Episode 34

2500 Words

Chapter 34 Allysa Nasa ward ako dahil kalilipat lang sa akin mula sa operating room. Namamanhid pa ang sugat ko sa aking tiyan. At ang anak ko naman nasa incubator pa dahil kulang kasi ito sa buwan. Hindi ko pa nakikita ang munting anghel ko. Mabuti na lang at naipanganak ko siya ng ligtas. Si Mama Lou ang nag-alaga sa akin at nagdala rito sa hospital. Wala pa itong pahinga mula kahapon, siya ngayon ang nag-aasikaso ngayon sa akin. "Mama Lou, mabuti pa siguro umuwi na po kayo.” Ngumiti siyang lumingon sa akin. "Nako, hindi kita puwede iwanan dito, Iha. Saan na ba iyon si Alexander? Binilin ko pa naman kina Des na papuntahin dito si Alexander," nag-aalalang wika ni Mama Lou. "Baka busy pa po," tipid kong sabi habang nakahiga sa bed. “Kumusta na ang pakiramdam mo? Mamaya papalitan u

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD