"Grabe! Ang saya!" sabi ni Andrea na halatang tuwang-tuwa.
Nagkukulay kahel na ang langit at ngayon ay masayang-masaya kaming lahat na naliligo
Kanina ay naglakad-lakad kami papunta sa parte na natatabunan ng mga halaman at doon ay may nakita kaming maliit na hot spring kaya doon kami tumambay.
"Gotcha!" Napatili ako nang mahuli ako ni Sage. Iniharap niya 'ko sa kanya at nagulat ako nang idinampi niya ang labi niya sa labi ko.
"Sage!" saway ko tsaka luminga-linga para tignan kung may nakakita ba sa ginawa niya.
"Don't worry, Vera, busy silang lahat." Tumawa pa si Sage. Sinapak ko naman siya.
Nang tuluyang dumilim ay umahon na kami at kaming mga girls ay nagsipag palitan na ng damit habang ang boys ay inaasikaso ang ginagawa nilang bonfire sa tapat ng dalawang tent.
"You want some?" Iniabot sa'kin ni Kyril ang inihaw na mallows. Kinuha ko naman tsaka umupo sa tabi ni Sage. Naramdaman ko agad init ng yakap niya.
"This is definitely the best day of my life so far," sabi ni Andrea.
"Me too," sabi rin ni Stephen habang titig na titig kay Andrea. Inulan naman namin sila ng panunukso.
"Kaya lang ang lungkot! Ako lang walang partner," sabi ni Jade sabay nguso.
Kumunot ang noo ni Sage. "You don't need that, young lady."
Umangat ang kilay ni Jade. "Kuya, stop being like that to me. I'm old enough!"
Nagtawanan kami dahil sa inasta ni Jade.
"Stop laughing, Vera!" saway sa'kin ni Sage. Rinig ko ang pagkairita sa boses niya kaya pinigilan ko ang sarili kong tumawa.
"Jade, kahit naman ako walang partner dito kaya hindi ka nag-iisa," sabi ni Bri na ngayon ay kumakain ng mallows.
"What about Shin?" tanong ni Jade.
"Yuck!" singhal pareho nila Shin at Bri kaya nagtawanan kami.
"The more you hate, the more you love," pang-aasar ko.
"Base from own experience, Vera?" pang-aasar naman sa'kin ni Kyril.
"Shut up, Kyril!"
Nagtawanan sila.
"Why? Do you hate me before?" tanong ni Sage.
"Kasi nga. He's rude and he doesn't even know how to say sorry," panggagaya pa ni Kyril sa'kin. Binato ko naman siya ng plastic cup.
Tumawa lang si Sage.
"So that's how you first met." sabi ni Jade sabay halakahak nang ikwento nila Ate Kim 'yong first encounter namin ni Sage.
"Actually, hindi naman siya rude. Nastarstruck lang sa'yo yan, Vera." Humalakhak pa si Zander.
"Love at first sight, huh!" dagdag pa ni Brixel.
"Damn it!" singhal sa kanila ni Sage na ngayon ay halatang hiyang-hiya.
"Aminin mo na kasi , Sage," ani Ate Kim.
"So it's really love at first sight?" pang-aasar ko din sa kanya.
Ngumisi siya ng nakakaloko. "Kinikilig ka naman?"
"What the hell? Lagi akong kinikilig sainyo," sabi pa ni Briana sabay tili.
Natapos lang sila sa panunukso sa amin nang maluto ang liempo na iniihaw ni Brixel.
Naglatag kami ng tela na siyang paglalatagan ng mga pagkain.
"Grabe! Ang sarap mo magmarinate, Brix," ani Jade.
"Si Ate Kim rin ay masarap magluto kaya kapag kinasal sila doon ako titira sa kanila dahil panigurado ang sarap lagi ng pagkain."
Halos mabilaukan si Ate Kim sa sinabi ni Briana. Dinaluhan naman agad siya ng tubig ni Brix.
Nagtawanan lang kami.
Nang matapos kaming kumain at magligpit ay naglatag kami ng mas malaking tela at inilabas din namin iyong mga unan para makahiga kami.
Nakaunan ako sa hita ni Sage habang siya ay hinahaplos ang buhok ko.
Everything is so perfect. I want the time to freeze for this perfect moment.
Skies are so bright because of the million stars on it.
Plus the perfectly half moon
True friends
Lumingon ako kina Ate Kim na may ngiti sa mga labi.
The simple bonfire
The cold air that touches my skin
And of course the man who gives warm to my heart and color to my life.
Nag-angat ako ng tingin kay Sage. Ngumiti siya sa'kin.
"You are brighter than the sky."
Parang tatalon ang puso ko sa mahinang sinabi niya sa'kin.
Pagbalik ko ng tingin sa langit ay sunod-sunod ang pagdaan ng mga shooting stars.
Napangiti ako.
I'm here at a perfect place with the perfect people.
"Ang ganda!" namamangha na sabi ni Andrea.
"Sayang, hindi ko nacaptured," sabi ni Bri sabay ngumuso.
"Ang ganda love, diba?" Nag-angat ulit ako ng tingin kay Sage.
Nagkibit balikat siya. "Hindi ko nakita iyong shooting stars. I'm looking at you for the whole time and you are my perfect view," sabi niya sabay ngiti.
"I love you!" I smiled.
"I love you too!" Pinisil niya pa ang ilong ko.
Nang mas lumamig ang simoy ng hangin ay naisipan na namin pumasok sa tent.
Magkakasama kaming mga girls habang ang mga boys ay nasa kabilang tent.
"First time ko talaga magcamping," ani Jade.
"Ako din at ang saya pala!" dagdag naman ni Briana.
Nagtatawanan kaming mga girls dahil sa kung anu-anong kwento habang tahimik naman sa kabilang tent.
Nang magpasya na kaming matulog ay pinatay na namin ang mga bukas na flashlights.
"s**t!" bulalas ko nang may marinig kaming parang umalulong.
"It's just a dog," sabi ni Ate Kim na halatang natatakot din.
"Walang aso dito, Ate!" sabi naman ni Andrea.
May naririnig pa kaming kaluskos pero hindi na namin pinansin at nagtalukbong na lang ng kumot.
Pero nang umuga ang tent namin ay nagkatinginan na kami pagkatapos ay nagtitiling lumabas at pumunta sa boys.
"Open your damn tent!" takot na takot na sabi ni Andrea.
Pagkabukas ay dali-dali kaming pumasok.
Naabutan namin ang boys na umiinom.
"Why?" tanong ni Sage sabay kunot ng noo.
"Gago! Aatakihin ako sa puso," sabi ni Kyril habang ako ay kagat-kagat ang kuko ko dahil sa kaba.
"Paano kung kagaya iyon noong nasa wrong turn? Ayoko na!" ani Briana. Naluluha na rin siya.
"Ano bang nangyayari sainyo?" tanong ni Brixel. Hinila naman ako ni Sage palapit sa kanya at niyakap.
"Basta ang creepy kaya dito kami matutulog," sabi ni Ate Kim.
"What? Ang sikip natin," reklamo naman ni Shin.
"We don't care!" sabi ni Kyril tsaka humanap na ng pwesto niya.
Kaya ganoon nga ang nangyari. Nagsiksikan kami sa isang malaking tent at para kaming sardinas.
Good for 6-8 persons lang kasi itong tent pero 11 kaming lahat kaya nakabaluktot kaming lahat para magkasya. Nakaunan ako sa braso ni Sage at yakap-yakap niya ako.
I feel really safe in his arms.
Nagising ako kinabukasan at wala na ang mga boys sa loob ng tent at si Ate Kim. Pagkabangon ko ay bumangon na rin si Kyril.
"Gising na mga gaga! Sayang ang oras."
Napailing na lang ako sa paggising niya kina Briana.
Nagising rin naman agad sila. Inayos ko muna ang sarili ko tsaka lumabas ng tent. Kasunod ko sina Kyril at Jade.
"Galing ko, diba? Effective 'yong pananakot ko sa mga girls," sabi ni Shin sabay halakhak.
"Nagtatakbo sila papunta sa tent natin. You owe me a lot mga bro,"" dagdag pa niya.
"So sa tingin mo ay nakakatawa iyon, Shin?" Sinabunutan pa ni Kyril si Shin.
"Aray, Kyril!" daing ni Shin.
"Muntik na kaming atakihin sa puso Shin!" Pinaghahampas din siya ni Jade.
"Hindi ka ba tutulong sa pagkuyog kay Shin?" tanong ni Sage sabay ngisi.
Umiling ako. "Nope."
Lumawak naman ang ngisi niya.
"Sabagay. Halatang nag enjoy ka naman na katabi ako kagabi."
Nanlaki ang mga mata ko.
"Taas din ng self confidence mo, no?" Umirap pa 'ko tsaka pumunta sa tent namin. Narinig ko pa ang tawa ni Sage.
Pagkatapos kong ihanda ang susuotin ko sa pagligo mamaya ay lumabas na 'ko ng tent. Ngayon naman ay sila Briana ang kumukuyug kay Shin.
"Feeling ko talaga crush mo ko, Shin, kaya tinakot mo kami para doon kami sa tent niyo matulog."
Nanlaki naman ang mata ni Shin sa sinabi ni Bri.
"Kadiri, Briana!" Umarte pa si Shin na parang diring-diri.
Naagaw ang atensyon ko ng taong sumitsit sa'kin sa gilid.
Derechong nakatingin sa akin si Sage habang may kagat-kagat na sandwich.
He's topless at pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako kahit na sobrang lakas ng hangin dito sa Celestina.
My God, Sage, why are you like that?
Sumenyas pa siya na lumapit ako. Nagdadalawang isip pa 'kong lumapit sa kanya.
"Come here, love." Tinapik niya pa ang hita niya.
"Seriously, Sage?" sabi ko.
"I'm f*****g serious, Vera." Matalim niya pa kong tinitigan.
And that's it. He will get what he wants. Gamit lang ang matalim niyang titig.
Ang lakas ng t***k ng puso ko habang unti-unting umuupo sa hita niya. Naramdaman ko naman agad ang init ng yakap niya.
"Ano bang ginawa mo sa'kin, Veranica Angeles?" mahinang sabi niya tsaka ibinaon ang mukha sa likod ko.
"Wala akong ginawa." Humigpit ang yakap niya sakin.
"Ano ba naman kayong dalawa. Ang aga aga."
Nakaramdam naman ako ng hiya nang makita kami ni Jade.
Tatayo na sana ako nang pigilan ako ni Sage.
"Don't mind her. Inggit lang 'yan," sabi ni Sage sabay halakhak.
Nanlaki ang mata ni Jade. "Hindi ako naiinggit, Kuya!"
Padabog pa siyang pumasok sa tent. Nagtawanan lang kami ni Sage.
Ibang iba si Jade ngayon sa Jade na pinagselosan ko dahil sa inakala kong girlfriend siya ni Sage.
Tumayo na 'ko tsaka kumuha ng sandwich.
"What?" tanong ko nang hindi umaalis ang titig ni Sage sa mukha ko.
Ngumisi lang siya tsaka umiling.
"Bakit nga?" inis na tanong ko.
"Wala nga." May mapaglarong ngisi sa labi niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Then why are you staring at me like that?"
"Why? Is it illegal?"
Hindi mawala wala ang ngisi sa labi niya.
Chineck ko kung may muta ako dahil nakakahiya kung meron.
Natawa naman siya. "You don't have anything in your face. Hindi ko lang mapigilan na hindi ka titigan 'cause you're so beautiful, love and I'm glad you're mine."
Hindi ko mapigilan na hindi mapangiti. Iyong mga paganyan-ganyan ni Sage ang laki talaga ng epekto sa akin.
"Ang bilis mong kiligin," sabi niya sabay halakhak.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ako kinikilig ano, hello!"
Nagwalk out ako dahil sa hiya. Narinig ko pa ang malakas na pagtawa ni Sage.
Habang nagluluto ang boys ng kakainin namin ay nagkayayaan naman kaming maligo muna ng mga girls, ayaw din naman nila kaming patulungin. Nagtalo pa nga sina Ate Kim at Brixel.
Ayoko pang maligo dahil nilalamig pa 'ko kaya nakaupo lang ako dito sa may bato sa gilid ng lawa.
Napatili ako nang hilahin ako ni Kyril at Briana.
"What the f!"
Nagtawanan lang sila.
"Nabasa iyong shorts ko," sabi ko sabay nguso.
Nakakulay pastel blue akong one piece na pinatungan ko ng itim na maong shorts.
"Arte-arte kasi," sabi pa ni Kyril sabay halakhak.
Umahon ako para hubadin ang shorts ko. Nagtilian naman sina Kyril at Bri.
Kumunot ang noo ko.
Kinikilig naman si Bri nang may ininguso. Tinignan ko kung sino at nakita ko si Sage na derechong nakatitig sa akin. Nakakrus ang braso niya. May ibinulong sa kanya si Alezander at napangisi naman siya.
Tinaasan ko siya ng isang kilay.
"Ang ganda ganda, e!" pang-aasar pa ni Briana. Umiling na lang ako.
Lumusong na 'ko sa tubig. Napalingon uli ako kay Sage at hindi pa rin niya inaalis ang mga titig niya sakin habang nakapamulsa na siya sa bulsa ng board short na suot niya.
Nag-iwas ako ng tingin at pinipigilan ang sarili ko na mapangiti.
"Buti kinakaya mo? Kung ako ikaw baka hinimatay na ako. Those stares. Nakakapanindig balahibo." Humagikhik pa si Bri.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Stop it, Bri! He's my boyfriend."
Tumawa naman siya ng malakas.
"Pwede naman magshare diba? What are friends for?"
"Fyi. I don't do sharing when it comes to him!" Lalong lumakas ang tawa ni Bri.
"Just kidding." Tawang tawa naman siya sa kalokohan niya.
Maya-maya lang ay tinawag na kami ng boys para kumain. Dali-dali naman akong umahon dahil nagugutom na rin ako.
Sinalubong ako ni Sage at ibinalot sa katawan ko ang dala-dala niyang towel.
Umihip ang malakas na hangin. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ito sa panginginig.
"Stop seducing me, Vera."
Nanlaki ang mata ko sa ibinulong ni Sage.
"Shut up, Sage! I'm not seducing you."
Matalim niya akong tinitigan.
"Yes, you were seducing me." Lumitaw pa ang mapaglarong ngiti sa labi niya.
"I'm not seducing you, Mr. Wainwright!" Napahawak ako sa bibig ko nang mapagtanto na napalakas pala ang pagkakasabi ko at lahat sila ay nakatingin sa amin at nakanganga.
"Bakit may seduce seduce nang nagaganap?"
Pinutol ni Andrea ang katahimikan.
"Damn you!" singhal ko kay Sage tsaka hiyang hiya na pumasok sa tent.
Narinig ko pa ang tawanan nila.
Napasabunot ako sa sarili ko dahil sa kahihiyan.