Chapter 30 Allysa After 4 months Gumagawa ako ng garlands na yari sa bulaklak, iyon na ang gawain ko simula ng dumating kami sa lugar na ito ni Mama Lou. Deni-deliver iyon ni Alexander sa bayan may binabagsakan naman kami roon, 'yon nga lang si Alexander lang ang puwede pumunta sa bayan dahil hindi kami puwede maglantad sa maraming tao at baka may makakilala sa amin. Baka mamaya lumabas ang mukha namin sa television o sa dyaryo dahil tiyak wanted pa rin kaming tatlo. Kaya, nga sa center na lang ako mananganak. 7 month's na ang tiyan ko at malakas na gumagalaw ang baby na nasa tiyan ko. Sina Mama Lou naman at Ate Des, pumipitas ng mga bulaklak at ako ang taga gawa ng garlands. Tuwing papasok si Alexander sa school dinadaanan niya ang mga gawa ko at kapag pauwi na siya dumadaa

