Cheska's POV Nandito ako ngayon kina Dawn wala kasi si hubby nasa ibang bansa dahil inutusan siya ni ate Alex na siya muna ang mamahala sa business niya sa ibang bansa dahil nagkaroon ng problema. Mahigit isang buwan siya doon, pwede ding mapabilis kung madali niyang matatapos. Nagreklamo nga si hubby eh bakit daw kasi siya pwedeng iba. Wala naman kasing mautusan si ate Alex eh busy si kuya Nix, ikaw ba namang humawak ng dalawang kumpanya tignan natin kung hindi ka magiging busy. Si ate Alex naman hindi na pwedeng bumiyahe dahil malapit na ang kabunan niya baka mapano pa sila ng baby niya kaya walang choice si hubby kundi ang sundin si ate Alex. "Bakit ka nga pala pumunta dito?" tanong ni Dawn. "Wala kasi si hubby kaya naiinip ako sa bahay tsaka kukumustahin ko siya, kumusta na ba s

