KELLY JOANNE
“Kaya pala hindi mo sinasagot ang tawag ko dahil busy ka.”
“S–Sir,” kinakabahan na sambit ko.
“Tapos na ang break time kaya bumalik ka na sa trabaho mo,” sabi niya sa akin eh ngayon pa lang ako kakain ng palabok na binili ko.
“Sorry po,” sabi ko at mabilis akong sumunod sa kanya. Tapos na ba eh parang wala pa naman ten minutes eh. Pero siya nga pala ang boss ko.
Sabay kaming dalawa dito sa loob ng elevator.
“Talagang dinala mo pa ‘yan?” tanong niya sa akin at ang tinutukoy niya ang hawak ko na palabok.
“Sorry po, sayang po kasi eh,” sabi ko sa kanya.
“Kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo naman sinasagot.”
“Tapos na po ba ang meeting niyo?” tanong ko sa kanya at hindi ko rin naman alam kung tumawag ba siya sa akin.
“Hindi pa,” sagot niya sa akin.
“Po?”
“Doon ka na lang sa loob ng office ko. Saka kainin mo na muna ‘yan bago ka magtrabaho ulit,” sabi niya sa akin.
“Gusto mo po ba?” tanong ko sa kanya pero parang nagsisi naman agad ako dahil bakit ko ba siya inaalok eh alam ko naman na hindi yata kumakain ng ganito ang lalaking ito.
“Dito mo na lang gawin sa loob ng office ko ang mga dapat mong gawin. Gamitin mo ang PC ko,” sabi niya sa akin at mukhang wala talaga siyang pakialam sa palabok ko.
Kung sabagay ay dapat bang may pakialam siya sa palabok? Bakit ko ba kasi naisip na magiging interesado siya sa palabok.
“May password po ba ang PC mo?”
“It’s Mavie’s birthday,” sagot niya sa akin.
“Okay po,” sagot ko sa kanya.
Lihim naman akong napangiti dahil kahit pala masungit na ang isang ito ay mahalaga talaga sa kanya ang anak niya, sweet siya sa sariling paraan niya. Nakakalungkot lang na hindi sila naging okay ng mommy ni Mavie. Pero mukhang okay naman si daddy ninong. Mukhang may girlfriend naman siya. Saka gwapo naman siya kaya imposible na wala.
Lumabas na siya at iniwan na ako dito. Sayang ang palabok, paborito ko pa naman ito kaya naman talagang kakainin ko muna ito. Mabilisang kain lang ang ginawa ko dahil kailangan ko ng magtrabaho ulit bago pa bumalik si ninong. After ko kumain ay inayos ko na ang dapat kong ayusin.
Ang sabi niya sa akin ay gamitin ko ang PC niya kaya naman kailangan ko ngang gamitin. Umupo ako sa upuan niya kahit pa naiilang ako. Sa totoo lang ay ang bango ni ninong. ‘Yung pabango niya, naamoy sa buong opisina niya. Super manly siya pero hindi siya masakit sa ilong.
“Kelly, magtrabaho ka na. Baka dumating pa ang masungit mong ninong/boss,” kausap ko sa sarili ko.
Nagsimula na akong magtrabaho. Hanggang sa hindi ko namalayan na bumalik na pala si ninong. Nagulat na lang ako dahil nasa tabi ko na siya.
“Patapos na po ako,” sabi ko sa kanya.
“Take your ti–”
Nagkatinginan kaming dalawa dahil bigla na lang may kumatok mula sa labas.
“Bro!” narinig namin ang boses ni daddy.
“Daddy ninong, si daddy,” kinakabahan na sabi ko sa kanya at halatang nagulat rin siya.
“Hide,” sabi niya sa akin.
Mabilis akong pumasok sa ilalim ng mesa niya. Wala na akong ibang choice. Kung lalayo pa ako ay baka naman makita ako ni daddy. Kapag sa banyo ay may possibility rin na makita niya ako. Dito na lang talaga ako. Dito na muna ako sa ilalim ng mesa niya.
Umupo naman si ninong sa swivel chair niya. Habang ako itong kinakabahan at hindi mapakali sa pinagtataguan ko. Hindi naman mainit pero feeling ko ay mauubusan ako ng hininga dito sa kaba ko.
“Busy ka ba, bro?” tanong ng daddy ko kay ninong.
“Medyo.”
“Sasama ka ba sa amin mamaya? Nagkayayaan ang barkada, matagal na raw tayong hindi nagkikita-kita at isa pa may ipapakilala ako sa inyo,” sabi niya sa akin.
“I’m not sure, bro pero susubukan ko.”
“Lagi ka na lang ganyan. Sabihin mo nga sa akin nakikipag-date ka na ba ulit?”
Ngayon ko lang nalaman na may pagka-chismoso pala ang tatay ko sa lovelife ng iba. Pero mukhang masaya naman siya ngayon. Halata sa boses niya.
“Dapat makipag-date ka dahil hindi na tayo bumabata–”
“Alam ba ni Kelly na may bago ka ng kinakasama?” biglang tanong ni ninong.
“Hindi niya kailangan na malaman.”
“Hanggang ngayon ba ay galit ka pa rin sa kanya?”
“It’s her choice kaya wala siyang dapat sisihin,” sagot ni daddy.
“Pero baka nakalimutan mo anak mo pa rin siya. Dapat ay magkaayos na kayong dalawa,” sabi pa ni ninong.
“Hayaan mo na muna siyang magtanda at pagsisihan niya ang kasalanan niya. Sige, alis na ako. Punta ka ha, minsan lang ito para naman kumpleto tayo,” sabi niya at lumabs na yata siya.
Maybe his right, kagustuhan ko ito. Pero sino ba ang naglagay sa akin sa sitwasyon na iyon. Siya rin, kung hindi niya ako pinipilit ay hindi sana ako naging ganito. Kung sabagay, para sa kanya ay ako lang naman ang may mali. Siguro nga ay mas okay ang ganito na lang kami. Mas tahimik at walang problema. At mas masaya siya na wala ako sa buhay niya.
“Are you okay?” tanong sa akin ni ninong.
“Oo naman po,” sagot ko sa kanya at lalabas na ako dito sa pinagtataguan ko pero bigla na lang bumalik si daddy kaya napabalik ako bigla dito sa ilalim.
“Nakalimutan ko pa lang sabihin na birthday ng girlfriend ko next week kaya pumunta ka sa bahay,” sabi ni daddy.
“I’ll try,” sabi lang ni ninong.
“Mag-enjoy ka rin minsan,” sabi pa ni daddy at sa tingin ko ay umalis na siya.
Ngayon ko lang napansin na nakahawak pala ako sa legs ni ninong kaya mabilis kong inalis ang kamay ko sa legs niya.
“Sorry po–ouch!” napa-daing ako dahil nauntog ang ulo ko sa table niya.
“Bakit kasi hindi ka nag-iingat?” sabi niya at hinaplos niya ang ulo ko kaya napatingin ako sa kanya.
Nakatingala ako sa kanya. Nandito pa rin ako sa puwesto ko at siya naman ay nakaupo pa rin sa swivel chair niya. Nagtagpo ang mga mata naming dalawa.
“Saan ang masakit? Dito ba?” tanong niya sa akin na para bang ang lambing ng boses niya.
“Opo,” wala sa sarili na sagot ko sa kanya at nagulat ako sa sumunod niyang ginawa.