Episode 29

2199 Words

Chapter 29 ALLYSA Nang makaalis na sina Gabriel at Dexter, pinuntahan kaagad kami ni Alexander. Parang nabunutan din ito ng tinik. ''Ano ang sabi ng Kuya mo?'' tanong agad ni Mama Lou kay Alexander. ''Binigyan po ako ng pera para pambayad po sa tuition ko at pambili ng project ko sa school. Saka nagsabi lang po na baka sakali pong pumunta kayo rito, eh sabihin ko po sa inyo na tawagan niyo po siya. At baka raw may kasama kayong isang babae, ipagbigay alam ko po raw sa kanila. Lalo na kay Luya Gabriel.” Lalo akong kinabahan sa sagot ni Alexander kay Mama Lou. ''Basta huwag mong sabihin na narito kami, lalo na sa magulang mo,'' bilin pa ni Mama Lou. Agad naman tumango si Alexander kay Mama Lou. ''Ayaw ko na talaga bumalik sa kulungan,'' mangiyak-ngiyak pang wika ni Ate Des. ''

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD