Napagpadesisyunan ko na umuwi. Wala din naman akong balak magtagal dito.
"I'll drive you home," sabi ni Stephen at tumayo na rin.
"Sigurado ka? Pwede naman akong magtaxi, Stephen," nahihiyang sabi ko. Sobra-sobra na ang pang-aabala ko sa kanya.
"Gusto mo ba talaga akong patayin ni Sage?" seryosong sabi niya kaya hindi na 'ko nakipagtalo pa.
Mabuti na lang at bumalik na si Liam. Hindi ko na siya kailangan hagilapin pa.
"Liam, I'm very sorry but I need to go home."
Kumunot naman ang noo ni Liam.
"What? Nagsisimula pa lang ang party," aniya.
"Kailangan niya na talagang umuwi, bro!" pagsingit ni Stephen.
"Bro, naman ang KJ. Halika, Vera!"
Nagulat ako nang hilahin ako ni Liam palapit sa pool area pagkatapos ay biglang umulan ng bula.
"Oh, s**t!"
Halos mapuno ako ng bula at tumatawa lang si Liam.
"Come on, Vera! Just enjoy the night." Pinunasan niya pa ang bula sa mukha ko.
"Hands Off!"
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang isang maawtoridad na boses.
"Let's go!"
Hinila niya ako palayo. Nadaanan ko pa si Stephen na mukhang constipated.
"What the hell, Veranica?"
Galit na galit si Sage.
Binitawan niya 'ko nang makarating kami sa labas.
"Sage.."
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"So, wala ka talagang balak sabihin sa'kin?"
Sobrang nanlalamig ako. Umaapoy ang mata ni Sage sa galit.
"Sage, wag mong siyang sigawan," pagsingit ni Stephen na ngayon ay kalalabas lang ng bahay nila Liam.
"Isa ka pa! Ano? Kinukunsinti mo si Vera?"
Akmang susugurin ni Sage si Stephen pero napigilan ko siya.
"Stop it, Sage! Walang kasalanan si Stephen dito. Iwan mo na muna kami Stephen."
Tumango naman si Stephen at tinalikuran kami.
"Wala ka bang balak sabihin sa'kin ito, Vera?" Humina ang boses ni Sage pero nandoon pa rin ang diin.
"Meron, pag-uwi mo. Ayoko kasing mag-isip ka pa ng kung ano. There is no big deal, Sage."
Nanunuyo ang lalamunan ko.
"No big deal? But you didn't tell me. At mukhang wala ka talagang balak sabihin sa'kin!" Lalong nag-apoy sa galit ang mga mata ni Sage.
"Sage, believe me, walang big deal dito." Naiiyak na 'ko. Oo kasalanan ko pero ayoko lang naman na mag-isip pa siya.
"And look at your dress, it's too revealing. Makikita na lahat ng pwedeng makita sayo, Vera."
Napapikit ako nang tumaas uli ang boses niya dahil sa galit.
"I'm sorry, Sage." Pumiyok na ako at nararamdaman ko na ang nagbabadyang pagtulo ng luha ko.
"Get in the car. I'm driving you home," malamig na sabi niya. Nanginginig naman ako na pumasok sa front seat.
He is very mad and very cold.
Tahimik lang kami sa byahe, ni wala akong lakas ng loob na magsalita. Pagdating sa tapat ng bahay ay hinintay niya lang ako bumaba tsaka mabilis na pinaharurot ang kotse niya.
Sana walang mangyaring masama sa kanya.
Nanghihina akong napaupo sa sofa. Agad naman akong dinaluhan nila Ate Kim. Inabutan pa 'ko ng tubig ni Briana.
"Tinawagan ako ni Stephen, Vera. Kumusta kayo ni Sage?" nag-aalalang tanong ni Andrea.
"He's very mad."
"Magagalit talaga iyon. Anong inaasahan mo? Matutuwa 'yon? Sinabihan na kasi kita!" inis na sabi ni Kyril.
"Stop it, Kyril! Wag mo na pagalitan si Vera," saway ni Ate Kim.
"Take a rest, Vera. Pahupain mo muna ang galit ni Sage. Hindi ka matitiis noon," sabi pa sa'kin ni Ate Kim.
Sana.
"Vera! Tanghali na!"
Nagising ako sa pagkatok ni Kyril. Ang totoo ay halos wala pang isang oras ang naitutulog ko. Nag-aalala ako kay Sage at gustong gusto ko siyang makausap pero nakapatay ang phone niya.
"Hindi ka ba nakatulog ng maayos?" tanong ni Briana. Tanging tango lang ang naisagot ko sa kanya.
"Don't think too much, Vera. Magkakaayos din kayo ni Sage," ani Ate Kim.
Lumilipad ang isip ko at wala akong maintindihan sa mga itinuturo ng mga professor ko kaya nang magbreak time ay agad akong tumayo at mabilis na lumabas.
"Vera, saan ka pupunta?" tanong ni Kyril nang maabutan niya ako.
"Pupuntahan ko si Sage sa room nila. I need to talk to him," malungkot na sabi ko.
"He's not here, Vera. Ang sabi ni Zander ay bumalik daw sa Manila si Sage kaninang madaling araw."
Nanlumo naman ako sa sinabi ni Kyril.
Galit na galit talaga siya sa'kin.
"Hayaan mo na muna si Sage na magpalamig, Vera. Kumain na muna tayo."
Tumango na lang ako kay Kyril. Kahit na ang totoo ay wala akong gana kumain.
Bumalik si Sage sa Manila? Ni hindi pa kami nakakapag-usap.
"Vera, hindi mo ginagalaw ang pagkain mo."
Napaangat ang tingin ko kay Brixel.
"Wala akong gana."
"Vera, hindi ka pa kumakain ngayong araw!" nag-aalalang sabi ni Kyril.
"Mas magagalit si Sage kung papabayaan mo ang sarili mo," dagdag pa ni Alezander.
"Zander, nasa Manila ba talaga si Sage?" malungkot na tanong ko.
"Oo, Vera. Hindi pa siya tapos sa mga inaasikaso niya," aniya.
"Gusto ko siyang makausap," sabi ko. Pinipigilan ko ang mga luha kong tumulo.
"Sage was really mad. Ang totoo ay wala pa siyang balak bumalik ng Montreal dahil hindi pa naaayos ang problema ng hotel nila but someone send him text messages and pictures," sabi ni Alezander.
Kumunot naman ang noo ko.
"What pictures? tanong ko.
"Here. Check it." Inabot sa'kin ni Brixel ang phone ni Sage. "Naiwan niya 'yong phone niya sa apartment kagabi."
I typed his password.
062718
Our anniversary.
Tinignan ko ang messenger account niya and there was a dummy account that keeps on messaging him.
Your girl is cheating on you
Sage, she's cheating on you with Liam Stan
Here's the proof
May picture namin ni Liam noong nag-usap kami sa garden kahapon.
"This is bullshit!" inis na sabi ko.
"Pero sino 'yong nagsesend ng messages and pictures kay Sage? Sinusundan niya pa talaga si Vera," sabi ni Kyril.
"'Yan ang hindi namin alam." Nagkibit balikat pa si Zander.
Binasa ko uli ang mga messages.
Don't ignore it, Sage. I'm telling the truth.
Look, she's the VIP guest at Liam's birthday party.
Pagkatapos ay may picture namin ni Liam noong kakadating ko lang sa party niya.
"Siguro isa 'yan sa may gusto ko kay Sage!" Umirap pa si Briana.
"Vera, nagalit si Sage dahil hindi ka man lang nagsabi sa kanya na pupunta ka sa party ni Liam. Pagkareceive niya ng message na 'yan ay nasa Monte Vista siya dahil nakipagmeet siya sa mga investors at nagmadaling magmaneho papunta sa sa bahay ni Liam," sabi ni Zander. "Ni hindi mo daw sinasagot ang tawag niya at hindi ka nagrereply sa mga text niya kahapon," dagdag niya pa.
I feel guilty. Totoong hindi ko nasagot ang mga tawag niya kahapon noong nasa mall ako para bumili ng regalo kay Liam.
"Napaisip siya, Vera, na baka nga you were cheating on him."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Brixel.
"Of course not!" Tuluyan nang tumulo ang luha ko.
"Kasi wala siyang makitang ibang dahilan kung bakit mo nagawang maglihim sa kanya. Bakit ka nga ba naglihim?" tanong ni Brixel.
"Ayoko lang naman kasi na makadagdag pa sa mga iniisip niya. Kilala niyo naman si Sage, diba?" Pinunasan ko ang lumandas na luha sa mga mata ko.
"But, Vera, you should be honest with him. It's not an excuse," sabi naman ni Kyril.
"Kilala mo si Sage, Vera. Alam mo ang mga ayaw niya. Nasa relasyon kayo kaya may karapatan siyang maging updated sa mga ginagawa mo. Being secretive makes your relationship unhealthy," sabi naman ni Briana.
"Nagsisisi ako. It's my fault. Ginawa ko lang 'yon kasi iyon ang makabubuti para kay Sage. I don't want him to overthink things."
"Alam mo rin na hindi naging maganda 'yong last encounter ni Sage at Liam. Bakit ba kailangan mo pang pumunta sa birthday party niya? Baka naman VIP guest ka talaga?" Nakataas ang isang kilay ni Kyril.
"Ky? Of course not! Ayoko lang maging rude kay Liam," sabi ko.
"Alam mo, Vera, noong nanliligaw sayo si Liam sobrang rude mo sa kanya na halos ipagtabuyan mo siya araw-araw tapos ngayong may boyfriend ka at talagang kailangan mong umiwas kay Liam ay sasabihin mong ayaw mo lang maging rude? Alam mo nakakagigil ka din talaga, e!" Kita ang irita sa mukha ni Kyril.
Hindi ko siya masisisi may point naman talaga siya.
"Kyril, calm down!" saway ni Briana.
"Ito kasing kaibigan mo ang hirap ispellingin. g**o ng utak," aniya.
"Sorry na, Kyril! It's my fault okay? Aminado naman ako. Gusto ko lang makausap si Sage," malungkot na sabi ko.
"Wag na. Hindi mo naman ata talaga mahal si Sage."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kyril.
"God knows how much I love him, Kyril!" inis na sabi ko.
"Really, huh?"
Nanigas ako nang marinig ang boses ni Sage. Dahan-dahan akong lumingon. Matalim ang titig niya sa'kin.
"Sage.."
"Mag-usap nga kayo!" sabi ni Kyril tsaka hinila si Bri palayo. Sumunod naman si Brixel at Alezander.
"In my car, now!"
Halos mapatalon ako sa kaba.
Hindi ko naman mapigilan na hindi mapangiti nang kunin niya sa upuan ang bag ko tsaka naunang maglakad.
"Akala ko nasa Manila ka?" panimula ko nang nasa kotse niya na kami.
"It's not the matter here, Vera," malamig na sabi niya.
"Sage, I'm sorry nagawa-"
Pinutol niya agad ang sinasabi ko.
"I don't need explanation. Narinig ko na 'yan kanina habang nag-uusap-usap kayo."
Nanlaki naman ang mga mata ko.
"What? Kanina ka pa doon?" tanong ko.
"The pain I felt last night was indescribable. It's killing me."
"Sage," napapaos na sabi ko.
Hindi siya umimik. Nag-unahan ang mga luha ko sa pagtulo.
"Hey don't cry," he whispered.
"The least I want to do is to hurt you, Sage."
Ngumisi lang si Sage.
"I know, Vera."
Hinila niya ako at niyakap.
"Are you still mad at me?" I asked.
Lalo namang humigpit ang yakap niya.
"I'm not, Vera. I've forgiven you because I love you."
"Thank you, Sage!" I smiled.
"I will never give you up, I will never give up on us." Hinalikan niya pa ang ulo ko.
"I don't want to lose you, Sage." Napapikit ako. Hindi pa rin kinakalas ni Sage ang pagkakayak niya sa'kin.
"You won't, Vera."
"And Sage, I never cheated on you." Umalis ako sa pagkakayakap niya.
"But I feel betrayed."
Napakagat ako sa labi ko.
"Vera, can you just avoid Liam for me?"
"You don't need him, Vera. All you need is me, I'm better than him."
Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata ni Sage.
"Of course, love. You are better than anyone and I don't need anyone but you. I promise, iiwasan ko na si Liam." Ngumiti naman siya.
"Thank you, love."
Pagkatapos ay hinalikan ako ni Sage.
His sweet kisses, I missed this so much. I missed him so much.
"I love you, Veranica Angeles. You are mine forever," hinihingal na sabi ni Sage.
"I love you too, Sage Wainwright, and yes I'm yours forever." Hinalikan niya uli ako.
God! I love this man so much.
"Hindi ka pa kumakain, woman," matigas na sabi ni Sage tsaka pinaandar ang kotse niya.
Bigla-bigla na lang din talagang nagbabago ang mood nito ni Sage. Saksakan nga ng gwapo kaso saksakan rin sa pagiging moody.
"Sage, may klase pa ko," sabi ko pero hindi ako pinansin.
At wala akong magagawa dahil kailangan kong bumawi sa kanya and besides namimiss ko na rin naman siya.
I missed my man so much!
Sa isang Eat-all-you-can restaurant kami kumain ni Sage.
"Gusto mo ba talaga akong tumaba?" tanong ko nang makapasok kami sa loob ng restaurant. Nagkibit balikat lang siya.
"Sobrang namiss kita, Vera," sabi ni Sage habang kumakain kami.
"Sobrang namiss din kita, Sage."
Kinuha niya ang kamay ko tsaka hinalikan.
"No more secrets, Vera. Okay?" Ngumiti ako sa kanya tsaka tumango.
"Promise!" Lumawak ang ngiti niya.
No more secrets! I will never hurt you again, Sage. Never again!
Sage Wainwright is my man, my life and my everything.