Chapter 40 Allysa Kinabukasan sinundo ako ni Dexter. Tinawagan ko kasi siya kagabi na kailangan kong magpa-checkup. Dinala niya ako sa hospital na pinagta-trabahuhan niya sa Holand. Siya rin kasi ang titingin sa akin. Two hour's lang ang nakalipas nakarating na kami sa Holand. Na-miss ko ang ingay ng syodad. After five years ngayon lang ulit ako nakatungtong rito. Ngayon ko lang ulit na naamoy ang hangin ng lugar na kinalakihan ko. Nakarating kami sa hospital na pinagta-trabahuhan ni Dexter. Inilalayan niya ako pagbaba sa sasakyan. Napakalaki ng hospital. Pumasok na kami sa loob. “Okay ka lang ba?" nag-alala niyang tanong sa akin habang naglalakad kami sa hallway ng hospital. "Okay, lang ako," tipid kong sagot at tumango-tango. Ilang saglit pa nakarating kami sa isang silid. Pi

