CHANCES 15

2254 Words
Tinawag na ako ni Kyril para makakain na kami dahil excited na daw umalis si Bri. "Kung sana ay hindi si Kuya ang date ko mas mageenjoy sana ako," sabi ni Briana. "Hayaan mo na, Bri. Sasama na lang ako sainyo ni Brixel, " ani Kyril. "Ikaw na lang kaya maging date ni Kuya, Ky? Para sumaya naman ang Masquerade Ball ko.m," sabi pa ni Briana. "Ayoko! Si Brixel na ang date ko last year. Nakakasawa!" Natawa pa si Kyril. "Tsaka tingin mo ba ay papayag si Brixel? Ikaw ang ginawa niyang date para bantayan ka. Masyado ka kasing wild." Natawa naman ako sa sinabi ni Kyril. "How about Sage? Sinong date niya?" tanong ni Bri. Nanlamig naman ako sa tanong niya. Nakalimutan ko na kailangan pala ay may dalang date ang mga lalaki dahil kung hindi ay hindi sila papapasukin. Nagkibit balikat ako. "Baka naman si Jade," sabi ko. Sa kanila ang St. Celestine kaya I'm sure makakasali si Jade sa ball. "May lakad daw si Jade mamaya. No time for gatecrashing the ball," sabi naman ni Kyril. Kung ganoon ay sino nga ang date ni Sage? "Ayan kasi! May pa Liam Liam ka pa. Curious ka ano kung sinong date ni Sage?" Umiling naman ako kay Kyril. Nagtawanan lang sila ni Bri. Pagkatapos kumain ay naghugas muna ako ng plato tsaka umakyat sa taas para mag-asikaso. Isang gray spaghetti strap at white loose short ang sinuot ko. Kinuha ko na ang sling bag ko tsaka bumaba. Pumunta si Brixel sa bahay para ihatid kami sa Glamour Clothing Line kung saan kukunin ni Bri ang gown niya. "Kuya, si Kyril na lang kasi idate mo. Wala naman siyang date," pangungulit pa ni Briana sa kuya niya. "Bri, ikaw ang date ko. Tapos ang usapan." Bumusangot naman ang mukha ni Bri. Pagdating sa Glamour ay sinukat na ni Bri ang gown niya, tuwang tuwa pa nga siya. Hindi niya muna pinakita sa amin para daw surprise mamaya. After sa Glamour ay dumerecho na kami sa Montreal mall. Umuwi na si Brixel at sinabing magtext na lang daw si Bri kung uuwi na kami. Papasok na kami sa loob ng spa nang tumunog ang phone ko. Sumenyas naman ako na susunod na lang ako sa loob. "Hello, Sage!" "Damn that voice. I miss you already, love." Napangiti naman ako. "Where are you? Kumain ka na ba?" tanong ko. "I'm here in Monte Vista. Nagkaproblema sa isang hotel branch." Ang Monte Vista ay ang kasunod na bayan ng Montreal "I badly need to fix it immediately, para hindi na 'ko pumunta sa Manila mamaya," dagdag pa niya. Nalungkot naman ako. "Don't worry, I will be at the Masquerade Ball." "Kumain ka na ba?" tanong ko. "Actually, hindi pa and I'm so tired I want you here with me," malungkot na sabi niya. "Magkikita naman tayo, love. I love you!" "Nawawala ang pagod ko dahil sayo. Vera, kailangan ko na patayin, humingi lang ako ng five minutes break. I love you so much, love and see you later." "I love you too, love." Pagkasabi ko ay tuluyan nang namatay ang tawag. Kawawa naman si Sage, ni hindi pa siya kumakain. Pagpasok ko sa loob ng spa ay sumenyas si Bri na doon ako pumwesto sa tabi niya. "Si Sage 'yon?" tanong ni Kyril. Tumango naman ako. Nakaidlip ako nang ifacial ako. Naramdaman ko na lang ang pagtapik ni Bri sa balikat ko. Sa salon naman ay nagpahot oil lang ako. Wala naman kasi talaga akong balak mag-abala pa sa mga ganito kung hindi lang mapilit si Bri. "Bakit naman hindi ka man lang nagnew look? Sana sinubukan mong magpagupit ng shoulder length," sabi ni Kyril habang naglalakad kami papunta sa isang restaurant. "Oo nga, Vera!" dagdag pa ni Briana. "Hindi ko gusto magpagupit kaya okay na 'yong ganito," sagot ko. Sa isang Filipino restaurant kami kumain. Gusto daw kasi ni Briana ng kare-kare. Habang kumakain kami ay may napansin akong babaeng nakatitig sa'kin. Morena, medium brown ang kulay ng wavy hair niya na shoulder length lang, pouty lips and dreamy eyes. Mukha siyang Goddess sa Greek mythology. Inisip ko pa kung kilala ko siya pero hindi pamilyar ang mukha niya. Nagulat pa ko nang ngumiti siya sa'kin. "Sinong tinitignan mo?" Lumingon pa si Kyril at Briana. "Kilala mo siya?" tanong ni Kyril. "Hindi nga, kaya ang weird kasi titig na titig siya sa'kin tapos ngumiti pa," sabi ko tsaka sumulyap ulit doon sa babae. Kumaway naman siya sa'kin. Ang weird. "Excited na talaga ako para mamaya," sabi ni Bri. "Wala namang nakakaexcite," ani Kyril. "Bawal bitter dito, Ky." Tumawa pa si Briana. "Hoy! Bitter your face! Pinagsasabi mo jan." Lalo namang lumakas ang tawa ni Bri. Pagkatapos namin kumain ay tinext na ni Bri ang kuya niya. Hanggang makalabas kami ng restaurant ay nakatingin pa rin sa'kin 'yong magandang babae. Pagdating sa bahay ay umidlip muna 'ko. Maaga pa naman at mamayang seven o'clock pa ang start ng ball. "Vera, gising na! Nasa baba na si Celine." Nagising ako sa malakas na kalabog sa pinto. Tinignan ko ang orasan ko. Alas singko na pala ng hapon. Ang balak ko na pag-idlip lang ay nauwi sa dalawang oras na tulog. Dumerecho na 'ko sa c.r. para maligo. Nakakahiya naman kay Celine kung paghihintayin ko siya ng matagal, siya kasi ang mag-aayos sa'kin. Pagbaba ko ay nakaset up na ang mga mirrors at ilaw pati ang mga chairs at mga make up na gagamitin. Nandoon din si Alexa na handler ni Kyril kasama si Jing, make up artist din sa Queenz at siya ang mag-aayos kay Bri. Bumeso pa sa'kin si Celine tsaka ako pinaupo. "Are you ready for it?" sabi niya sabay ngisi habang nagtataas baba ang dalawang kilay niya. Napailing na lang ako. May saltik din talaga. "Gusto ko hindi ka pakakabog ngayong gabi lalo na at nabalitaan ko na jowa mo pala si Sage," sabi ni Celine habang sinisimulan ang pag-aayos sa'kin. "Saan mo naman nakuha ang balitang 'yan?" tanong ko. "Aray!" daing ko nang hilahin niya ang buhok ko. "Gaga ka! Alam na ng halos lahat ng mamamayan ng Montreal at mukhang wala kang balak sabihin sa'kin." Natawa naman sila Bri. "Bago pa lang naman kasi kami actually kahapon lang. Paano ko masasabi sa'yo?" "Alam mo minsan masama 'yong puro ganda lang, te. Samahan mo ng konting utak. Kaya nga may tinatawag na cellphone, diba?" Nagtawanan naman sila. Natawa na lang din ako. "Ewan ko sayo, Celine." Halos mag-iisang oras akong inayusan ni Celine pagkatapos ay sinamahan akong umakyat sa kwarto ko para tulungan magbihis. "You're so stunning, Vera." Nakahawak pa si Celine sa magkabilang pisngi niya at mukhang manghang-mangha sa itsura ko. Tinignan ko naman ang itsura ko sa salamin. Wet look hairstyle na kulot kulot ang ilalim, smoky eyes and nude brown lipstick. Kumikinang ang suot ko na Silver Sequin V-neck Mermaid Gown with open back. "Bakit pa ba 'ko magugulat? E, alagang Celine yata 'yan," sabi ni Celine sabay ngiti. "Thank you for making me pretty always, Celine," sabi ko tsaka niyakap siya. "Maganda ka naman talaga, inside and out," sabi niya pa. Kinuha ko ang itim na half mask ko pati ang itim na pouch ko tsaka kami bumaba. "Wow!" si Andrea. "That's our Vera." sabi naman ni Ate Kim. "Ang gaganda niyo!" papuri pa ni Jing. Twisted black and white tube gown with high slit ang suot ni Kyril at nakalaglag lang ang wavy niyang buhok. Habang si Bri naman ay nakasky blue na off shoulder thigh-high slit ball gown at nakamessy bun ang buhok niya. "Para kang si Cinderella, Bri." ani Ate Kim. "What can I say? You're my girl kaya hindi na nakakapagtaka na ganyan ka kaganda," sabi ni Kyril at pinalo pa ang pwet ko. Natawa naman ako. "Mas maganda ka pa din kasi nagmana lang ako sayo," sabi ko sabay halakhak. "Correct ka jan!" Nagtawanan naman kaming lahat. "Ehem." Napalingon kami sa tumikhim. Si Brixel, suot ang kanyang dark gray tux. "Pasok ka," sabi ni Ate Kim. Narinig ko naman ang pagsinghap ni Kyril na nasa tabi ko nang sumunod na pumasok si Alezander na nakaitim na tux naman. Nagtilian naman kami. "Ginagawa mo dito?" mataray na tanong ni Kyril. "Masama ba? Ikaw na nga 'yong pinili kong date kasi wala kang date. Kawawa ka naman." Nagtawanan naman kami. Hinampas naman siya ni Kyril. Bigla silang natahimik pagkatapos ay nagtitili. Napalingon ako sa pinto at nakita ang pumasok na si Sage sa loob. He's wearing a white tuxedo with black lining. Nakabrush up ang buhok niya at kumikinang ang bilog na silver earring niya sa kanang tenga niya. Is he even real? Damn! Sobrang gwapo ng boyfriend ko. "Ang gwapo." Rinig kong bulong ni Jing. "For you!" Sabay lahad niya ng bouquet of red and white roses. "Nakakakilig kayo!" kinikilig na sabi ni Celine habang nagtititili naman sila Ate Kim. "I've never seen a person who is beautiful as you, " sabi niya tsaka hinawakan ang baba ko "And I'm glad you're mine,"dagdag pa niya. Napakagat naman ako sa labi ko. "Ano ba 'yan!" sabi pa ni Alexa. "Umalis na nga kayo! Nakakainggit," reklamo pa ni Andrea. Natawa na lang ako. Nagpaalam na kami na aalis na. Hinawakan pa 'ko ni Sage sa bewang para alalayan sa paglalakad. "Paano mo nagagawa 'yan, Vera?" tanong niya nang nasa kotse na kami. "Ang alin?" tanong ko. "You never fail to amaze me, woman," sagot niya. Napangiti naman ako. "Ikaw paano mo nagagawa 'yan?" tanong ko naman. Kumunot naman ang noo niya. "Paano mo nagagawang mas maging gwapo araw-araw?" Ngumisi naman siya. "It's in my genes, honey." Natawa naman ako. "Yabang!" Humalakhak naman siya. Habang nagdadrive siya ay nakahawak ang isang kamay niya sa'kin. "Mukhang mapapaaway ako ngayong gabi,"seryosong sabi niya. "At bakit naman?" tanong ko at tinaasan ko siya ng kilay. "For God sake! My girl is so beautiful plus you were wearing a sexy gown." Natawa naman ako. "Don't laugh, lady! I'm sure luluwa ang mga mata ng mga lalaki kapag nakita ka. One wrong move, I'm gonna kill them all." Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti. My possessive Sage. Kumawang ako sa kinauupuan ko tsaka hinalikan siya sa pisngi. Ngumiti naman siya. "I love you, love!" I said "I love you too, love, so much." Hindi naman maalis ang pagkakangiti sa labi ko. Nang nasa tapat na kami ng St. Celestine at isinuot na namin ang parehong itim na half mask namin. Hinila ako ni Sage papalapit sa kanya at hinalikan sa labi. "Please, wag kang gagawa ng bagay na ikababaliw ko," he whispered. "I won't," sabi ko tsaka hinalikan siya sa labi. "Good girl" sabi niya pa bago siya bumaba para pagbuksan ako ng pinto. "Sage, who's your date anyway?" tanong ko bago bumaba, lumapad naman ang ngisi niya. "Why? Are you jealous of her?" tanong niya. Parang sumikip naman 'yong dibdib ko. So may date nga siya. Humalakhak naman siya. Pagkababa ko pa ay niyakap niya 'ko tsaka hinalikan sa ulo. "I don't have a date tonight," bulong niya. Napangiti naman ako. "I'm just gonna steal somebody's date," dagdag niya pa. Bumitaw naman ako sa yakap tsaka tinignan siya ng masama. Humalakhak lang siya. Niyaya ko na siyang pumasok sa loob ng St. Celestine sa main gate pa lang ay matindi na ang security. Inabot ko ang invitation ko sa guard. "Veranica Angeles," Banggit noong guard tsaka may tinignan sa computer. "Siya po ba ang date niyo, ma'am? Nakapasok na po kasi 'yong nagparegister na date niyo. Mr. Liam Stan po ang pangalan." "Yes! Si Liam Stan 'yong date ko," sabi ko. "Sir, invitation na lang po tsaka pangalan ng date niyo. For boys po kasi no date no entry," sabi ni manong. Hala, oo nga pala! Paano makakapasok ngayon si Sage? Inabot niya ang invitation niya sa guard. "Sage Wain....wright- ay kayo po pala yan, sir. Pasok na po kayo." Tumango naman si Sage tsaka hinawakan ang kamay ko. "Paano mo nagawa-oo nga pala! You own this university," sabi ko nang marealize na pag-aari nga pala nila ang St. Celestine. Sa labas ng glass function hall ng St. Celestine ay nakatayo si Liam. He's wearing a black tuxedo at nagpakulay siya ng buhok ng light brown. Nakilala ko agad siya dahil hindi nakasuot ang maskara niya. "Liam!" tawag ko tsaka lumapit sa kanya. Ngumiti naman siya pagkatapos ay tumingin sa likod ko. "Sage," sabi niya. Tinignan ko naman si Sage at tumango lang siya sa'kin. "Wear your mask, Liam, then let's go inside," sabi ko at tumango naman siya tsaka sinuot ang mask niya. Isinabit ko pa ang kamay ko sa braso niya. Narinig ko pa ang pagtikhim ni Sage pero hindi ko na lang pinansin. Pagpasok sa loob ay nakakakaba maglakad sa glass floor dahil feeling ko ay mababasag. Marami na ang tao sa loob kaya hindi ko rin makita kung saan nakapwesto sila Kyril. Nang makahanap kami ng spot ni Liam ay nagulat ako nang umupo sa tabi ko si Sage at pinaggigitnaan nila 'ko. "What are you doing?" bulong ko. "Anong ginagawa mo dito, Sage? Can you please mind your own date?" tanong ni Liam. "Why? My girl is your date so I can stay here whenever I want to," sabi niya pa. Kitang-kita ko ang matatalim na titig nila sa isa't isa. "And besides the more the merrier," sabi pa ni Sage tsaka sumilay ang mapaglarong ngisi sa labi niya. Nanlaki naman ang mga mata ko. Don't tell me gusto niyang pareho ko silang date ngayon? My God, Sage!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD