bc

Undefined

book_age18+
637
FOLLOW
2.2K
READ
possessive
second chance
confident
CEO
sweet
bxg
lighthearted
betrayal
cheating
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

AKAI ITO SERIES #1

-soulmates red strings: an unseen string, tied around each others pinkie fingers.

***

Will you believe that "true love really exists"? If the past keeps hunting you to stop trusting cupid for choosing your partner.

What if that person in the past will drive you insane AGAIN?

Will you choose to forget him or risk your heart all over again thinking maybe this time it will be worth it?

Or maybe you will find the definition of your undefined love.

chap-preview
Free preview
00: Pre
"Why? Am I not enough? May mali ba sa akin? May kulang ba ako? Bakit kailangan 'yong bestfriend ko pa? Bakit sa lahat ng magiging kabit mo, 'yong taong pinagkakatiwalaan ko pa?" sabi ko kay Harry habang tuloy-tuloy ang agos ng luha sa aking mga mata. I cried. I beg. I do everything for you to comeback. I do every stupid things for you to choose me. I make myself look stupid. I even embarrassed myself in the public. I pretend that I didn't know all your lies. I loved you even though you're a jerk. I fall hard knowing that you used me. I fall deeper to the point that I'm afraid of making mistake. But… Everything changed since he came. I became unfocused on the things I used to do. He do weird things -he's a weirdo. And because of his weirdness, I learned to believe that true love and first love is a two different things. He's the only one who saw my worth. He makes me feel that I'm the only girl in his life. I feel comfortable beside him. I feel safe and secured in his arms. I feel the most powerful love in his kisses. But… Who should I choose? You, who make me feel nothing and keeps coming back? Or he, who can can keep me happy knowing that I hate his kind? “Anong ibig sabihin nito?” tanong ko kay Harry bitbit ang cake sa condo niya. Nakita ko sila ni Scarlet na magkapatong sa kaniyang kama habang naghahalikan. Hubad na rin ang mga damit nila nang datnan ko. Nabitawan ko ang box na dala ko dahil sa gulat. Hindi ko inaasahan na ito ang maaasahan ko sa pinakamahalagang araw naming dalawa. Napako lang ang paa ko sa kinatatayuan ng kwarto. Gulat silang lumingon sa akin at mabilis na tumayo. Nagkatinginan muna sila bago na-realize kung sino ang nasa harap nila. Asar akong natawa dahil sa inasta nila. Anong akala nila sa’kin? Audience sa live show nila? T*ngina. “Shine,” tawag sa akin ni Harry nang nauutal habang nagsusuot ng damit. Naikuyom ko ang kamay ko dahil sa nag-uumapaw na galit at inis sa kanilang dalawa. Nagsimula na rin mamumo ang mga luha sa aking mata. “Shine, let me explain,” nakalapit na ito sa akin nang sabihin niya iyon. Malakas kong ibinato ang isa pang box na mahigpit kong hawak sa isa kong kamay. Ireregalo ko sana sa pangatlong taon namin bilang magkasintahan. Pero walang tatalo sa ibinigay niyang regalo sa akin. Masama akong tumingin kay Scarlet na nakayuko at nakabalot na sa kumot ngayon. “Ano? Masaya maging suman?” Pagak akong tumawa. Hindi niya ako sinagot. “Magsama kayo! Parehas kayong mga demonyo!” sigaw ko sa kanila at saka umalis sa kwarto ni Harry. Hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako. “Please, magpapaliwanag ako,” may pagmamakaawa niyang sabi sa akin. Mabilis ko siyang nilingon. Marahas kong hinawi ang kamay niya at binigyan ng kambal na sampal. “Don’t f*****g touch your dirty hands on mine. Nakakadiri kayong dalawa.” My voice broke because of the uncontrollable sobbing coming from my mouth. Akma akong maglalakad na nang yakapin niya ako mula sa likod. “Please.” Mas mahigpit na ang hawak niya sa akin ngayon. Mabilis akong kumawala at lumabas sa condo niya. Pero sinusundan niya pa rin ako. Hanggang sa makarating kami sa kalsada ay patuloy pa rin siya sa pagtawag sa akin. Hindi ba siya nahihiya sa suot niya? May mga lipstick pa siya sa mukha at halatang-halata ang kababuyan na ginawa niya tapos may gana pa siyang sundan ako? “Please, Shine…. please..” Muli niya akong niyakap sa likod nang makarating kami sa highway. “Are you seriously kidding me, Harry?” Kumawala ako sa yakap niya at hinarap niya. Parehas na kaming umiiyak ngayon. “You’re seriously asking me to listen to you kung kitang-kita ko naman ang kababuyang ginagawa ninyo ni Scarlet?” hindi ko makapaniwalang tanong sa kaniya. “Anong gusto mong gawin ko? Magmakaawa sa harap mo na iwan siya at sa akin ka dapat? Bakit? Kapag ginawa ko ba ‘yon, iiwan mo ba siya?” panghahamon kong tanong sa kaniya pero hindi siya sumagot. “Oh, 'di ba hindi ka makasagot. Kasi hindi mo kaya. Ilang beses na ba akong nagmakaawa sayo na ako ang piliin mo? Na pwede mong sabihin sa mga magulang mo na ako ang girlfriend mo? Na pwede namang ako ang magpakasal sayo ‘wag mo lang akong iwan?” sunod-sunod kong sambit sa harap niya. Yumuko siya at binitawan ang kamay ko na hawak niya kanina. Napatingin ako sa mga kamay naming dalawa at mas lalong hindi mapigilan ang mga luha na nahuhulog sa mata ko. Wala na akong pakialam sa mga taong tinitingnan kaming dalawa. Gusto ko na lang ilabas ‘yong sakit. Napakasakit na ako mismo ang makakita. Napakasakit na masaksihan ng dalawang mata ko kung paano ako lokohin ng lalaking mahal ko at ng best friend ko. Napakasakit na ‘yong dalawang taong mahalaga sa akin ang gagawa ng gano’ng bagay. “I’m sorry…” sagot niya matapos ang ilang segundong tumahimik ako. “I will fix everything, please…. can’t you wait for me?” Naghahanap ng pag-asa ang mga mata niyang tumingin sa akin. Mas lalo lang akong natawa sa itinuran niya. “Fix? Hindi na maaayos ang tiwalang ibinigay ko sa inyong dalawa. Nakakadiri. Sa tuwing makikita ko kayo, ‘yong nangyari kanina ang lagi kong naaalala,” sagot ko sa kaniya. “It is just for a show---” “Gago!” Sinampal ko siya. “Show? Aba! Putangina mo! Ano ‘yon? Live show? Show….” Malakas akong tumawa kahit na may mga luha sa mga mata ko. “Napakagandang show naman pala no’n, naghahalikan at hubo’t hubad kayo. Ia-apply niyo ba sa porn ang video?” Pinunasan ko ang mga luhang hindi mahinto sa paglabas at saka tumingin nang diretso sa kaniya. “Gago! Baboy! Mas lalo lang akong nandidiri sa itsura mo. Tapos na tayo,” matigas kong sabi habang dinuduro siya sa dibdib at mabilis na tumawid sa kalsada. Iniwan ko siyang tigagal sa kinatatayuan niya. Hindi na siya nakasagot dahil tama naman ang lahat ng sinabi ko. Sana pala hindi na lang ako nabaliw sa pag-ibig na ‘yan sa loob ng tatlong taon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ZACH HOFFMAN

read
225.7K
bc

The Heartless Billionaire (Tagalog)

read
699.8K
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
699.2K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.7K
bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
326.4K
bc

The Hottest Billionaires 3: Kieran Balinger(The Bad Boy)

read
399.1K
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
781.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook