CHANCES 18

2197 Words
"Where have you been, love?" tanong ni Sage. "Kitchen. Nauhaw ako tapos nakipagkwentuhan na rin ako sa ex mo." Kitang-kita naman ang pagkagulat sa mukha niya. "About what?" tanong niya ulit. "Tungkol saan pa ba? Malamang tungkol sa'yo?" sabi ko tsaka padabog na umupo. "Did she hurt you?" tiim bagang na tanong niya. Umiling naman ako. "Just ignore her, love. Don't mind her. Okay?" Hinahaplos niya ang buhok ko. Tumango naman ako sa kanya. Nagpaluto si Sage kay manang ng baked macaroni at pizza pagkatapos ay nagkulong kami sa entertainment room nila para manood ng movie. "So what do you want?" tanong niya pagkatapos ay sinubuan ako ng baked mac. "Horror," sabi ko. Tumango-tango naman siya. "Gusto mo lang makatsansing, e." Nanlaki naman ang mata ko pagkatapos ay sinuntok ko siya sa dibdib. Humalakhak naman siya tsaka nagplay ng movie. Habang nanonood kami ay nakasandal ako sa dibdib ni Sage. Pinaglalaruan naman niya ang buhok ko. "Having you beside me is more than enough, love." Hinalikan niya pa ang ulo ko. Napangiti naman ako. I should not be threatened by Gaby's existence. Sage assured me that I will never gonna lose him. He loves me so much and I can feel it. I will trust on him. I will trust on the love he have for me. After namin manood ng ilang movie ay nagpasya na 'kong umuwi. Pagkababa namin ni Sage ay bumungad nanaman sa amin si Gaby na nasa sofa. "Sage, I will cook for our dinner. What do you want?" tanong ni Gaby habang may malaki ang pagkakangiti. Hindi naman siya pinansin ni Sage. "Oh! Are you going home, Vera? Bye!" Ngumisi pa siya sa'kin. Nakaramdam nanaman ako ng inis, kung dito siya tumutuloy malamang dito siya matutulog. "Let's go, love." Hinawakan pa ni Sage ang kamay ko at tinalikuran na namin si Gaby. Umirap pa siya sa'kin pero hindi ko na lang siya pinansin. "Vera, bakit ang tahimik mo? Is there any problem?" tanong ni Sage nang mapansin na tahimik lang ako sa byahe papunta sa bahay. Umiling naman ako. "Come on, Vera! Spill it," matigas na sabi ni Sage. "Sa bahay niyo matutulog si Gaby?" "Yes. And I don't have anything to do with it. Anak siya ng wife ng Uncle ko. They treated her as a family too," sabi niya. "Vera, just trust me okay?" dagdag niya pa. "Nakakainis naman kasi kapag maiisip ko na pag-uwi mo nandoon 'yong babaeng 'yon!" inis na sabi ko. Humalakhak naman siya. "Natutuwa talaga ako kapag nagseselos ka, love. Don't worry, I will not go home tonight." Kumunot ang noo ko. "Why?" "Kailangan kong pumunta sa Manila. Akala ko maayos na ang problema sa branch ng Monte Vista, hindi pa pala," malungkot na sabi niya. "Gabi na, Sage! Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin? Para maaga sana ako umuwi. Hindi ba pwedeng ipagpabukas na lang?" Hindi mawala sa'kin ang pag-aalala. "I want to spend more time with you today. Probably mga three days ako sa Manila." Nakaramdam naman ako ng lungkot. "I'm gonna miss you, love," sabi ko. Hinawakan naman niya ang kamay ko. "I'm gonna miss you too, so much." Hinalikan niya pa ang kamay ko. Mabilis lang ang tatlong araw pero kung makaramdam ako ng lungkot akala mo ay tatlong buwan siyang mawawala dito sa Montreal. Nang nasa tapat na kami ng bahay ko ay hinila niya ko papalapit sa kanya at niyakap. "You behave, woman. Okay?" maawtoridad na sabi niya. "Ikaw ang magbehave jan, Sage!" Natawa naman siya. "I'm so into you. Hindi ako gagawa ng kahit na anong bagay na pwedeng ikawala mo sa'kin." Napangiti naman ako. "I love you, Sage!" Bumitaw naman siya sa pagkayakap sakin at hinalikan ako. One passionate kiss. Sa bawat halik niya ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya and I love this man so much. "I love you so much, Vera!." Hinalikan niya pa 'ko sa noo. "Drive safely, okay?" Tumango naman siya. Hinalikan niya pa ko ulit bago ako bumaba sa kotse niya. Sana ay matapos na agad ang tatlong araw. "O, bakit mukha kang malungkot?" tanong ni Kyril pagpasok ko. "Hindi ka ba nag-enjoy sa date niyo?" tanong din ni Andrea. "Pupunta siya ng Manila. Tatlong araw siya doon," sabi ko tsaka sumalampak sa sofa. "O.A naman nito! Parang tatlong araw lang," sabi ni Briana. "It feels like months," sabi ko sabay nguso. Nagtawanan naman sila. "What?" tanong ko. "'Di bagay sa'yo!" Humalakhak pa si Kyril. Inirapan ko na lang siya. Lunes na ngayon at bukas ay uuwi na si Sage. Naeexcite naman ako. Miss na miss ko na siya at madalang lang kami mag-usap dahil sa sobrang busy niya sa pag-aasikaso ng business nila. Sobrang sakit ng katawan ko paggising ko kanina dahil sa sobrang nakakapagod ang duty ko kahapon sa Swiftea palibhasa ay linggo. Dinagsa kami ng tao. Nakatungo ako sa desk ko nang may humawak sa ulo ko. Nag-angat ako ng tingin at nagtama ang mga mata namin ni Liam. Kumunot ang noo ko. "Can we talk?" tanong niya. Bigla naman may sumigaw na blockmate ko na wala daw ang prof namin ngayon kaya tumango naman ako kay Liam. Sa may garden kami pumunta ni Liam. "Vera, I'm sorry for what happened at the Masquerade Ball," panimula niya. "I know I'm such a jerk. I just want to pissed Sage because he's pissing me off," patuloy niya habang ako tahimik lang. "I just want us to be friends, Vera. Nothing less, nothing more." Lumingon ako sa kanya at ngumiti. "Okay. Friends." Ngumiti siya pabalik. "Thank you so much, Vera!" aniya. "Sorry sa suntok ni Sage," sabi ko. "I deserved it." "Sabagay." Humalakhak naman siya. Pumunta muna kami sa cafeteria para bumili ng pagkain tsaka ako hinatid ni Liam sa room ko. "Vera, mamaya, ah?" Kumunot naman ang noo ko. "Here!" May inabot siya sa'kin. Nanlaki naman ang mga mata ko. It's an invitation. Oo nga pala at birthday ni Liam ngayon! "I forgot. I'm sorry and happy birthday." Ngumiti naman sa'kin si Liam. I feel so guilty. "I'll be there tonight," I assured him. Lumawak ang ngiti niya tsaka nagpaalam na sa'kin. Nang makauwi ako ay nagpahinga lang ako saglit tsaka naligo, maghahanap pa 'ko ng masusuot dahil wala naman akong masyadong dress at for sure bongga ang birthday party ni Liam. Nahagip ng mata ko yung pastel pink na dress na binigay ni Liam sakin. "Susuotin ko ba 'to?" tanong ko sa sarili ko. "Saan punta mo?" tanong ni Kyril na kapapasok lang sa kwarto ko. "Birthday party ni Liam," sagot ko habang nakatuon pa rin ang mga mata sa pastel pink dress. "Alam ba ni Sage 'yan?" Lumingon ako sa kanya. Sumandal naman siya sa pader at pinagkrus ang dalawang braso niya. "Wala naman akong gagawing masama." Ibinalik ko ang tingin ko sa kulay pastel pink na dress. "It doesn't matter kung wala kang ginagawang masama, Vera, my point is dapat magpaalam ka kay Sage or inform mo man lang siya. Alam mo namang mortal enemies 'yong dalawa," aniya. "But Liam and I we're friends, ayokong mag-isip pa ng kung ano si Sage. Kailangan niyang magfocus sa business nila," sabi ko tsaka inilagay ang pastel pink dress sa kama ko. "Bahala ka, Vera! Basta sinabihan na kita." Nagkibit balikat pa si Kyril tsaka umalis. Wala naman akong nakikitang mali sa gagawin ko, I'm just going to a friend's birthday party. Nagbihis na ako at nagblow dry ng buhok. Naglagay din ako ng konting make up para naman hindi ako mukhang maputla. Pagbaba ko ay nakatuon lahat ang mga tingin nila sa'kin at kung tignan nila ako ay parang gumawa ako ng krimen. "What?" tanong ko. "Ingat ka, Vera!" sabi ni Ate Kim. "Tigas ng ulo!" sabi pa ni Kyril tsaka pumunta sa kusina. "Anong oras uwi mo? Just call me para masundo kita," sabi naman ni Andrea tsaka kumagat sa cookie na hawak niya. "Magtataxi na lang ako. Wag niyo munang sabihin kay Sage. Ako na ang magsasabi pag-uwi niya. Alis na 'ko." Tumango lang sila sa'kin. Nagtaxi lang ako papunta sa Village nila Liam. Malayo layo ang kina Liam kaya natagalan ako sa pagdating. "Hi, Kuya, dito ba ito?" Pinakita ko pa sa guard 'yong dala kong invitation para makasiguro na dito nga ang bahay nila Liam. "Yes, ma'am! Sa garden po ginaganap ang party." Tumango naman ako at nagpasalamat. Pagpasok ko ay iginiya ako ng isang babae papunta sa garden. Nakakalula ang laki ng bahay nila Liam pero hindi naman kasing laki ng mansyon nila Sage. Madami na ang tao sa garden. Malaki ang garden nila Liam at katabi nito ay ang pool area na kung saan may mga iilan na ring naliligo. Yes, it's a pool party but I don't have any plans to swim. "Vera, dumating ka." Malaki ang ngiti ni Liam. "At sinuot mo ang dress," dagdag niya pa. "Happy birthday, Liam!" Iniabot ko sa kanya ang binili kong regalo kanina bago umuwi. Hindi ko alam kung anong hilig niya at gusto niya kaya binilhan ko na lang siya ng polo shirt, kagaya nga ng sabi ni Kyril noong birthday ni Stephen hindi naman si Sage ang may birthday kaya hindi kailagan na may meaning ang ibigay ko. "Thank you! Sana ay hindi ka na nag-abala." Lalong lumawak ang ngiti sa labi niya. Iginiya niya ako sa isang table. Wala akong kaclose sa party na ito kung hindi si Liam lang. "Don't be shy, Vera. May lalapitan lang ako pagkatapos ay babalik agad ako." Tumango naman ako sa kanya tsaka siya umalis. Tumayo ako para pumunta sa buffet table kasi kumakalam na rin ang sikmura ko dahil sa gutom. "Vera?" Halos mapatalon ako sa gulat nang may tumawag sa'kin. "Stephen?" Magkaibigan nga pala sila ni Liam kaya hindi na 'ko magtataka kung bakit nandito siya. "Buti pumayag si Sage na pumunta ka dito lalo na at hindi ka niya mababantayan dahil nasa Manila siya?" Natawa pa si Stephen. Nanlamig naman ako at panigurado ako na hindi na maipinta ang mukha ko ngayon. Kumunot ang noo ni Stephen. "Wait! Hindi niya alam?" Dahan-dahan naman akong tumango. "Please! Wag mo na muna banggitin sa kanya, Stephen. Ayoko na maging big deal pa ito at mag-isip pa ng kung anu-ano si Sage. He needs to focus on their business," pagmamakaawa ko. "But-" "Sasabihin ko rin sa kanya pagbalik niya. He just need to focus on their business first." Kahit alam kong hindi sang-ayon si Stephen ay tumango na lang siya. "Pupunta lang ako sa table ng mga friends ko pagtapos ay babalikan kita. I guess kailangan kitang bantayan," aniya. "Hindi na kailangan, Stephen. I'm fine," pagtanggi ko. "Sabit na 'ko dito at kapag nagalit si Sage mapapatay ako noon dahil malalaman din niya na nandito ako at hindi ko binantayan ang Reyna niya." Umiiling-iling pa si Stephen. Natawa naman ako. Pagkatapos ko kumuha ng pagkain ay bumalik na 'ko sa pwesto ko. Maya-maya lang ay lumapit na sa'kin si Stephen. "Nakakahiya naman, Stephen. I know you want to bond with your friends," nahihiya na sabi ko dahil sa pang-aabala ko sa oras niya. "Hindi naman mas gusto 'ko to kesa patayin ako ng boyfriend mo." Humalakhak siya. Natawa na lang din ako. "Oh, bro!" Tinapik pa ni Liam ang balikat ni Stephen. "Hey! Happy birthday, man!" "Bakit nandito ka? Hinahanap ka nila Jared." tanong ni Liam tsaka umupo sa tabi ko. "Walang kasama si Vera." "She's fine now. Nandito na 'ko, bro, hindi ko siya iiwan. Pwede ka na bumalik kina Jared." Nangunot naman ang noo ni Stephen. "Mukhang gusto mo masolo si Vera, ah? nunuyang sabi ni Stephen. "Stephen!" saway ko. "Hindi naman. Gusto ko lang magenjoy ka tonight," sabi pa ni Liam. "It's okay, Vera is also my friend and besides hinabilin siya sa'kin ni Sage." Tumango-tango naman si Liam. "Oh, your possessive friend," sabi pa ni Liam. Ngumisi naman si Stephen. "His possessive boyfriend." Binigyan niya ng diin ang sinabi niya. Napailing na lang ako. "Don't drink too much, Vera," saway sa'kin ni Stephen kahit kakainom ko pa lang ng wine ko. "Stop acting like Sage, Stephen!" iritadong sabi ni Liam. "Why? I'm his representative for tonight." Nagtawanan kami ni Stephen habang si Liam ay umiling lang. Panay ang kwentuhan naming tatlo. Madalas ay tumatayo si Liam para mag-entertain ng ibang guests habang si Stephen ay hindi talaga ako iniwan. Lalong umingay nang naging dimmed ang ilaw. May mga nagsasayawan at marami na rin ang nasa pool area at masayang nagpaparty sa pool. Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko at nanlamig naman ako nang makitang si Sage ang tumatawag. "Si Sage," sabi ko kay Stephen. Nakita ko rin ang pagiging uneasy niya. "Don't answer it, Vera. Masyadong maingay. Hayaan mo na lang na isipin niyang tulog ka na." Napangiwi naman ako. Tumigil na rin sa pagtawag si Sage pagkatapos ng ilang missed calls pero kumalabog ang puso ko nang magpop up ang message niya. From: Sage I'm very mad, Veranica Angeles! "Anong problema, Vera?" tanong ni Stephen. Pinakita ko ang message ni Sage sa akin. "We're dead," sambit pa ni Stephen. Siguro ay dahil sa hindi ko sinasagot ang tawag kaya siya galit kasi hindi naman niya agad malalaman na nandito ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD