CHANCES 17

2251 Words
"Good night, my Queen!" sabi ni Sage nang nasa tapat na kami ng bahay ko. "Good night, my King!" Hinalikan pa niya 'ko tsaka inutusang pumasok na sa loob. Hindi naman mapawi ang mga ngiti sa labi ko. Ala una na ng madaling araw kaya tulog na sila Ate Kim. Nauna naman kaming umuwi kina Kyril dahil may pasok ako sa Swiftea mamayang alas sais. Nagising ako dahil sa ingay ng tunog ng phone ko. "Hello?" sagot ko habang nakapikit. "Veranica, wag ka munang pumasok ngayon. Magpahinga ka muna." Nawala naman ang antok ko sa sinabi ni Michelle. "Papasok ako kailangan ko ng pera," pagpoprotesta ko. Tuwing weekends na nga lang ang trabaho ko ay tatanggalan pa 'ko ng schedule. "Basta wag ka na pumasok, day off with pay," sabi pa niya. Kumunot naman ang noo ko. "Pinagsasabi mo jan?" "Basta off mo ngayon. Take a rest, darling, at take note, bayad ang off mo. Ikaw na ang bagong favorite ko ngayon." Humagikhik pa siya bago patayin ang tawag. Ano namang trip ni Michelle? Bumaba naman ako at nadatnan ko si Ate Kim na nagkakape. "O, bakit ang aga mo?" tanong niya. "Tinawagan ako ni Michelle off ko daw with pay. Weird." "Off mo nga. Si Jas ang pumalit sa'yo at sabi nga ni Michelle with pay 'yong off mo. Incentives daw kasi ikaw ang topseller." "Nagbago ata ang ihip ng hangin," sabi ko. Nagkibit balikat lang si Ate Kim. "Vera, trending 'yong nangyari kagabi sa ball, ah? Sobrang pretty mo sa part na 'yon!" sabi ni Ate Kim sabay ngisi. "Nagulat talaga ako, Ate, as in super unexpected. Imagine, kayang gawin ni Sage ang ganoong bagay sa harap ng madaming tao," sabi ko pa tsaka kumuha ng fresh milk. Hindi mabubuo ang umaga ko kapag hindi umiinom ng fresh milk. "Ganyan naman talaga kapag in love. People do things you least expected and besides si Sage ang tipo ng tao na ipagsisigawan na pag-aari ka niya para wala nang magtangka pang lapitan ka." Napangiti naman ako. "O? kinikilig ka jan," pang-aasar pa ni Ate Kim. Natawa naman ako. "I feel so special tsaka ang strange kasi nung feeling, Ate. Alam mo naman, Sage is my first love kaya mas lalong ang sarap sa pakiramdam." Ngumiti naman si Ate Kim. "I'm so happy for you, Vera. Nahanap mo na ang happiness mo," aniya. "Ano ka ba, Ate! Simula nang dumating kayo dito sa bahay nahanap ko na ulit ang happiness ko. Nakumpleto lang nang dumating si Sage." Niyakap naman ako ni Ate Kim. Naalimpungatan ako dahil may tumutusok sa pisngi ko. "Ano ba!" singhal ko. "Wake up, sleepy head!" Automatic naman na dumilat ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Sage. "Nananaginip ba 'ko?" tanong ko nang makita ang gwapong mukha ni Sage sa tabi ko. Hinalikan naman niya ako. "You're not!" May mapaglarong ngiti sa labi niya. "Sage? Paano ka nakapasok?" Nakakahiya ang pangit ko pa naman kapag bagong gising tapos hinalikan niya pa 'ko, ni hindi pa ako nakakapagtoothbrush. "I have my source," sabi niya tsaka ipinakita ang duplicate key ng room ko. "Mag-asikaso ka na may pupuntahan tayo. I'll wait you downstairs." Kumindat pa siya sa'kin tsaka lumabas. Saan naman kaya kami pupunta? Wala na 'kong choice kung hindi maligo kahit pa gustong gusto ko pa matulog. Pagkatapos kong mag-asikaso ay bumaba na 'ko. "Let's go?" tanong ni Sage. Tumango naman ako. "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko nang nasa kotse na kami. "In my house," sabi niya at ngumiti. Napalunok naman ako at bigla siyang humalakhak. "Relax, Vera! Wala tayong gagawin unless you insist." Hinampas ko naman siya at lalong lumakas ang tawa niya. Habang nagdadrive siya ay nakahawak ang isa niyang kamay sa kamay ko. Mabilis lang namin narating ang subdivision kung saan siya nakatira dahil malapit lang naman sa Hyacinth. "Good morning po, sir!" Ngumiti din sa'kin ang isang middle-aged na babae. Ngumiti din ako sa kanya pabalik. "Nakapagluto ka na ba, Manang?" tanong pa ni Sage. "Opo, sir." Tumango lang si Sage sa kanya tsaka ako iginiya papasok sa bahay niya. Pagpasok pa lang ay bubungad na sa'yo ang mga mamahaling mwebles at malalaking chandeliers na siyang nagsusumigaw ng karangyaan ng mga Wainwright. "Sage!" Naagaw ang atensyon ko nung tumawag kay Sage. "Gaby," madiin na sabi ni Sage at lalo namang humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Nakangiti sa'kin 'yong babae. Inisip ko pa kung saan ko siya nakita dahil pamilyar ang mukha niya. Ah! Siya 'yong babaeng nakita ko sa restaurant kahapon. "What are you doing here?" matigas na tanong ni Sage. "Ang ganda naman ng pawelcome mo sa'kin, ni hindi mo man lang ba 'ko ipapakilala sa kanya?" tanong nung babae. "She is Gaby, my uncle's wife daughter," walang ganang sabi ni Sage. "Anak sa pagkadalaga," paglilinaw niya pa. "And also his ex-girlfriend." Nilahad pa nung Gaby ang kamay niya sa'kin. "Gabriela!" saway ni Sage tsaka hinawi ang kamay ni Gaby na nakalahad sa'kin. Nagulat naman ako at hindi ko alam ang sasabihin ko. "Why, Sage? Gusto ko lang makipagkilala sa girlfriend mo," sabi naman ni Gaby. "I'm Vera," sabi ko tsaka inilahad ang kamay ko sa kanya. Ngumiti naman siya tsaka kinuha ang kamay ko. "Gaby!" Tumango-tango pa siya. "Let's go, Vera!" Hinila pa 'ko ni Sage pero natigil siya sa paglalakad nang magsalita si Gaby. "Actually, I'm not his ex-girlfriend. There was no break up between us, Vera. One day bigla na lang siyang hindi nagparamdam," malungkot na sabi ni Gaby. Nanlaki naman ang mata ko. "You shut up, Gabriela! Since the day you left it became over between us!" singhal ni Sage. "Really, Sage? Really?" Nangingilid ang luha ni Gaby. "What is happening here?" tanong ng kararating lang na si Jade. "Gaby? Kelan ka pa dumating?" Hindi makapaniwala si Jade. "And please Gaby, leave them alone," dagdad pa ni Jade at tuluyan na 'kong hinila ni Sage paakyat hanggang makarating kami sa isang kulay black and white na room. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. "I don't know what to say," sabi ko. "You don't have to say anything, Vera. Gaby was just a person from the past at hindi totoo ang sinabi niya kanina." Hinawakan niya pa ang magkabilang pisngi ko. "Trust me, okay?" Tumango naman ako at hinalikan niya ang noo ko. "I love you so much, Vera." Niyakap niya pa 'ko nang mahigpit. "I love you too, Sage." At niyakap ko rin siya nang mas mahigpit sa yakap niya. I'm scared! Takot na takot. Nagsisimula pa lang kami at natatakot akong masira agad ang meron kami. My biggest fear right now is losing him. "I don't want to lose you," bulong ko. "You will never lose me, love. I'll promise." Napangiti naman ako. His assurance is more than enough. Nagpasya kaming bumaba ni Sage para kumain. Nagugutom na rin kasi kami pareho. Nadatnan pa namin si Gaby na nanonood ng t.v. Dito siya tumutuloy sa bahay nila Sage dahil nga sa anak siya ng asawa ng tito niya at wala siyang ibang matutuluyan dito since binenta na daw ang bahay nila dito sabi ni Sage. "Sage, I cooked your favorite food." Malaki ang ngisi ni Gaby pero hindi na siya pinansin ni Sage at nagderederecho lang kami papuntang kitchen. "Kuya, Vera kain na kayo," anyaya ni Jade na ngayon ay kumakain na. "I'm pretty sure that my version of Adobo is still your favorite. " Biglang sulpot ni Gaby. Naiinis na 'ko at pinipigilan ko lang ang sarili ko na patulan siya. "Can you please stop, Gaby?" tanong ni Sage na halatang naiirita na. "Sit down, love, let's eat." Ngumiti sa'kin si Sage tsaka pinagsandok ako ng pagkain. "Can you just go back to L.A, Gaby?" iritado ring sabi ni Jade kay Gaby na ngayon ay balak pang sumabay samin sa pagkain. "Ikaw naman, Jade! Kararating ko lang and besides, I'm planning to return in St. Scholastica pero nalaman ko na lumipat ka raw sa St. Celestine, Sage. Why? Is it because you have no reason to stay at St. Scholastica 'cause I left?" Inis kong ibinagsak ang kutsara at tinidor sa lamesa. I don't want to be rude pero kung bastusan din ang gusto ng babaeng 'to, pwes! Ibibigay ko. "You really wanna know why? Because I have reason to be at St. Celestine and that reason is her," sabi ni Sage tsaka hinalikan ang sintindo ko. "Really, huh!" inis na sabi naman ni Gaby. "Yes, Gaby! Any problem with that?" Tinaasan ko siya ng isang kilay. Natawa naman si Jade at Sage. "That's my girl!" bulong pa Sage at pinisil ang ilong ko. Umirap si Gaby. Don't make me turn into a monster, b***h! "O, edi shut up ka ngayon, Gaby? Kung ako sayo bumalik ka na lang sa L.A," pang-aasar pa ni Jade. "Shut up, Jade! I will get what is really mine," sabi niya pa tsaka ngumisi sa'kin. "Hayaan mo na, Jade, as if naman may makukuha siya," sabi ko at natawa nanaman si Sage. "You just turning me on my brave girl." Padabog naman na nagwalk out si Gaby. Nagtawanan kaming tatlo. "Kinda bitchy," sabi pa ng natatawang si Jade. Nagkibit balikat lang ako. "So I heard masquerade ball went good as hell for the both of you, huh?" sabi ni Jade at ngumisi. "Well!" sabi ko sabay humalakhak. "Akala ko marriage proposal na," ani Jade. "Jade not so fast." Natawa pa ako. "You have a point , Jade. Bakit nga ba hindi ko naisip 'yon?" Ngumisi pa sakin si Sage kaya hinampas ko siya. Humalakhak naman silang magkapatid. Pagkatapos namin kumain ay naisipan namin pumunta ni Sage sa garden nila. Nakaupo kami habang nakasandal ako sa balikat niya. "Sage, anong nangyari sainyo ni Gaby? I'm really curious," tanong ko. "Hindi na mahalaga iyon, Vera," aniya. "Gusto ko lang malaman all the things about you. I'm your girlfriend and I believe that I have the right to know your past relationships. Please love, I don't want to be clueless. " Bumuntong hininga pa siya. "We're in a relationship since Grade 10 until our first year in college," sabi niya at nakikinig lang ako. "But then she left because of her modeling career. She chose it over me." Bakit parang ang bigat sa loob? Bakit naiinis ako na malaman na bukod sa'kin ay may minahal na rin na iba si Sage? Kahit hindi niya sabihin alam ko kung gaano niya minahal si Gaby. "She was my first love." Nanikip naman ang dibdib ko. "And first love never dies," bulong ko. "Vera, it's not true!" saway sa'kin ni Sage. "Look at me!" Tinignan ko naman siya. "She's just a past and you are my present and my future," sabi niya tsaka hinawakan ang baba ko at binigyan ako ng halik. "Masyado kang selosa." Ngumisi pa siya. "No, I'm not!" Tinignan ko siya ng masama. "Really huh? really?" "Stop it, Sage!" Tawang tawa ako dahil sa pangingilit niya sa'kin. "Tama na!" saway ko pa. Mabuti na lang at may tumawag sa kanya kaya natigil siya sa pangingiliti sa'kin. Habang may kinakausap siya sa phone niya ay pumasok muna 'ko sa loob para uminom ng tubig. Iinom pa lang ako nang may humawak sa braso ko. "Sage is allergy in peanut, since in 3rd grade he is playing basketball, he really wants to be an architect but then he realized his father needs him that's why he took Business Administration, he is great in swimming and archery too, he is a very sporty man, he plays guitar and piano very well, he loves traveling, his favorite colors are black and white, he loves to go to the beaches and he loves seafoods, he loves corn and mushroom soup." "He used to be the lead actor in Shakespeare's Romeo and Juliet play in school way back in high school and he really wants reading Shakespeare's literary works. Now tell me alam mo ba lahat ng 'yan? Diba hindi? That's why you are not good for him. Marami kang hindi alam tungkol sa kanya!" Matalim ang titig sa'kin ni Gaby. Hinila ko ang braso ko na hawak niya. "Maybe you're right! Maybe you know everything about him. Pero may isa kang hindi alam. You have no idea how much he loves me right now!" matigas na sabi ko tsaka ambang aalis na pero pinigilan niya 'ko. "His dad wants me for her, Vera! He believes that I'm really the best for his son." Nilingon ko naman siya. "But his son wants me Gaby, Sage wants me! Anong mahirap intindihin doon?" inis na sabi ko. "Umalis ka, diba? Tapos ngayon kung umasta ka ay parang nag-iwan ka lang ng bag sa baggage counter ng grocery store at pagkatapos mong mamili ay mababalikan mo!" dagdag ko pa. This girl is really getting into my nerves! "But Sage is mine!" Nangingilid na ang mga luha niya. "That was before, Gaby. He used to be yours. Used is a past tense and you're just a person from the past!" Hindi ko na mapigilan ang inis na nararamdaman ko sa desperadang babaeng 'to. "Natatandaan mo 'yong sinabi kong kukunin ko kung anong sa'kin? I mean it, Vera." Ngumisi naman ako. "At natatandaan mo rin 'yong sinabi kong wala kang makukuha? I'm sorry to tell you, but I mean it too, Gaby." Nginitian ko siya at tuluyang umalis. Narinig ko pa ang pagkabasag ng kung ano. Go ahead, Gaby! Magbasag ka lang nang magbasag dahil 'yan lang ang magagawa mo. May the best b***h win!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD