C-5

1097 Words
KELLY JOANNE Mabilis akong tumayo at umalis na sa harapan niya. Hindi ako puwedeng makita ni daddy pero bigla na lang bumukas ang elevator at sa hindi ko inaasahan na ang daddy ko ang dumating kaya naman mabilis akong tumalikod. Pero alam ko na makikita niya pa rin ako pero mas hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari dahil bigla na lang akong tinakpan ni Daddy ninong gamit ang katawan niya. Malaki siyang tao kaya sa tingin ko ay kaya naman niya akong itago kaya pasimple akong tumalikod para hindi ako makita ni daddy. Kahit pa nakatalikod at nakayuko ako ay grabe ang bilis ng t*bok ng puso ko. “Good morning, Charlie. Kumusta na?” Tanong pa ni daddy na halatang masaya siya. “Good morning, bro. I’m good, mauna ka na muna sa meeting room. May pag-uusapan lang kami ng bago kong secretary.” “Bago? Mukhang iba ‘yan,” natatawa na sabi pa ni daddy. Kung alam kaya niya na ako ito ay sasabihin pa kaya niya ang mga salitang ito? “G*go! Huwag mo akong itulad sa ‘yo,” sabi pa ni ninong at mukhang nagbibiruan sila. “Binata tayo kaya walang dahilan para pigilan mo ang sarili mo. Malay mo naman, type ka ng secretary mo na medyo shy type,” sabi pa niya. “First day niya ngayon at medyo masama ang pakiramdam niya.” “Ganun ba? Sige, pasok na ako sa loob,” sabi ni daddy at mukhang naglalakad na ito papunta sa meeting room nila. “Thank you po, daddy ninong.” mahina na pasasalamat ko sa kanya. “Hindi ko alam kung kaya pa kitang itago sa susunod kaya bahala ka na,” sabi niya sa akin at umalis na siya. Naiwan ako na nakatayo dito. Napahinga na lang ako ng malalim dahil ang laki na talaga ng ipinagbago ni ninong. Hindi naman kasi siya ganito noon pero ngayon ang sungit na niya. “Dahil siguro tumatanda na? Tama, baka kaya masungit na kasi matanda na. Mainitin na ang ulo dahil matanda na–” “Nandito ka pa rin?” “Ayyy matanda na!” nagulat naman ako at naibulalas ko pa ang hindi ko dapat sabihin. Kinakausap ko lang naman sana ang sarili ko pero bigla na naman siyang dumating. “Sino ang matanda na?” tanong niya sa akin. “Ikaw,” nanlaki ang mga mata ko dahil bakit ko ba sinabi ‘yon. Hindi ko naman puwedeng bawiin dahil sinabi ko na at malinaw pa niyang narinig. “So, sinasabi mo na matanda na ako?” nakakunot na naman ang noo niya. “Alis na po ako,” sabi ko at tatalikod na sana ako pero bigla na lang niyang hinawakan ang pulsuhan ko. “M–May kailangan ka pa po ba?” tanong ko sa kanya. “Mag-uusap tayo mamaya,” seryoso ang mukha niya sabay bitaw niya sa pagkakahawak sa kamay ko at muling bumalik sa loob ng meeting room. Ako naman itong nagmamadali na dahil baka bigla na naman siyang bumalik at magalit na talaga siya sa akin. Pupunta na lang ako sa cafeteria at titingin kung ano ba ang puwede kong kainin doon. Mamaya pa naman ang lunch kaya tatambay na lang ako doon. Ang sabi niya sa akin ay sasabihan na lang niya ako, pero paano? May number ba niya ako? Bahala na siya, basta ang mahalaga sa ngayon ay makapag-tago ako sa daddy ko. Hindi niya kasi ako puwedeng makita dito. First day ko pa lang dito at ayaw ko naman na maging last ko na agad ito. Gusto ko pang makuha ang una kong sahod. Sayang kaya ang bayad dito, malaki ang sahod at kailangan ko talaga ito. Nang makarating ako dito sa cafeteria ay naghanap na ako ng vacant na mesa at nakakita naman ako. Iba-iba ang break time dito kaya ngayon ay medyo marami ang tao. Hindi na muna ako oorder ng pagkain ko dahil ang dami pang mga tao na nakapila. Mamaya na lang kapag naging naluwag na ang pila. Napansin ko na nakatingin sa akin ang ibang mga empleyado dito. Siguro ay nagtataka sila kung bakit ba ako nandito. Hindi ko rin naman alam kung alam ba nila na ako ang bagong secretary ng CEO/Chairman ng company na ito. Nag-iisa lang naman ang anak ni Daddy ninong kaya wala pang papalit sa kanya sa pagiging CEO dahil nag-aaral pa si Mavie. At mukhang iba naman ang hilig nang isang ‘yon. She loves to travel and most of all, she loves photography. Lagi nga niyang kinukunan ng larawan ang anak ko. Kahit ako ay marami na ri siyang pictures ko. Magaling kasi siya at isa pa, mukhang hindi naman siya pini-pressure ng daddy niya sa mga ganitong bagay. Hinayaan lang siya sa lahat ng nais niya. Kabaliktaran naman sa akin dahil muntik na akong nakulong sa isang pagsasama na wala namang pagmamahal. Mas kaya ko pa itong pagiging single mom ko kaysa magkaroon ng asawa na hindi ko man lang mahal. At isa pa, arrogante ang lalaking ‘yon. Sobrang yabang eh nepo baby lang naman siya. Palibhasa ay anak siya ng kontraktor at balita ko ay hindi naman maganda ang record ng pamilya nila. Mukhang gusto lang ni daddy ang pakinabang nila at ganoon rin sila kay daddy. Nang humupa na ang mga nakapila ay pumila na rin ako. “Good morning po, isa pong palabok,” nakangiti na sabi ko. “Hi, ganda. Bago ka lang ba dito?” nakangiti na tanong sa akin ng tindera. “Opo, secretary po ako ni Mr. CEO,” nakangiti na sagot ko sa kanya. “Sabi ko na nga ba eh. Hindi talaga pumipili ng hindi maganda ang CEO. Pero sa totoo lang ikaw lang ang kulot at ikaw ang pinakamaganda sa lahat,” sabi pa niya kaya napangiti na lang ako dahil nahihiya ako. “May anak na po ako,” sabi ko sa kanya. “Talaga?” “Opo,” sagot ko sa kanya at kinuha ko ang tray na binigay niya na may palabok. “Salamat po.” “Sana magustuhan mo, ganda. Ako ang mismong nagluto niyan,” sabi pa niya kaya napangiti ako. Bumalik ako sa kung saan ako kanina at nagsimula na akong kumain. May lumapit sa akin na isang lalaki at nakangiti pa siya. Binati niya ako at ganun rin ako sa kanya. Hanggang sa nagpakilala na siya sa akin. Akmang uupo na siya nang may bigla na lang nagsalita. “Kaya pala hindi mo sinasagot ang tawag ko dahil busy ka.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD