C-8

1074 Words
KELLY JOANNE Nang palabas na ako sa supermarket ay nagulat ako dahil nasa harapan ko na siya ngayon. Nasa harapan ko ang daddy ko. “D–Daddy,” nauutal na sambit ko dahil nandito siya ngayon sa harapan ko at may kasama siyang babae. At sa tingin ko ay ito ang sinasabi niya kanina kay daddy ninong. Gusto kong lumapit sa kanya para yakapin siya pero hindi ko ginawa. Sa totoo lang kasi ay miss na miss ko na ang daddy ko. May pumipigil sa akin na gawin ito dahil alam ko na galit pa rin siya sa . Seryoso ang mukha niya at wala namang halos nagbago. Siguro dahil hindi naman siya stress. Ako lang naman yata ang stress ng buhay niya. At ng mawala ako ay mas naging okay siya, nagagawa niya na ang lahat ng nais niya. “Okay na ba sa ‘yo na ganyan ang buhay mo?” tanong niya sa akin na walang kahit na anong emosyon na makikita sa mga mata niya. “Opo,” tipid pero matatag na sagot ko sa kanya. “Iyan ang napapala ng katigasan ng ulo mo,” sabi niya sa akin. “Opo, alam ko po, kasalanan ko po kung ano man ang nangyayari sa akin ngayon. Sige po, alis na po ako, daddy. Ingat ka lagi at alagaan mo ang sarili mo,” sabi ko sa kaniya at tumalikod na ako. “Kung hindi lang naging matigas ang ulo mo ay hindi ka sana ganyan ngayon. Sana ay maayos ang buhay mo.” Kahit pa may mga sinasabi siya sa akin ay mas pinili ko na hindi siya pansinin hanggang sa nagulat ako dahil may biglang humila sa akin. “Daddy ninong?” gulat na gulat ako dahil nandito rin pala siya sa mall. “Isasabay na kita,” sabi niya sa akin pero seryoso lang ang gwapo niyang mukha. “Huwag na po, daddy ninong. Mas gusto ko pong magjeep at baka makita pa po tayo ni daddy. Gusto ko po talaga na magtagal sa trabaho ko. Ingat ka po,” nakangiti na sabi ko sa kaniya at tumalikod na rin ako. Sa totoo lang ay ayaw ko naman talaga na madamay siya dito dahil alam ko kung gaano sila kalapit ni daddy pero wala akong choice. I really need this job kaya gusto kong panatilihin ang relasyon namin bilang secretary at boss. Dahil ayaw ko na malaman agad ni daddy na sa kanya ako nagtatrabaho. Nagpapasalamat nga ako dahil kahit pa alam ko na puwede niya akong isumbong ay mas pinili niyang hayaan ako na magtrabaho ako sa kanya. Naglakad ako palabas at nag-abang na ako ng jeep. Dahil uwian na kaya mahirap ng makasakay pero matiyaga pa rin akong naghihintay na makasakay. Habang may hawak akong diaper at gatas ay nakipag-unahan ako na sumakay sa jeep na dumaan. Mabuti na lang at nakasakay ako. Hindi naman ito ang unang beses na nakipag-unahan ako dahil sanay na sanay na akong sumakay sa jeep. Kung noon ay may personal driver ako, ngayon ay natuto na ako na ako lang. At masasabi ko na sa loob ng tatlong taon na ako lang ay masaya naman ako. Maayos naman ako kahit pa hindi na ako nabubuhay sa karangyaan. Sa buhay na kinamulatan ko. Ang lahat ay binibigay sa akin ni daddy. Malaki ang allowance ko at maganda ang lahat ng mga gamit ko. Kahit naman noon ay ayaw ko naman talaga sa marangya dahil feeling ko isa akong puppet ng daddy ko. Kaya nga mga simpleng damit at mga gamit lang ang gusto ko lalo na kapag papasok ako sa school. Ayaw ko nga noon sa school ng mayaman pero ang daddy ko pa rin ang nasunod. Parang robot rin ako na naka-program para sumunod lang sa lahat ng nais niya. Pero iba na ngayon dahil nabubuhay na ako sa sariling mga desisyon ko na. Nagagawa ko na ang lahat ng nais ko. Medyo traffic na kaya late na talaga ako nakauwi sa bahay. Nalaman ko kay Ate Lin na pinapauwi na siya ni daddy ninong sa kanila para kausapin. At nag-aalala rin naman ako para sa kanya. Ang bait niya kasi sa akin tapos ito ang mangyayari, pero if ever lang na palayasin siya ay kukunin ko na lang siya at sa akin na lang siya magtrabaho. Kahit pa wala ng matira sa akin sa sahod ko ay sisiguraduhin ko na bibigyan ko siya ng maayos na sahod. Hindi ako dalawin ng antok. Muli ko kasing naalala ang daddy ko. Kasama niya ang bago niyang babae at nagshopping silang dalawa. Kung sabagay ay pera naman niya ang ginamit niya kaya walang dahilan para mainggiot ako. Kaya ko, kaya ko naman bilhin ang mga gusto ko basta’t galing sa sipag ko. Oo hindi na ako utak mayaman kung mag-isip. Dahil na rin siguro sa hirap na pinagdaanan koi kaya ganito na ako ngayon. Okay lang, okay lang sa akin na ganito ang buhay ko kasi nagsisikap ako. Nakatingin ako ngayon sa anak ko na mahimbing na natutulog. “Lumaki ka lang na malusog at mabuting tao ay sapat na sa akin, baby. Sisiguraduhin ni mommy na matutupad ang lahat ng pangarap mo. Nandito lang ako lagi, anak ko,” nakangiti na kausap ko sa kanya at hinalikan ko siya sa noo. Niyakap ko siya ng mahigpit at pumikit na ako para matulog dahil maaga pa ako bukas kahit pa hindi ko alam kung babalik pa ba dito si ate. Kung hindi na talaga ay aabsent na lang ako. ******* Nagising ako ng maaga kahit pa hindi ko talaga alam kung darating ba si ate Lin. nahihiya rin akong tawagan siya dahil baka naiinis siya sa akin. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang nangyari. Ayaw ko ring tawagan si Mavie dahil alam ko na baka pati siya ay pinagalitan. Naligo ako pero hindi ako nag-bihis ng damit na pang-office, naka pambahay lang ako ngayon. Dahil hindi ko talaga alam kung makakapasok ba ako. Tulog pa ang anak ko. Kahit pa alam ko na wala akong aasahan ay umaasa pa rin ako. Naghain na lang ako dahil kakain na ako ng breakfast. Maaga akong nagluto ng pagkain. Akmang susubo na ako pero may narinig ako na ingay mula sa labas. Pero mas nagulat ako dahil may biglang kumakatok mula sa labas kaya naman nagmamadali akong pumunta sa may pinto. Kinakabahan man ay binuksan ko ito at bumungad sa akin si….
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD