C-7

1275 Words
KELLY JOANNE “Saan ang masakit? Dito ba?” tanong niya sa akin na para bang ang lambing ng boses niya. “Opo,” wala sa sarili na sagot ko sa kanya at nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. He kissed my hair. Hindi ko talaga inaasahan na gagawin niya ito. Ang halikan ako sa buhok ko sa kung saan ang masakit. Sabay haplos sa buhok ko. Hindi ko alam pero bakit bigla naman bumilis ang t*bok ng puso ko. “Lunch time na pala kaya kumain na tayo,” sabi niya sa akin at tumayo na siya para makalayo sa akin. Nakita ko rin na niluwagan niya ang necktie niya. Ako naman itong nandito pa rin dahil parang hindi ko na alam kung paano ako lalabas dito. Hanggang sa nakita ko ang kamay ni ninong. Kaya naman inabot ko ito at hinayaan ko siya na tulungan ako. Nang tuluyan akong nakatayo ay kaagad kong binawi ang kamay ko na hawak niya. “Thank you po,” sabi ko sa kanya. “Let’s go na,” sabi niya sa akin. “Saan po?” “Lunch time na kaya kumain na tayo.” “Sa cafeteria na lang po ako kakain. May baon po kasi ako,” sagot ko sa kanya. “Okay, ikaw ang bahala,” sabi niya sa akin. “Labas na po ako,” paalam ko sa kanya at lumabas na agad ako. Tama siya lunch time na nga at ang bilis talaga ng oras. Kaya inayos ko na ang gamit ko dito at kinuha ko ang baon ko. Hindi naman ako puwedeng kumain dito. Pero ang alam ko ay puwedeng kumain sa pantry kaya doon na lang ako. More on gulay ang baon ko dahil mahilig talaga ako sa gulay. Mabuti na lang at sinanay ako ni yaya na kumain ng gulay. Bigla ko tuloy siyang na miss. Kumusta na kaya siya? Okay lang kaya siya doon sa bahay? Sana naman ay okay lang siya. Gusto ko sana siyang isama sa akin pero ayaw ng ama ko kaya naman ako na lang ang umalis noon. Kaysa malungkot pa ako ay kumain na lang ako. Habang kumakain ako ay nagulat ako dahil bigla na lang dumating si ninong at may dala siyang mga pagkain. Mabilis naman akong tumayo para kumuha ng plato at kutsara para sa kanya. Hinugasan ko muna ito at pinunasan bago ko ito nilapag sa harap niya. “Kumain ka na, ako na ang bahala sa sarili ko,” sabi niya sa akin dahil lalagyan ko sana siya ng pagkain. “Okay po,” sabi ko at umupo ako. Ang dami niyang pagkain na dala. Mukhang sa cafeteria siya kumuha ng pagkain dahil lutong bahay ang mga ito. Kumain na ako at nagulat pa ako dahil kumuha siya sa gulay na niluto ko kaya naman mas nilapit ko ito sa kanya. “Who cooked this?” tanong niya sa akin. “Ako po,” sagot ko sa kanya. “Marunong ka na pa lang magluto.” “Sakto lang po. Wala naman po akong aasahan kundi sarili ko lang,” sabi ko sa kanya. “Bakit hindi ka na lang bumalik sa bahay niyo?” “Mas okay po ako na wala ako sa bahay namin. Mas tahimik po ang buhay ko kasama ang anak ko,” sabi ko sa kanya. “Kung sabagay, tama ka naman,” sabi niya at nilagyan niya ng ulam ang plato ko. “Gaya po nang sabi niya kanina ay ako po ang pumili ng desisyon na ito kaya kailangan kong panindigan,” sabi ko kay daddy ninong. “Ano ba ang dahilan kaya ka naging pasaway sa daddy mo? Ang alam ko ay masunurin ka naman na anak.” “Hindi po ba niya sinabi sa ‘yo?” Hindi siya sumagot sa tanong ko. “Kasalanan ko po. Hindi po kasi ako masunurin na anak. Dahil po sa akin ay hindi natuloy ang partnership niya sa mga Lim,” sabi ko sa kanya. “Bakit hindi mo na lang siya sinunod?” “Sa tingin mo po ba ay okay lang na magpakasal sa taong hindi mo mahal?” tanong ko rin sa kanya. “Hindi ko alam, depende,” sagot niya sa akin. “Ikaw nga hindi mo alam ang sagot ako pa kaya. Mas gusto ko pa rin magpakasal sa lalaking mahal ko. At isa pa, may anak na ako kaya malabo na magkakaroon pa ako ng asawa. Ayaw ko sa lalaking hindi tanggap ang anak ko,” sabi ko sa kanya pero wala kong narinig na kahit na ano mula sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin kaya ngumiti na lang ako para mawala ang awkward na nararamdaman ko. “Are you done?” “Opo,” sagot ko sa kanya. “Ang kaunti pa lang ng kain mo,” sabi niya sa akin. “Busog na po ako. Inubos ko po ang palabok kanina,” sabi ko sa kanya. Wala na akong narinig na kahit na anong salita mula sa kanya. Tapos na rin siya kaya niligpit ko na ito pero nagulat ako nang pigilan niya ako. “Iwan mo na lang ‘yan d’yan,” sabi niya sa akin. “Ako na po, mabilis lang naman po ito,” sabi ko sa kanya at nagsimula na akong maghugas ng mga plato. Ayaw kong lumingon dahil nasa likuran ko lang siya. Hanggang sa narinig ko ang yabag niya paalis. Tinapos ko na lang ang ginagawa ko. Mukhang okay naman si daddy ninong. Natapos na lang kaming kumain ay hindi niya ako sinungitan. Iniisip ko nga na baka naaawa lang siya sa akin. Huwag naman sana dahil gagalingan ko sa trabaho ko para naman sulit ang ibabayad niya sa akin. After ko dito ay bumalik na ako sa trabaho ko. Inayos ko ang schedule niya bukas at pinasa ko na ito sa email niya. Tinapos ko na rin ang mga pinapagawa niya sa akin. Hanggang sa sumapit na ang alas singko ng hapon. Ang bilis lang ng oras dahil uwian na ngayon. Tumayo na ako at kumatok ako sa pinto ng office ni daddy ninong. “Sir, puwede na po ba akong umuwi?” nahihiya na tanong ko sa kanya. “Yes, hindi mo na kailangan na magpaalam sa akin kapag uuwi ka na. Automatic na kapag five na ay umalis ka na, maliban na lang kung may ipapagawa pa ako sa ‘yo,” sabi niya sa akin. “Wala ka po bang ipapagawa sa akin?” tanong ko sa kanya. “Bakit? Gusto mo pa bang magstay dito?” nakakunot ang noo na tanong niya sa akin. “Ayaw ko na po,” mabilis na sagot ko sa kanya. “Akala ko kasi–” “Alis na po ako, daddy ninong. Ingat ka po sa pag-uwi mo,” sabi ko sa kanya at mabilis akong lumabas. Wala na akong balak na magtagal pa dito dahil kailangan na ako ng anak ko. Miss na miss na siya. Kailangan pa kasing umuwi ni ate sa bahay nila daddy ninong. Sa totoo lang ay parang gusto ko na lang siyang kunin para may kasama ako sa bahay kaya lang kasi mas malaki ang sahod niya sa bahay nila ninong. Hindi muna ako umuwi dahil kailangan ko pa lang bumili ng gatas ng anak ko. Mabuti na lang at may malapit na mall dito kaya doon na lang ako bibili. Nilakad ko na lang at nang makarating na ako sa mall ay bumili agad ako ng diaper at gatas. Nang palabas na ako sa supermarket ay nagulat ako dahil nasa harapan ko na siya ngayon. Nasa harapan ko ang…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD