ChANCES 14

2078 Words
Nasa likod ko si Sage at yakap yakap niya 'ko habang pinapanood namin ang fireworks display dito sa rooftop. Sa eksena sa mga movie ko lang nakikita 'yong ganitong moment. "Are you happy, love?" tanong ni Sage. "Of course! I'm with you, e." Humigpit pa ang yakap niya tsaka ipinatong ang baba niya sa balikat ko. Nang matapos ang fireworks display ay magkahawak kamay kaming bumaba ni Sage. Nagpunta kami sa soccer field dahil nandoon daw sila Kyril sabi ni Sage. Nadatnan namin silang naglalatag ng malaking tela. "Sakto ang dating niyo, mag-uumpisa pa lang ang picnic," masayang sabi ni Jade. Nandoon na rin sina Shin at Stephen kaya kumpleto kami ngayon. "Halika, Vera! Samahan mo ko bumili ng ice cream." Hinawakan pa ni Shin ang pulso ko at halatang inaasar niya si Sage. "Shin, hands off!" madiin na sabi ni Sage. "Kung makaasta ka, Sage, akala mo ay boyfriend ka na talaga," sabi ni Shin sabay halakhak. Inakbayan naman ako ni Sage. "Well, I'm sorry to tell you, bro, but I'm already his boyfriend." Ngumisi si Sage. Nagtitili naman ang girls. "OMG!"sigaw pa ni Jade. "Congrats sainyo!" bati naman ni Ate Kim. "Congrats, man!" Nakipagfist bomb pa si Brixel kay Sage. "Well, I'm not surprised anymore. Sage will be Sage," sabi ni Stephen at ngumisi. "May nalalaman ka pang magpapaligaw ka muna, Vera. E, wala pa ngang 24 hours, arte arte," pang-aasar pa Kyril. "Shut up, Kyril!" nahihiyang sabi ko. Naghalakhakan naman sila. "So happy for the both of you." Ngumiti si Ate Kim. "So ano ka ngayon Shin?" si Alezander. "Ikaw na nga lang, Briana," sabi niya tsaka hinila si Bri. Nagprotesta pa si Bri pero wala na siyang nagawa. Mahigpit na hinawakan ni Sage ang kamay ko. Nginitian ko naman siya. Puro tawanan ang ginawa namin at panunukso kina Bri at Shin, parang diring diri naman sila sa isa't isa. "Let's capture this moment kasi mamimiss ko ito kapag bumalik na ko sa L.A.," sabi ni Jade tsaka inilabas ang phone niya at nagpicture kami. "Kelan ba ang balik mo sa L.A?" tanong ni Kyril. "Probably next week. Pasukan na rin kasi," sagot ni Jade. "Aww! We're gonna miss you, Jadey!" sabi naman ni Briana. "I'm gonna miss you all too, but don't worry babalik naman ako." Ngumiti si Jade. Nagtatawanan kami nang biglang bumuhos ang ulan kaya dali-dali kaming sumilong. Nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Sage papunta sa ulanan kaya nataranta ako at ibinato ang sling bag ko sa pinagsisilungan namin dahil baka mabasa ang phone ko. "Ano ba, Sage!" Tumatawa lang si Sage. "Let's enjoy the rain, love." Ngumiti naman ako kay Sage. Sumunod naman sila sa amin at naligo rin sa ulan. Para kaming mga bata lahat na nagtaktakbuhan at naghahabulan sa gitna ng ulan. Hinabol pa ako ni Sage at nang maabutan niya 'ko ay hinawakan niya ko sa bewang at tsaka hinalikan. "Oh, My God!" Naitulak ko si Sage nang marinig ko si Bri. Tinakpan niya ang mata niya tsaka lumayo sa amin. "Sage, wag ka ngang bigla-biglang nanghahalik!" saway ko kay Sage. Humalakhak lang siya. Hindi rin nagtagal ay tumigil na kami sa pagligo sa ulan. Isinama pa ako ni Sage sa headquarters nila dahil may mga extrang damit daw siya doon. "Here. Change your clothes, baka sipunin ka." Tumango naman ako tsaka pumasok sa cr ng HQ nila. Isang malaking white T-shirt at itim na sweat short ang pinahiram sa'kin ni Sage Itinali ko naman 'yong t-shirt para hindi masyadong malaki tignan. Pagkalabas ko ay nakapagpalit na rin si Sage. "Let's go?" Tumango naman ako sa kanya. Hinawakan niya pa ang kamay ko nang papunta kami sa parking lot. Nandoon na si Jade sa loob ng backseat ng Mazda ni Sage. "Buti na lang may mga extrang damit si Kyril sa HQ nila kaya hindi ako magtitiis sa damit ni kuya." Nakatingin sa'kin si Jade tsaka humalakhak. Kumunot naman ang noo ni Sage. "What's wrong? She's too sexy with my clothes on." "Ano ba, Kuya! Sobrang in love na," kinikilig na sabi ni Jade. Hinila naman ako ni Sage tsaka kiniss sa sintido ko. "Sabi na nga ba dapat kina Alezander na lang ako sumabay," sabi ni Jade sabay ngumuso. Natawa naman ako sa kanya. Habang nagdadrive si Sage ay nakahawak siya sa isang kamay ko habang ang isa niyang kamay ay nasa manibela. "Kuya, baka naman mabangga tayo! Isang kamay na nga lang ang pinangdadrive mo tapos you keep on staring at Vera pa." Humalakhak naman si Sage."What can I do? I'm so much in love." Nag-init naman ang pisngi ko. "Oh, My God!" Natawa pa si Jade. "Alam mo, Jade, ang dami mong napapansin," saway ko kay Jade "Alam mo, Vera, kapansin pansin naman kasi," sabi niya at natawa naman kaming tatlo. Inihatid muna ni Sage si Jade sa bahay nila sa isang exclusive subdivision dito sa Montreal. Kitang kita kung gaano kayaman ang mga Wainwright dahil sa mala'mansyong bahay nila. "Someday, It will be your home too." Ngumisi si Sage nang mapansing pinagmamasdan ko ang bahay nila. "Kinilig ka nanaman," sabi niya at pinisil ang ilong ko. "Hindi kaya!" Inirapan ko siya. Niyakap naman niya ko. "I love you so much, Vera. I love every piece of you, everything about you. You're the girl I want to spend the rest of my life with." Napangiti naman ako. "I love you too, Sage, me too. I don't want to end this love story." Hinalikan niya ako sa ulo. This love makes me believe in fairytale and happily ever after. Naunang lumabas si Sage sa kotse niya at pinagbuksan ako ng pinto nang nasa tapat na kami ng bahay. "I'm gonna pick you up tomorrow night, love." Ipinulupot niya ang braso niya sa bewang ko. "Yes, but you're not my date tomorrow," pagpapaalala ko sa kanya. "I'm your man, but I'm not your date. What a concept!" sabi niya at umirap pa. Napangiti naman ako. "Love naman kita, e." sabi ko at tumango lang siya. "Love! I'm all yours, please don't get mad!" sabi ko. Pinagkrus niya ang dalawang braso niya at matalim akong tinitigan. Tumingkayad ako tsaka binigyan siya ng halik sa labi. Kitang kita naman ang pagkagulat sa mukha niya. "Fine! Go inside, I'm going home," utos niya. Tumango naman ako. "I love you, my princess!" pahabol niya pa. Ngumiti naman ako. "I love you more." Narinig ko pa ang munting halakhak niya. Umiling-iling naman ako tsaka pumasok na ng tuluyan. "Baka naman mapunit 'yong labi mo sa laki ng ngiti mo?" bungad sa'kin ni Kyril. Nagkibit-balikat naman ako tsaka sumalampak sa sofa. "Hash tag feeling in love!" pang-aasar pa ni Bri. "We're really happy for you, Vera," sabi ni Andrea sabay ngiti. "Ganito pala mainlove." Hindi mawala wala ang ngiti sa mga labi ko. "O, edi ngayon nabusog ka sa mga sinabi mo dati na hinding hindi ka maiinlove, na hindi mo magugustuhan si Sage?" Binato ko naman ng throw pillow si Kyril. "Nakakatakot lang kasi, paano kung biglang matapos? Biglang mawala si Sage sa'kin?" Nalungkot naman ako sa naisip ko. That's the reality, hindi mo alam kung kelan aalis ang mga taong mahal mo. Hindi mo alam kung sinong aalis at mananatili. "Wag ka ngang nega, Vera!" ani Briana "Don't think about it, Vera. For now, just cherish your moment with Sage. Masaya kayo at 'yon ang mahalaga ngayon," sabi ni Ate Kim. Ngumiti ako. Tama! For once hahayaan ko munang maging masaya ang puso ko without thinking about the pain na pwedeng ibigay ng love na 'yan sooner or later. "Sinong date mo bukas, Kyril?" tanong ni Bri. Nagkibit-balikat naman si Kyril. "Pwede bang mahiram si Sage?" Humalakhak pa siya. "How about Alezander?" tanong ni Andrea. "May date na 'yon. 'Yong kasamahan ko sa dance troupe," ani Kyril "Bakit hindi ikaw ang niyaya niya?" tanong ni Ate Kim habang nakakunot ang noo. "Why me? Dream girl niya kaya 'yon si Aliya and me? I'm just his friend or whatever!" Ngumiti si Kyril pero kita mo sa mata niya na nasasaktan siya. "Tsaka I'm a strong independent woman na hindi kailangan ng date sa Masquerade Ball." Humalakhak pa si Kyril. Nagkatinginan naman kami nila Ate Kim. "Sabagay tama ka, ako nga may date kaso kapatid ko naman," sabi ni Bri sabay ngumuso. Humalakhak naman si Ate Kim kaya sinamaan siya ng tingin ni Bri. "Ate Kim! Ikaw ba ang nagsabi kay Kuya para wala siyang ibang idate?" Nanlaki naman 'yong mata ni Ate Kim. "Hoy, Briana! Wala akong kinalaman jan, ah!" Umirap naman si Bri kaya nagtawanan kami. Nagpaalam na 'ko sa kanila na aakyat na para matulog. Nagshower muna ako pagkatapos ay humiga na 'ko. Pinatay ko na ang lampshade sa side table ko nang tumunog ang phone ko. Sage Is Calling "H...hello?" "Hi, matutulog ka na ba?" Hindi ko alam kung bakit kumalabog ang puso ko nang marinig ang boses niya. "Sana. Bakit napatawag ka?" "Sorry for disturbing you, but damn! I miss you, Vera." Napangiti naman ako. Sigurado ako na kunot na kunot ngayon ang noo ni Sage. "Agad agad? Ilang oras pa lang ang nakakalipas na magkahiwalay tayo." Natawa pa ako. "But I still miss you." Lumawak naman ang ngiti ko. "I miss you too, love." "I want to kiss you." Nag-init naman ang pisngi ko. Narinig ko pa ang munting halakhak niya. "God! I'm addicted to you," sabi niya pa. "Itulog mo na 'yan, Sage." "Why? I still want to hear your voice." "Magkikita naman tayo bukas." "But I'm not your date! Naiisipan ko na nga na wag na lang pumunta pero kailangan kitang bantayan." Natawa naman ako nang maimagine ang itsura ngayon ni Sage. "I love you!" malambing na sabi ko "Tss." "I love you more!" dagdag pa niya. Natawa naman ako. Sage will be Sage Hiniling ni Sage na wag namin patayin ang tawag kahit na makatulog na kami at pumayag naman ako. "Good night, love!" sabi ko nang kusang pumipikit ang mga mata ko. "Dream of me, my love." Napangiti naman ako. Naalimpungatan ako dahil sa may naririnig akong kumakanta. Napangiti naman ako nang maalalang hindi pala namin pinatay ang call. Hindi na 'ko nagsalita at pinakinggan na lang siya. And should this be the last thing I see I want you to know it's enough for me 'Cause all that you are is all that I'll ever need I'm so in love, so in love So in love, so in love "You're the best thing that ever been mine, Vera. Gusto kong malaman mo na kahit may mga humadlang satin o kahit ang mismong pagkakataon pa. I will never get tired chasing chances with you. Sleep tight, my girl. See you tomorrow." Hindi ko namalayan na tumulo ang luha ko. Tears of joy. Ang sarap lang marinig sa taong mahal mo kung gaano ka niya kamahal. And I will never get tired chasing chances with you too, Sage. Nagising ako dahil sa lakas ng alarm ko. It's seven o'clock in the morning. Maaga akong nagising dahil nagpapasama si Bri sa pagkuha ng gown niya at pagkatapos ay pupunta na rin daw sa spa. Pagbaba ko ay si Bri ang nadatnan ko na nasa sala at may hawak hawak siyang bouquet ng red roses. "Naks naman! Kanino galing?" tanong ko. Tumayo naman siya tsaka iniabot sa'kin iyong bouquet. "O, galing kay Sage!" kinikilig pa na sabi niya. "Seryoso?" Hindi ako makapaniwala. "Oo nga. Galing siya dito kaninang 6:00am. Grabe!Ang sweet niya," sabi pa ni Bri tsaka pumunta sa kusina sumunod naman ako. Nang maalimpungatan ako ay mag-aalas dos na ng madaling araw, sigurado akong puyat si Sage tapos ay nagawa niya pang dalhan ako nito. "Ikaw na ang maganda, Vera!" bungad naman sa'kin ni Kyril na nagluluto ngayon. "Bakit hindi niyo 'ko ginising?" tanong ko. "Ang sabi ni Sage ay wag na daw dahil saglit lang naman siya. Mukhang nagmamadali, e," sagot ni Bri. "Nakacoat pa nga siya siguro ay may aasikasuhin sa business nila," dagdag pa ni Kyril. Ilang oras lang kaya ang tulog niya? Dali-dali naman akong umakyat sa kwarto para kunin ang phone ko may isang message doon. From Sage: Good morning, sunshine! I'll hope you like the flowers. Idenial ko naman ang number niya. Pero hindi niya sinasagot kaya nagtext na lang ako. To Sage: Thank you for the flowers! I don't like it I actually love it. I love you, love. Napangiti naman ako. How can you not love a man who will always make you feel special?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD