Third person's POV Mabilis lumipas ang araw, ngayon ay kabuwanan na ni Em at 8 months naman ang tiyan ni Alex. Pinaghahandaan nina Em at Bryan ang kanilang anak lalo na at unang anak nila ito kaya puspusan na ang paghahanda nila. Habang mag aayos ng gamit ng baby si Em ng bigla siyang nakaramdam ng basa sa hita kaya hinawakan niya ito. "Tubig?" Mayamaya biglang sumakit ang tiyan ni Em, sobrang sakit. Doon lang na realize ni Em na pumutok na ang panubigan niya. "Ahhh!!! LOVE MANGANGANAK NA AKO!!!" sigaw ni Em. Habang si Bryan masayang nagluluto para sa mga ina niya ng bigla niyang narinig na sumigaw ang asawa niya. Kaya dali dali niyang pinatay ang niluluto niya at mabilis na umakyat, pagdating niya nakita niyang nakaupo ang asawa niya sa sahig at dinadaing ang sakit. Dali dali niyan

