Chapter 33 Dexter Bago ako nagbyahe papunta sa medical mission dumaan ako sa kaibigan kong si Gabril. Ang sarap batukan nito. Maglalasing-lasing siya matapos niya gawin kay Allysa iyon? Kung hindi lang kalilibing ng lola nito kahapon mapapatulan ko talaga ito, kaya bago pa humaba ang usapan namin ay umalis na ako. Baka magkasakitan pa kami. Makalipas ang limang oras nakarating rin ako sa destination ko. Nakahanda na ang lahat at ako na lang ang hinihintay. May dalawang nurse akong kasama si Belly at Trixie, at ang secretary ko na si Maricel. Ang pinag-aralan ko sa ibang bansa ay neurologist. Taga opera ng tumor sa utak, pero pinag-aralan ko rin ang sa internal organ. Marami na ang mga nakapilang pasyente pagdating ko. Hinihintay na nila ang pagdating ko. Mabilis akong nagtungo

