"What? Hindi mo tatanggapin?" Hindi makapaniwala si Madam V.
Tumango ako. "Hindi po talaga."
Nangunot ang noo niya.
"Bakit, Vera? It is a big opportunity. You will be study at one of the prestigious school in London plus it is your big break in modeling. Hindi ko makita kung bakit tinatanggihan mo," aniya.
"I'm sorry, Ma'am V. Hindi ko po talaga matatanggap 'yan. Ayoko pong iwan ang mga mahahalagang tao sa'kin dito baka hindi ko po kayanin ang lungkot."
I can't risk our relationship. I can't risk Sage.
"Pag-isipan mong mabuti, Vera. I'll give you time until the fashion show was over."
Tumango na lang ako.
Kahit gaano pa katagal ang oras na ibibigay sa akin ay hinding hindi na magbabago ang desisyon ko.
Naghihintay na sa'kin si Kyril paglabas ko. Itinext ko na rin si Sage na tapos na ang practice at pwede na niya kaming sunduin.
"Anong pinag-usapan niyo ni Madam?" tanong sa'kin ni Kyril.
"Wala naman. Binati niya lang ako sa pagiging Top model of the month," sabi ko.
"So anong reward mo?" excited tanong ni Celine. Nagkibit balikat lang ako.
"Wala man lang trip to Hongkong or Singapore? Or kahit saan?" Tanong pa ni Kyril.
Kadalasan kasi ng mga nagiging top model ay mayroon prize na trip to a specific country.
Umiling ako. "Wala naman," pagsisinungaling ko.
"Si Madam V talaga ang hilig sa surprises. Maghintay ka lang at baka bumibili na ng plane ticket iyon." Malawak ang ngiti na sabi ni Celine.
Ngumiti na lang din ako ng pilit.
Nagpaalam na kami kay Celine nang magtext si Sage na nasa baba na siya ng building.
"Hi, Sage!" bati ni Kyril pagkapasok namin ng kotse. Ngumiti lang sa kanya si Sage.
"Kumain na kayo?" tanong ni Sage.
Umiling ako. "Hindi pa."
"Kumain na muna tayo." sabi niya at nagdrive papunta sa pinakamalapit na restaurant.
"Alam mo ba, Sage, top model of the month 'yan si Vera." Ngiting ngiti na si Kyril.
"Really? Congrats, love!" Kinuha pa ni Sage ang kamay ko at hinalikan.
"Thank you!" masayang sabi ko.
Pagkatapos namin kumain ay inihatid na kami ni Sage sa bahay.
"May lakad ba kayo sa Sunday?" tanong ni Sage. Umiling naman si Kyril.
"Ako may pasok sa Swiftea."
Tumango tango si Sage. "Wag ka na pumasok, Vera."
"Pero hindi pwede Sage. Masisira ang schedule."
"Ako na ang bahala. We're going to Celestina Lake. What do you think, Kyril?"
"OMG! Sure, Sage! Vera wag ka na pumasok!" excited na sabi ni Kyril.
Napairap na lang ako.
Naging mabilis ang pagdaan ng Sabado. It's just a typical Saturday for me. Pumasok kami ni Ate Kim sa Swiftea pagkatapos ng duty ay sinundo ako ni Sage tsaka kami nag-inuman dito sa bahay at pinag-usapan ang tungkol sa pagpunta namin sa Celestina Lake.
"I'm so freaking excited!" masayang sabi ni Andrea. Bitbit niya ang isang tupperware na punong-puno ng hotdogs na siyang iihawin namin mamaya.
Alas syete pa lang ng umaga. Gusto kasi namin na makarating ng mas maaga sa Celestina Lake dahil halos isang oras rin ang byahe papunta roon.
"Nanjan na si Stephen dala iyong pickup nila!" sigaw ni Bri na ngayon ay nasa labas dahil nililinisan iyong gagamitin naming ihawan.
"Isakay na natin iyong mga gagamitin mamaya," sabi ni Ate Kim tsaka lumabas sa kusina dala-dala iyong ibang pagkain.
"Gosh! Hindi ko makita iyong mga swimsuits ko!" sigaw ni Kyril mula sa itaas.
Patapos na 'ko sa ginagawa kong sandwich nang halos mapatalon ako sa gulat nang may yumakap sakin mula sa likod.
"Pawisan ako, Sage!" nahihiyang sabi ko nang amuyin niya ang leeg ko.
"It's okay, ang bango mo pa din naman." Napailing na lang ako.
"Hoy, love birds! Tama na 'yan. Excited na 'kong makapunta sa Celestina Lake," sabi ni Bri na ngayon ay kinukuha ang mga natitirang pagkain na dadalhin.
"Where's the tent, love?" tanong ni Sage.
"Ah! Nanjan sa gilid ng ref, Sage."
Lumabas na rin ako para dalhin ang mga sandwich na ginawa ko.
Naabutan ko sa labas sila Stephen at Alezander na inilalagay ang pagkain sa pickup niya habang si Brixel naman ay ipinapagpatuloy ang paglilinis sa ihawan.
"Hi, Vera!" bati sa'kin ni Shin. Nginitian ko naman siya.
Kinawayan ko pa si Jade na ngayon ay kabababa lang ng wrangler jeep na kulay itim. Ito siguro iyong jeep nila Sage.
Lumabas si Sage dala-dala iyong mga tent na gagamitin namin.
"Mukhang kumpleto na lahat, girls, kunin na natin iyong mga gamit natin."
Tumango kami kay Ate Kim.
Chineck ko pa ang mga gamit na dadalhin ko bago lumabas ng kwarto.
Tatlo ang sasakyan na dala namin. Isa kay Sage, Stephen at Alezander. Parehong jeep ang dala ni Sage at Zander at lahat ng dala nilang sasakyan ay kayang pasukin ang lubak na daan papunta sa lawa.
Sa likod ng pick up ni Stephen nakalagay lahat ng gagamitin at mga pagkain. Si Andrea lang ang sakay niya.
Sa sasakyan naman ni Alezander ay sakay niya sina Kyril, Briana at Shin at sa jeep ni Sage ay ako ang nasa front seat habang nasa backseat sina Jade, Ate Kim at Brixel.
Nauna kaming umalis dahil si Sage ang may kabisado papunta sa lawa.
"Lagpasan mo agad ang talamapas, Kuya, ah? Hindi ko pa kasama ang lalaking para sa'kin."
Natawa naman kami sa sinabi ni Jade.
"Paano naman sila Kim? Siyempre gusto rin nila magkatuluyan habang-buhay," sabi ni Sage.
"Shut up, Sage!"
Nilingon ko pa ang namumulang si Ate Kim. Humalakhak lang si Brixel sa inakto ni Ate Kim.
"Ito naman si Ate Kim! Nahihiya pa," panunukso sa kanya ni Jade.
Nagtawanan na lang kami.
Nang makapasok kami sa dead end ay humirap na ang daan pero mabuti na lang ay pang mga ganitong daan ang sasakyan na dala kaya hindi naman nahirapan sa pagdadrive si Sage.
"Wow!" sambit ni Jade nang matanaw na namin ang talampas.
Kagaya nang gustong mangyari ni Jade ay hindi na kami tumigil sa may talampas at nagdere-derecho na lang papunta sa lawa.
Nang marating namin ang dulo ng dead end ay bumaba na kami. Hindi na kasi pwede ang sasakyan dahil tao na lang ang pwedeng makababa papunta sa lawa. Hinintay muna namin ang iba.
"Ang tarik pala talaga ng daan pababa sa lawa," sabi ni Alezander nang silipin ang daan papuntang lawa.
"Mukhang mahihirapan tayo lalo na at may mga dalang pagkain," sabi naman ni Kyril.
"Balikan na lang natin ang iba," suhestiyon ni Brixel.
"Ang mga lalaki na lang ang magbitbit," ani Alezander.
Kaya ganoon nga ang nangyari. Ang mga lalaki ay kanya kanyang nagbitbit sa isang kamay habang ang isang kamay ay nakaalalay sa mga girls. Hindi muna kumuha ng mabibitbit si Sage dahil dalawa kami ni Jade na inalalayan niya.
"Dahan-dahan," paalala ni Sage sa amin.
Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko. Kinakabahan naman ako dahil one wrong step at hindi ko alam kung saan ako pupulutin.
Maayos naman kaming nakababa. Bumalik ang boys para sa mga iba pang naiwan habang kaming mga girls naman ay naghanap na ng magandang pwesto.
Nang makahanap kami ng magandang pwesto ay itinali namin sa magkabilang puno ang tela na dala namin na siyang magsisilbing bihisan namin.
Habang itinatali ni Ate Kim at Kyril ang tela ay inayos ko naman ang folding table na siyang pagpapatungan ng mga pagkain.
"Grabe ang ganda dito sa Celestina!" sabi ni Briana.
"Palibhasa ay tago at mahirap puntahan kaya hindi dinarayo ng mga turista," sabi pa ni Andrea.
Ang ganda talaga ng Celestina. Kulay berde ang paligid dahil sa mga naglalakihang puno. Habang crystal clear ang tubig. Rinig na rinig din ang huni ng mga ibon. Hindi nagtagal ay dumating na rin ang mga boys at inayos nila ang dalawang malaking tent na gagamitin namin.
"Guys, seryoso kayo? Magoovernight talaga tayo dito? E, mukhang may kagaya dito nung mga nasa wrong turn," sabi ni Jade.
Walang pasok bukas dahil Montreal Day kaya naisipan namin na mag-overnight na lang dito.
"Hala, oo nga!" dagdag pa ni Briana.
"Girls, relax hindi 'yon totoo," sabi ni Shin na ngayon ay inaayos ang ihawan.
"Tsaka ang saya ng gagawin nating overnight," sabi naman ni Zander.
"Paano nga kung meron?" bulong sa'kin ni Kyril. Natawa na lang ako.
Nang matapos sila Sage sa pag-aayos ng dalawang tent ay lumapit agad siya sa'kin at niyakap ako.
"I miss you, love."
Napangiti naman ako.
Paano ko naman magagawang irisk at ipagpalit ang ganitong klase ng lalaki sa kahit na anong bagay?
Nang maiayos na ang lahat ay unti-unti nang nagbihis ang mga girls.
"Anong susuotin mo?" tanong ni Sage na ngayon ay kapapasok lang ng tent namin ng mga girls.
"Swimsuit," sabi ko at kinuha na ang bag ko.
"Vera, I don't like it!" madiin na sabi ni Sage.
Natawa naman ako. "Sage, tayo-tayo lang naman ang nandito."
"That's why I don't like it. Madami tayo dito, Vera. Mabuti kung tayong dalawa lang," Inis na sabi ni Sage.
"Don't be a killjoy, Wainwright!"
Biglang pasok ni Jade na ngayon ay nakakulay dilaw na two piece.
"Isa ka pa, Jade!" saway ni Sage pero nagtawanan lang kami ni Jade pagkatapos ay lumabas na 'ko para magbihis.
Bihis na si Kyril na nakakulay pulang two piece. Natawa naman ako nang makita ang reaksyon ni Zander.
Si Briana naman ay kulay pink na one piece ang suot. Habang si Andrea ay kulay maroon na two piece ang suot. Kitang kita ko ang pag-ngisi ni Stephen.
Nakasalubong ko pa si Ate Kim na mukhang hindi komportable sa suot nyang kulay blue na one piece.
Mabilis na 'kong nagbihis ng stripes na black and white two piece. Inilabas ko na rin ang beach dress ko na kulay puti. Paglabas ko sa bihisan ay sumalubong sa'kin ang matalim na titig ni Sage.
Natawa ako. "What?"
Inirapan niya lang ako pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko.
"Wuhooooo!" sigaw ko nang maramdaman ang lamig ng tubig sa lawa.
Napalunok naman ako nang makita si Sage na hinubad ang white t-shirt niya.
Expected ko naman na ang ganda ng katawan niya pero iba pa rin pala kapag nakikita na ng dalawang mata mo.
"Loving what you see?" tanong niya sabay ngisi.
Inirapan ko siya. "Feelingero!"
Tumawa pa siya. Tinalikuran ko siya tsaka pumunta sa mga girls sa kabilang side ng lawa.
Nasa kabilang side si Sage kausap si Stephen pero panay ang sulyap sa direksyon namin.
Si Brixel at Alezander ang siyang nagiihaw habang si Shin ay kumain nang kumain sa gilid nila Brixel.
"This gonna be the best day of my life," masayang sabi ni Jade.
"Really?"
Hinampas ni Kyril ang tubig sa harap ni Jade dahilan para mabasa siya sa mukha.
"Oh My Goodness, Kyril!" Humalakhak lang si Kyril tsaka lumayo kay Jade. Hinabol naman siya ni Jade.
"Ang kulit talaga ni Kyril," sabi ni Ate Kim sabay halakhak.
Nag-uusap kami ni Bri nang biglang yumakap sa likod ko si Sage.
Para 'kong nakuryente nang lumapat ang balat niya sa likod ko.
"Maiwan ko na muna kayo, love birds," pagpapaalam ni Bri tsaka umahon para puntahan ang matakaw na si Shin.
Nanigas ako nang halikan ni Sage ang batok ko.
"S...stop it!" nauutal na saway ko. Narinig ko pa ang munting halakhak niya.
"I'm so addicted to you, my love." Iniharap niya pa ko sa kanya.
"Nagsisisi ako kung bakit isinama ko pa sila." May mapaglarong ngisi sa labi niya. Sinapak ko naman siya sa likod.
"What?" tanong niya sabay tawa.
"Ang manyak mo!" Lalong lumakas ang tawa niya.
"Hindi ako manyak sadyang green minded ka lang. Gusto mo na ba?"
Nanlaki ang mga mata ko. "Sage Wainwright!"
Hindi siya matigil sa pagtawa. Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang mga daliri niya.
Napalunok ako.
My God! He is so damn hot!
Tumigil ka nga, Veranica!
Nagulat ako nang idiniin ako ni Sage sa kanya. Bumilis ang t***k ng puso ko.
Hindi ko matagalan ang pakikipagtitigan niya dahil para akong napapaso sa mga titig niya.
"I want you so bad, Vera," bulong niya na siyang nagpatindig sa balahibo ko.
"Vera! Sage! Kakain na!"
Nagulat ako sa sigaw ni Andrea kaya naitulak ko si Sage tsaka nagmadaling umahon.
Narinig ko pa ang munting halakhak ni Sage.
Damn! What a sexy laugh!
Ipinilig ko ang ulo ko para matigil ang kung ano mang karumihan na pumapasok sa utak ko.
Nakakuha na 'ko ng pagkain ay hindi pa umaahon si Sage.
"Tawagin mo na si Sage," sabi sa'kin ni Kyril. Nag-aalinlangan naman akong tumango. Ewan ko kung bakit parang nahihiya ako kay Sage ngayon.
Tatawagin ko na sana siya pero pagharap ko sa may lawa ay saktong pag-ahon niya.
Sinuklay niya ang kamay niya gamit ang mga daliri niya. Umaagos ang tubig pababa sa dibdib niya.
What a strong pecs.
Hanggang sa Abs niya.
And a perfect abs
Down to his
"Vera, 'yong laway mo tutulo na." Humagikhik pa si Kyril.
Nataranta kong inangat ang tingin ko sa mukha ni Sage. Nakangisi ang gago.
Inirapan ko naman siya.
Nakakahiya ka, Vera!