C-9

1246 Words
KELLY JOANNE Tulog pa ang anak ko. Kahit pa alam ko na wala akong aasahan ay umaasa pa rin ako. Naghain na lang ako dahil kakain na ako ng breakfast. Maaga akong nagluto ng pagkain. Akmang susubo na ako pero may narinig ako na ingay mula sa labas. Pero mas nagulat ako dahil may biglang kumakatok mula sa labas kaya naman nagmamadali akong pumunta sa may pinto. Kinakabahan man ay binuksan ko ito at bumungad sa akin si daddy ninong.. “D–Daddy ninong?” nauutal na sambit ko. “Ayaw mo ba akong papasukin?” tanong niya sa akin dahil nakatulala lang ako sa kanya. “Pasok ka po,” sabi ko sa kanya pero bigla akong napangiti dahil nakatago lang sa likuran niya ang inaasahan ko. “Ate Lin!” sambit ko pero grabe ang saya ko. “Good morning, Ma’am Kelly,” nakangiti na bati niya sa akin at napatingin ako sa hawak niyang bag. “Ate Lin?” “Mag-aapply po ako. Tatanggapin mo po ba ako?” nakangiti na tanong niya sa akin. “Oo naman po, ate. Opo na opo,” sagot ko sa kanya at mabilis akong lumapit kay Daddy ninong para yakapin siya. Hindi si ate kundi ang ninong ko. Dahil siya naman talaga dapat. “Thank you po, daddy ninong. Thank you po, pangako po hindi ko po pababayaan si ate dito,” sabi ko sa kanya. “Magbihis ka na at sumabay ka na lang sa akin,” sabi pa niya sa akin. “Kumain na po ba kayo? Kung hindi pa ay sumabay na po kayo sa akin,” nakangiti na sabi ko sa kanila. “Mamaya na lang ako kakain, Ma’am.” “Ate Lin, Kelly na lang po ang itawag mo sa akin,” nakangiti na sabi ko sa kanya. “Mamaya na lang ako, Kelly. Para naman may kasabay si baby,” sabi niya sa akin. “Ikaw po, daddy ninong, kumain ka na po ba?” “Not yet,” sagot niya sa akin kaya napangiti ako. “Sabay na po tayo, daddy ninong,” nakangiti na sabi ko sa kanya at mabilis akong kumuha pa ng plato at kutsara para sa kanya. “Hindi ko po alam kung gusto mo ang niluto ko per–” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ay nagsimula na siyang kumain kaya napangiti na lang ako. Masasabi ko na hindi naman pala siya maarte sa mga pagkain. Kaming dalawa lang ang nandito dahil pumasok si ate sa room ko para samahan ang anak ko. “Stop staring at me at kumain ka na d’yan. Hindi ka mabubusog kung ako ang tititigan mo,” sabi niya sa akin kaya bigla akong nahiya sa narinig ko mula sa kaniya. Bigla na lang uminit ang mukha ko sa narinig ko mula sa kaniya. “Nagtataka lang ako na kumakain ka ng pagkain ng mahirap,” sabi ko sa kanya. “Pang mahirap lang ba ito? At bakit parang sinasabi mo na mahirap ka? Mayaman ka, pasaway nga lang,” sabi niya sa akin at hindi ko na naman alam kung nagbibiro ba siya o hindi. “Mahirap na po talaga ako. Hindi po ako mayaman, ang daddy ko po ‘yon at wala po akong ambag doon. If ever man na maging mayaman ako ay sisiguraduhin ko na galing sa sariling pagsisikap ko,” sabi ko sa kanya. “Ayaw mo ba mag-asawa ng mayaman?” “Daddy ninong, kung gusto ko na mag-asawa ng mayaman ay sana sinunod ko na lang ang utos sa akin ni ninong noon,” sabi ko sa kanya. “Ngayon, ayaw mo ba?” “Bakit ikaw? Hindi ka pa nag-aasawa? Mukhang hindi naman magagalit si Mavie kahit na mag-asawa ka,” sabi ko sa kanya. “Hindi pa ako ready,” sagot niya sa akin. “Matanda ka na po kaya kailan ka pa magiging ready?” “Kapag maging ready na siya,” sagot niya sa akin. “So, may girlfriend ka po?” “Bakit mo tinatanong?” nakangiti na tanong niya kaya parang natulala ako sa ginawa niya. “Inutusan ka ba ni Mavie?” “Po?” “Nevermind,” sabi niya sa akin. Sa totoo lang ay hindi naman talaga ako sa tanong niya ganito kundi sa ngiti niya. Hindi ko alam pero naninibago ako sa pag ngiti niya sa akin. Sa tingin ko ay na miss ko lang talaga ang ngiti niya. Ang tagal na rin kasi na hindi ko siya nakita na ngumiti. At ang gwapo pa rin niya. Sa totoo lang ay naging crush ko nga siya noon kaya lang naisip ko na ninong ko pala siya. Siguro crush lang na humahanga sa kagwapuhan niya. Kasi gwapo naman kasi talaga si daddy ninong. Tinalo pa nga niya ang mga hollywood actor at model sa kagwapuhan niya. “Nakatulala ka na naman d’yan. Gwapo ba ako?” tanong niya sa akin. Kaya mabilis akong kumain para hindi ako makasagot sa kanya. Nakakainis naman siya. Bigla na lang niya akong tatanungin. Nahuli pa niya ako na nakatingin na naman sa kanya. Mabilis ko na lang na inubos ang laman ng plato ko. Uminom ako ng tubig at mabilis ko siyang iniwan para pumasok sa loob ng room ko. Lumabas si ate at nagbihis na ako ng damit ko dahil aalis na kami. Mabilisang bihis lang dahil nakita ko na kaunti na lang ang oras. Hindi na ako nag-ayos ng mukha ko. Naglagay lang ako ng liptint at okay na ako. Hindi ko naman talaga kailangan na mag-makeup. Kahit kahapon ay light lang ang nilagay ko sa mukha. Paglabas ko ay si ate ang naghuhugas ng mga plato kaya lumapit ako sa kanya. “Ate, ako na po dito–” “Ako na, baka madumihan pa ang damit mo. Sige na, umalis na kayo ni Sir. Naghihintay na siya sa labas,” sabi niya sa akin. “Salamat po, ate,” nakangiti na sabi ko sa kanya. Mabuti na lang itong bahay ko ay may banyo sa loob ng room ko kaya nakapag-toothbrush na rin ako. Nagpaalam na ako kay ate dahil aalis na kami ni ninong. Nasa loob na siya ng sasakyan niya kaya pumasok na lang ako. Hindi na ako puwedeng tumanggi dahil siya ang mismong naghatid kay ate dito sa bahay. Pasasalamat ko na rin ito sa kanya. Kakaupo ko pa lang ay nagulat ako dahil lumapit siya sa akin. Kaya napapikit ako dahil ayaw kong tingnan ang gagawin niya hanggang sa naramdaman ko ang paghila niya sa seatbelt kaya nakahinga ako ng maluwag. Dahil akala ko kung ano na ang gagawin niya. Pinatakbo na niya ang sasakyan niya. Ako naman ay tahimik lang na nakaupo dito. Nakatingin ako sa labas at wala naman akong iniisip na problema. Sa totoo lang ay masaya nga ako. Masaya ako dahil sa wakas wala na akong problema sa pag-aalaga sa anak ko. Alam ko kasi na may makakasama na kami ng anak ko at alam ko na mabait siyang tao. “Daddy ninong, thank you po.” “Kanina ka pa panay ang thank you,” seryoso na naman siya. “Kasi po, dahil sa ‘yo kaya po may nagbabantay na sa anak k–” “Hindi ‘yon libre,” sabi niya sa akin. “Po?” “May bayad,” sagot niya sa akin. “Ano naman po?” tanong ko sa kanya. “Kailangan mong—”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD