CHANCES 16

2065 Words
Iyon nga ang nangyari, hindi kami nilubayan ni Sage at seryoso talaga siya na makikithird party siya sa date na ito. "Ladies and Gentlemen, Welcome to the annual St. Celestine Masquerade Ball." Nagpalakpakan ang mga tao. Naramdaman ko naman na may humawak sa kamay ko na nasa legs ko. Lumingon ako kay Sage. Nakangisi siya sa'kin. Inirapan ko naman siya. Hanggang sa matapos ang opening speech ng host ay pinaglalaruan ni Sage ang kamay ko. "Vera, what do you want? Ikukuha na lang kita ng pagkain sa buffet table," sabi ni Liam matapos magsalita ng host. "Sama na lang ako doon," sabi ko pero tumanggi si Liam. "No! You stay here. Dapat ang mga babae pinagsisilbihan." Kumindat pa siya sa'kin tsaka umalis, Tumayo rin si Sage. "Where are you going?" tanong ko pero hindi niya 'ko sinagot at umalis. Nang makabalik si Liam ay puro vegetables ang dala niyang pagkain para sa'kin. Napangiwi naman ako pero hindi ko na lang pinakita sa kanya. "Para hindi masira yung figure mo," sabi ni Liam sabay ngiti. Ngumiti na lang din ako. Nagulat naman ako nang maglapag ng steak at desserts si Sage. "Hindi ka mageenjoy sa pagkain kung puro gulay ang kakainin mo," sabi pa ni Sage. "Masisira ang figure ni Vera sa mga pagkain na kinuha mo. Gusto mo ba siyang tumaba?" inis na tanong ni Liam. "And so? Kahit na tumaba pa siya ay siya pa rin ang pinakasexy sa paningin ko." Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti. "Tumigil na nga kayo! Kakainin ko pareho ang mga kinuha niyo," saway ko tsaka nagsimulang kumain. Lumapit sa'kin si Liam dahil may ibinulong siya sa akin. "Not so close," sabi ni Sage. "What is your problem, man?" inis na tanong ni Liam. "Stop it!" saway ko kay Liam dahil tumayo na si Sage at mukhang susugod na kay Liam. "Sage, pwede bang pumunta ka muna kina Brixel? Ayaw ko ng g**o," sabi ko kahit na labag sa kalooban ko na paalisin si Sage. "Fine!" Padabog siyang umalis. Sinundan ko pa siya ng tingin at nakita kong may humarang na babae sa kanya. Pagkatapos ay sabay silang umalis. Nakaramdam naman ako ng inis sa sarili ko. "Pagpasensyahan mo na si Sage," sabi ko kay Liam. "Bantay sarado ka, ah?" "Ganyan lang talaga siya," sagot ko tumango na lang si Liam. Nagkwentuhan lang kami ni Liam nang matapos kami kumain. May mga sumasayaw na pero pinili na muna naming magkwentuhan at magpahinga dahil kakakain lang naman. "Hindi ka ba nasasakal kay Sage?" tanong ni Liam. "Hindi naman." Tumango tango siya. Gusto ko sanang sabihin na nagiging protective lang si Sage pero ayaw kong humaba ang usapan namin tungkol kay Sage. "Can I have this dance?" tanong ni Liam. "Sure." Ngumiti ako. Inalalayan naman niya 'ko papuntang dance floor. Nahagip pa ng mata ko ang matatalim na titig ni Sage. "Vera, can you please remove your mask? I want to see how beautiful your face is," sabi pa ni Liam. "Bawal tanggalin, diba? Hangga't hindi pa naaaward ang Queen and King of the ball," sabi ko kay Liam. "Kailangan ko pang maghintay hanggang mamaya." Ngumuso pa siya. Naramdaman ko naman na na ipinulupot niya ang braso niya sa bewang ko. "Liam, your arms, please!" saway ko sa kanya bago pa si Sage ang sumaway sa kanya. Pero lalo lang niya hinigpitan. "Liam!" inis na sabi ko. "Hands Off!" madiin na sabi ni Sage na ngayon ay nasa likod ko na. Ngumisi lang si Liam at inilapit ako papalapit sa kanya. "Liam, wag ka magsimula ng g**o. Let me go, please!" Ngumisi lang siya at doon napatili ako nang tumama ang kamao ni Sage sa mukha ni Liam. Binitawan naman ako ni Liam. "Sage, tama na!" Hinihila ko si Sage pero para siyang tigre na galit na galit. "When I said hands off, hands off, asshole!" Sinuntok niya ulit si Liam na ngayon ay tumumba na sa sahig "Sage!" naiiyak na sabi ko, ni walang nagtatangkang umawat at parang walang gulong nangyayari dahil hindi man lang natitinag ang mga tao dito sa dance floor. Akmang susugurin niya ulit si Liam pero buti na lang at dumating sina Brixel at Alezander. "Sage, calm down!" saway pa ni Brixel. "I'm warning you! Touch her one more time, I'm gonna kill you!" galit na sabi ni Sage. Ngumisi lang si Liam. "Tama na, bro!" sabi pa ni Alezander at hinihila siya paalis. Hinawakan ni Sage ang kamay ko tsaka ko hinila palabas ng hall. "What the f**k?" Sinipa pa ni Sage ang flower pot sa labas ng hall. "Sage, stop it please." sabi ko. Niyakap naman niya ako tsaka hinalikan sa ulo. "Are you okay?" Tumango naman ako. "I told you, Vera, one wrong move and I'm gonna kill for you!" madiin na sabi niya. Kasalanan ko lahat ng ito kung sana ay binawi ko na lang ang pagpayag ko na maging date ni Liam ay wala na sanang g**o. "Anong nangyari?" tanong ni Kyril na kalalabas lang ng hall. Nakasunod sa kanya sila Briana. "Binastos ng lalaking 'yon si Vera!" galit na sabi ni Sage. "Okay ka lang ba?" tanong sa'kin ni Briana tumango naman ako. "Wag ka na sumama sa Liam na 'yon, Vera, baka kung ano pang gawin sa'yo," sabi naman ni Kyril. "Malabo 'yan mabait si-" Pinutol ni Alezander ang sinasabi ko. "Stop defending him, Vera. Hindi mo pa siya kilala," seryosong sabi ni Alezander. "Alezander," madiin na sabi ni Sage. Bumuntong hininga lang si Alezander pagkatapos ay isinama na si Kyril pabalik sa loob. Tinapik naman ni Brixel ang balikat ni Sage tsaka inalalayan si Bri pabalik sa loob. "I'm sorry." Niyakap naman ako ni Sage. "No, Sage! I'm sorry!" sabi ko tsaka niyakap din siya. Napagdesisyunan na namin na bumalik na sa loob at sa table nila Kyril na lang kami pumwesto, dahil sa nangyari ay hindi na pumayag si Sage na bumalik pa ko doon kay Liam. "Let's dance, love?" tanong ni Sage. Ngumiti naman ako tsaka tumango. "I can't stand seeing you with other man," sabi niya at ipinulupot ang braso niya sa bewang ko. "I don't want other man to touch you like this, Vera." Sumilay ang lungkot sa mata niya. "I'm all yours!" sabi ko sabay ngiti. "Dapat lang." Inilapit niya pa 'ko sa kanya. "I want to kiss you." "Tumigil ka, Sage. Ang daming tao!" saway ko sa kanya. Humalakhak naman siya. "You're blushing again." Sinamaan ko naman siya ng tingin. Nang mapalitan ng party song ang tugtog ay umupo na kami ni Sage. "Kumusta nga pala ang business niyo?" tanong ko kay Sage. "Maayos na ulit kaya hindi ko na kailangan pumunta sa head office sa Manila," sagot niya. "Dalawa lang ba kayong magkapatid ni Jade?" tanong ko at tumango naman siya. "Where's your parents, Sage?" tanong ko ulit. Dahil ang alam ko ay si Sage lang ang nakatira sa mansion nila dito. "In L.A. Kaya doon nagstay si Jade." "Bakit nandito ka?" tanong ko ulit. "To manage our business," sabi niya at tumango-tango naman ako. "The time has come for the most awaited search for the King and Queen of The ball." Nagsigawan naman ang mga tao. "Let the searching begins!" Pagkasabi nung host ay umikot na ang spotlight para sa paghahanap ng King. Noong nakaraang taon ay si Kyril at Brixel ang nanalo. Halos masilaw naman si Sage nang sa kanya tumigil ang spotlight. "I knew it," sambit ko. "Okay, Mr. in White, can you please join me here?" Tumingin naman sa'kin si Sage. Tumango ako sa kanya habang naglalakad siya papunta sa gitna ay nagtititili ang mga babae. Marami pa rin ang nakakakilala sa kanya kahit nakamaskara siya. Nakatitig ako kay Sage nang biglang yugyugin ako ni Briana "OMG!" bulalas niya pa at doon ko lang napansin na nakatapat sa'kin ang spotlight. "Sabi na nga ba, Vera! You will own the crown tonight!" masayang sabi ni Kyril. "Lady in shining shimmering silver gown, can you please join your King here?" Nagpalakpakan naman ang mga tao. Sinundo pa 'ko ni Sage kaya lalong lumakas ang hiyawan. "Okay. I will count 123 and then you remove your mask," sabi sa amin nung host. "Okay, in 3,2,1!" Sabay naming tinanggal ni Sage ang mask namin at lalo namang umingay ang buong hall at nangingibabaw ang boses ni Kyril. "I'm glad that I'm your King." Kumindat pa sa'kin si Sage. Napailing na lang ako habang nakangiti. "So it's you Mr. Sage Wainwright and Ms. Veranica Angeles?" Pagsisiguro pa niya na ako nga si Veranica. Tumango naman ako. "Mr. Sage Wainwright and Ms. Veranica Angeles, everyone." Nagpalakpakan naman ang mga tao. Ikinabit na ang sash ko pagkatapos ay nakita kong papalapit si Kyril para ilagay ang crown ko. "Ms. Kyril Sembrano our last year masquerade ball Queen!"sabi pa nung host. Nagpalakpakan naman lahat. "Well-deserved!" sabi pa ni Kyril tsaka ako niyakap. Nagpicture taking pa tsaka kami pinayagan umalis sa gitna pero nakakailang hakbang palang ako nang magsalita si Sage sa microphone. "Good evening, everyone!" Naghiyawan naman. Natigil din ako sa paglalakad at lumingon sa kanya. "I want you all to know that Ms. Veranica Angeles is not just my Queen for this Masquerade Ball, but she is also my Queen in real life." Umulan naman ng mga hiyawan at panunukso. Pakiramdam ko ay namumula na 'ko. "I want to inform all of you that she belongs to me and she's off limits." Pagpapatuloy niya pa at lalong lumakas ang hiyawan sa buong hall. Lumapit naman sa kanya si Alezander at ibinigay ang gitara pagkatapos ay sinet up nila ang microphone. He start strumming. You look so wonderful in your dress I love your hair like that The way it falls on the side of your neck Down your shoulders and back Derecho ang tingin niya sa'kin habang kumakanta. Lumulundag naman ang puso ko. Should this be the last thing I see I want you to know it's enough for me Cause all that you are is all that I'll ever need Hindi mapawi ang ngiti sa labi ko. I'm so in love, so in love so in love, so in love Nagpalakpakan naman ang mga tao pagkatapos niyang kumanta. "Even though you were already my girl, still I want to make things right. Ito kasi talaga 'yong plano ko bago ka magmadaling sagutin ako." Nanlaki naman ang mata ko. "Sage!" nahihiyang saway ko. Humalakhak lang siya maging ang mga tao. "I want you to feel that you are special. Veranica Angeles, will you be my girlfriend?" Pagkasabi ni Sage noon ay tumugtog ang kantang kinanta niya kanina. Napatakip naman ako sa bibig ko at naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko. Lumapit siya kay Brixel tsaka kinuha ang malaking bouquet pagkatapos ay lumapit sa'kin. Should this be the last thing I see I want you to know it's enough for me Cause all that you are is all that I'll ever need I'm so in love Pagkanta niya ulit. Hawak niya ang bouquet sa isang kamay niya. Niyakap ko naman siya kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Tears of happiness, I'm so happy right now. Nagpalakpakan ang mga tao. "I love you so much, Vera." Hinalikan niya pa ako sa ulo. "I love you too, Sage...so much!" Pagkatapos ay bumitaw na 'ko sa pagkakayakap. "For you!" Nakangiting sabi niya tsaka inilahad ang pagkalaki laking Bouqet. "Kakabigay mo lang ng bouquet kanina, ah?" sabi ko. Nagkibit balikat lang siya pagkatapos ay inalalayan ako pabalik sa upuan namin. "Nice one, Sage!" sabi ni Kyril sabay ngisi. "Ikaw na talaga, Vera!" sabi pa ni Briana. Natawa na lang ako. "You deserve all this happiness," bulong pa ni Kyril tsaka hinawakan ang kamay ko. Ngumiti naman ako sa kanya. Hinila pa ako ni Sage papalapit sa kanya tsaka hinalikan sa sentido ko. "God! You make me the happiest man alive, woman," sabi pa ni Sage kaya kinantyawan siya nila Alezander. "Iba ka, Sage!" sabi ni Brixel na ngayon ay nangingiti. "Ang sarap niyong panoorin," sabi naman ng nakangiting si Bri. "And you make me the happiest woman alive too. I love you!" sabi ko tsaka hinalikan siya sa pisngi. Nagtitili naman si Kyril at Bri. This love makes me forget all the pain that I've felt before. This love makes me happy and this love is the kind of love that I don't want to lose and Sage Wainwright is the person that I'm afraid to lose.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD