Chapter 39 Allysa Maagang nagbyahe pabalik sa Holand sina Hanna at Dexter kinabukasan. Papasok na rin ako sa Spa na pinagta-trabahuhan ko. “Mama, Ate Des, kayo na muna ang bahala kay Gabby, ha?' Nasa itaas ng fridge ang pera para pambili ng diaper at gatas niya. Pati na rin 'yong pambili ng groceries at ulam,'' bilin ko sa dalawa habang nagliligpit ako ng mga gamit ko. “Mag-ingat ka, Iha,” tugon ni Ate Des sa akin. ''Oh, 'yong baon mo, baka makalimotan mo,’’ paalala naman ni Mama Lous. ''Narito na po sa bag ko,'' tugon ko sa kaniya at ipinakita ko pa ang laman ng aking bag. ''Bye, baby.'' Hinalikan ko ang pisngi ni Gabby habang buhat-buhat ito ni Ate Des. ''Huwag kang pasaway kay Mameta at Lola mo, ha?'' Tumango-tango naman ang aking anak saka humalik din ito sa aking pisngi.

