again may kakausapin lang ako," pagpapaalam ko Inabot sa'kin ni Celine ang phone niya. "Hello po, Madam!" masayang bati ko. "Talaga po? Naku nakakahiya naman po sainyo. Sige po, Madam, thank you so much po. Bye!" "Anong sabi?" excited na tanong ni Celine. "Nakausap niya daw ang agency ko at pumayag na pauwiin tayo ng Pilipinas sa Christmas." Nagtititili naman si Celine. "Sa wakas, Vera!" "O, bakit mukhang hindi ka masaya, Vera?" tanong ni Celine. "Paano kung nasa Pilipinas siya? Hindi pa 'ko handa." "Ano ka ba? Diba iniwan ka nga niya at nagpunta na siya sa L.A. at ikaw na rin ang nagsabi na for good na siya doon." Binalingan ni Celine ang niluluto niya. "E, paano nga kung-" Pinutol ni Celine ang sasabihin ko. "We still have 4 months before coming home, so you better ready yourself, Veranica Angeles." Kumindat pa siya sa'kin. "Sa loob nga ng tatlong taon ay hindi ko nagawang maging ready, sa loob pa kaya ng 4 months. Are you kidding me, Celine?" Humalakhak lang si Celine. Napailing na lang ako tsaka pumunta sa sala at sumalampak sa sofa. Bukas ko na lang tatawagan sina Kyril dahil kailangan ko pang mag-aral. Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Hindi na rin ako nakapagpaalam kay Celine dahil ayoko na siyang gisingin. "Hey there, Nica!" Sinalubong ko ang ngiting ngiti na si Sazy. She's also a Filipino and she's my classmate here in Imperial College. "How's life?" "Ang O.A mo! Magkasama lang tayo noong isang araw." Humalakhak naman siya. Sazy reminds me of my four girls in the Philippines. Para siyang pinagsama samang characteristics nila Ate Kim. Like Ate Kim, Sazy always wants me to feel positive, she always wants me to look at the bright side of life. She's kinda Andrea, she is very sweet iyong tipo na bigla bigla na lang yayakap at sasabihing I love you, Nica. Ganoon na ganoon si Andrea lalo na kapag nararamdaman niyang malungkot ako. At mas malaki ang portion ni Kyril iyong tipo na magsasalita siya sakin ng harsh words para lang maipamukha ang pagkakamali ko and at the same time siya itong nagchicheer at nagtatanggol sakin when somebody trying to bring me down. At maging ang mapang-asar ni Kyril ay kuhang kuha niya. And of course the childish side of Sazy reminds me of Briana. Iyong sobrang kulit. "Nakatulog ka naman ba ng mahimbing?" Naglalakad na kami ngayon papunta sa classroom namin. "Oo naman. Bakit naman hindi?" Sumilay ang mapaglarong ngiti sa labi niya. "Baka kasi naisip mo nanaman yung ex lover mo na sino ngayon?" "Ewan ko sayo, Sazy!" Nauna na 'kong maglakad. "Teka lang, Nica! Joke lang 'yon!" Hindi ko na siya pinansin. "Hi, Nica! How are you?" Malaki ang ngiting salubong sa'kin ni Brent. "I'm fine, Brent." Pilit ko siyang nginitian tsaka umalis. "My God, Nica! Deadma nanaman sayo si Brent? Tignan mo nga, he's a package," pagmamaktol ni Sazy. "Napakaplayboy ng isang 'yon, Sazy and ayoko ng purong banyaga, no!" sabi ko at binuklat ang libro ko. "Ang gusto mo iyong may konting lahi lang. Kasi diba 1/4 American 'yong ex lover mo?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Can you just shut your mouth, Sazy?" Tumawa lang siya. Napailing na lang ako. Mabilis na natapos ang klase namin at naisipan namin na tumambay muna sa bench malapit sa gate ng school. "Talaga? Well, see you there!" masayang sabi ni Sazy pagkatapos kong ikwento ang pagpayag ng agency na umuwi ako sa pasko. "Pero kasi, Sazy, paano kung magkita kami doon?" "Ano ka ba? Just don't mind him. Isipin mo na lang na makakasama mo iyong mga friends mo doon." Napanguso ako. "Tama na nga 'yang kakaisip mo sa ex lover mo, Nica." "Wow, ha? E, kanina lang paalala ka ng paalala sa kanya." Natawa naman si Sazy. "At affected ka naman." "Oo, inaamin ko affected pa rin talaga 'ko." Ngumisi naman si Sazy. "Mahal mo pa?" Nagtataas baba ang dalawang kilay niya. "Hindi na, no." "Talaga ba? You're not good in lying," pang-aasar niya pa. "Hindi na nga kasi." "E, bakit affected ka pa rin?" "Ewan ko sayo!" sabi ko tsaka tumayo na. "Mahal pa ni Nica," pang-aasar pa sakin ni Sazy. "Bahala ka jan." Umalis na 'ko at iniwan ang tumatawa na si Sazy. Pagkauwi ko sa apartment ay wala si Celine. Siguro ay naggrocery. Naisipan kong buksan ang laptop ko at tumawag kina Kyril nang may nagpop up na message from unknown walang picture at tanging V lang ang nakalagay sa pangalan niya. "I miss you." Biglang bumilis ang t***k ng puso ko at bakit parang naririnig ko ang boses ni Sage habang sinasabi ang salitang I miss you? Dali-dali kong pinatay ang laptop ko. No. It's not him!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD